CHAPTER 57 —Tahimik ang loob ng Blackwell mansion nang gabing iyon. Maliban sa banayad na tunog ng grandfather clock sa hallway, halos walang maririnig. Sa study room sa ikalawang palapag, nakaupo si Damon sa likod ng malaking dark oak desk, nakasandal sa leather chair. Nasa tabi niya ang isang baso ng whiskey na hindi pa niya nagagalaw mula pa kaninang hapon.Sa kabilang side ng mesa, nakatayo si Chase Yu, hawak ang tablet at may bukas na folder ng printed screenshots ng mga artikulo mula sa iba’t ibang gossip blogs.“Sir,” panimula ni Chase, mababa ang boses, “we’re looking at about twenty-three blog posts and six online news outlets na nag-pick up ng photo. The PR team has already filed multiple takedown requests, pero you know how it works — screenshots are everywhere.”Tumango lang si Damon, mabigat ang tingin sa baso ng whiskey na hawak niya pero hindi pa rin iniinom.“Kung gusto niyo, we can control the narrative,” pagpapatuloy ni Chase. “We issue a press release. Not denying,
CHAPTER 57 – Presko ang hangin sa loob ng campus ng St. Jude Academy, pero para kay Luna, parang may mabigat na ulap sa ibabaw niya. Maaga pa siya dumating para sunduin si Callyx. Nakatayo siya sa lilim malapit sa pick-up area, hawak ang strap ng shoulder bag, habang pinagmamasdan ang mga batang isa-isang lumalabas mula sa main gate kasama ang kanilang guro.Pero kahit hindi niya gustong aminin, alam niyang naroon din si Damon. Naka-park ang itim nitong SUV hindi kalayuan, naka-dark blue polo at sunglasses, parang walking headline. Alam ni Luna na kilala ito saanman magpunta — lalo na sa mga magulang dito sa St. Jude. At iyon ang kinakatakot niya.Hindi sila magkasama sa iisang bahay. Oo, tumira siya kasama sina Nanay Rina, Yaya Mariel, at Manang Tess sa mansion na binili ni Damon sa Forbes Park, pero nasa kabilang kanto lang ang mansion ng mga Blackwell kung saan umuuwi si Damon kasama ng ama nitong si Alfredo. Malapit, pero may malinaw na pader sa pagitan nila — pader na pilit niya
CHAPTER 55 – "Because I know you won't ever live with me under one roof. And I won't force you. But I also can't stand seeing you live in a place where you don't feel safe. This is yours now. Walang cameras, walang media. It's fully paid."Napatawa si Luna. Hindi dahil natuwa siya. Kundi dahil hindi niya alam kung dapat ba siyang magalit o maiyak."You can't buy your way into forgiveness, Damon.""I'm not buying forgiveness. I'm trying to start... somewhere. Kahit sa gilid lang ng mundo mo."Tahimik na naglakad si Luna papasok ng bahay. Sa bawat hakbang ay parang may tanong sa isip niya na hindi niya kayang itanong nang malakas. Pinagmasdan niya ang paligid. Maaliwalas. May modernong kusina na simple pero elegante, isang playroom na puno ng soft toys at mini-bookshelves, at sa isang sulok ng living area ay may maliit na reading nook na may cushioned seat at floor lamp.Sa ibabaw ng mesa, may drawing frame na gawa sa crayons. Kulay-kulay. Drawing nila ni Callyx."You put this here?""
CHAPTER 54 - Herrera Residence, Quezon City- Thursday, 7:49 PM---Pagkabukas ng pinto ay naamoy agad ni Luna ang bagong lutong sinigang. Tahimik siyang naglakad papasok, may bitbit na envelope sa isang kamay habang ang kabila'y hinahagod ang batok."Anak?" tanong ni Nanay Rina mula sa kusina nang makitang dumating na ang anak. "Kanina ka pa inaantay ni Callyx, nakatulog na siya sa kakahintay sa'yo."Hindi agad sumagot si Luna saka inilapag ang envelope sa mesa. Umupo siya sa lumang upuan na parang biglang naging masyadong malambot para sa bigat ng araw niya. Sandaling namayani ang nakabibinging katahimikan sa pagitan ng mag-ina hanggang sa si Luna na rin ang unang bumasag niyon."Nay... kasal na po kami."Napalingon si Nanay Rina, natigilan, habang hawak pa ang sandok."Ha?""Kanina po. Civil wedding..."Hindi agad nakapagsalita si Nanay Rina. Bumaba ang tingin nito sa envelope na hawak ni Luna."Hindi mo man lang sinabi, anak?""Ayoko pong masaktan kayo. Kasi hindi 'to normal na ka
CHAPTER 53 – Blackwell Tower, 17th Floor Executive Suite – Friday, 9:08 AMTahimik ang buong opisina. Ang glass walls na karaniwang nagbibigay ng commanding view ng lungsod ay mistulang walang saysay sa mga oras na iyon. Nakatulala si Damon sa isang punto sa labas, pero wala naman siyang tinitingnan. Nasa harap niya ang kopya ng kasunduan — pirma niya, pirma ni Luna, at petsa kung kailan sila dapat ikasal. Isang taon. Isang taon ng kasinungalingang legal.He didn't know which part stung more — the fact that Luna called him an abuser, or the fact that he couldn't deny it.Sa likod ng katahimikang iyon ay naroon si Chase, maingat na naglalakad papalapit. Bitbit niya ang tablet na may nakabukas na calendar."Sir Damon," mahina nitong tawag. "Nakausap ko na po si Atty. Lacson. The earliest civil wedding schedule we can get privately is next Thursday, 11:30 AM. Discreet venue, no media, off-record."Tumango si Damon, mabigat ang bawat kilos. "Book it.""Yes, Sir. Shall I notify Ms. Herrer
CHAPTER 52 – For a long moment, walang gumalaw sa pagitan nilang dalawa. Si Damon ay nanatiling nakatayo, habang si Luna ay muling naupo, nakaharap sa kanya na tila hindi alintana ang bigat ng sinabi niya.One year, then divorce, then full custody.Parang malakas na hampas ng alon ang bawat salitang iyon kay Damon. Paulit-ulit. Sumasampal sa alaala, sa konsensiya, sa damdamin niyang unti-unti nang natutong magmahal sa batang hindi niya man lang namalayang sa kanya pala nanggaling.Gusto niyang tumutol. Gusto niyang magpaliwanag. Gusto niyang tanungin kung bakit ganoon kabigat ang galit ni Luna sa kanya. Pero wala siyang nagawa kundi ang tumango."Fine," mahina niyang tugon. "Kung 'yan ang kailangan para maging maayos ang buhay ni Callyx, tatanggapin ko."Hindi umimik si Luna. Ni hindi siya tumingin kay Damon. Tahimik nitong binuksan ang envelope, inilabas ang kopya ng kasunduan na siya rin ang gumawa. Nakasaad doon ang mga kondisyon, kasal sa loob ng isang taon. Walang intimacy, wala