Share

Chapter 62

Savina Pov

Nasa isang lugar ako na tanging kadiliman lamang ang aking nakikita. Hindi ko tuloy alam kong napikit ba ako o nakadilat ang aking mga mata. Sobrang dilim at tahimik ng paligid. Nakakatakot. Naalala ko ang nangyari sa akin kaya naisip ko na ito na yata ang hantungan ng mga namatay na. Pero ayoko ritong mag-isa.

"Ama? Ina? Juni?" malakas na tawag ko sa aking mga magulang at nag-iisang kapatid. Patay na sila kaya dapat nandito sila ngayon at sinasalubong ako. Pero bakit wala sila? Bakit hindi ko sila makita? "Ina! Ama! Juni! Nasaan kayo?" muli kong tawag sa kanila. Ngunit gaano man kalakas ang boses ko sa pagtawag sa kanilang pangalan ay wala pa ring sumasagot sa akin.

Kahit na hindi ko nakikita ang aking paligid ay nagpasya akong maglakad at baka makakita ako ng liwanag sa ibang dako.

"Savina..."

Biglang nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na iyon na pinanabikan kong marinig. Kahit matagal na siyang patay ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang kanyang tinig.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status