Marrying the cold-blooded Russian Mafia Boss

Marrying the cold-blooded Russian Mafia Boss

last updateПоследнее обновление : 2025-03-22
От :  Binibining_mary24В процессе
Язык: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Рейтинг. 1 Обзор
4Главы
294Кол-во прочтений
Читать
Добавить в мою библиотеку

Share:  

Report
Aннотация
Каталог
SCAN CODE TO READ ON APP

Maurine Elizabeth Lopez is a young, innocent girl who has been deceived by the man she loves. Bullied by her stepsister and betrayed by her stepmother, she finds herself sold to settle a debt. Mikhail Esteban Rostova, a notorious and cold-blooded Russian mafia boss, takes her. Everyone assumes that Mikhail will dispose of her as he pleases. However, to save her life, Maurine pleads for mercy and deceives Mikhail, leading him to believe that she is in love with him and willing to do anything for him. She knows she cannot afford to die without exacting revenge on those who have tormented her. Mikhail believes her and spares her life. However, he insists that she marry him and bear his children. With no other options available, she reluctantly accepts his proposal, recognizing that marrying a cold-blooded Russian mafia boss might be her only chance for survival. This time, Maurine is determined not to let anyone deceive or bully her. She plans to use Mikhail to achieve her revenge and nothing more. After she is done with him, she will dispose of him before he will dispose of her. However, dealing with a powerful man was not as easy as she imagined it would be. Since Mikhail is willing to murder and flip the world upside down if ever she ran away!

Узнайте больше

Chapter 1

Chapter 1

HINDI makapaniwala si Maurine sa kanyang mga narinig mula sa bibig ng kanyang kasintahan na si Nick. Isang half pinoy at half Russian, matagal na niyang kasintahan ang lalaki at mahal na mahal niya ito kahit pa parang walang amor sa kanya ang nobyo.

“Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo, Nick?” tanong niya sa kanyang nobyo. Nasa may labas sila ng bahay ng kanyang ama.

“Oo, kung mahal mo ako ay sasama ka sa akin, magtanan na tayo, Maurine,” giit ni Nick at hinahawakan ang kanyang mga kamay.

“Pero kasi—”

“Ano ba! Bakit tila ‘e nagdadalawang isip ka pa?! Hindi ba’t sabi mo’y gusto mong maging mag-asawa na tayo? Ito na iyon, Maurine,” pagalit na saad ng lalaki sa kanya.

Oo nga’t gusto niyang maging mag-asawa sila pero dapat ‘e alam ng mga magulang nila at isa pa’y wala namang trabaho si Nick, at umaasa lamang sa mayaman nitong mga magulang at siya naman ay hindi nakapagtapos ng kolehiyo at wala din maayos na trabaho pano nila bubuhayin ang isa’t-isa?

“Oh, bakit natahimik ka diyan? Huwag mong sabihing nagbago na ang isip mo at ayaw mo na sa akin?”

“Hindi naman sa ganun, Nick. Eh kasi naman—”

“Kasi ano, Maurine? Sabihin mo nga sa akin, ayaw mo bang magtanan tayo kasi may natitipuhan ka nang iba? At nais mo na lamang ako magpakasal sa iba? Alam mo namang pinagkasundo ako nina mama at papa sa ibang babae, hindi ba? Ikaw ang mahal ko kahit malaki ang agwat nating dalawa, mahirap ka at walang pinag-aralan at ako nama’y mayaman at kahit papano ay may nakapagtapos pero kita mo, ikaw pa din ang pinili ko,” giit ni Nick sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kanyang mga kamay.

Hindi niya batid kung ano nga ba ang dapat na isagot niya sa pinahayag ng lalaki. Oo nga’t hindi sila okay ng kanyang madrasta at step-sister ngunit hindi niya naman maitim na iwan na lamang ang kanyang ama. Ito na lamang ang tanging pamilya niya, paano na lamang ito kung iiwan niya?

“P-Pwede mo baa ko bigyan ng pagkakataong mag-isip, Nick?” tanong niya habang nakayuko.

“Tang-ina naman, oh! Mag-iisip ka pa?”

Hindi niya maiwasang mapatitig sa mukha ng binate. Sa tagal ng relasyon nila ngayon lang siya nito sinigawan at minura. Parang hindi na ito ang Nick na nakilala at inibig niya.

“Pasensya na ano kasi—”

“Fine! I will give you one day to think about it, Maurine,” sabi ni Nick at tinalikuran siya. Sinundan niya na lamang ng tingin ang binata na nagmamadaling umalis sakay sa magarbong kotse nito.

“Oh, bakit ganiyan ang mukha mo? Hindi ba dapat masaya ka kasi dinalaw ka ng prince charming mo? Inuna mo pa nga iyang land imo sa pagsaing ng kanin at pagluto ng ulam natin, ang galing mo din ano? Okay sana kung may ibinibigay sa iyong pera iyong lalaki mo at may maiambag ka naman dito sa bahay,” putak ng kanyang madrasta.

Hindi na siya nag-abala pang sumagot imbis ay yumuko na lamang siya at tumungo sa kusina para magluto ng pagkain nilang lahat.

KINABUKASAN, maaga siyang nagising upang maaga din niya matatapos ang mga kailangan niyang gawin at para din makaalis siya ng bahay ng maaga upang kitain si Nick, nakapagdesisyon na siya, handa siyang sumama dito.

Huminga siya ng malalim at nilapitan ang kanyang amang nagbabasa ng diyaryo sa may sala habang nagkakape.

“Pa—”

“Sasama ka sa akin mamaya,” biglang sabi sa kanya ng Papa niya nakinagulat niya. Hindi pa kasi siya nito dinadala kahit saang lakat man nito.

“Po?”

“Bingi ka pa o tanga ka lang? Ang sabi ko sasama ka sa akin mamaya kaya’t maghanap ka ng Magandang damit na susuotin mo,” giit ng papa niya at tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at binalik na ang atensyon sa may binabasa nito.

“S-Saan po tayo pupunta?” hindi niya maiwasang itanong.

“At anong oras po tayo aalis?” dagdag niya. Hindi siya pwedeng sumama dito na hindi alam ni Nick at baka magtampo iyon sa kanya at iwanan siya. Kailangan niya makausap ang lalaki at mapaliwanang dito ang lahat.

“Mamayang gabi,” sagot ng kanyang ama.

“Po? Pero—”

“Pwede ba, Maurine, tumahimik ka na at gawin mo kailangan mo gawin basta mamayang gabi sasama ka sa akin, naiintindihan mo ba?”

Wala siyang nagawa kundi tumango na lamang. Inuna niya muna maglaba, pagkatapos naglampaso siya, nagwalis at naligo. Mabilis siyang nagbihis at dali-daling umalis ng bahay para puntahan si Nick, sa tinitirahan nitong condo.

“Naku naman, hapon na pala,” aniya nang mapansin ang oras sa kanyang cellphone ng tawagan niya ang nobyo na hindi sumasagot.

“Hay, baka nagtampo na ito sa akin,” bulong niya at pinasok ang cellphone sa luma niyang bag at dali-daling bumaba sa jeep at pumasok sa loob ng condo dumiretso na siya sa elevator at hindi na nag-abala pang dumaan sa front desk dahil alam na naman niya kung saang floor at ano ang room number dahil kailang beses na din naman na siya nakapunta dito. Pagkarating niya sa harap ng pintuan ng condo unit ng lalaki ay akmang mag-d-door bell siya nang may narinig siyang kakaibang tunog mula sa loob at pagkahawak niya sa doorknob napansin niyang hindi iyon naka-lock kaya’t tinulak niya ang pinto at hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.

“Ah, Nick! Dahan-dahan naman, ah!”

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang nasaksihan at narinig. Paano ito nangyari? Nagsisiping ang kanyang nobyo at step-sister sa kanyang harapan. Hindi man lang napansin ng dalawa na dumating siya.

“Fuck, I’m near, Libby!” ungol ni Nick habang nakahiga sa may sofa at sa ibabaw nito si Libby na kanyang step-sister na ayaw na ayaw siya.

Napahawak siya sa kanyang bibig upang pigilan ang sariling gumawa ng ingay, gustong-gusto niyang sumigaw at magwala ngunit kapag ba ginawa niya iyon ay may magbabago? Hindi ba’t wala? Kaya’t nagpadesisyunan niyang umalis na lamang ngunit nang akma niyang bubuksan ang pinto para makaalis siya sa lugar na iyon ay...

“Maurine, nandito ka pala, why don’t you stay for a little bit longer and let us, finish the show,” giit ni Libby at tumawa ng malakas.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Комментарии

user avatar
Totoy
oyy sumali ka palaa. GoodLuck at congratulations
2025-04-04 21:34:22
1
4
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status