Share

Chapter 5

Author: London Bridge
last update publish date: 2026-03-14 22:11:44

"Ma'am Sophia, mas mabuti pa sigurong umuwi ka na muna," singit ni Kevin sabay hawak sa kamay ko para igiya ako palabas.

"Bitawan mo ako!" Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Napaatras siya at napayuko, hindi makatingin sa akin nang diretso. Muli kong hinarap ang asawa ko at ang kabit niya na tila nanonood lang ng isang palabas.

"Huwag mo akong gawing tanga, Rowan! Natatandaan kong dinala mo ako sa ikaapat na palapag ng penthouse ng gabing iyon! Ang sabi mo ay magpapahinga ako at hindi ka aalis sa tabi ko!"

Muli na namang bumagsak ang mga luha ko na akala ko ay naubos na kanina sa bahay. Akala ko ay magiging sapat ang tapang ko para komprontahin siya nang maayos, pero traydor ang emosyon ko.

"Did you just forget what happened that night? Ganoon ka ba talaga kalasing, Sophia?" sagot ni Rowan na tila ba ako ang nawawala sa wisyo. "Nagpaalam ka sa akin na pupunta ka sa banyo. You were drunk. I even offered to accompany you, pero hindi ba't sabi mo, kaya mo naman mag-isa? I waited for you to come back pero hindi ka na bumalik. Pinuntahan kita roon pero wala ka na, kaya umalis na ako."

Natawa siya nang walang bahid ng humor, at sunod-sunod na napailing sa akin.

"So that was what happened that night? You went to the fourth floor and perhaps slept with someone else, and then you thought I was him?"

Hindi makapaniwalang napatitig ako kay Rowan. Binabaligtad na niya ang nangyari at pinapalabas na ako pa ang may kasalanan. Kahit hindi ko na maalala ang bawat detalye ng gabing iyon dahil sa hilo, sigurado akong hindi ang sinasabi niya ang totoong nangyari.

"You often labeled me makati, a bitch, a home-wrecker, and a kabit, pero ang totoo, ikaw pala itong mas malandi?" pang-uuyam ni Mariel. "Kung sino pa ang nagmamalinis, sila talaga 'yung may tinatagong baho."

Napantig ang tainga ko sa narinig ko.

"Tumahimik ka!" singhal ko sa kanya.

Mabilis kong dinampot ang desk nameplate na nasa ibabaw ng lamesa ni Rowan at buong lakas na ibinato iyon kay Mariel. Parang nawala ako sa katinuan at nagkaroon ng sariling buhay ang mga kamay ko para gawin iyon. Tumama ang matigas na nameplate sa mismong mata ni Mariel, at sa lakas ng impact, agad na bumukal ang dugo doon.

"B-Blood... Rowan... dugo! Dumudugo!" takot na takot na bulalas ni Mariel habang sapo ang mukha niyang puno na ng pula.

Dali-daling napatayo si Rowan at hinawakan ang braso ni Mariel. Hinarap niya ako nang may galit na hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko.

"Call the police, Kevin! Dalhin mo siya sa presinto!" sigaw ni Rowan.

Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi na alam ang gagawin. Gusto kong tumakbo pagkarinig ko sa salitang pulis pero hindi ako makagalaw. Sunod-sunod akong napalunok nang makita kung gaano karaming dugo ang umaagos sa mukha ni Mariel.

"Call the ambulance!" sigaw muli ni Rowan kay Kevin na nasa pintuan na para tumawag ng pulis.

"H-Hindi... Hindi ko sinasadya," mahina kong sambit. Nakaramdam na rin ako ng matinding takot habang nakatingin sa kanila.

"Kapag may nangyaring masama kay Mariel, hindi kita papalagpasin," banta ni Rowan sa akin nang hindi man lang tumitingin.

Binuksan niya ang drawer at kumuha roon ng tissue pero halos naubos na iyon ay hindi pa rin tumitigil ang pagdugo ng mata ni Mariel. Nakapikit ang isang mata nito habang ang isa naman ay pilit na nakamulat.

"Am I going to be blind? Rowan, please tell me hindi ako mabubulag!" histerikal na pakiusap ni Mariel habang nanginginig.

Hinawakan ni Rowan ang pisngi niya para pakalmahin ito.

"Hindi ka mabubulag. Paparating na ang ambulansya, dadalhin kita sa ospital."

Iyak lang ako nang iyak habang pinapanood ang dalawang nagtataksil sa akin sa mismong harapan ko. At ilang sandali pa, magkasabay na dumating ang ambulance at ang mga pulis. Wala man lang tanong-tanong, basta na lang akong kinaladkad palabas ng dalawang pulis. Kitang-kita iyon ng lahat ng mga tao sa kumpanya.

Pabagsak akong ipinasok sa loob ng police car at dinala sa presinto. Akala ko ay doon lang ako kukuwestiyunin tungkol sa nangyari, pero laking gulat ko nang bigla na lang akong ipinasok sa isang selda. Puno ito ng mga kababaihan na halatang matatagal na doon base sa kanilang mga hitsura.

"Sandali lang, please, magpapaliwanag ako! Hayaan niyo muna akong kumuha ng abogado ko!" pakiusap ko sa pulis habang isinasara nito ang rehas, pero para itong bingi.

Kumapit ako sa mga bakal at desperadong niyugyog ang pinto, pero tinalikuran lang ako ng pulis. Doon na ako napahagulgol nang maigi. Pero hindi pa man ako nakakatagal sa pag-iyak, may sumigaw na mula sa likuran ko.

"Napakaingay mo! May natutulog dito! Gusto mo bang pasakan ko ng kahoy 'yang bibig mo?!"

Banta iyon ng isang babaeng kanina lang ay nakahiga, pero ngayon ay nakatayo na malapit sa akin. Agad kong naitikom ang aking bibig at tahimik na lang na napahikbi. Kinagat ko ang aking dila para pigilin ang anumang boses na gustong kumawala.

Ito na ba ang karma ko sa ginawa ko noon kay Tyler? Tyler was so nice to me. Wala siyang ginawa kundi puro kabutihan sa akin noon. Pero sa huli, kahit ang magpaalam man lang sa kanya ay hindi ko ginawa. Basta na lang akong umalis at tinalikuran ang nakatakdang kasal namin. I thought meeting Rowan was my fate and destiny, pero nagkamali ako.

Si Rowan pala ang karma ko...

"Mukhang mayaman. Tingnan mo naman ang kutis, wala man lang peklat," dinig kong sabi ng isang babae sa paligid ko.

Dala ng pagod sa pag-iyak, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa malamig na sahig. Nakahandusay ako roon habang yakap ang aking mga tuhod.

"Sophia Aragon-Trajano, may nagpiyansa na sa'yo!"

Naalimpungatan ako nang may marahang sumipa sa braso ko. Dali-dali akong napabangon nang makita ang isa sa mga pulis na dumakip sa akin kanina na nakatayo sa paanan ko.

"Labas na. Nakapagpiyansa ka na," sabi nito. "May pipirmahan ka lang bago ka umalis. Sumunod ka sa akin."

Mabilis akong lumabas ng selda at sandali pang nilingon ang mga kababaihan doon na masamang nakatingin sa akin.

"Sir, sino po ang nagpiyansa sa akin?" tanong ko sa pulis habang naglalakad kami papunta sa opisina.

Hindi sumagot ang pulis. Pagdating namin doon ay nakita ko ang isang lalaking hindi pamilyar sa akin. Nakasuot siya ng salamin at mukhang kaedad ko lang. Matangkad siya at halatang isang professional. Inilapag ng pulis ang dokumento sa ibabaw ng lamesa kasama ang isang ballpen at may itinuro sa pinakaibaba nito.

"Pirmahan mo rito."

Dinampot ko ang ballpen at mabilis na pumirma bago ako lumapit sa lalaking nakasalamin.

"Ikaw ba... ang nagpiyansa sa akin?" tanong ko.

Tumango ang lalaki. Napangiti naman ako sa tuwa kahit hindi ko naman talaga siya kilala.

"Salamat. Maraming salamat. Sabihin mo lang kung paano kita mababayaran," sabi ko sa kanya. "Pero... bakit mo nga pala ginawa 'yun? Magkakilala ba tayo?"

Ngumiti ang lalaki pabalik sa akin.

"Hindi ka dapat sa akin magpasalamat."

Kumunot ang noo ko. "Kung ganoon, kanino?"

"Sa boss ko. Naroon siya sa labas, naghihintay sa'yo," sagot niya.

Naglakad na ang lalaki palabas ng opisina. Pinanood ko siyang maglakad habang salubong ang aking mga kilay. Nang maramdaman niyang hindi ako nakasunod, doon siya lumingon at ngumiti muli. Humakbang na ako at hinabol siya. Hinintay niya ako at sabay kaming lumabas ng presinto.

Huminto siya sa tapat ng isang marangyang Rolls-Royce.

"Naghihintay siya sa loob," sabi niya.

Tumango ako sa kanya at napalunok habang hinahawakan ang handle ng pinto. Pagbukas ko niyon, ang mukha ni Tyler ang agad kong nasilayan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 103

    TYLERPaglabas ko ng aking kwarto, awtomatiko akong napahinto at napatingin sa matagal nang nakasaradong pintuan ng silid ni Sophia.I missed her so much. Sobrang sakit ng pangungulila ko sa kanya, at halos gabi-gabi ko na siyang napapanaginipan. Sa mga panaginip ko, masaya siyang nakangiti sa akin at parang totoong-totoo na nakatabi ko siya sa pagtulog, ramdam ang kanyang init, bago ako gigisingin ng malungkot na katotohanan tuwing umaga.Lumipas ang isang linggo, hanggang naging apat, at tuluyang umabot sa isang buwan ang mga araw, pero wala pa ring bakas o kahit anino ni Sophia. Halos mapuntahan na namin ni Axel ang lahat ng mga inn, hotels, motels, at kung ano-ano pang pwedeng tuluyan sa loob at labas ng lungsod. Pero bigo pa rin kami. Sa huli, napilitan na akong mag-hire ng isang pribadong investigator dahil halatang sinasadya at ayaw talaga ni Sophia na magpakita sa akin. Matapos kasi nitong sumagot sa tawag ko noong gabing umalis siya ng mansyon, hindi ko na muling nakontak ang

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 102

    TYLERNakangiting bati ang isinalubong sa akin ng receptionist pagtapak ko sa loob ng lobby ng Sonora Hotel. "Good evening, Sir. Welcome to Sonora," aniya.Ito na ang pangpitong hotel na pinasok ko sa loob ng tatlong oras, pero hanggang ngayon ay wala pa ring bakas ni Sophia. Sinubukan kong tawagan muli ang kanyang numero, naririnig ko ang bawat ring sa kabilang linya, pero tila sinasadya niyang huwag itong sagutin hanggang sa kusa na namang maputol ang tawag. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa paghahanap kung nasaan siya, kinakain pa ng matinding pag-aalala."Are you checking in, Sir?" magalang na tanong ng receptionist nang mapansin niyang hindi ako kumikilos."No," tipid kong sagot bago ako lumapit nang husto sa counter. "I'm looking for someone. Gusto ko lang i-verify kung may guest ba kayo na nag-check in dito ngayong hapon under the name of Sophia Aragon."Tiyak kong hindi gagamitin ni Sophia ang apelyidong Trajano dahil sa tindi ng galit niya kay Rowan.Nagsalubong ang mga ki

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 101

    TYLER"Pinaalis mo siya?!" pasigaw kong tanong, nagsalubong ang aking mga kilay at tuluyang nagdilim ang aking paningin sa tindi ng galit.Pero hindi nagpatalo ang aking ina. Tiningnan niya ako nang diretso at mapagmataas na isinabat. "At bakit hindi ko siya pwedeng paalisin sa mansyong ito?"Buong pwersa kong hinampas ang ibabaw ng lamesa gamit ang aking palad, dahilan para gumalaw at gumanasgas ang baso ng alak sa tabi namin. "Mom, she's my fiancée! You have no right to meddle in my relationship with her!" bulyaw ko, halos magputukan ang mga ugat ko sa leeg sa tindi ng pagwawala ng emosyon ko.Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa aking pisngi, sapat na para mapabaling ang mukha ko sa gilid."I am still your mother, Tyler!" nanginginig sa galit na sigaw niya, habang itinuturo ako ng kanyang hintuturo. "Walang magandang naidulot ang babaeng iyon sa'yo mula noon hanggang ngayon! Iniwan ka na niya, ginawa niyang katatawanan ang pamilya natin, at hanggang ngayon ay kasal pa rin s

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 100

    TYLER"Naipadala mo na ba ang compensation and damages para sa dalawang guwardiya na tinanggal ko?" tanong ko habang nakasandal ang aking ulo sa headrest ng backseat. Kasalukuyan na kaming bumabyahe ni Axel pabalik sa mansyon, at mag-aalas otso na ng gabi.Mula sa rear-view mirror ng sasakyan, sumulyap sa akin si Axel bago sumagot. "Yes, Sir. Naideposito na sa mga account nila ang kabayaran para sa danyos. Bukas na bukas din ay ipahahatid ko na ang one-month supply ng groceries para sa pamilya nila."Inayos niya ang hawak sa manibela habang patuloy na nagkukuwento. "Ready na rin daw silang bumalik sa trabaho sa Lunes. Ang sabi pa nga nila, hindi naman daw sila nagtanim ng sama ng loob sa inyo. Ang totoo niyan, balak pa nga raw po sana nilang lapitan si Ma'am Sophia para magsumbong tungkol sa mga ikinikilos ni Glory noon pa. Alam kasi nilang delikado ang babaeng yun, at alam din nilang kay Ma'am Sophia lang kayo makikinig nang ganoon kabilis."Hindi ko namalayan na unti-unti palang sum

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 99

    Agad na lumapit sa akin si Manang Loring at marahang hinawakan ang aking balikat para saklolohan ako. Sa tindi ng hapdi sa aking pisngi at bigat sa aking dibdib, tuluyan na akong napahagulgol. Nawalan na ako ng lakas ng loob na ipagtanggol pa ang sarili ko. Humihikbi kong itinago ang aking mukha sa aking mga palad habang paulit-ulit na sumisigaw ang puso ko, nanalangin na sana ay dumating na si Tyler ngayon din, kahit alam kong mamayang gabi pa ang uwi niya."Manang Loring, umakyat ka sa itaas at ilabas mo sa kwarto ang lahat ng gamit ng babaeng 'yan," mariing utos ni Mrs. Santibañez, malamig at walang bahid ng awa ang boses. "Wala kang ititira na kahit ano."Mabilis na napabaling sa kanya si Manang Loring, bakas ang matinding gulat at pag-aalinlangan sa kanyang mukha. "M-Ma'am... Paano po si Sir Tyler? Tiyak na magagalit po iyon kapag nalaman niyang—"Sarkastikong umismid ang ginang at mabilis na pinalo ang kanyang sariling dibdib. "I know what's best for my son! At ang pinakamabutin

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 98

    From: Anya LevisteI'm done filing your annulment. Your husband will receive the official court papers informing him of this within this week.Napatitig ako sa mensahe ni Anya. Eksaktong alas-tres na ng hapon, at kasalukuyan akong bumabyahe pabalik sa mansyon matapos ang ilang oras na pananatili sa opisina ni Tyler.Noong una, ang tanging plano ko lang talaga ay ang maghiganti kay Rowan sa lahat ng kawalang-hiyaang ginawa niya sa akin. I wanted to destroy him. Gustung-gusto ko siyang makitang bumagsak at magmakaawa sa harapan ko. Pero ngayon, habang hinahaplos ko ang aking patag pa ring tiyan, nagbago ang lahat. Ang tanging gusto ko na lang ay ang tuluyang makawala sa kasal namin nang sa gayon ay maging malaya na ako, at higit sa lahat, para masabi ko na sa wakas kay Tyler ang tungkol sa pagbubuntis ko nang walang anumang nakasabit na nakaraan.Gusto ko na lang ng tahimik na buhay, at ang alagaan ang anak ko. Siguro nga, may katotohanan ang sinasabi ng matatanda. Kapag magiging ina ka

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 6

    EIGHT YEARS AGO.Akala ko ang pagiging bankrupt ng kumpanya namin ang pinakamasaklap na balitang matatanggap ko. Pero kagabi lang nang sabihin ni Daddy na bata pa lang ako ay naipagkasundo na akong ipakasal sa isang lalaking nagngangalang Tyler Santibañez. Apo siya ng isa sa mga pinakakilalang busin

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 15

    "Mariel!"Isang pamilyar na boses ang dumagundong mula sa men's wear section. Agad akong napalingon at doon ay nakita ko si Rowan na galit na galit habang malalaki ang mga hakbang na papalapit sa amin. Dali-dali niyang dinaluhan si Mariel at ingat na ingat na itinayo ito na tila ba isang mamahaling

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 7

    "Aren't you going inside?" tanong ni Tyler sa akin. "Kailangan pa ba kita buhatin papasok dito sa loob?"Napalunok ako at dahan-dahang sumakay sa sasakyan. Naupo ako sa tabi niya pero tila may malaking pader sa pagitan namin dahil ilang dangkal ang layo ko sa kanya. Hindi ko magawang tumingin nang

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 14

    "Get everything you want," seryosong sabi ni Tyler habang nakatingin sa akin.Napaangat ako ng tingin sa kanya, tila hindi makapaniwala sa narinig. "Kahit ano?""Anything," sagot niya na para bang wala sa kanya ang pera kung magkano man ang gastusin ko.Inabot ni Tyler ang isang black card sa akin.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status