Share

Kabanata 1

Author: GennWrites
last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-06 10:18:58

MALAMIG ang hangin sa loob ng Sterling residence sa Forbes Park, pero hindi iyon sapat para pawiin ang sikip sa dibdib ni Aria. Handang-handa na ang lahat para sa dinner meeting ngayong gabi. Ang limang-course menu na personal niyang inayos, ang grand dining table na natatakpan ng imported French linen, at ang mga mamahaling orchid centerpiece na tatlong oras niyang inayos nang mano-mano.

Naglakad siya patungong main living room para bisitahin ang pinaka-highlight ng reception area, isang customized Murano glass sculpture na paborito ng mga prospective foreign investors ni Drake.

"Kahit man lang dito, maipakita kong may silbi ako," bulong niya sa sarili habang maingat na pinupunasan ang base nito gamit ang microfiber cloth.

Dahan-dahan ang bawat kilos niya. Bawat galaw, kalkulado. Alam niyang sa bahay na ito, ang pinakamaliit na pagkakamali ay nangangahulugan ng impyerno.

Isang tunog ng mamahaling stiletto ang yumanig sa katahimikan ng malawak na foyer.

"Look who’s acting like a dedicated lady of the house," panunuya ng isang boses mula sa likuran niya.

Paglingon ni Aria, nakatayo roon si Dianne, ang nakababatang kapatid ni Drake. Naka-designer cocktail dress ito, may hawak na iced matcha latte, at nakatingin sa kanya nang may halong pagkabagot at pangmaliit.

"Good afternoon, Dianne," maingat na bati ni Aria, itinago ang panginginig ng kanyang mga kamay sa likod ng kanyang apron. "Inaayos ko lang 'tong display bago dumating sina Mama Maris."

Tumawa nang mahina si Dianne bago lumapit. Inilibot nito ang tingin sa buong living room at inirapan ang mga bulaklak sa mesa.

"Honestly, Aria, your taste is so... provincial," wika ni Dianne habang umiinom sa straw nito. "Ganyan ba ang natutunan mo sa pamilya mo? Ang baduy ng arrangement. No wonder Drake never brings you to public events. Nakakahiya ka sa mga high-society friends niya."

Huminga nang malalim si Aria at pilit na ngumiti, sinusubukang panatilihing mahinahon ang boses. "Sabi kasi ng event coordinator ni Drake, mas maganda ang neutral tones para pormal—"

"I don't care what the coordinator said!" puyos na putol ni Dianne. Lumapit pa ito lalo sa kanya, halos ilang pulgada na lang ang distansya. "You're just a glorified maid here, Aria. Don't act like you own this place or like you have a say in anything. Ginawa ka lang asawa ni Kuya para magmukha siyang grounded sa media at investors. You're a trophy wife without the trophy value."

Hindi kumibo si Aria. Yumuko na lamang siya, pinipigilan ang pagbabantulot ng kanyang mga luha. Sanay na siya sa mga salitang ito, pero kahit gaano kadalas bitawan ni Dianne ang mga pait na 'yon, masakit pa rin.

Masakit dahil alam niyang may katotohanan ang bawat salita. Nandoon siya dahil sa milyun-milyong utang sa ospital nang ma-comatose ang ina niya, utang na si Drake ang nagbayad kapalit ng isang kontrata at ng kanyang kalayaan.

"Dianne, darling, why are you shouting?"

Nagmula ang boses sa grand staircase. Mula roon, dahan-dahang bumababa si Maris Sterling, ang ina ni Drake.

Naka-silk kaftan ito, nakapatong ang mamahaling alahas sa leeg, at may bitbit na malamig at imposing aura na kayang magpatahimik ng buong silid.

"Mom, look at this," reklamo ni Dianne habang nakaturo sa bulaklak. "She’s ruining the aesthetic again."

Mabagal na lumapit si Maris. Ang bawat hakbang nito sa marble floor ay parang hatol ng bitay para kay Aria. Huminto ito sa harap ng glass sculpture at sinuri ang paligid bago ibinaling ang matatalim na mata kay Aria.

"Aria."

"Mama..." mabilis na tugon ni Aria, agad na ibinaba ang tingin.

"I’ve told you a thousand times," pangaral ni Maris sa malamig at walang emosyong tono. "In this family, perfection is the bare minimum. Sterling Group is pushing for major acquisitions in BGC this quarter. Drake is stress-testing everything to secure investors. And yet, here you are, wasting energy on flowers instead of making sure the kitchen staff isn't fucking up the menu."

"I'm sorry, Mama," mahinang sagot ni Aria. "Chineck ko na po ang kitchen kanina. I'm just finishing up here—"

"Don't talk back to me," malamig na utos ni Maris.

Lumapit si Maris sa mesa at pinitik ang isa sa mga petals ng orchid. "Dianne is right. This arrangement looks cheap. It’s pathetic."

Tumingin si Dianne sa kanyang ina bago nagpakawala ng isang pilyang ngiti. Habang nakatingin kay Aria, sadyang idinampi ni Dianne ang kanyang siko sa gilid ng customized Murano glass sculpture.

Sa isang mabilis na paggalaw, ang mamahaling babasagin, na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso at personalized para sa gabi, ay bumagsak sa polished marble floor at nadurog sa libu-libong piraso. Ang tunog ay yumanig sa buong bahay.

Napatakip ng bibig si Aria sa gulat. Nanlamig ang buong katawan niya. "Oh my god..."

"Oops," wika ni Dianne nang walang kaabog-abog na emosyon. Tumingin ito sa sariling kuko na parang walang nangyari. "It slipped. Or wait... nabangga mo ba, Aria?"

Mabilis na umiling si Aria, nanlalaki ang mga mata sa takot. "No! Dianne, ikaw ang—"

"How dare you point fingers at my daughter!" galit na sigaw ni Maris. Ang boses nito ay puno ng poot at matinding autoridad.

"Mama, hindi ko po ginaw—"

"Shut up!" Putol ni Maris, habang itinuturo ang basag na salamin sa sahig. "Look at this mess! That piece was imported from Italy! Drake personally secured that for the board members to see tonight! Do you have any idea kung magkano 'yan? Magkano ang mawawala sa pamilyang 'to dahil sa katangahan mo?"

"Hindi po ako ang nakabasag, Mama Maris, pakiusap, maniwala po kayo..." pakiusap ni Aria. Lumalabo na ang paningin niya dahil sa pumapatak na mga luha.

"Liar," malamig na sambit ni Dianne. "Mom, nandoon siya sa tabi n'yan nung lumapit ako. She was clumsy. She’s always been clumsy."

Inabot ni Maris ang lalagyan ng tissue sa kalapit na mesa, kumuha ng isa, at pinunasan ang dulo ng kanyang daliri na parang nadumihan nang hawakan ang hangin sa paligid ni Aria.

"I don't care about your excuses, Aria," sabi ni Maris sa napakalalamig na boses. "Niligtas ka lang ni Drake sa pagkakabaon sa utang at sa kapahamakan, pero pabigat ka pa rin hanggang ngayon. You are useless."

Napalunok si Aria. Ang bawat salita ay parang kutsilyong tumatagos sa puso niya. Wala siyang kakampi. Wala si Drake para ipagtanggol siya, at kahit narito man ito, alam niyang ang negosyo at ang pamilya nito ang lagi nitong kakampi.

"Linisin mo 'yan," utos ni Maris habang nakaturo sa mga matutulis na bubog sa sahig.

"T-Tawagin ko po ang mga kasambahay—"

"No," mabilis at pinal na sabi ni Maris. "You broke it, you clean it. Right now. Gamit ang sarili mong mga kamay."

Nanlamig si Aria. "Mama, napakaraming maliliit na bubog—"

"Did I stutter?" matigas na sabi ng matanda. "Linisin mo 'yan bago dumating ang mga bisita. At kapag may nakita akong ni isang piraso ng salamin pagbalik ko, sisiguraduhin kong malalaman ni Drake kung gaano ka walang kwenta."

Tumingin si Dianne kay Aria nang may halong tagumpay sa mata. "Clean it up, sister-in-law," pang-iinis pa nito bago kinuha ang kanyang matcha drink at sumunod sa ina paakyat ng hagdan.

Naiwang mag-isa si Aria sa gitna ng malawak at tahimik na living room. Ang tunog ng kanyang sariling paghinga at ang mabibigat na patak ng kanyang luha ang tanging naririnig.

Dahan-dahan siyang lumuhod sa malamig na sahig. Ang kanyang mamahaling damit, na pinili pa man din niya para maging presentable ngayong gabi ay lumapat sa alikabok at basag na salamin.

Maging ang kanyang mga kamay ay nagsimulang manginig habang inaabot ang unang malaking piraso ng bubog. Naramdaman niya ang matalim na baon nito sa kanyang balat. Isang patak ng dugo ang humalo sa nadurog na salamin.

Pinikit ni Aria ang kanyang mga mata habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang mga pisngi. Gumapang ang sakit mula sa kanyang kamay diretso sa kanyang dibdib. Hanggang kailan? Hanggang kailan niya kailangang magtiis sa impyernong ito?

Walang sumagot. Ang tanging naroon ay ang lamig ng mansyon ng mga Sterling, isang kulungan na gawa sa ginto, kung saan siya ang paboritong laruan ng mga taong walang awa...

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Sleeping With The Hidden Billionaire Servant   Kabanata 17

    PAGSAPIT ng alas-nuwebe ng gabi. Nabalot ng matinding katahimikan ang ikalawang palapag ng mansyon sa Forbes Park. Naglakad si Zane paakyat sa dimly lit staircase ng West Wing. Naka-suot pa rin siya ng kanyang kupas na dark green utility shirt at maong. Ang bawat hakbang niya sa makapal na rug ay mahina at kalkulado.Nang makarating sa tapat ng study room, dahan-dahang kumatok si Zane sa mabigat na pinto."Pasok," malamig na boses ni Drake mula sa loob.Nakasandal si Drake sa kanyang malaking executive desk, hawak ang isang baso ng single malt scotch habang nakatitig sa pintuan.Ibinaba ni Zane ang kanyang ulo nang pumasok. "Sir Drake. Pinapatawag niyo raw po ako."Tumayo si Drake, naglakad patungo sa pinto, at mabilis itong ini-lock. Matapos niyon ay hinarap niya si Zane na nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi."I have a proposition for you, Jay," panimula ni Drake habang dahan-dahang lumalapit sa hardinero. "Isang malaking opportunity na magbabago sa buhay mo.""Ano po 'yon, Sir?"

  • Sleeping With The Hidden Billionaire Servant   Kabanata 16

    KINABUKASAN, maagang nagising si Drake. Sa kabila ng malamig na hangin sa loob ng kanyang study room, hindi siya mapakali. Pabalik-balik siya sa paglalakad sa tapat ng malaking salamin ng bintana habang hawak ang porselanang tasa ng kape.Nasa ibabaw ng kanyang desk ang pirma ni Aria sa confidentiality agreement. Hawak na niya ang usapan, pero naroon pa rin ang pinakamalaking problema, sino ang lalaking gagamitin niya?Ayaw niyang kumuha ng taga-agency. Ayaw niya sa mga lalaking galing sa mga kilalang klinika o luxury escort services sa BGC at Makati. Ang mga taong ganoon ay matatalino, may access sa mga abogado, at pwedeng mag-iwan ng paper trail. Kapag naamoy ng media o ng mga kalaban niya sa negosyo na hindi sa kanya ang anak na dadalhin ni Aria, bagsak ang imahe niya. Masisira ang ipinagmamalaki niyang pangalan."Kailangan ko ng taong walang laban," pabulong na sabi ni Drake sa sarili habang pinalalabas ang usok ng kanyang cigar. "Someone completely invisible. Isang taong gipit sa

  • Sleeping With The Hidden Billionaire Servant   Kabanata 15

    ALAS-NUWEBE na ng gabi. Nasa loob ng study si Drake at nakaupo sa paborito nitong swivel chair, habang nakatayo naman si Aria sa tapat ng mahogany desk. Naka-simpleng pambahay na damit siya, habang ang kanyang mga kamay ay nakakuyom sa kanyang gilid. Sa ibabaw ng mesa, nakalapag ang tatlong pahina ng isang legal document, ang Surrogate Confidentiality Agreement. Nakasandal si Drake sa kanyang swivel chair, may hawak na ballpen habang malamig na nakatitig sa kanya."Pumirma ka na, Aria," pormal at walang emosyong utos ni Drake. "Huwag mo nang patagalin pa 'to."Tumingin si Aria sa huling pahina ng kontrata. Nakaturo roon ang maliit na linya kung saan nakasulat ang kanyang buong pangalan na Aria Vance-Sterling."Drake..." mahinang pakiusap ni Aria, ang kanyang boses ay nanginginig pa rin mula sa takot at kapaguran. "Sigurado ka ba rito? Pwede naman tayong mag-adopt na lang. Pwede nating sabihin sa media at sa pamilya mo na—""Adopt?!" galit na putol ni Drake, sabay hampas ng kanyang p

  • Sleeping With The Hidden Billionaire Servant   Kabanata 14

    KINABUKASAN...Mabigat ang bawat hakbang ni Aria habang binabagtas ang mahabang pasilyo ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City. Maaga siyang nagpaalam kay Maris pagkatapos niyang maihain ang almusal. Kahit may kasamang irap at panlalait mula sa biyenan, pinayagan din siyang umalis nang dalawang oras para bisitahin ang kanyang ina.Naka-simpleng maong at cardigan lang si Aria. May suot siyang face mask na bahagyang tumatakip sa namumula at kumikirot niyang pisngi, ang bakas ng marahas na sampal ni Drake kagabi.Pagtapat niya sa pinto ng Room 612, huminto muna si Aria. Huminga siya nang malalim at pilit na pinatag ang kanyang puso bago dahan-dahang itinulak ang pinto.Amoy ng disinfectant, alcohol, at malamig na hangin mula sa aircon ang agad na sumalubong sa kanya. Sa gitna ng maayos ngunit tahimik na kwarto, nakahiga ang kanyang ina na si Elena. Nakapikit ito, payat na payat, at napapalibutan ng iba't ibang medical monitor. Ang tuluy-tuloy na tunog ng heart monito ang t

  • Sleeping With The Hidden Billionaire Servant   Kabanata 13

    LAGANIT ng mga gulong sa basang semento ng driveway ang nagpabalik sa wisyo ni Aria nang huminto ang sasakyan sa tapat ng porch ng mansyon sa Forbes Park. Walang imik si Drake sa buong biyahe mula BGC, pero ang paraan ng pagpisil nito sa steering wheel, ay sapat na para mag-iwan ng matinding kaba sa dibdib ni Aria.Pagkababa ng sasakyan, hindi man lang siya hinintay ni Drake. Kaladkad nito ang kanyang braso habang mabilis na binabaybay ang grand staircase patungo sa ikalawang palapag, dinala siya diretso sa loob ng masters' suite at pabalagbag na isinarado ang mabigat na pinto.Ini-lock ni Drake ang pinto at inihagis ang kanyang suit jacket sa ibabaw ng kitang-kitang king-sized bed. Sa ibabaw ng glass nightstand, dahan-dahan niyang inilapag ang kulay itim na envelope mula sa St. Luke’s Medical Center."Drake... anong nangyayari sa 'yo?" nanginginig na tanong ni Aria, nakahawak sa kanyang braso na may pulang marka dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng asawa. "Ano ba 'yang papel na 'yan?

  • Sleeping With The Hidden Billionaire Servant   Kabanata 12

    NAGKIKISLAPAN ang malaking chandelier ng Shanghai Saloon sa Bonifacio Global City. Ang mamahaling Chinese fine-dining restaurant ay eksklusibong inarkila ng Sterling Group ngayong gabi ng 2026 para sa kanilang victory at expansion dinner. Amoy ng mamahaling wine, roasted duck, at mga imported na pabango ang pumupuno sa malamig na silid.Nakatayo si Aria sa tabi ng malaking banquet table, nakasuot ng elegante at simpleng cream-colored Silk gown na pinili ni Maris.Nakaayos nang maayos ang kanyang buhok, at ang kapal ng makeup sa kanyang mukha ay sapat para itago ang pamamaga ng kanyang mga mata at ang kaputlaan ng kanyang balat mula sa pang-aabuso kagabi."Smile, Aria," pabulong at malamig na utos ni Drake habang pinalilibutan ang beywang ng asawa ng kanyang braso para sa mga nakatapat na camera ng mga business journalists. "Look like a happy wife."Pilit na ngumiti si Aria. Inilagay niya ang kanyang kamay sa braso ni Drake, ibinibigay ang tamang postura na hinihingi ng lipunan."Mr. S

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status