PARA bang rollercoaster ang pakiramdam ni Kate habang nakaupo sa harap ni Chase. First time niyang maramdaman na literal na kinakain siya ng kaba at kilig nang sabay. Naka-steak si Mr. Gwapo, seryoso kung gumamit ng knife and fork na parang nasa board meeting, habang siya naman halos hindi makatuloy-tuloy sa salad dahil abala sa pagtitig dito.Hindi kinaya ni Kate ang katahimikan. “So, Chase…” aniya, nakasandal at nakangiti. “Kapag may nag-confess ba sa’yo ng love letter, tatanggapin mo agad o magre-reply ka ng ‘noted with thanks’?”Napatigil si Chase. Halos mabilaukan sa steak. Umubo siya at nag-angat ng tingin. “That’s… unusual.”“Ay, grabe. Answerable by yes or no lang ‘yun.” Tumawa siya nang malakas. “Kasi mukha kang magre-reply ng formal email kahit love life na usapan.”Bahagyang nag-cringe si Chase, pero namula agad ang pisngi nito. Jackpot si Kate.“Maybe… noted with thanks,” sagot niya, mahina pero diretso.Halos mapasigaw si Kate sa tuwa. “Ha! Knew it! Ikaw na talaga ang pin
(Kate’s POV)Naranasan mo na bang magising ng alas-siyete ng umaga na parang may fireworks sa dibdib mo? Kasi ako, ganun ako ngayong araw. Hindi pa nag-a-alarm ang phone ko, gising na ako, nakatitig sa kisame, parang nagre-replay 'yung sigaw ko kagabi nung tinawagan ako ni Luna.“Double date. Damon and me… you and Chase.”Pak! Parang nanalo ako sa raffle ng lifetime supply ng milk tea. Hindi ako makapaniwala. Finally, makikita ko na ng mas malapitan si Chase—the elusive, gwapo, formal, tahimik na secretary ni Damon Blackwell. Ilang beses ko na siyang nakikita sa ospital kapag sinusundo si Luna ni Damon, pero laging tipid-smile lang siya.Pero ngayon? Blind date na itey!---Una kong ginawa? Bumangon at nag-check ng face ko sa salamin. Medyo sabog pa buhok ko, may eye bags pa, pero sabi ko sa sarili ko, “Girl, wag kang magpatalo. This is the moment.”Agad akong nag-book ng salon appointment. Nagpunta ako sa paborito kong salon sa BGC, 'yung may lavender scent at may free coffee habang
TAHIMIK ang executive office ni Damon nang matapos ang hapon na puno ng meeting. Ang city lights ay nagsisimula nang sumindi sa labas ng floor-to-ceiling glass window. Nakaupo siya sa swivel chair, nakasandal, hawak ang ballpen habang malalim ang iniisip.Kumatok si Chase at pumasok, dala ang ilang folders. “Sir, these are the finalized reports for tomorrow’s investor brief.”“Leave them there,” sagot ni Damon, tinuro ang gilid ng mesa.Tahimik na inihulog ni Chase ang mga folders, saka tumayo nang diretso, nakalagay ang kamay sa likod. Laging alerto, parang sundalo sa harap ng general.Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita si Damon. “Chase.”“Yes, Sir?” mabilis na tugon.“I need a favor.”Napatingin si Chase, bahagyang nabigla. Hindi iyon karaniwang marinig mula sa bibig ng kanyang boss. Karaniwan, puro utos, puro trabaho. Ngayon lang.“A favor, Sir?” ulit niya, para lang masigurado.Tumango si Damon. “Yes. Personal.”Nagtaas ng kilay si Chase, halos hindi sanay sa salitang person
MAAGA pa lang, nasa loob na ng Blackwell Tower si Damon. Mainit-init pa ang kape sa kamay niya habang nakatayo siya sa harap ng floor-to-ceiling glass wall sa boardroom, tanaw ang EDSA na punô ng sasakyan. Ang dating mabigat at tensyonadong aura niya ay napalitan ng mas magaan—hindi ibig sabihin ay mas lumuwag ang problema, pero halata sa mukha niya na mas malinaw ang isip.Naka-dark navy suit siya ngayon, walang tie, at ang buhok niya’y maayos na nakasuklay pa rin kahit halatang kulang sa tulog. Ang kaibahan lang, may bahagyang ngiti sa sulok ng labi niya.“Good morning, Sir,” bati ng isa sa mga senior managers habang pumapasok. Isa-isa ring nagsidatingan ang iba pa: project directors, finance team, PR, at legal. Nakaayos na sa mesa ang folders, tablets, at ilang kopya ng mga report.Tahimik ang lahat habang umupo si Damon sa head seat. Nilapag niya ang tasa ng kape at hinawi ang mangilan-ngilang papel sa harap niya. “Let’s begin.”Si Chase ang unang tumayo, may hawak na tablet. “Sir
MALAMIG pa ang simoy ng gabi nang maramdaman ni Luna na may dumampi sa kanyang pisngi, banayad, parang halik na kasing gaan ng hangin. Napangiwi siya, akala niya ay panaginip. Pero nang idilat niya ang mga mata, kahit malabo pa mula sa antok, agad niyang nakita ang pamilyar na mukha.Si Damon. Nakangiti, nakayuko, halatang pagod ang mga mata ngunit maliwanag ang kislap ng tuwa.“Love…” mahina nitong tawag.Mabilis na bumangon si Luna, halos malaglag ang kumot, at sinalubong ito ng mahigpit na yakap. “Damon!” Ramdam niya ang tibok ng dibdib nito laban sa kanya. “I missed you so much.”Niyakap siya pabalik ni Damon, parang ayaw nang bitiwan. “I missed you more, love. I had to come home. I couldn’t wait another day.”Nagkatinginan silang dalawa. Sa pagitan ng mga pilit na ngiti, may bakas ng lungkot at pananabik. Saglit na katahimikan, bago sila parehong yumuko ay nagtagpo ang kanilang labi sa isang mainit at matagal na halik, puno ng pananabik at pangungulila na ngayo’y natapos sa mulin
NANG matapos ang dinner kay Cassandra, kaagad na ring umalis si Damon sa resto. Hindi na siya nagprisinta pa na ihatid ang babae dahil ayaw niyang magkaroon pa muli ng ingay sa pagitan nila. Habang nakaupo sa backseat ay nakapikit ang mga mata ni Damon. From 6AM until 9:PM, gising na gising pa rin siya dahil sa sunod-sunod na meetings, appointments, at mga papeles na kailangang pirmahan. Sa totoo lang, exhausted na siya at pagod na pagod, kaya kung p'wede lang sanang umuwi na ay ginawa na niya. Pero malaking project ang Cebu mall expansion kaya hindi niya pwedeng basta iwan iyon sa mga tauhan niya lalo pa't may malaking problema na kinahaharap ito.Ilang minuto pa lang na nakapikit si Damon nang tumunog ang kanyang cellphone. Napabuntong-hininga siya saka dinukot ang aparato sa bulsa ng suot niyang coat. Nang tingnan niya kung sino iyon, si Chase ang lumabas sa caller ID.“Yes?” malamig na tugon niya, halatang pagod.Sa kabilang linya, si Chase, ramdam ang kaba sa boses. “Sir Damon,