Belleza's POV ~
Hingang malalim... Hingang malalim. Bahagyang umawang ang aking mga labi at dahan-dahan na bumuga ng hangin. Mahigpit ang hawak ng isang kamay ko sa bow ng pana samantalang sa kabila naman ay unti-unting lumuluwang ang aking mga daliri para sa pagbitaw ng string. Isa... dalawa... Bumulusok ang palaso patungo sa direksyon ng aking target at sapul ang isang maliit na nilalang. BLAG! "Tang!" biglang sigaw ko sa tuwa. "Tinamaan ko ang ibon! May lechong ulam na tayo!" Unang beses na isinama ako ng aking ama sa kaniyang pangangaso at nakahuli agad ako ng pang-ulam namin. Nagbunga ang madalas kong pag-eensayo sa paggamit ng pana. "Aba, Belleza anak! Gumagaling ka na!" natutuwa namang sambit ng singkwenta anyos na lalaki, matipuno, nasa 5'5" ang taas at bagaman mestizo ay sunog naman ang balat sa araw. Siya ang aking ama, ang natatangi kong yaman sa mundo. Nginisihan ko siya saka masayang dinampot ang ibon. Tumagos sa dibdib nito ang matulis na dulo ng palaso dahilan para bawian agad ito ng buhay. Itinaas ko ito para ipakita kay Tatang. "Tang! Manghuhuli pa po ako ng isa para po tag-iisang letson tayo mamayang hapunan. Gutom ako, eh. Gusto kong kumain ng marami mamaya." Ibinaba ni Tatang ang pasan na isang bungkos ng mga tuyong kahoy na panggatong. "Ikaw ang bahala, anak! Galingan mo!" Tumango naman ako saka inihanda ang pana. Ganito ang buhay namin sa bundok. Ang tirahan namin ay malayo sa bayan at ibang kabahayan. Matatagpuan ito sa paanan ng bangin na ngayon ay napalilibutan na ng mga naglalakihang mga punong-kahoy. Kaya lahat ng pagkain namin ay kung hindi galing sa aming pananim ay galing dito sa gubat. Inayos ko ang pagkakabit ng palaso sa string. Pagkatapos ay sinundan ko ng tingin ang isa pang ibon na kasama kanina ng nahuli ko. Dumapo ito sa isang puno. "Istiput ka lang, chikading." Itinaas ko ang dulo ng palaso saka inasinta ang maliit na ibon pero bigla itong lumipad at lumipat sa kabilang puno. Umabante ako at patuloy itong sinusundan, dahan-dahan habang hawak ang dulo ng arrow. Huminto ako sa paanan ng puno na may hindi katayugan. Tiningnan ko nang maigi ang ibon, muling inasinta at nakahanda nang magpalipad ng bala nang biglang... Napatigil ako matapos makita ang maliliit na buhay na tuwang-tuwa sa pagdating nito. No'n ko lang napagtanto na nakapatong pala ito sa isang pugad na mayroong tatlong sisiw. Unti-unti kong naibaba ang hawak. Bigla na lang akong tinubuan ng konsensya, dahil ang ibong tinatarget ko ay isa palang magulang! "Hala... Pa'no 'yan? Napatay ko na ang tatay!" Tuluyan kong ibinaba ang hawak na pana. Nawala bigla ang sigla at gana ko na manghuli. Pakiramdam ko, ako ang natusok ng palaso na pinakawalan ko kanina. Naaawa ako sa mga ibon lalo na roon sa napatay ko. Ang ibon kasi na iyon ay isang Maya, isang uri ng ibon na monogamous at kilala sa pagiging matatag sa pag-ibig at tapat sa kanilang kapares. Hindi sila naglalakbay o nagpapalit ng kasama sa buhay. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay bihira sa mundo ng mga ibon. Parang sa wolves din. Parang... Pag-ibig din nina Mamang at Tatang. Naikwento noon ng yumao kong ina, na kapag nawalan daw ng kapareha ang mga ibong ito, makakaranas sila ng pagluluksa, pagbabago sa pag-uugali at pagkawala ng interes sa ibang mga bagay. Maaaring maapektuhan no'n ang kanilang buhay kasama ang mga anak na naiwan. Ganoon kami ni Tatang noong nawala sa amin sina Mamang at ang bunso kong kapatid. Napalunok ako. Alam ko ang pakiramdam nang mawalan. Alam ko ang bigat ng pagluluksa. Alam ko ang hirap na magpatuloy sa kabila ng pangungulila. Ngayon, ako pa mismo ang magiging dahilan kung bakit mararanasan iyon ng isang ibon. Parang namimilipit ang puso ko. Kinakain ako ng matinding guilt. Isang mag-asawa ang tinanggalan ko ng masaya sanang pag-ibig. Sana pala hindi na lang ako nagpumilit na sumama kay Tatang. "Belleza, anak!" Napalingon ako sa aking ama. "Ano? Nahuli mo ba?" Nalukot ang mukha ko at bagsak ang balikat na lumapit sa kaniya. "Tatang, patawad." "Pumalya ka ba sa pagtira? Ayos lang 'yon, anak." "Nakonsensya po ako, eh." Umawang ang kaniyang bibig. Kapagkuwan ay bumuntong-hininga siya. Alam niyang likas akong maawain. Lahat ng may buhay ay pinahahalagahan ko talaga at kahit pa alam ko ang pangangailangan namin, laging nananaig sa akin ang konsensya. Kaya naman, kinagabihan, imbes na lechong ibon ang ulam namin sa hapunan ay nauwi kami sa ginisang talbos ng kamote. 'Yong napatay kong ibon ay inilibing ko sa likod ng aming kubo. Sa paraan na iyon man lang ay mabawasan ko ang konsensyang umuusig sa akin. Nang sumunod na araw ay minabuti ni Tatang na iwan ako sa bahay. Mag-isa na lamang siyang nangaso dahil baka maawa na naman daw ako sa mahuhuli naming hayop at hilingin ko pang pakawalan. Nagsaing na lang din ako sa apoy habang hinihintay ang pagbabalik niya. Ilang oras din akong nag-abang sa pagbabalik ni Tatang. Pagkauwi niya ay masaya ko siyang sinalubong. "Tang?" Kumunot ang noo ko nang mapansing iika-ika siya sa paghakbang. "Ano pong nangyari sa paa ninyo?" "Wala 'to. O, nakapagsaing ka na ba? Masarap ang ulam natin ngayon," masigla niyang sabi sabay taas ng bitbit na manok. Nakanguso ko itong tiningnan. Buhay pa naman pero laylay na ang mga pakpak. "Saan naman ho galing iyan, Tang?" "Naligaw. Hinuli ko na. Sayang din kasi, na-miss ko nang mag-ulam ng tinulang manok, 'nak." Agad niyang kinuha ang kutsilyo saka niya ito nilaslas sa leeg. Nagpapapasag ito pero kahit ano'ng gawin nito ay hindi na nito magawang maisalba ang sariling buhay. Nangisay ito habang ang dugo ay patuloy sa pagdaloy sa lupa. Naawa ako sa sinapit ng manok pero nang maluto ito ay napalamon na rin ako. Masarap kasing magluto ang Tatang, bagay na sobrang minahal ni Mamang noong nabubuhay pa ito. Nasawi noon ang aking ina kasama ang bunso kong kapatid nang magkaroon ng biglaang pagguho ng lupa sa aming tinitirhan. Maraming buhay ang nasawi noon, kabilang na ang aming buong kaanak at mga kapitbahay. Iilan lamang ang nakaligtas na ngayon ay nagsilipat na sa mga bahay na pinamigay ng gobyerno. Bagaman napag-iiwanan na ng panahon, hindi pa rin namin handang iwan ang lugar na ito, dahil narito ang mahalagang alaala ng nasawi naming pamilya. At sa loob ng 19 na taon ko sa mundo, naging parte na ng aking buhay ang lahat ng bahagi ng lugar na ito. Dito ako isinalang, dito rin ako mamamatay. *** DALAWANG araw ko nang napapansin na tila nanginginig ang katawan ni Tatang. Para bang nilalamig siya kahit pa mainit naman ang panahon. Minsan pa'y naririnig ko siyang nagmumura nang mahina at umuungol na para bang nasasaktan nang sobra. Isang araw, hindi na ako nakatiis at nag-aalalang lumapit sa kaniyang higaan. Tanghali na pero hindi pa rin siya umaalis doon. "Tatang, ano po ang problima?" "Wala, anak." Nginitian niya ako. Pinipilit niya lang pasiglahin ang kaniyang mukha pero hindi naman maitatago ng pamumutla niya ang nararamdaman niya. Pasimple niyang ibinaba ang kaniyang kamay saka marahan na hinaplos ang kaniyang binti, pababa. Sinilip ko ang kaniyang paa at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pamamaga no'n. "Tang! Ang paa niyo ho!" Agad niya itong tinakpan ng kumot. "Sus, wala 'to. Natusok lang ako ng pako noong huli kong pangangaso." "Tang naman! Pako? Delikado po 'yon, eh! Ba't 'di niyo agad pinagamot sa bayan?" "Sus, ayos lang ako, anak. Nagamot ko na 'to." Mas lumapit pa ako saka hinila ang kumot para silipin ang kaniyang sugat pero itinulak lang ng daliri niya ang aking noo. "Nakapagsaing ka na ba?" "Eh, Tang..." Nagkamot ako ng kilay. "Isang baso na lang ho ang bigas." Si Tatang naman ang napakamot. "Sige, aalis ako mamaya. Dito ka lang, ha?" Ang bilis niyang nailiko ang usapan. "Malayo ho ang tindahan dito, dadaanan niyo pa ang dalawang bakanteng lote bago iyon marating. May sugat pa kayo sa paa. Baka hindi niyo po kayanin. Ako na lang ho ang bibili." "Hindi. Ako na. Kaya ko pa namang maglakad." "Tang naman, eh! Maga ho ang paa niyo, mahihirapan kayong maglakad niyan. Kaya ko naman ho, eh." "Huwag nang matigas ang ulo, Belleza. Malayo ang tindahan at walang ibang kabahayan dito. Baka may makasalubong kang manyakis at kung ano pang gawin sa 'yo. Hindi ko hahayaan na mangyari iyon." Napabuntong-hininga ako. Kahit ano'ng gawin ko, hindi niya talaga ako pinapayagan na mag-isang umalis ng bahay. Madalas siya ang lumuluwas sa bayan para bumili ng bigas at iba pang pangangailangan namin. Pati noong nag-aaral ako, hatid-sundo niya ako araw-araw. Kahit na noong highschool na ako ay iyon lagi ang ginagawa niya. Hindi siya napapagod kahit na ilang kilometro ang layo ng eskwelahan namin sa bahay. Natatakot siya na baka raw pag-intresan ako ng mga kalalakihang makakakita sa akin. Maganda raw kasi ako, maputi at makinis. Balingkinitan man ay angkin ko naman ang magandang hubog ng katawan na namana ko raw sa aking ina. Sa unang tingin lang ng ibang lalaki sa akin ay tiyak na pagnanasahan daw agad ako. Kaya hangga't humihinga pa raw si Tatang ay gagawin niya ang lahat upang protektahan at ingatan ako. Pinangako niya kasi noon sa puntod ni Mamang na hinding-hindi niya ako pababayaan. Salat man kami sa yaman, pero ang uri ng pag-aaruga't pagpoprotekta ng aking ama sa akin ay higit pa sa yamang maipagmamalaki ko. *** "Anak." Isang gabi ay seryoso ang mukha ni Tatang habang nakatanaw sa labas ng bintana. Tinitingnan niya ang mga bituin sa langit. Ako naman ay nakahiga na sa papag na nasa tapat ng higaan niya. "Ano po 'yon, Tang?" "Na-miss ko na ang Mamang mo at si Bunso." Hindi agad ako nakapagsalita. Bumangon ako at hinarap siya na nanatili pa ring nakatanaw sa labas. "Na-miss ko na rin ho sila, Tang." "Gusto ko na silang makasama, anak." Natigilan ako. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang akong kinabahan. Tumayo ako at lumipat sa papag niya saka tiningnan ang seryoso niyang mukha. "Tang..." Lumingon siya sa akin at tipid na ngumiti. Hindi ko maintindihan. Bigla na lang nanikip ang dibdib ko. May kung ano'ng bigla na lang bumundol dito. Ang mga mata ko ay nanlabo dahil sa luha na namuo. Bakit ba ako naiiyak? "T-tang. Ba't niyo naman ho sinasabi iyan? Paano ako? Makakasama rin ho natin sila pero huwag muna ngayon." "Gusto mo na bang mag-asawa?" biglang pag-iiba niya sa usapan. Kumunot ang aking noo at padabog na kinusot ang mga mata. "Tang naman, eh! Kung anu-anong tinatanong. Bata pa po ako!" "Desi nuwebe ka na." "Eh, bata pa rin po iyon! Bakit niyo po ba naitanong?" Bakit pakiramdam ko ay pinagtatabuyan ako ni Tatang? Naiinis tuloy ako. "Paano 'pag nawala ako? Sino na ang makakasama mo? Kailangan mo nang mag-asawa." "Tang naman. Huwag naman kayong magsalita ng ganiyan. Mahaba po ang buhay ninyo." "Gusto mo bang makapunta ng Manila at maipagpatuloy ang iyong pag-aaral? Ibebenta ko ang lupain natin para makapunta ka roon. Baka naroon ang swerte mo, anak. Baka makahanap ka roon ng milyonaryo na mapapangasawa mo. Artista. O 'yong pangarap mong doctor. O kahit hindi na mayaman, anak. Ang mahalaga ay aalagaan at mamahalin ka nang tapat." Tuluyan na akong napasimangot. Hindi ako umiiyak pero 'yong luha ko ay hindi ko maawat. Kusa silang naglabasan. Kainis! "Gusto ko nga pong makapunta ng Manila," sabi ko habang panay ang palis ng aking luha. Ang mga kilay ko naman ay salubong na. "Sabi ng kaklase ko noon na may kamag-anak doon, maganda raw sa Manila, maliwanag, maraming matataas na building, maraming pasyalan. "Gusto ko ring makapag-college, Tang. At makapag-asawa ng gwapo, malambing at mayaman na lalaki. Pero kung ang kapalit naman no'n ay maiiwan kayo rito nang mag-isa, hindi bale na lang. Ano kung tatanda akong dalaga at walang natapos na kurso? Kayo lang naman ang mahalaga sa akin, eh." "Hindi naman pwedeng sa akin lang iikot ang mundo mo, anak." "Mas gusto ko hong alagaan kayo, Tang. Nangako ako kay Mamang, hindi ko ho kayo iiwan. At hinding-hindi ko ho kayo pababayaan." Isa iyon sa dahilan kung bakit mas pinili kong huwag munang magpatuloy sa kolehiyo. Ayokong iwan dito si Tatang. Hindi na siya nagsalita pa. Inabot niya ang ulo ko saka marahan na hinaplos ang mahaba't tuwid kong buhok. "Huwag niyo ho akong iiwan, Tang. Promise niyo po." Mapait na ngumiti si Tatang. "Mahal na mahal ka ng Tatang, Belleza, anak." "Mahal na mahal ko rin ho kayo, Tang. Kayo na lang ho ang naiwan kong pamilya. Kayo lang ho ang aking kayamanan." ***warning: SPG "Do you like it?" Hindi agad ako nakapagsalita matapos buksan ang inabot niya sa aking maliit na box. Nasa loob no'n ang gintong kwintas na may malaking bato sa pendat nitong heart shape. Nakakasilaw ang kinang, halatang tunay at malaki ang halaga. Ilang araw na ang nagdaan, naging maayos at consistent ang pakikitungo ni Lionzo sa akin. Kung anu-ano na lang ang ibinibigay niya sa akin. Araw-araw ay may bulaklak akong nabubungaran sa paggising. At sa pagkain ay halos subuan niya ako. Wala na iyong dating marahas na Lionzo. Ang walang pasensya, mabangis at hayok sa laman na lalaking kilala ko. Wala na nga ba? O nagtatago lang, nag-aabang kung kailan ulit aatake? "B-bakit mo... Bakit mo ako binibigyan ng mga ganitong bagay?" "I told you, I'd give you everything if you stayed by my side. And you stayed. Hindi ka na nagtangka ulit na tumakas. And that made me happy, Belleza." Umiwas ako ng tingin sa kaniya. So tinupad niya. At ano ang gusto niyang patunayan? "I can
"Kumusta siya?" Nangunot ang noo ni Mang Pablo nang bigla akong magtanong sa kaniya. Sandali lang naman ang pagtataka sa kaniyang mga mata at napalitan agad iyon ng kakaibang kislap. "Si Lionzo ba?" "Oo." "Maayos na ang lagay niya." Bumuntong-hininga ako. May bahagi ng aking puso ang tila guminhawa ngayong alam kong ligtas na si Lion sa kapahamakan ngunit mayroon ding nadidismaya. Ngayong ok na siya, tiyak babalik na rin siya sa dating gawi—sa pangdadahas sa akin.Tumalikod si Mang Pablo sa akin para ligpitin ang pinagkainan ko pero nahuli ko pa rin ang lihim niyang pagngiti.Nagtataka naman ako kung ano'ng nginingiti ng matanda."Bakit po?" hindi ko natiis na tanong. "May nakakatawa po ba?" Natigilan siya at sumulyap. "Wala. May... nasilip lang akong munting pag-asa."Kumunot ang noo ko. Anong munting pag-asa ang pinagsasabi ni Mang Pablo? Sa akin ba? May pag-asa ba akong makaalis dito nang buhay?Gusto ko na talagang makaalis dito. Pakiramdam ko, kung hindi ako mamamatay sa mg
Nakakabingi ang tunog ng mga patalim tuwing nagtatama ang mga ito. Halos takpan ko na ang mga tainga ko at ipikit ang mga mata ko para hindi makita kung sakali mang may isa sa kanila ang masusugatan. Gusto ko sanang tumakbo, pero hindi ko magawa.Parehong magagaling humawak ng ispada sina Rozz at iyong tinawag na Adrian ng Blackhaven. Maliliksi at kapwa determinadong kumitil ng buhay. Para sa akin, walang pinagkaiba kung sino ang mananalo. Pareho kasi silang panganib sa aking buhay. Kailangan ko silang takasan bago pa man magkaroon ng pagkakataon ang isa sa kanila na saktan ako.Bigla akong napatili nang bumagsak sa tabi ko si Rozz na agad hinabol ng ispada ni Adrian. Nakahiga siya at muntik nang mahiwa, ngunit mabilis siyang umiwas. Kasabay naman no'n ang pag-usog ko palayo sa takot na baka pati ako ay tamaan. Bumaba ako ng kama at kahit hirap na hirap na ihakbang ang aking mga paa ay sinikap ko pa ring makarating sa pintuan. Nakabukas iyon. Halos gapangin ko na ang pagitan para lan
NANANAGINIP AKO.Nagbago na raw siya. Mabait na si Lionzo... Hindi na niya ako sinasaktan. Sa katunayan ay hindi na niya kayang gumalaw nang hindi nahahawakan ang kamay ko.Alam kong imposible. Pero gusto kong samantalahin habang nasa loob ako ng aking panaginip. Alam ko kasing kabaliktaran lang ang lahat ng iyon sa totoong pangyayari. Kahit kailan ay hindi na magbabago si Lionzo."Tangina, Lion! Hindi na talaga kita maintindihan. I thought you were planning to kill her? So why are you treating her?""I'm still enjoying her company." Tila kinalabit ako ng malalim na boses na iyon, kasabay ng paggapang ng mainit na palad sa aking daliri."Enjoying... What the hell. Wow. So hintayin ko na lang na makatakas siya ulit?""Relax, Rozzwell. You're paranoid again. Hindi na siya makakatakas ulit. I won't let that happen.""So what if? What if she escapes and exposes your secrets?"Tumawa ang lalaking may-ari ng malalim na boses, ang lalaking may hawak ng aking kamay. "I've got connections. No
"...HINDI KO TALAGA LUBOS MAINTINDIHAN KUNG BAKIT HANGGANG NGAYON AY BUHAY KA PA."Bakit nga ba? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin winakasan ni Lionzo ang buhay ko? Masyado yata siyang natuwa na nakikitang nahihirapan ako.UMAGA ay nagising ako na masama ang pakiramdam. Mabigat ang ulo ko, mainit ang aking hininga pero giniginaw ako. Hindi ko na maramdaman ang sugat sa aking paa, marahil ay gumaling na nang kusa. Pero 'yong buong katawan ko naman ang hindi ko maigalaw. Ang bigat. Parang may nakadagan na malaki at mabigat na bagay.May pagkain na ako, masasarap pero wala naman akong gana na kumain. Maghapon akong nakabaluktot sa higaan, nilalamig, nanginginig. Sa tuwing naiidlip ako ay napapanaginipan ko ang nangyari sa pamilya ni Lionzo. Binabangungot ako sa krimeng hindi ko naman nasaksihan at narinig lang sa kwento ni Mang Pablo. Hindi ko sila kilala, hindi ko pa nakita ang kanilang mukha pero sa panaginip ko, para bang kilala ko sila. Parang... Parang parte ako ng pangyayaring
ANG HALIMAW NA ITO AY HINDI KO MASISIKMURA. Kung hahayaan man akong mabuhay na siya ang makakasama, mas gugustuhin ko pang mamatay na lang ako. BANG! Nahigit ko ang aking hininga nang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa loob kwarto. Bumulagta ang babaeng n*******d. Panibago na namang biktima. Pangatlo na iyon, pangatlong beses na rin na pumabor sa akin ang kapalaran. Pero sa kabila ng tatlong beses na pagkakaligtas ko mula sa kamatayan, hindi man lang ako nakaramdam ng maginhawang paghinga. Ang bigat... Mabigat sa dibdib isipin na ako ang dahilan ng pagkamatay ng ibang babae. Para itong isang sumpa sa akin. Gaya ng dati, lumabas si Lion sa kwarto at iniwan ang nakahandusay na babaeng pinatay. Sumunod namang pumasok ang dalawang tauhan at pinagtulungang alisin ang katawan ng babae. Pagkatapos ay pumalit ang dalawang tagasilbi, kasama ang matandang mayordomo upang linisin ang dugo na bakas ng karahasan ni Lionzo. "Hanggang kailan ito matatapos?" bigla ay tanong ko s