Share

CHAPTER 1

{Yna's POV}

"Damn it!" 

Napasinghap ako nang tumilapon sa harap ko 'yong pagkain na 'niluto ko para kay Hace.

"How many times do I have to remind you na ayaw ko ng ma-alat?!"

"Sakto lang naman 'yung-" naputol ang anu mang sasabihin ko nang tumayo ito sa harap ko at ibinuhos sa'kin ang isang basong tubig. Natigagal ako. Parang pinipiga ang puso ko pero ayaw ko'ng umiyak.

Magtataka pa ba ako?

Hindi.

Nasanay na ako na lagi siya'ng naghahanap ng dahilan para magalit sa'kin. Para masaktan ako. Hobby na yata n'ya ang saktan ako nang paulit-ulit.

Pero wala ako'ng magawa kun'di ang tanggapin ang anu'mang pasakit na ibibigay niya. Ang mahalaga ay makasama ko s'ya.

"Kahit kailan napakatanga mo talaga!"

"I'm sorry," nakayukong saad ko.

"Sorry? Hoy tanga, hindi na mababago ng sorry mo ang nangyari!" tiim bagang na bulyaw niya sa'kin.

"Ano pa ba ang gusto mo'ng gawin ko?"

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas upang magsalita nang ga'nun.

"Ha-halos inalipin mo na ako Hace, buong buhay ko nasa'yo na, lahat ng gusto mo ginagawa ko, wala na ako'ng itinira sa sarili ko,"

Dugtong ko pa.  Ayaw ko'ng umiyak pero this time sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko. Napapahikbi na din ako.

Nakakapagod na. Pagod na ako. Hindi ko namalayan na napa-upo na ako sa sahig. Yug-yog ang balikat sa pag-iyak.

"Pagod kana? P'wes magdusa ka! Nagsisimula palang ang kalbaryo mo Yna. Dudurugin kita hangga't nararamdaman mo 'yong sakit, tandaan mo 'yan."

Iyon lamang at tinalikuran na niya ako.

•••••

"YNA!"

Sigaw ni Hace papasok sa bahay. Kakarating lang niya. Mag a-alas dose na ng hating gabi at alam ko'ng pag-iinitan na naman niya ako. kung hindi ako nagkakamali ay lasing na naman siya.  Dali-dali na akong bumaba ng hagdan upang salubungin siya.

"Hace, ba-ba't ngayon kalang?"

Natigilan ako nang makitang namumula ang mukha niya sa kalasingan.

"Wala kang pa--pakialam-"

Pasalampak itong naupo sa sofa at napapikit. Napalunok ako. Pagkuwa'y nilapitan s'ya upang alalayan papasok sa k'warto niya. Hinawakan ko siya sa braso at tinulungang tumayo pero tinampal niya 'yung kamay ko'ng nakahawak sa braso niya.

"Bakit ka ba Kasi naglasing? 'Yan tuloy, buti nalang walang nangyaring masama sa'yo."

Nag-aalala parin ako sa kabila ng mga pananakit na ginagawa niya physically and emotionally. After all,

I love him.  I love him more than I love myself.

Na kahit ano pa'ng gawing pananakit at pang-iinsulto niya sa pagkatao ko, I still manage to smile every time I saw him.

His eyes that full of unexplained emotions, his pointed nose, his lips, his smile, everything about him. I really love him ever since.

Na dahilan kung bakit ako sunod nang sunod sa kan'ya kahit alam ko'ng may girlfriend na siya.  Kahit alam ko'ng malabo na. But I didn't expect na 'yung obsession ko sa kan'ya ay siyang magiging dahilan upang mapawi ang mga ngiti sa labi niya.

I changed him.  I changed an angel into a demon one. And I'll do everything para mahalin niya ako.

I know na hindi ko na ma-ibabalik ang buhay ng babaeng pinakamamahal niya. And it hurts me a lot! I want him. But I can't do anything to make him happy. Though, he's my happiness. My only world. At kakayanin ko. Oo. Kakayanin ko lahat ng sakit. Maibsan lang 'yung sakit na nararamdaman niya sa puso niya.

Hinaplos ko 'yung pisngi niya. Alam kong naglalakbay na 'yung diwa niya sa pagtulog. I kissed his forehead.

"Mahal na mahal kita Hace,"

Kasabay 'nun ang pagmulat ng mga mata niya, diretsong nakatitig sa'kin ang kulay abong mga mata niya.

I don't know what to say. Para akong istatwa na nakayuko sa mukha niya.

Ramdam ko 'yung init ng hininga niya. Hinihintay ko na sampalin niya ako. Pero hind nangyari.

Perhaps,

He kissed me. Hinalikan niya ako sa labi dahilan upang bumilog ang mga mata ko. Then suddenly, I closed my eyes and kissed him back.

Halo-halo'ng emosyon ang nararamdaman ko nang mga oras na 'yun.

Magkahalo'ng tuwa at takot. Tuwa, dahil finally, naramdaman ko 'yung init ng halik ng lalakeng mahal ko.

Takot, dahil ayu'kong mamulat sa katotohanan na lasing lamang siya kaya niya nagawa 'yun.

I know na kapag bumalik na siya sa realidad ay sasaktan na naman niya ako. Ayu'kong samantalahin ang kalasingan n'ya. Pero traidor 'yung puso ko.

Naramdaman ko 'yung kamay niya na humahagod sa likod ko. Bahagya akong napa-igtad nang pumaloob ito sa t-shirt ko at naramdaman ko 'yung init ng palad niya.

I heard him moaned. Calling out someone's name.

"Sol,"

Then I stopped him. Ang sayang naramdaman ko kanina ay napalitan ng sakit. Sakit na ilang ulit ko nang naramdaman sa kan'ya pero hindi namamanhid ang puso ko.

Reality hits me. That the man I'm kissing with, the man I love, is not loving me back.

Kumalas ako sa yakap niya at tumayo. Sabay ng pagpunas ko ng luhang traidor na nangilid sa magkabila'ng pisngi ko.

"Bakit ga'nun?" Bulong ko habang umiiyak.

"Bakit kahit anong sakit ang maramdaman ko, hindi parin kita matiis, sobra'ng nasasaktan na ako Hace," napahagul-gol na ako at patuloy na nagsalita.

"Pero sabi ko nga, kakayanin ko,"

Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ko. Para na ako'ng baliw habang nakatitig sa mukha niyang ngayon ay natutulog na pagkuwa'y napabuntong hininga.

Bahagya ako'ng umupo sa paanan niya para hubarin ang sapatos niya. 

Pagkatapos ay kumuha ng kumot sa 'taas para kumutan siya. Inayos ko 'rin muna 'yung higa niya para naman kahit papa'nu ay kumportable siya sa pagtulog. Pagkatapos ay pumasok na ako sa bodega kung 'san ako p'wedeng matulog.

You read it right. Sa bodega ako natutulog. 'Yun kasi ang gusto ng mahal na prinsipe. Alam kong sinadya niya 'yun.  Isa 'yun sa mga parusa niya sa'kin.

KINABUKASAN,

Sobra'ng sama ng pakiramdam ko pero kailangan ko'ng bumangon para magluto. Ewan ko kung bakit sobra'ng bigat ng ulo ko. Nahihilo rin ako.

Sinubukan kong bumangon pero napapahiga ulit ako sa matigas na higaan ko.

{Hace's POV}

"Shit!"

Nagising ako na sobra'ng sakit ang ulo due to hang over.  Sa sala pala ako nakatulog. Saglit ako'ng napasandal sa sofa at pumikit ng kun'ti pagkuwa'y tumayo na at pumanhik sa 'taas upang maligo. Pasado alas otso na ng umaga.

After ko maligo ay dali-dali ako'ng nagbihis dahil nakaramdam ako ng gutom. 

But what the hell? Pagbaba ko ng kitchen ay walang kahit na ano'ng pagkain na nakahain.

"Shit, Yna!" Sigaw ko na nag echo sa buo'ng bahay.

"Kung kailan pa nagugutom na ako oh! Na'san na ba 'yong b'wesit na babaeng 'yun?"

Tumungo ako sa sala. Ilang beses ko pang tinawag ang pangalan niya pero wala'ng sumasagot. Like, wtf? Sinasagad talaga ako ng babae'ng 'yon. Tinungo ko 'yong bodega kung 'san ito natutulog. Hmn! Alam ko kasi na takot siya sa ipis at daga kaya sinadya ko'ng sa bodega siya patulugin.

She deserves it. Kinalabog ko 'yong pintoan ng bodega ng ilang beses.

"Yna! Ano'ng oras na hindi kapa nakapagluto?!"

Nanggagalaiti na ako sa galit. Humanda talaga sa'kin ang babaeng 'yon oras na buksan nito 'yong pinto.

*Bog!bog!bog!* Halos gibain ko na ang pintoan pero wala parin. Hanggang sa nakarinig ako ng isang daing at pagkatapos ay isang malakas na kalabog na para bang may isang malaking bagay na nahulog o natumba.

Napatigil ako sa pagkatok at pinakinggan ang kung anu'mang ingay sa loob. Bahagya ako'ng napalunok. Salubong ang kilay na kumatok ulit. I don't know but I felt something bad na hindi ko ma-explain sa loob ko.

"Yna!"

Sabay ng huling katok ko ay ang pagbukas ng pinto. Ang kaninang galit na naramdaman ko ay hindi ko na makapa. Para akong istatwa na nakatingin lang sa mukha niya. She looked pale. Pero anong pakialam ko?

She's mine. She's all mine. And I can do everything I want to do with her. I can also kill her if I want to. But this is not the right time. Kaya hindi dapat ako makaramdam ng awa sa kan'ya. Not even a little bit.

"Hace, pa-pasensya kana. Masama kasi ang pakiramdam ko."

I smiled.  Gusto ko 'yan. Ang mahirapan siya.

"So anu ngayon? Sino ang magluluto? Ako?"

"Hindi, s'yempre ako 'yong magluluto."

Mabilis na sagot nito at nagpatiyuna na papunta'ng kusina. Sinundan ko siya ng tingin. Para nga siyang nangangapa habang naglalakad. Sumunod na lamang  ako sa likod niya.

Its payback time.

"Wala na palang laman ang ref. Ma-malengke ka muna." Utos ko sa kan'ya.

Napatigil naman siya sa ginagawa pagkuwa'y napatingin sa gawi ko.

"May reklamo ka?" Nakangiting hamon ko pa.

"Wa-wala. Ah si-sige, magbibihis lang ako."

Isang mapaklang ngiti ang pinakawalan ko bago siya tuluyang nawala sa paningin ko.

{Yna's POV}

God, kayo na po ang bahala sa'kin. Nan'dito ako ngayon sa palengke.

Pakiramdam ko anuma'ng oras ay matutumba ako dahil sa hilo. Dag-dag pa ang ingay sa paligid. Sobra'ng sama na talaga ng pakiramdam ko.

Para akong tanga na napapakapit sa mga manggas ng damit ng mga taong dumadaan sa tabi ko. Hangga'ng sa, tuluyan nang umikot ang paligid ko.

Napatumba ako ngunit hindi ko naramdaman na bumagsak ako sa semento sapagka't tuluyan na akong nawalan ng ulirat.

•••••

NAGISING ako na may mga tao'ng nakapaligid sa'kin.

"H-hace?" Napabangon ako nang mahagip ng mga mata ko si Hace, pero dahil sa mga tao'ng nagkumpulan ay bigla na lamang ito'ng nawala. Siguro ay na malik-mata lamang ako.

Bahagya ako'ng napalingon at 'nun ko napagtanto na nakahilig pala ako sa isang lalake. Pagkuwa'y tumayo ito at inilahad ang kanang kamay upang tulungan ako'ng tumayo. Medyo masama parin ang pakiramdam ko. Pero kailangan ko'ng tumayo sapagka't masyado na ako'ng naka-tawag pansin sa mga tao'ng nan'dun.

Tinanggap ko 'yung kamay nito at dahan-daha'ng tumayo. Unti-unti na din nagsi-alisan ang mga tao na kanina'y nakapalibot sa'min.

"Are you okay?" Kunot ang noo'ng tanong ng estranghero na ngayon ay bahagyang nakayuko sa mukha ko.

"Pa-pasensya kana, masama kasi ang pakiramdam ko." Bahagya ako'ng napahawak sa sentido ko nang maka-ramdam na naman ng kaunting hilo. Agad naman ako'ng hinawakan ng lalake sa braso at inakay. Napatigil kami sa harap ng isang itim na sasakyan.

"Uhm, if you want p'wede kitang ihatid sa inyo." Alok pa nito. Hindi ako nakaimik.  After all, he is still a stranger.

"Look, kung iniisip mo na masamang tao ako, then you're wrong. I just wanna help you. Sa gan'yan kasing kalagayan mo mukhang hindi mo kakayanin umuwi mag-isa. I insist."

Tama nga ito. Talagang 'di ko kakayanin. Dahil sa sama ng pakiramdam ko ay pumayag ako'ng ihatid ng estranghero sa bahay ni Hace.

Binigay ko dito ang exact address ng bahay at ilang minuto lang ay narating namin 'yon.

Agad ito'ng bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Pakiramdam ko anuma'ng oras ay babagsak na naman ako kaya nanatili ako'ng nakaupo sa frontseat.

Then he asked me;

"May kasama kaba dito sa bahay?"

Isang tango lamang ang naging sagot ko dito.

Then lumapit ito sa gate at nag door bell.

Bumukas 'yon at ini-luwa si Hace. Seryuso ang mukha at mukhang manunuklaw anuma'ng oras.

Walang anu-ano'ng lumapit si Hace sa sasakyan at hinablot  ako sa braso.

Nakita ko'ng kumunot ang noo 'nung estranghero pagkakita sa inakto ni Hace.

"Excuse me pare ah, pero p'wede bang dahan-dahan naman? Masama kasi ang pakiramdam ng kapatid mo eh."

Bahagyang napa-tigil si Hace. Tiim bagang na nilapitan nito 'yong lalake.

Magkasintangkad silang dalawa. Hawak parin ni Hace ang kanang braso ko.

"She's not my sister, she's mine, 'coz she is my SLAVE. So back off!"

'Yon lang at inakay na naman ako papasok sa bahay. Pagkuwa'y itinulak niya ako sa sofa sa sala, pakiramdam ko ay lalong umalog ang ulo ko at nadagdagan ang hilong nararamdaman ko.

'She is my slave,'

Paulit-ulit na nag echo sa isip ko ang sinabi niya'ng 'yon.

It hurts me a lot.

Again. How I wish na sana bumigay na 'yong katawan ko, na sana mawala na ako,

Kasi,

I'm living with a heartless demon that I love the most. And it feels like hell.

Napatingala ako sa kanya na ngayon ay lakad dito lakad doon ang gina-gawa. Hindi ko alam kung anu ang iniisip niya.

'Galit ba siya?'

Balisa?

Ewan.

Pero hindi na ako natatakot na masaktan niya ako ulit. Mula ngayon, wala na ako'ng pakialam. Wala na ako'ng pakialam sa sakit,

pipilitin ko'ng maging manhid ang puso ko, para sa lalake'ng mahal ko.

•••••

KAHIT sobra'ng sama ng pakiramdam ko ay pinilit ko parin ang katawan ko sa gawaing bahay. Ipinagluto ko si Hace saka nilabhan ang mga damit niya. Kasalukuyan ako'ng naglilinis ng bathroom niya nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin.

Para akong baliw na humarap sa sarili ko sa salamin pagkuwa'y ngumiti. Naalala ko 'yong paghalik ni Hace sa'kin.

Wala sa sarili'ng nahaplos ko 'yong labi kong bahagyang maputla. Natutuwa man ay hindi parin mababago ang katotohanan na si Solenn ang iniisip niya 'nung gabing 'yun.

"Solenn."

Mahinang sambit ko sabay nang pagtulo ng luha sa magkabilang pisngi ko.

Si Solenn, ang babaeng pinakamamahal ng lalakeng mahal na mahal ko. Si Solenn ang babaeng nasagasaan ni Martyl, or should I say Kuya Martyl.

My brother.

Na inakala ni Hace na sinad'ya ng pamilya namin para lang ma pasa'kin siya.

But the truth is, wala ako'ng alam. Hindi ko alam. Hanggang ngayon ay hindi malinaw sa'kin kung anu nga ba ang totoo.

Sa sobra'ng pagmamahal ko kay Hace ay nakalimutan ko 'yung pagkatao ko. Nakalimutan ko'ng babae ako. Na hindi gawain ng isang babae ang maghabol sa isang lalake. Nag ala-masokista ako, na kahit sobrang nasasaktan na ay pinagsiksikan ko parin ang sarili ko kay Hace. Na kahit sukang-suka na siya sa pagmumukha ko ay pilit ko parin siyang sinusundan kahit saan. Kahit alam kong kasama niya si Solenn.

Parang pinipiga ang puso ko everytime na nakikita ko siyang masaya kasama si Solenn. Naisip ko, bakit hindi niya ako kayang mahalin? Ano'ng me'ron si Solenn na wala ako?

'FLASHBACK'

Nasa dance floor si Solenn at Hace 'nung mga oras na 'yun. Sweet na sweet na sumasabay sa musika. Habang ako ay tahimik na nakamasid sa 'di kalayuan na mesa.

Nakailang lagok na ako ng tequila kung kaya't ramdam ko na din ang tama 'non sa'kin. 'Maya lang ay nakita ko'ng naupo si Solenn at mukhang nagpaalam saglit si Hace.

'Dun ko siya sinundan.

I followed him hanggang sa madilim na bahagi ng bar. Mukhang may tatawagan siya sapagka't dinukot niya 'yung cellphone niya sa bulsa.

Lasing ako pero hindi pa gaanu. Lumapit ako at niyakap siya mula sa likuran. Halatang nagulat siya at agad na lumingon.

"Hace, I love you."

Sambit ko sabay yakap sa kan'ya.

"Yna anu ba? Stop it!"

Pilit niya'ng tinatanggal ang mga kamay ko na nakapulupot sa leeg niya.

"Shit! Yna get off me!"

Sabay tulak sa'kin dahilan  na napaupo ako sa sahig. Sabay 'nun ang pag-alis niya.

'END OF FLASHBACK'

I smiled bitterly. Ga'nun siya ka allergic sa'kin.

Para bang may isang malubhang sakit ako na hindi p'wedeng dumikit sa kan'ya. Pero kabaliktaran 'nun,

His presence is my happiness, his smile is my strength, and he, himself is my world.

But I?

I maybe a nightmare to him, I maybe a trash that's need to dispose,

I am nothing, but a piece of shit to his life, who doesn't deserve to love and be loved.

Sobrang bigat sa pakiramdam. Na anuma'ng oras ay sasabog na sa sakit.

Ang laki na nang 'pinagbago ko. Lalo na ng hitsura ko'ng napapabayaan na.

Wala na 'yung dating Yna na malakas ang loob.

Dating Yna na matapang.

'Yung dating Yna na magagandang damit ang suot kahit pa pinapagalitan lang palagi ng mga magulang dahil sa pangungutang ng pambili ng damit.

Napalitan 'yon ng isang

Mahina at ni hindi makapag bihis ng maayos. Paanu ba naman ako makapagbihis ng maayos sa sobrang dami ng gawaing bahay.

Pinaalis ni Hace ang dalawang kasambahay nila para lang ako ang sumalo lahat ng gawaing bahay. Sinadya niyang pahirapan ako para makaganti.

Kung iniisip niyang susuko ako dahil lang sa sakit at pagod na binibigay niya sa'kin, nagkakamali siya.

I'll try my very best para kayanin lahat. I know na darating ang panahon na mapapagod 'din siya.

At hihintayin ko ang araw na 'yun.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at lumabas na ng bathroom. I still have so many things to do.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status