Home / Romance / Six Weeks After Midnight / CHAPTER 121: "The Son I Never Knew."

Share

CHAPTER 121: "The Son I Never Knew."

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2025-09-04 20:37:15

TAHIMIK ang paligid habang nakatayo si Damon sa veranda. Hindi niya alam kung ilang segundo o minuto na siyang tulala, hawak ang cellphone sa tenga matapos ang tawag ni Cassandra. Sa loob-loob niya, parang may lumipad na baso at tumama sa dibdib niya nang marinig ang mga salitang, "I need you."

Hindi agad siya nakagalaw.

Dumungaw siya sa loob ng bahay, at doon niya nakita si Luna na nakaupo sa tabi ni Callyx sa sofa, marahang hinihele ang bata papunta sa tulog. Isang eksenang payapa. Isang mundong pinrotektahan niya ng buong-buo matapos ang lahat ng gulo nila ni Cassandra noon.

Should I tell her?

Nagtagpo ang mga mata nila ni Luna. Ngumiti ito, isang simpleng ngiti na parang nagsasabing, "I'm okay. We're okay."

At doon, bumigay si Damon.

Hindi. Hindi ngayon.

Huminga siya nang malalim, pinunasan ang pawis sa noo kahit malamig ang gabi, saka pumasok sa loob.

"Love," tawag niya, casual ang boses kahit kumakabog ang dibdib. "May emergency sa office. Investors. Kailangan daw ako sa Smith M
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Mercy Villafuerte
Damon,DNA test.pero kung anak yan ni Marcus,maaaring magka dugo kayo
goodnovel comment avatar
Lee Purple Marcus
disappointed nmn!
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
niloloko k nlng n Cassandra pra macra un ogsasama ninyu mag asawa.. naniwala k Naman.. update po ulit
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 125:

    KINABUKASAN, magkakasabay na dumulog sa dining table ang buong pamilya. Si Luna at Damon ay parehong nakaupo, kaharap si Callyx na masiglang kumakain ng pancake at naglalaro pa ng syrup sa plato. Sa unang tingin, parang normal. Pero sa ilalim ng ngiti ng bata, ramdam ang malamig na tensyon ng dalawang magulang. “Daddy, tingnan mo oh!” masiglang sabi ni Callyx, sabay pakita ng ginupit na paper rocket na ginawa niya kagabi. Napilitang ngumiti si Damon, kahit may mabigat sa dibdib. “Wow, buddy. Ang galing mo talaga. Parang totoong rocket ship na.” Natawa si Callyx, proud na proud. Si Luna, sinubukan ding ngumiti para hindi mahalata ng anak, pero hindi niya nagawang tingnan si Damon nang diretso. Iwas ang mata, iwas ang puso. Sa gilid, si Nanay Rina ay nag-aayos ng tasa ng kape. Tahimik siya pero hindi bulag. Ramdam niya ang lamig na kumakain sa pagitan ng dalawa. Sandaling nagtagpo ang mga mata nila ng anak pero umiwas ito. Matapos ang almusal, sabay nilang inihatid si Callyx sa sch

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 124: "The Betrayal.”

    TAHIMIK ang buong bahay, pero hindi matahimik ang loob ni Luna. Kanina pa siya paikot-ikot sa kama, hawak ang cellphone, paulit-ulit na chine-check kung may text o tawag si Damon. Wala.Napatingin siya sa orasan. 12:17 AM. Lagpas alas-dose na, pero hindi pa rin umuuwi ang asawa niya. Hindi rin ito nag-update. Normal kay Damon na late, pero kahit ganoon, hindi ito nakakalimot na mag-text kahit simpleng “On my way” lang.Naramdaman niya ang bigat ng dibdib niya habang hawak ang phone. Ang dami nang pumapasok na tanong sa isip niya. Busy lang ba talaga siya? O may ibang dahilan kung bakit hindi siya nagrereply?Muling nag-vibrate ang cellphone niya. Akala niya si Damon na. Pero nang makita, hindi ito message. Isang email.“Anonymous sender?” bulong niya, kunot-noo habang pinindot ang notification.Pagkabukas, nanlaki ang mga mata niya. Halos mabitawan niya ang cellphone sa nakita.Mga larawan. Mga stolen shots. Si Damon, nasa loob ng ospital. Katabi si Cassandra. At sa ibang frame, may k

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 123: " The Weight He Can’t Share."

    Blackwell Corporation — 10:00 AMTahimik ang buong opisina pero ramdam ang pressure sa hangin. Dumiretso si Damon sa boardroom, dala ang laptop at ilang folders. Nakasuot siya ng navy suit, crisp ang white shirt, pero kahit malinis ang anyo niya, halata ang pagod sa mga mata. Kahit anong pilit niyang magmukhang composed, hindi niya maitago ang bigat na bumabagabag sa isip.“Good morning, Sir Damon,” bati ni Chase nang pumasok siya. May dala itong tablet, nakaayos na ang schedule ng araw.“Morning,” tipid na tugon niya. Agad siyang umupo, nag-scroll sa laptop, at nagkunwaring abala.Pero habang tumatagal, halos wala siyang maintindihan sa mga slides na pinapakita. Ang utak niya, paulit-ulit bumabalik sa imahe ng batang nakahiga sa hospital bed kagabi. Cobbey. Ang mga tanong na iniwasan niya kagabi, mas maingay ngayong umaga.Napansin iyon ni Chase. Maingat itong lumapit, inilapag ang tablet sa mesa. “Sir, are you okay? Parang… distracted po kayo today.”Saglit na natigilan si Damon. Hi

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 122;

    CHAPTER: The Son I Never Knew---VIP Ward, Smith Medical Center — 12:07 AMTahimik ang paligid. Walang maririnig kundi ang mahinang beeping ng vital monitors at ang sipol ng air conditioning. Sa isang kwarto ng VIP wing ng ospital, dahan-dahang binuksan ni Damon ang pinto, at agad na bumungad sa kanya ang imahe ng isang batang lalaki na mahimbing ang tulog sa hospital bed.Si Cobbey.Hindi alam ni Damon kung ano ang mararamdaman habang dahan-dahan siyang lumalapit. May ilang segundo siyang nakatayo lang sa paanan ng kama, tinititigan ang bata. Kumalma ang dibdib niya nang unti-unting magsink in ang lahat. Pinagmasdan niya ito ng mabuti.Ang ilong, kapareho ng sa kanya, maging ang shape ng bibig, at salubong na kilay. Pero may kakaiba rin dahil brown ang mga mata nito, hindi tulad ng kay Callyx na grey. Ang buhok nito’y medyo wavy, parang kay Marcus noong bata pa ito.Pero kahit gaano ka-obvious ang resemblance, wala siyang maramdamang "lukso ng dugo" gaya ng sinasabi ng matatanda. Wa

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 121: "The Son I Never Knew."

    TAHIMIK ang paligid habang nakatayo si Damon sa veranda. Hindi niya alam kung ilang segundo o minuto na siyang tulala, hawak ang cellphone sa tenga matapos ang tawag ni Cassandra. Sa loob-loob niya, parang may lumipad na baso at tumama sa dibdib niya nang marinig ang mga salitang, "I need you."Hindi agad siya nakagalaw.Dumungaw siya sa loob ng bahay, at doon niya nakita si Luna na nakaupo sa tabi ni Callyx sa sofa, marahang hinihele ang bata papunta sa tulog. Isang eksenang payapa. Isang mundong pinrotektahan niya ng buong-buo matapos ang lahat ng gulo nila ni Cassandra noon.Should I tell her?Nagtagpo ang mga mata nila ni Luna. Ngumiti ito, isang simpleng ngiti na parang nagsasabing, "I'm okay. We're okay."At doon, bumigay si Damon.Hindi. Hindi ngayon.Huminga siya nang malalim, pinunasan ang pawis sa noo kahit malamig ang gabi, saka pumasok sa loob."Love," tawag niya, casual ang boses kahit kumakabog ang dibdib. "May emergency sa office. Investors. Kailangan daw ako sa Smith M

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 120: "An Unwelcome Call.”

    PARA bang rollercoaster ang pakiramdam ni Kate habang nakaupo sa harap ni Chase. First time niyang maramdaman na literal na kinakain siya ng kaba at kilig nang sabay. Naka-steak si Mr. Gwapo, seryoso kung gumamit ng knife and fork na parang nasa board meeting, habang siya naman halos hindi makatuloy-tuloy sa salad dahil abala sa pagtitig dito.Hindi kinaya ni Kate ang katahimikan. “So, Chase…” aniya, nakasandal at nakangiti. “Kapag may nag-confess ba sa’yo ng love letter, tatanggapin mo agad o magre-reply ka ng ‘noted with thanks’?”Napatigil si Chase. Halos mabilaukan sa steak. Umubo siya at nag-angat ng tingin. “That’s… unusual.”“Ay, grabe. Answerable by yes or no lang ‘yun.” Tumawa siya nang malakas. “Kasi mukha kang magre-reply ng formal email kahit love life na usapan.”Bahagyang nag-cringe si Chase, pero namula agad ang pisngi nito. Jackpot si Kate.“Maybe… noted with thanks,” sagot niya, mahina pero diretso.Halos mapasigaw si Kate sa tuwa. “Ha! Knew it! Ikaw na talaga ang pin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status