Share

CHAPTER 5

HINDI ako yung tipo ng tao na kayang magtiis dahil sa totoo lang ay sobrang ikli lang ng pasensya ko kaya naman hanggang sa maari ay umiiwas ako sa mga tanga sa paligid ko. Mag isa ako ngayon sa bahay habang nanonood ng kung no lang na palabas sa tv, wala kasi akong gana na lumabas ng bahay dahil pare-pareho lang naman ang mukhang nakikita ko at nakakasawa na.

"Ma'am, may naghahanap po sainyo sa labas"

Lumingon naman ako kay yaya na taas ang kanang kilay."sino raw po?" I asked.

Umiling naman si manang. Tumayo naman na ako sa kinauupuan ko at agad na nagtungo sa gate, sino naman kaya ang bibisita sa akin na tanghaling tapat jusko naman.

"Good day" Bungad na bati nito.

Agad namang tumaas ang kilay ko nang makita ko ang mukhang naghahanap sa akin, anong trip niya at pumunta siya dito na ang init init at tirik na tirik ang sinag ng araw.

"Jaez?" I asked.

Tumango naman ito sa akin na may malapad na ngiti sa labi nito." Hindi mo ba ako aayain na pumasok?" Ani niya.

"Uhm, okay. Tuloy ka" Napipilitan na ani ko sa kaniya.

Nauna naman itong naglakad papasok sa loob habang ako naman ay sumunod sa kaniya mula sa likod niya. Pag pasok sa loob ay agad na naupo si Jaez sa couch habang ako naman ay nagtungo sa kusina upang sabihan sila yaya na ipaghanda kami ng pwede naming makain.

"Anong mayron?" I asked.

"Hindi mo ba ako aalukin ng food?" He asked.

"Tangina? Sinabi ko ba na pumunta ka rito at pano mo nalaman ang bahay ko?" ngiwing ani ko sa kaniya.

"Hindi, pero bisita mo ako" Ani niya.

"Correction, bwesita" Ani ko na tinarayan siya.

Mahina lang naman itong natawa at nag iwas ng tingin. Hindi namn ako umimik dahil dumating na rin si yaya na may dalang pagkain at ipinatong sa mini table sa harap namin ni Jaez.

"Kumain kana" Ani ko na nginuso ang pagkain.

"Hindi ka sasabay?" Ani niya.

"Pwede ba? Kumain ka nalang?" naiirita na ani ko.

"Kung sumabay ka edi san tapos na" Ani naman niya na bumaba ang tingin sa pagkain sa table.

Wala naman akong choice kundi ang sumabay nga sa kaniya sa pagkain. Habang kumakain naman ay hindi ako makanguya nang maayos dahil sa tingin nito sa akin na akala mo'y binabantayan ako sa bawat pag nguya ko.

"Ano bang tini-tingnan mo?"Taas ang kilay na tanong ko sa kaniya.

Nag iwas naman siya ng tingin sa akin." Nothing" Iling niya.

Tumango nalang naman ako. After naming kumain ay iniwan ko sandali si Jaez sa sala dahil tinulungan ko pang magligpit si yaya sa kusina and after non staka lang ako bumalik sa sala.

"So, what's bring you here?" I asked then sit next to him.

"Gusto kita" Ani nita.

Nanlaki naman ang mata ko at tinaasan siya ng kilay, so pumunta siya dito para lang dyan?.

"- gusto kitang kunin bilang personal assistant ko" Pqgpapatuloy niya.

Namilog naman ang bibig ko sa sinabi niya at agad na nag iwas ng tingin sa kaniya, napaka gago naman ng lalaki na to gwapo sana nakakabwesit lang.

"Sorry, ayoko hindi ko kailangan ng trabaho" Ani ko naman sa kaniya.

"Seryoso ka?" Ani niya.

"Yes, seryoso ako. Marami akong pera and I don't need to work" I said.

"Sa ngayon siguro marami kang pera, hindi mo naiisip yung mga susunod pang araw" Ani naman niya.

Natahimik naman ako sa sinabi niyang iyon.

"Think about the future, kasi hindi habang buhay aasa ka sa pera ng parents mo" Ani pa niya.

Napalingon naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niyang iyon." Gaano ka kasigurado na umaasa ako sa pera ng parents ko?"Ani ko na diretso ang tingin sa kaniya.

"Kasi wala kang trabaho" Ani nito.

Agad naman akong napatayo sa kinauupuan ko." Umalis ka na, pako sarado na lang ang gate" Ani ko at basta na lang siyang tinalikuran.

Diretso akong naglakad paakyat sa kwarto ko at bagsak na isinarado ang pinto ko, ganon na ba tingin sa akin ng mga tao ngayon? Umaasa sa pera ng magulang kong namatay na?hindi manlang ba nila naisip na may naipon rin ako sa trabaho ko noon??

"That's funny"

NATAMPAL naman ni Jaez ang sarili niyang noo nang iwan siya ni Bianca, hindi tuloy ito mapakali kung may nasabi ba siyang mali na naging dahilan ng pag alis ng dalaga.

"Pag pasensyahan mo na iyon" Ani ng kasambahay na babae.

Napalingon naman si Jaez sa matandang babae."Naiintindihan ko naman po" Ani ni Jaez.

"Hindi lang talaga niya gusto ang isipin na umaasa lang siya sa magulang niya" Ani nito.

Natahimik naman si Jaez nang maalala niya ang nasabi niya sa dalaga, ang tanga tanga talaga niya bakit hindi niya naisip ang bagay na iyon napaka insensitive.

"Independent woman iyang si Bianca noon pa man" Ani ng kasambahay nila na naupo sa gilid na upuan.

Buong attention naman ang binaling ni Jaez sa matanda dahil para bang nais niyang may malaman pa tungkol sa dalaga.

"Maraming pera iyang si Bianca na tama hanggang sa magkaroon siya ng pamilya" Ani pa nito.

"Alam ko naman po iyon, gusto ko lang naman ho na magtrabaho siya sa akin para mabantayan ko siya"Ani ni Jaez na napayuko.

"Gusto mo ba siya?" tanong nito.

Hindi naman agad nakaimik si Jaez sa tanong ng matanda dahil hindi niya alam kung anong isasagot niya sa tanong na iyon dahil kahit siya sa sarili niya ay hindi matukoy kung ano ang nararamdaman niya.

"Mukhang hindi ka sigurado, hijo" Ani ng matanda.

"Hindi ko ho alam, ang alam ko lang po ay gusto ko ay lagi siyang safe" Ani ni Jaez na nag angat ng tingin sa matanda.

"Kung ganon, may nararamdaman ka nga sa kaniya.. hindi mo iyan matutukoy sa ngayon ngunit darating din iyan hintayin mo lang" Ani ng matanda na tumayo sa kinauupuan nito.

Nag paalam naman na ang matanda kaya naman nag decide na so Jaez na umalis na rin dahil may kailangan pa itong puntahan. Paglabas ni Jaez ay napadungaw pa ito sa bintana ng kwarto ni Bianca nagbabakasakali na makita niya doon ang dalaga ngunut sa kasawiang palad ay hindi manlang niya ito nakita.

Saktong pagsakay naman ni Jaez sa kotse niya ay nakatanggap ito ng tawag mula sa office na may naghahanap daw sa kaniya kaya naman dali-dali na sumakay si Jaez sa kitse niya at pinaandar iyon paalis sa lugar.

BUONG araw na nanatili si Bianca s kwarto niya at bumababa lang ito sa tuwing kakain na ito o kaya naman may kukunin sa kung saang parte ng bahay nila. Bianca decided to do something fun kaya naman kinuha nito ang mga pang pinta niya sa isang silid at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita niya roon ang isang pinta na talaga namang umagaw sa attention niya.

' Don't be afraid to show your fragile side'

Pinta iyon ng ama niya kaya naman hindi naiwasan ni Bianca ang maluha habang pinag-mamasdan ang pintang iyon. Isang babae na nakatalikod sa kalawakan at may hawak na isang pulang rosa na kaunti na lang ay malalanta na.

Knock! Knock!

Napalingon naman si Bianca sa pinto at agad na pinunasan ang luha sa pisnge niya bago tuluyang lumapit sa pinto at buksan ito.

"For you"

Bumungad naman sa kaniya ang mukha ni Jaez na may hawak na bulaklak.Agad namang naibaba ni Jaez ang hawak niyang bulaklak at lumapit kay Bianca at agad itong niyakap.

"Umiiyak ka na naman" He whispered.

Hindi naman umimik si Bianca at dinama lang ang pagtulo ng luha sa pisnge nito habang pikit ang dalawa nitong mata at dinadama ang yakap ni Jaez sa kaniya, pakiramdam niya safe siya sa bisig ni Jaez.

"I miss them " She whispered.

Imbis naman umimik si Jaez ay mas niyakap noya ito upang iparamdam sa dalaga na kahit na anong mangyare ay andito lang siya sa tabi nito.

"Nanghihina na ako, gusto ko nalang sumuko at makita sila" Hirap man ngunit pilit na ani ni Bianca.

"Wag mong sabihin yan, mabuhay ka nang mahaba para sa kanila"Ani ni Jaez.

"Hindi ko na kaya mag isa" Ani naman ni Bianca.

"Sino ba nagsabi na mag isa ka?.. sasamahan kita" Ani ni Jaez na dinampian ng halik ang ulo ni Bianca.

"Hanggang kailan?" she whispered.

"Hanggang sa kaya ko" Mahinang ani ni Jaez na malapad ang ngiti sa labi nito. "Just be healthy for " He added.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status