LOGIN
Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Terminal 3
Lunes, 2:15 AM MALAMIG ang hanging hatid ng mga centralized AC sa loob ng arrival hall, pero hindi iyon sapat para pawiin ang matinding init na tatlong taon nang nag-aalab sa dibdib ng lalaking kakababa pa lamang mula sa isang private jet mula Boston. Nakatayo si Zane Thorne sa tapat ng malaking glass wall na tumatanaw sa skyline ng Metro Manila. Naka-tailored dark coat siya, matipuno, may matalas na panga, at may mga matang tila walang pinatatawad. Ang Harvard Business School graduate na kinakatakutan ngayon sa mga corporate boardroom sa United States at Singapore bilang maalamat na CEO ng Thorne Enterprises, ang pandaigdigang conglomerate sa shipping, real estate, at advanced tech ay nagbalik na sa sarili niyang bayan. Hindi para magbakasyon. Kundi para sa isang paghihiganti. Tatlong taon na ang nakalilipas nang mamayapa ang kanyang ama. Sa paningin ng publiko at ng media, namatay ito sa isang "misteryosong aksidente" sa mga pantalan ng Batangas. Pero alam ni Zane ang katotohanan. Namatay ang kanyang ama nang tanggihan nito ang ilegal, mapang-api, at corrupt na kasunduan ng pamilya Sterling—ang pamilyang nag-aambisyong humawak sa buong maritime business at luxury real estate sa BGC at Makati. Ipinapatay ng mga Sterling ang kanyang ama para maagaw ang maunlad na shipping fleet at mga pantalan ng pamilya Thorne. "Everything is set, Boss," mahinang bulong ng kanyang confidential assistant na si Leo habang iniaabot sa kanya ang isang makapal na manila envelope at isang simpleng duffel bag. "Ang mga legal team at financial proxy natin sa Singapore ay nakahanda na para sa pasimula ng pagbagsak ng Sterling Group. Pero sigurado ka ba rito?" Tumingin si Zane sa hawak na envelope. Sa loob niyon ay ang bagong pagkatao na gagamitin niya. "A front-line corporate attack will only make them hide their tracks, Leo," malamig at garalgal ang boses ni Zane, bawat salita ay may timbang ng bakal. "To completely destroy a empire like the Sterlings, I need to tear it down from the inside out. I need to pull out the concrete pillars before I crush them publicly." Inilabas ni Zane mula sa bag ang mga lumang damit, isang kupas na maong, simpleng utility shirt, at isang pekeng Barangay clearance at biodata na may pangalang "Jay". Walang makakapag-akala na ang bagong kuha na stay-in house servant at gardener sa eksklusibong mansyon ng mga Sterling sa Forbes Park ay ang mismong bilyonaryong CEO na may kakayahang bilhin ang buong kumpanya nina Drake at Maris Sterling sa isang pikit lang ng mata. "How about the wife?" tanong ni Leo. "Aria Vance Sterling. The middle-class woman Drake married two years ago to clean up his public image." Sandaling napatigil si Zane. Binuksan niya ang huling pahina ng file kung saan nakadikit ang larawan ng isang magandang babae. May malalalim at malungkot na mga mata ito, ang babaeng ginamit ni Drake Sterling bilang isang ' trophy wife' para makuha ang tiwala ng mga konserbatibong investors habang ibinabaon sa dusa at pang-aabuso. Pinasada ni Zane ang kanyang hintuturo sa larawan ng mukha ni Aria. Walang awa sa kanyang mga mata. Para sa kanya, ang sinumang may apelyidong Sterling ay kasabwat at dapat ding magbayad. "She’s just collateral damage," malamig na dulas ng dila ni Zane habang isinasara ang envelope. "If she gets crushed along the way, that’s on her for marrying into a family of killers." Isinukbit ni Zane ang duffel bag sa kanyang balikat at isinuot ang isang simpleng itim na cap. Naglakad siya palabas ng terminal patungo sa naghihintay na lumang pick-up truck na maghahatid sa kanya sa Forbes Park. Nagsimula na ang countdown. Ang pamilya Sterling ay walang kaalam-alam na ang taong ituturing nilang pinakamababang utusan sa loob ng kanilang tahanan, ang siya mismong gigiba sa kanilang imperyo...PAGSAPIT ng alas-nuwebe ng gabi. Nabalot ng matinding katahimikan ang ikalawang palapag ng mansyon sa Forbes Park. Naglakad si Zane paakyat sa dimly lit staircase ng West Wing. Naka-suot pa rin siya ng kanyang kupas na dark green utility shirt at maong. Ang bawat hakbang niya sa makapal na rug ay mahina at kalkulado.Nang makarating sa tapat ng study room, dahan-dahang kumatok si Zane sa mabigat na pinto."Pasok," malamig na boses ni Drake mula sa loob.Nakasandal si Drake sa kanyang malaking executive desk, hawak ang isang baso ng single malt scotch habang nakatitig sa pintuan.Ibinaba ni Zane ang kanyang ulo nang pumasok. "Sir Drake. Pinapatawag niyo raw po ako."Tumayo si Drake, naglakad patungo sa pinto, at mabilis itong ini-lock. Matapos niyon ay hinarap niya si Zane na nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi."I have a proposition for you, Jay," panimula ni Drake habang dahan-dahang lumalapit sa hardinero. "Isang malaking opportunity na magbabago sa buhay mo.""Ano po 'yon, Sir?"
KINABUKASAN, maagang nagising si Drake. Sa kabila ng malamig na hangin sa loob ng kanyang study room, hindi siya mapakali. Pabalik-balik siya sa paglalakad sa tapat ng malaking salamin ng bintana habang hawak ang porselanang tasa ng kape.Nasa ibabaw ng kanyang desk ang pirma ni Aria sa confidentiality agreement. Hawak na niya ang usapan, pero naroon pa rin ang pinakamalaking problema, sino ang lalaking gagamitin niya?Ayaw niyang kumuha ng taga-agency. Ayaw niya sa mga lalaking galing sa mga kilalang klinika o luxury escort services sa BGC at Makati. Ang mga taong ganoon ay matatalino, may access sa mga abogado, at pwedeng mag-iwan ng paper trail. Kapag naamoy ng media o ng mga kalaban niya sa negosyo na hindi sa kanya ang anak na dadalhin ni Aria, bagsak ang imahe niya. Masisira ang ipinagmamalaki niyang pangalan."Kailangan ko ng taong walang laban," pabulong na sabi ni Drake sa sarili habang pinalalabas ang usok ng kanyang cigar. "Someone completely invisible. Isang taong gipit sa
ALAS-NUWEBE na ng gabi. Nasa loob ng study si Drake at nakaupo sa paborito nitong swivel chair, habang nakatayo naman si Aria sa tapat ng mahogany desk. Naka-simpleng pambahay na damit siya, habang ang kanyang mga kamay ay nakakuyom sa kanyang gilid. Sa ibabaw ng mesa, nakalapag ang tatlong pahina ng isang legal document, ang Surrogate Confidentiality Agreement. Nakasandal si Drake sa kanyang swivel chair, may hawak na ballpen habang malamig na nakatitig sa kanya."Pumirma ka na, Aria," pormal at walang emosyong utos ni Drake. "Huwag mo nang patagalin pa 'to."Tumingin si Aria sa huling pahina ng kontrata. Nakaturo roon ang maliit na linya kung saan nakasulat ang kanyang buong pangalan na Aria Vance-Sterling."Drake..." mahinang pakiusap ni Aria, ang kanyang boses ay nanginginig pa rin mula sa takot at kapaguran. "Sigurado ka ba rito? Pwede naman tayong mag-adopt na lang. Pwede nating sabihin sa media at sa pamilya mo na—""Adopt?!" galit na putol ni Drake, sabay hampas ng kanyang p
KINABUKASAN...Mabigat ang bawat hakbang ni Aria habang binabagtas ang mahabang pasilyo ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City. Maaga siyang nagpaalam kay Maris pagkatapos niyang maihain ang almusal. Kahit may kasamang irap at panlalait mula sa biyenan, pinayagan din siyang umalis nang dalawang oras para bisitahin ang kanyang ina.Naka-simpleng maong at cardigan lang si Aria. May suot siyang face mask na bahagyang tumatakip sa namumula at kumikirot niyang pisngi, ang bakas ng marahas na sampal ni Drake kagabi.Pagtapat niya sa pinto ng Room 612, huminto muna si Aria. Huminga siya nang malalim at pilit na pinatag ang kanyang puso bago dahan-dahang itinulak ang pinto.Amoy ng disinfectant, alcohol, at malamig na hangin mula sa aircon ang agad na sumalubong sa kanya. Sa gitna ng maayos ngunit tahimik na kwarto, nakahiga ang kanyang ina na si Elena. Nakapikit ito, payat na payat, at napapalibutan ng iba't ibang medical monitor. Ang tuluy-tuloy na tunog ng heart monito ang t
LAGANIT ng mga gulong sa basang semento ng driveway ang nagpabalik sa wisyo ni Aria nang huminto ang sasakyan sa tapat ng porch ng mansyon sa Forbes Park. Walang imik si Drake sa buong biyahe mula BGC, pero ang paraan ng pagpisil nito sa steering wheel, ay sapat na para mag-iwan ng matinding kaba sa dibdib ni Aria.Pagkababa ng sasakyan, hindi man lang siya hinintay ni Drake. Kaladkad nito ang kanyang braso habang mabilis na binabaybay ang grand staircase patungo sa ikalawang palapag, dinala siya diretso sa loob ng masters' suite at pabalagbag na isinarado ang mabigat na pinto.Ini-lock ni Drake ang pinto at inihagis ang kanyang suit jacket sa ibabaw ng kitang-kitang king-sized bed. Sa ibabaw ng glass nightstand, dahan-dahan niyang inilapag ang kulay itim na envelope mula sa St. Luke’s Medical Center."Drake... anong nangyayari sa 'yo?" nanginginig na tanong ni Aria, nakahawak sa kanyang braso na may pulang marka dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng asawa. "Ano ba 'yang papel na 'yan?
NAGKIKISLAPAN ang malaking chandelier ng Shanghai Saloon sa Bonifacio Global City. Ang mamahaling Chinese fine-dining restaurant ay eksklusibong inarkila ng Sterling Group ngayong gabi ng 2026 para sa kanilang victory at expansion dinner. Amoy ng mamahaling wine, roasted duck, at mga imported na pabango ang pumupuno sa malamig na silid.Nakatayo si Aria sa tabi ng malaking banquet table, nakasuot ng elegante at simpleng cream-colored Silk gown na pinili ni Maris.Nakaayos nang maayos ang kanyang buhok, at ang kapal ng makeup sa kanyang mukha ay sapat para itago ang pamamaga ng kanyang mga mata at ang kaputlaan ng kanyang balat mula sa pang-aabuso kagabi."Smile, Aria," pabulong at malamig na utos ni Drake habang pinalilibutan ang beywang ng asawa ng kanyang braso para sa mga nakatapat na camera ng mga business journalists. "Look like a happy wife."Pilit na ngumiti si Aria. Inilagay niya ang kanyang kamay sa braso ni Drake, ibinibigay ang tamang postura na hinihingi ng lipunan."Mr. S







