Se connecterPAGSAPIT ng alas-nuwebe ng gabi. Nabalot ng matinding katahimikan ang ikalawang palapag ng mansyon sa Forbes Park. Naglakad si Zane paakyat sa dimly lit staircase ng West Wing. Naka-suot pa rin siya ng kanyang kupas na dark green utility shirt at maong. Ang bawat hakbang niya sa makapal na rug ay mahina at kalkulado.Nang makarating sa tapat ng study room, dahan-dahang kumatok si Zane sa mabigat na pinto."Pasok," malamig na boses ni Drake mula sa loob.Nakasandal si Drake sa kanyang malaking executive desk, hawak ang isang baso ng single malt scotch habang nakatitig sa pintuan.Ibinaba ni Zane ang kanyang ulo nang pumasok. "Sir Drake. Pinapatawag niyo raw po ako."Tumayo si Drake, naglakad patungo sa pinto, at mabilis itong ini-lock. Matapos niyon ay hinarap niya si Zane na nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi."I have a proposition for you, Jay," panimula ni Drake habang dahan-dahang lumalapit sa hardinero. "Isang malaking opportunity na magbabago sa buhay mo.""Ano po 'yon, Sir?"
KINABUKASAN, maagang nagising si Drake. Sa kabila ng malamig na hangin sa loob ng kanyang study room, hindi siya mapakali. Pabalik-balik siya sa paglalakad sa tapat ng malaking salamin ng bintana habang hawak ang porselanang tasa ng kape.Nasa ibabaw ng kanyang desk ang pirma ni Aria sa confidentiality agreement. Hawak na niya ang usapan, pero naroon pa rin ang pinakamalaking problema, sino ang lalaking gagamitin niya?Ayaw niyang kumuha ng taga-agency. Ayaw niya sa mga lalaking galing sa mga kilalang klinika o luxury escort services sa BGC at Makati. Ang mga taong ganoon ay matatalino, may access sa mga abogado, at pwedeng mag-iwan ng paper trail. Kapag naamoy ng media o ng mga kalaban niya sa negosyo na hindi sa kanya ang anak na dadalhin ni Aria, bagsak ang imahe niya. Masisira ang ipinagmamalaki niyang pangalan."Kailangan ko ng taong walang laban," pabulong na sabi ni Drake sa sarili habang pinalalabas ang usok ng kanyang cigar. "Someone completely invisible. Isang taong gipit sa
ALAS-NUWEBE na ng gabi. Nasa loob ng study si Drake at nakaupo sa paborito nitong swivel chair, habang nakatayo naman si Aria sa tapat ng mahogany desk. Naka-simpleng pambahay na damit siya, habang ang kanyang mga kamay ay nakakuyom sa kanyang gilid. Sa ibabaw ng mesa, nakalapag ang tatlong pahina ng isang legal document, ang Surrogate Confidentiality Agreement. Nakasandal si Drake sa kanyang swivel chair, may hawak na ballpen habang malamig na nakatitig sa kanya."Pumirma ka na, Aria," pormal at walang emosyong utos ni Drake. "Huwag mo nang patagalin pa 'to."Tumingin si Aria sa huling pahina ng kontrata. Nakaturo roon ang maliit na linya kung saan nakasulat ang kanyang buong pangalan na Aria Vance-Sterling."Drake..." mahinang pakiusap ni Aria, ang kanyang boses ay nanginginig pa rin mula sa takot at kapaguran. "Sigurado ka ba rito? Pwede naman tayong mag-adopt na lang. Pwede nating sabihin sa media at sa pamilya mo na—""Adopt?!" galit na putol ni Drake, sabay hampas ng kanyang p
KINABUKASAN...Mabigat ang bawat hakbang ni Aria habang binabagtas ang mahabang pasilyo ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City. Maaga siyang nagpaalam kay Maris pagkatapos niyang maihain ang almusal. Kahit may kasamang irap at panlalait mula sa biyenan, pinayagan din siyang umalis nang dalawang oras para bisitahin ang kanyang ina.Naka-simpleng maong at cardigan lang si Aria. May suot siyang face mask na bahagyang tumatakip sa namumula at kumikirot niyang pisngi, ang bakas ng marahas na sampal ni Drake kagabi.Pagtapat niya sa pinto ng Room 612, huminto muna si Aria. Huminga siya nang malalim at pilit na pinatag ang kanyang puso bago dahan-dahang itinulak ang pinto.Amoy ng disinfectant, alcohol, at malamig na hangin mula sa aircon ang agad na sumalubong sa kanya. Sa gitna ng maayos ngunit tahimik na kwarto, nakahiga ang kanyang ina na si Elena. Nakapikit ito, payat na payat, at napapalibutan ng iba't ibang medical monitor. Ang tuluy-tuloy na tunog ng heart monito ang t
LAGANIT ng mga gulong sa basang semento ng driveway ang nagpabalik sa wisyo ni Aria nang huminto ang sasakyan sa tapat ng porch ng mansyon sa Forbes Park. Walang imik si Drake sa buong biyahe mula BGC, pero ang paraan ng pagpisil nito sa steering wheel, ay sapat na para mag-iwan ng matinding kaba sa dibdib ni Aria.Pagkababa ng sasakyan, hindi man lang siya hinintay ni Drake. Kaladkad nito ang kanyang braso habang mabilis na binabaybay ang grand staircase patungo sa ikalawang palapag, dinala siya diretso sa loob ng masters' suite at pabalagbag na isinarado ang mabigat na pinto.Ini-lock ni Drake ang pinto at inihagis ang kanyang suit jacket sa ibabaw ng kitang-kitang king-sized bed. Sa ibabaw ng glass nightstand, dahan-dahan niyang inilapag ang kulay itim na envelope mula sa St. Luke’s Medical Center."Drake... anong nangyayari sa 'yo?" nanginginig na tanong ni Aria, nakahawak sa kanyang braso na may pulang marka dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng asawa. "Ano ba 'yang papel na 'yan?
NAGKIKISLAPAN ang malaking chandelier ng Shanghai Saloon sa Bonifacio Global City. Ang mamahaling Chinese fine-dining restaurant ay eksklusibong inarkila ng Sterling Group ngayong gabi ng 2026 para sa kanilang victory at expansion dinner. Amoy ng mamahaling wine, roasted duck, at mga imported na pabango ang pumupuno sa malamig na silid.Nakatayo si Aria sa tabi ng malaking banquet table, nakasuot ng elegante at simpleng cream-colored Silk gown na pinili ni Maris.Nakaayos nang maayos ang kanyang buhok, at ang kapal ng makeup sa kanyang mukha ay sapat para itago ang pamamaga ng kanyang mga mata at ang kaputlaan ng kanyang balat mula sa pang-aabuso kagabi."Smile, Aria," pabulong at malamig na utos ni Drake habang pinalilibutan ang beywang ng asawa ng kanyang braso para sa mga nakatapat na camera ng mga business journalists. "Look like a happy wife."Pilit na ngumiti si Aria. Inilagay niya ang kanyang kamay sa braso ni Drake, ibinibigay ang tamang postura na hinihingi ng lipunan."Mr. S







