Share

Chapter 53

Author: London Bridge
last update publish date: 2026-04-27 11:46:23

Dahan-dahang lumakad si Anya patungo sa kinalalagyan ko. Itinapon niya ang kanyang sigarilyo sa sahig at mariin itong tinapakan bago muling ibinaling ang kanyang matalas na tingin sa akin.

"I'm asking you if you are pregnant," pag-uulit niya.

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko, tila ba sasabog ito sa tindi ng kaba. Ang dapat na isasagot ko ay isang matindig na hindi, pero tila nagtaksil ang sarili kong bibig. Napayuko ako at bahagyang nanginginig ang boses nang sumagot.

"H-Hindi ko pa alam.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 54

    Pilit kong inayos ang aking sarili bago pinihit ang hawakan ng pinto ng opisina ni Tyler. Ang kaba sa dibdib ko dahil sa nalaman kong balita ay tila gustong kumawala, pero kailangan kong magpanggap."What happened to Anya?" agad na tanong ni Tyler pagkapasok na pagkapasok ko. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin mula sa mga papeles na binabasa niya, pero bakas ang pagtataka sa kanyang boses."Ha?" napatigil ako. Alam kong gumawa ng alibi si Anya para sa akin, pero hindi ko alam kung anong partikular na kwento ang ibinenta niya.Binitawan ni Tyler ang kanyang ballpen at sumandal sa kanyang executive chair. "She told me you bumped into her while she was having coffee and it spilled all over her clothes. Galit na galit ang boses niya."Awkward akong napatawa at dahan-dahang tumango. Sa dami ba naman ng pwedeng idahilan ni Anya, bakit iyon pa? Mukhang talagang pinanindigan niya ang pagiging masungit para lang hindi maghinala si Tyler."Hindi ko kasi siya nakita na paparating siya," pag

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 53

    Dahan-dahang lumakad si Anya patungo sa kinalalagyan ko. Itinapon niya ang kanyang sigarilyo sa sahig at mariin itong tinapakan bago muling ibinaling ang kanyang matalas na tingin sa akin."I'm asking you if you are pregnant," pag-uulit niya.Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko, tila ba sasabog ito sa tindi ng kaba. Ang dapat na isasagot ko ay isang matindig na hindi, pero tila nagtaksil ang sarili kong bibig. Napayuko ako at bahagyang nanginginig ang boses nang sumagot."H-Hindi ko pa alam..." Pinasadahan ni Anya ng tingin ang aking tiyan bago muling tumingin sa mga mata ko. "Does Tyler have any idea?" Ang tanong niya ay tila isang kumpirmasyon na sa isip niya, wala nang ibang lalaking pwedeng maging ama kundi si Tyler. Sa takot na baka kung anong isipin niya, mabilis akong sumagot."Hindi niya alam. At pakiusap, huwag mo munang sasabihin sa kanya. Hindi pa naman ako sigurado, baka... nalipasan lang ako ng gutom o pagod."Hindi siya sumagot sa pakiusap ko. Sa halip, iginagalaw n

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 52

    Sunod-sunod ang naging paglunok ko habang unti-unting nanlalamig ang aking mga kamay. Isang nakakatakot na kalkulasyon ang nabubuo sa isip ko. Hindi pa ako dinadatnan ng regla ngayong buwan. It couldn’t be. It’s impossible.Umiinom ako ng birth control pills. Alam ko sa sarili ko na hindi ako pumapalya sa bawat gabi—ngunit bigla akong natigilan. Isang gabi ang malinaw na rumehistro sa alaala ko. Noong gabi na pumunta kami sa Casino Grand at naospital ako dahil sa ginawa ni Mr. Villaflor... nakalimutan kong uminom. Sa gulo ng nangyari noong gabing iyon, tuluyan nang nawala sa isip ko ang uminom ng pills.Oh my God..."Sophia?"Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Tyler. Napansin niya sigurong ilang minuto na akong nakatulala sa ham at tila malayo ang tingin. Doon ako biglang natauhan. Pilit akong nag-angat ng tingin at nagpakawala ng isang pilit na ngiti kina Manang at Tyler."S-Siyempre, biro lang iyon, Manang!" mabilis kong bawi. Agad kong dinukwang

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 51

    Naalimpungatan ako nang maramdaman ang bigat ng isang bisig na nakapulupot sa aking baywang. Pagmulat ng aking mga mata, ang mahimbing na mukha ni Tyler ang agad na bungad sa akin. Himbing na himbing siya sa pagkakatulog at bakas sa kanyang mukha ang kapayapaan na bihirang makita kapag gising siya.Pareho kaming walang saplòt sa ilalim ng makapal na kumot. Matapos ang mainit at mapusok na tagpo namin kagabi ay tila kapwa kami naubusan ng lakas kaya dito na siya sa kwarto ko inabutan ng antok. He looks so gentle when he is sleeping. Malayo sa matikas at seryosong Tyler na nakikita ng lahat sa opisina.Bahagya akong lumingon sa side table para tingnan ang oras. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang alas-singko y medya na ng umaga. Ang liwanag ng bukang-liwayway ay unti-unti nang sumisisilip sa awang ng mga kurtina. Baka may makakita kay Tyler na lumalabas sa kwarto ko kapag hinayaan ko pa siyang abutin ng sikat ng araw dito.Mahina kong tinapik ang kanyang balikat para gisingin siya. "T

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 50

    Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang tissue bago mabilis na nagmumog ng tubig para maalis ang mapait na lasa ng suka sa aking lalamunan. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang sumama ang timpla ng sikmura ko. Siguro ay dahil lang ito sa sobrang pagod at dahil nalipasan na ako nang husto ng gutom.Sinulyapan ko ang kalderong may lamang ulam at muli akong napangiwi. Ang dating masarap na amoy ay tila naging malansa na sa aking pang-amoy. Nawalan na ako ng gana. Sa halip na kanin, kumuha na lang ako ng ilang piraso ng tinapay at nagtimpla ng mainit na gatas para kahit paano ay may laman ang tiyan ko.Habang dahan-dahang kumakain sa counter, hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga. Kung naiwasan ko man si Tyler ngayong madaling araw, paano na bukas? Paano ko siya haharapin matapos ang lahat ng rebelasyon niya sa akin sa kwarto niya?"Sabihin ko na lang kaya na masakit ang ulo ko at hindi muna ako papasok?" bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa baso ng gatas.Muli akong sumubo ng

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 49

    Anong oras na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kanina pa ako pagulong-gulong sa malambot na kama, pero kahit anong pikit ko, tila gising na gising ang diwa ko. Malakas akong napabuntong-hininga at tiningnan ang alarm clock sa side table.Alas-dos na ng madaling araw.Doon ko lang napagtanto na hindi pa pala ako kumakain ng hapunan. Bukod sa gutom, kinakabahan din ako na baka makasalubong ko si Tyler sa labas. Nagpapaulit-ulit pa rin kasi sa isip ko ang pagmamakaawa niya sa akin kanina, iyong boses niyang puno ng takot na baka tumakas ako ulit at magpakalayo-layo.I couldn't believe a person like him existed. Na pagkatapos ng walong taon, pagkatapos ng lahat ng panunumbat at pag-iwan ko sa kanya, ay hindi pa rin nababawasan ang nararamdaman niya para sa akin.Muli akong napabuntong-hininga. Gusto kong umalis dahil ayaw kong maging mitsa ng away nila ng kanyang ina. Ayaw kong maging dahilan ng pagkasira ng pamilya nila. Pero sa kabilang banda, parang hindi ko na rin kayang iwan

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 15

    "Mariel!"Isang pamilyar na boses ang dumagundong mula sa men's wear section. Agad akong napalingon at doon ay nakita ko si Rowan na galit na galit habang malalaki ang mga hakbang na papalapit sa amin. Dali-dali niyang dinaluhan si Mariel at ingat na ingat na itinayo ito na tila ba isang mamahaling

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 14

    "Get everything you want," seryosong sabi ni Tyler habang nakatingin sa akin.Napaangat ako ng tingin sa kanya, tila hindi makapaniwala sa narinig. "Kahit ano?""Anything," sagot niya na para bang wala sa kanya ang pera kung magkano man ang gastusin ko.Inabot ni Tyler ang isang black card sa akin.

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 7

    "Aren't you going inside?" tanong ni Tyler sa akin. "Kailangan pa ba kita buhatin papasok dito sa loob?"Napalunok ako at dahan-dahang sumakay sa sasakyan. Naupo ako sa tabi niya pero tila may malaking pader sa pagitan namin dahil ilang dangkal ang layo ko sa kanya. Hindi ko magawang tumingin nang

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 6

    EIGHT YEARS AGO.Akala ko ang pagiging bankrupt ng kumpanya namin ang pinakamasaklap na balitang matatanggap ko. Pero kagabi lang nang sabihin ni Daddy na bata pa lang ako ay naipagkasundo na akong ipakasal sa isang lalaking nagngangalang Tyler Santibañez. Apo siya ng isa sa mga pinakakilalang busin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status