LOGINPaano kung sa pagpasok mo sa bagong trabaho ay pag-aari ka na rin ng amo mo? Si Axellyn Santos ay isang dalaga na lumaki sa kaniyang mga Lola at Lolo. Para makatulong ay nag-apply siya bilang isang Yaya sa La Guardia dahil na rin sa mataas na sahod. Doon niya makilala ang boss niyang si Josiah La Guardia. Hindi na kaagad maganda ang una pa lang na pagkikita. Palagi nitong ipinapakita na ayaw nito sa kaniya. Paano kaya niya mababago ang empresyon sa kaniya ng boss niya kung first impression last. At paano pa siya aalis kung pagmamay-ari na siya ng isang La Guardia.
View MoreNapatitig si Axellyn sa kaniyang Lolo Rodolfo noong makita niya ang nanginginig na kamay nito habang nagtitimpla ng kape.
Mabilis siyang lumapit upang daluhan ito. "Lolo umupo ka na lang, ako na ang bahalang magtimpla ng kape mo." Kaagad na hinampas ng kanyang lolo ang kanyang kamay. "Ikaw ang umupo roon, Axellyn. Kayang-kaya ko pang magtimpla ng kape." "Lolo nandito ako para alagaan ka." "Bakit naman ako aalagaan. Malakas pa ang lolo mo. Matanda lang ako pero wala akong sakit." Kaagad na sumimangot ang kaniyang mukha. Dahil ayaw talaga nito na inaalagaan. "Lolo hayaan mo na akong gawin ito. Noong bata ako inaalagaan nyo ako ng mabuti." "Bata na ba ako sa tingin mo ngayon, Axellyn?" bwelta nito sa kaniya. Mabilis siyang umiling. "Lolo Rodolfo naman, andami nyo naman po na rason sa akin. Mas mabuti pa siguro kung magtrabaho na talaga ako." Matagal siyang tinitigan ng kaniyang Lolo. "Mabuti na rin iyon apo para magkaroon ka ng ipon para sa sarili mo." Huminga siya ng malalim. "Para po sainyo ni Lola!" Kailangan niyang magkaroon ng trabaho para sa Lola at Lolo niya. Gusto niyang makatulong sa mga ito. Gusto niyang bigyan ng maginhawang buhay kung saan di na sila mahihirapan na magtrabaho pa. "Kailangan mo ba talaga ng trabaho, Axellyn Santos?" Kaagad na sumimangot ang mukha ko noong marinig na tawagin siya ng kaibigang si Mirabel. Hindi ako sa ayaw ko marinig ang pangalan ko, pero kapag siya ang nagbanggit noon, parang nilalaro lamang ako. Nasabi niya kasi sa kaibigan niya na gusto niyang maghanap ng trabaho. Marami kasi itong kilalang tao at baka matulungan siya. "Oo na, kailangan ko ng trabaho. Matanda na si Lolo at Lola, kaya kailangan ko na rin na kumayod para sa kanilang dalawa. Alam mo naman ang buhay ngayon, mas lalo tayong naghihirap dito sa Pilipinas. Kada galaw kailangan may bayad." Tumango ng ilang ulit si Mirabel na parang sumasang-ayon sa sinabi ko. "May balak sana akong i-recommend na trabaho pero stay in. Malaki ang sahod, pero hindi naman ako pwedeng mag-resign sa trabaho ko." Saglit akong nag-isip. Malaki ang sahod ang unang salitang prinoseso ng utak ko. Kailangan ko ng malaking pera para kay Lola at Lolo. Ayaw ko na silang mapagod para kumayod. Kung kailan naman kasi matanda na sila, Lola, saka pa ako nawalan ng trabaho. Hindi naman pwedeng umupo lang ako dito na parang isang prinsesa. "Anong trabaho at saan?" "Katulong sa Maynila. Mayaman at malaki ang pamilya nila doon kaya kailangan na magdagdag ng katulong. Mga tatlong barangay ang lupa nila, may kanya kanyang mansyon bawat isa." Hindi ko mapigilan ang panlalaki ng kaniyang mga mata noong marinig kung gaano kalaki ang ari-arian nila. Sigurado na hindi lang iyon ang ari-arian nila. "Magkano ang sahod?" "Forty thousand a month." Mas lalo lamang na nanlaki ang mga mata ko at halos lumuwa na sa gulat. Kapag teacher ka mas malaki pa ang sasahurin ko sa kanila. "Sigurado ka bang 40k ang sahod? Hindi ba illegal iyan dahil katulong ganyan kalaki!" Hindi makapaniwala niyang tanong. "Axellyn, kung wala lang akong tatlong taon na kontrata sa pinagtra-trabahohan ko, lumipat na ako. Minsan lang ang ganoong opportunities na dumating sa atin," saad ni Mirabel. "Paano ba mag-apply diyan. Kailangan ko talagang makatulong kila lola at lolo." "Iyong agency kasi ng dati kong katrabaho yung nagbalita sa akin. Nung naalala kita sinabi ko sa kanya na irerekomenda kita." Kaagad na niyakap niya ng mahigpit ang kanyang kaibigan. Palagi niyang kasama si Mirabel sa kagipitan man o kagingawahan. "Thank you talaga, Mirabel. Susubukan ko na mag-apply baka sakali na matangap ako. Kapag natangap ako ililibre kita." Umirap si Mirabel, pero maitago ang ngiti sa labi nito. "Syempre naman ililibre mo talaga ako. Malaki ang sweldo doon kaya makakaipon ka." "Sana nga makaipon ako para maging maluwag na ang buhay nila Lola at Lolo. Kailangan ko rin na makaipon para sa sarili ko." Pagkatapos nilang maghiwalay ni Mirabel kaagad niyang inayos ang mga dokumentong ipapasa niya. Nag-send na rin siya ng email sa agency. Lumipas ang isang linggo medyo nawalan na siya ng pag-asa dahil hanggang ngayon wala siyang natatanggap na email mula sa agency. Ang sabi ng kaibigan niya na inaabot lang daw ng tattoo o limang araw bago malaman ang resulta. "Apo, kaya aga-aga bakit ganyan ang mukha mo. Hindi ba sinabi ko sayo namalas ang nakabusangot ng maaga pa lang," puna ng kanyang Lola Olive. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Eh, Lola Olive, hanggang ngayon kasi wala pa akong natatanggap na email galing sa pinag-applyan ko. Baka hindi na talaga ako natanggap. Ang sabi kasi ni Mirabell ay inaabot lang daw ng tatlo o limang linggo bago sila mag-email kung tanggap ba ako." "Eh hangga't hindi nila sinasabi na hindi ka tanggap, meron pang pag-asa. Isa pa baka mamaya lang yun," pagpapanatag nito sa isipan niya. "Habang tumatagal kasi magiging dismayado ako. Pero tama ka Lola Olive, hanggang hindi pa natatapos ang araw na ito o hindi pa ako nakakatanggap ng email galing sa kanila. May pag-asa pa." "Kahit naman ayaw namin, Lolo Rodolfo, mo na umalis ka, pero suportado ka namin." Maingat nitong hinuplos ang kanyang pisngi. "Napakaganda ng apo ko para maging malungkot. Kaya ngumiti ka dahil nakakapangit ang nakabusangot." Hindi niya mapigilan ng mapangiti. Alam na alam at kilala talaga siya ng kanyang Lola Olive. Nung tumunog ang kanyang cellphone pareho silang dalawa na tumingin. Nakaramdam siya nakaunting ka ba habang binubuksan ang kanyang cellphone. Ganun na lamang ang gulat at panglalaki ng kanyang mga mata, noong makitang acceptance letter iyon. Napaiyak siya sa tuwa at mahigpit na niyakap ang kaniyang Lola. "Lola matanggap raw po ako!" Umiiyak niyang saad. "Congrats apo!" Maging ang lola niya ay umiiyak na rin katulad niya. "Sabi ko naman sayo na matatanggap ka." "Para sa iyong dalawa ito ni Lolo Rodolfo.""Tinanggal na ako sa trabaho ni Sir Lucien. Dahil sa nangyari sa 'yo. Naiintindihan ko naman, dahil concern lang siya." "Aside from that?""Gusto niya akong umalis. Mas makakabuti raw kung bago ka magising ay umalis na ako. Hindi ko plano na masaktan ka o may mangyari sayo na masama. Hindi ako ganoong klase ng tao." She lowered her eyes. "Pero hinintay ko talagang magising ka para makapagpaalam sa 'yo. Gusto ko rin magpasalamat, kasi kahit madalas mo akong pagalitan, hindi mo naman ako iniwan doon.""Sinaktan ka ba niya?"Lumaki ang mga mata niya at umiling. "Hindi po, Sir Lucien! Hindi niya ako sinaktan. Hindi niya iyon magagawa. Palaging nandiyan para sa akin sina Sir Tyron at Leslie, kaya wala akong dapat ikatakot."Tumango si Josiah, pero bakas pa rin sa mukha nito ang galit. Paano niya ito mapapakalma? Takot siyang hawakan ito, at ayaw na rin niyang magsalita pa dahil baka hindi maganda ang masabi niya.Baka maging dahilan pa iyon ng pag-aaway ng magkapatid, at hindi iyon magan
Bumungad kay Axellyn ang puting kisame pagbukas ng kaniyang mga mata. Nanuoot sa kaniyang ilong ang amoy ng gamot. Binalot siya ng katahimikan. Nararamdaman pa rin niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan, sakit ng ulo at hapdi mula sa kaniyang mga sugat. Noong marinig niya ang pagbukas ng pinto ay kaagad na lumipat ang tingin niya roon. Nakita niya si Lucien na pumasok. Kaagad siyang umupo sa kama at hinarap ang lalaki. He look at her displeased. Hindi niya alam pero simula pa lang ayaw ayaw na talaga ng lalaki sa kaniya. "Kumusta na po si Sir Josiah?" Mahinang tanong niya sa lalaki. "Don't even asked. My brother is currently recovering from all of his injuries, and it was because of you!" There was a trace of anger in Lucian's cold voice.Para siyang nabunutan ng tinik nang marinig niyang maayos ang kalagayan ni Josiah. Utang niya ang buhay niya sa lalaking iyon. Ibinuwis nito ang buhay niya para rito. "I'm sorry, Sir Lucien! Hindi ko talaga gusto ang nangyari kay Sir Josia
As soon as he saw Tyron, he started scolding him. He is fuming with anger. Josiah has undergone surgeries because when he arrived he is critical. After he fired on the guy holding Axellyn, they both past out. The girl is currently resting, the doctor told him that she is too shock of what happened. He is not convinced with that. Marami ang nangyari na ganito. Walang tao na dapat pagkatiwalaan dahil lahat gusto nang pera at kapangyarihan. That's why people always get betrayed by the people they trust. "Where have you been Tyron. Hindi mo alam na may nangyayari ng ganito. I have called you a hundred times. This is not the right time to play with your women." "Watch your mouth, Lucien. Hindi ibig sabihan na hindi mo ako matawag at puro na babae ang inaatupag ko." "Hindi ba? Look at those hickeys on your neck! Is that enough proof na nambabae ka na naman." Pinanood niya kung paano hawakan ni Tyron ang leeg nito na para bang dinadama ang kiss mark na iniwan ng babae nito. M
Ilang oras siyang naghintay na bumalik si Josiah. Malaki ang tiwala niya sa lalaki na hindi siya nito iiwan dito na mag-isa. Gusto niya itong tulungan, kung marunong lamang siyang makipaglaban sa mga armadong lalaki. ***Nagulat siya nang biglang may sunod-sunod na malalakas na katok mula pinto. Kumabog ang dibdib niya sa kaba. Agad siyang nilibot ng tingin sa silid, naghahanap ng anumang bagay na pwede niyang gamitin upang ipagtanggol ang sarili niya. Nang dumako ang mga mata niya sa isang kahoy na upuan, mabilis niya itong dinampot at mahigpit na niyakap ang sandalan habang dahan-dahang lumalapit sa pinto."Axellyn, it's me. Open the door. Kailangan na nating makaalis dito."Parang nabunutan siya ng tinik nang marinig ang pamilyar na boses ni Josiah mula sa labas. Walang pag-aalinlangan niyang ibinaba ang upuan at mabilis na binuksan ang pinto.Nanlaki ang mga mata niya nang bumungad sa kanya ang duguang pigura ni Josiah. May bahid ng dugo ang suot nitong damit, mahigpit ang pagkak






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews