Share

Chapter 63

Allana Pov

"Aahhh!!!" lahat ng mga bagay na makita ko sa aking paligid ay dinadampot ko at ibinabato sa dingding. Gusto kong ilabas ang galit na aking nararamdaman. Gusto kong pumatay ng tao. At ang taong iyon ay walang iba kundi si Savina. Para tuluyan na siyang mawala sa landas ko at lalong-lalo na sa landas ni Desmon.

Pinuntahan ko kanina sa bahay niya si Desmon para pag-usapan namin kung ano ang balak niyang gawin sa pack ng natalo naming kalaban na si Alpha Dorco. Sumuko ang mga kawal niya nang matapos mapatay ni Desmon ang kanilang alpha. Malaki nga ang panghihinayang ko kung bakit hindi pa tuluyang napaslang ni Alpha Dorco si Savina. Pagdating ko sa bahay niya ay sinabi sa akin ni Marsha na nasa loob ng silid ni Savina si Desmon. Palagi raw itong nasa loob ng babaeng iyon at hinihintay na magkamalay ito.

Para mailigtas ni Desmon ang buhay ng witch na iyon ay sinalinan niya ito ng kanyang dugo. Mahigpit kong tinutulan ang gustong mangyari ni Desmon ngunit sa huli ay wala pa rin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status