Home / Romance / Six Weeks After Midnight / CHAPTER 31: "A Knock at Her Door"

Share

CHAPTER 31: "A Knock at Her Door"

Author: GennWrites
last update Huling Na-update: 2025-07-29 14:58:38

CHAPTER 31 —

South Manila Medical Hospital Monday, 9:17 PM

Tahimik na ang hallway sa psychiatric wing ng ospital. Patay na ang karamihan sa mga ilaw, maliban sa isang strip ng soft white lights sa dingding. Sa dulo ng pasilyo, nakasindi pa rin ang ilaw sa loob ng private consultation room ni Dr. Luna Herrera.

Suot pa rin niya ang kanyang cream-colored coat at nakapangalumbaba sa ibabaw ng desk, tinatapos ang notes mula sa huling pasyente. Isang tasa ng malamig na kape ang nakatambay sa tabi ng laptop. Tahimik ang paligid. Sa wakas, tapos na ang mahabang araw.

Hanggang sa may kumatok.

Tatlong sunod-sunod na katok. Malalim, mabigat.

Napatingin si Luna sa pinto. Hindi niya inaasahang may pasyente pa sa ganitong oras. Tiningnan niya ang relo. 9:17 PM.

"Come in," aniya, bahagyang naiirita.

Bumukas ang pinto.

At tumigil ang mundo ni Luna nang makita kung sino ang taong iyon— si Damon Blackwell ang nakatayo sa pintuan.

Wala na ang disguise. Wala na ang alias. Nakatayo ito ng tuwid, suot ang
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Kath Kath
update please kahit Isa pa po
goodnovel comment avatar
Kissa Bariwan
pls ms.a more update po sana thank you
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 59: “Father, Officially.”

    CHAPTER 59—Mapayapa ang umaga sa Forbes Park mansion. Ang malalaking bintana sa living area ay tinatamaan ng banayad na sinag ng araw, at mula sa kusina, naamoy na ni Luna ang bagong timplang kape ni Nanay Rina.Nasa mesa si Callyx, kumakain ng pancake na may smiley face na gawa sa saging at syrup. Hindi maalis ang ngiti ng bata habang hawak ang maliit na toy car na bigay ni Damon kahapon.“Mommy,” bungad niya habang ngumunguya, “is Tito Damon coming today?”Napatingin si Luna sa anak, bahagyang nagbuntong-hininga. “Maybe. Why?”“Because he said we’re going to the park this weekend. I wanna remind him.”“Baby, you don’t need to remind him every day,” mahinahong sagot ni Luna. “He remembers.”Pero kahit paano, nakita niya sa mukha ng anak ang kasabikan — isang kasabikang hindi na niya kayang pigilan o kontrahin.---Late morning, dumating si Damon na naka-dark blue button-down at walang kasamang bodyguards, pero halatang may sasakyan siyang naghihintay sa labas. Agad na tumakbo si Cal

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 58: ”The Question She Can't Answer."

    CHAPTER 58—Payapa ang buong mansion nang gabing iyon. Sa labas ng mga bintana, tanaw ni Luna ang maayos na landscape ng hardin, ang mga ilaw na nakatago sa paanan ng mga puno, at ang matataas na pader na pumapalibot sa property. Isang parte ng Forbes Park na malayo sa ingay ng lungsod, pero ngayong gabi, parang kahit katahimikan ay may bigat.Nasa silid siya ni Callyx, nakahiga sa tabi ng anak. Mahina lang ang ilaw mula sa night lamp na hugis buwan - regalo ni Damon noong nakaraang buwan, kahit ayaw niya sanang tanggapin. Pero sabi ni Callyx, mas mabilis daw siyang makatulog kapag iyon ang nakabukas.Nakaipit sa braso niya ang stuffed dinosaur na paborito rin nitong bigay ni Damon."Mommy..." Mahina ang boses ni Callyx, parang nag-aalangan kung dapat bang magsalita."Hmmm?" sagot ni Luna, marahan niyang hinaplos ang buhok ng anak."Can I ask you something?"Napatingin siya agad. Sa tono ng anak niya, alam niyang hindi ito simpleng tanong lang tungkol sa assignments o laruan. "Of cour

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 57: “Shifting Priorities.”

    CHAPTER 57 —Tahimik ang loob ng Blackwell mansion nang gabing iyon. Maliban sa banayad na tunog ng grandfather clock sa hallway, halos walang maririnig. Sa study room sa ikalawang palapag, nakaupo si Damon sa likod ng malaking dark oak desk, nakasandal sa leather chair. Nasa tabi niya ang isang baso ng whiskey na hindi pa niya nagagalaw mula pa kaninang hapon.Sa kabilang side ng mesa, nakatayo si Chase Yu, hawak ang tablet at may bukas na folder ng printed screenshots ng mga artikulo mula sa iba’t ibang gossip blogs.“Sir,” panimula ni Chase, mababa ang boses, “we’re looking at about twenty-three blog posts and six online news outlets na nag-pick up ng photo. The PR team has already filed multiple takedown requests, pero you know how it works — screenshots are everywhere.”Tumango lang si Damon, mabigat ang tingin sa baso ng whiskey na hawak niya pero hindi pa rin iniinom.“Kung gusto niyo, we can control the narrative,” pagpapatuloy ni Chase. “We issue a press release. Not denying,

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 56: ”Fragile Peace

    CHAPTER 57 – Presko ang hangin sa loob ng campus ng St. Jude Academy, pero para kay Luna, parang may mabigat na ulap sa ibabaw niya. Maaga pa siya dumating para sunduin si Callyx. Nakatayo siya sa lilim malapit sa pick-up area, hawak ang strap ng shoulder bag, habang pinagmamasdan ang mga batang isa-isang lumalabas mula sa main gate kasama ang kanilang guro.Pero kahit hindi niya gustong aminin, alam niyang naroon din si Damon. Naka-park ang itim nitong SUV hindi kalayuan, naka-dark blue polo at sunglasses, parang walking headline. Alam ni Luna na kilala ito saanman magpunta — lalo na sa mga magulang dito sa St. Jude. At iyon ang kinakatakot niya.Hindi sila magkasama sa iisang bahay. Oo, tumira siya kasama sina Nanay Rina, Yaya Mariel, at Manang Tess sa mansion na binili ni Damon sa Forbes Park, pero nasa kabilang kanto lang ang mansion ng mga Blackwell kung saan umuuwi si Damon kasama ng ama nitong si Alfredo. Malapit, pero may malinaw na pader sa pagitan nila — pader na pilit niya

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 55: "Even From the Sidelines.”

    CHAPTER 55 – "Because I know you won't ever live with me under one roof. And I won't force you. But I also can't stand seeing you live in a place where you don't feel safe. This is yours now. Walang cameras, walang media. It's fully paid."Napatawa si Luna. Hindi dahil natuwa siya. Kundi dahil hindi niya alam kung dapat ba siyang magalit o maiyak."You can't buy your way into forgiveness, Damon.""I'm not buying forgiveness. I'm trying to start... somewhere. Kahit sa gilid lang ng mundo mo."Tahimik na naglakad si Luna papasok ng bahay. Sa bawat hakbang ay parang may tanong sa isip niya na hindi niya kayang itanong nang malakas. Pinagmasdan niya ang paligid. Maaliwalas. May modernong kusina na simple pero elegante, isang playroom na puno ng soft toys at mini-bookshelves, at sa isang sulok ng living area ay may maliit na reading nook na may cushioned seat at floor lamp.Sa ibabaw ng mesa, may drawing frame na gawa sa crayons. Kulay-kulay. Drawing nila ni Callyx."You put this here?""

  • Six Weeks After Midnight    CHAPTER 54: "The House That Waited.”

    CHAPTER 54 - Herrera Residence, Quezon City- Thursday, 7:49 PM---Pagkabukas ng pinto ay naamoy agad ni Luna ang bagong lutong sinigang. Tahimik siyang naglakad papasok, may bitbit na envelope sa isang kamay habang ang kabila'y hinahagod ang batok."Anak?" tanong ni Nanay Rina mula sa kusina nang makitang dumating na ang anak. "Kanina ka pa inaantay ni Callyx, nakatulog na siya sa kakahintay sa'yo."Hindi agad sumagot si Luna saka inilapag ang envelope sa mesa. Umupo siya sa lumang upuan na parang biglang naging masyadong malambot para sa bigat ng araw niya. Sandaling namayani ang nakabibinging katahimikan sa pagitan ng mag-ina hanggang sa si Luna na rin ang unang bumasag niyon."Nay... kasal na po kami."Napalingon si Nanay Rina, natigilan, habang hawak pa ang sandok."Ha?""Kanina po. Civil wedding..."Hindi agad nakapagsalita si Nanay Rina. Bumaba ang tingin nito sa envelope na hawak ni Luna."Hindi mo man lang sinabi, anak?""Ayoko pong masaktan kayo. Kasi hindi 'to normal na ka

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status