Share

CHAPTER 14

ILANG MINUTO PA ang lumipas, nakasimangot na bumalik si Elvin.

"M-may problema ba?" nagtatakang tanong ni Shanelle.

"Yeah." Bumuntong-hininga ang binata kapagkuwan ay tumingin sa kawalan. "Nagkaproblema ang kumpanya ko. Ang tanga ko pala, Lane. May kumpanya ako na kailangan ko pa lang i-manage." Mapakla itong tumawa. "And in the end, kailangan kong pumunta sa Manila." Tumingin ito sa kaniya na may ngiti sa labi.

"Ano bang problema sa kumpanya mo?" tanong niya.

"Nanakawan kami ng dalawang sasakyan. And yeah, we need to investigate this kaya kailangan kong pumunta sa Manila, as in now!"

Ito na yata ang panahon para makatakas siya rito. Ito na yata iyong sign para makaalis siya sa kinalalagyan niya. Kapag nakaalis ang binata, gagawa siya ng aksyon para makalabas sa islang kinaroroonan niya.

"But first, I'll tour you. Hindi pa tayo tapos, Lane. Ikaw kasi, you requested me to tell everything that's why our so-called tour ended up like this na sana'y tapos na." Umiling-iling ito habang may
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status