Sold To The Alpha Triplets

Sold To The Alpha Triplets

last updateÚltima atualização : 2025-09-06
Por:  Romance_InkEm andamento
Idioma: English
goodnovel18goodnovel
Classificações insuficientes
20Capítulos
401visualizações
Ler
Adicionar à biblioteca

Compartilhar:  

Denunciar
Visão geral
Catálogo
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP

Alma Dixon had spent so long wishing that the moon goddess mated her to her best friend, Ralph Bowman, who was the son of their alpha. But her best friend rejects her on the spot when this happens and sells her to the Warren brothers. Feeling like her life couldn't be anymore surprising, she soon finds out that all three of the brothers are her mate and each of them are ready to turn the earth upside down for her even though they bully her.

Ver mais

Capítulo 1

001: The birthday party

"Papa, anong ibig mong sabihin na kailangan kong magpakasal? Gipit ka na ba at kailangan mo nang magbenta ng anak!?"

Hindi mapigilang sigaw ni Sunny nang marinig ang sinabi ng ama. Kakauwi niya lamang galing eskwelahan at ito agad ang bubungad sa kaniya? Hindi niya kailanman matatanggap ang balitang ito! Hindi siya papayag na magpakasal!

"Aba, ayos! Hindi pa nga ako tapos sa kolehiyo, gusto niyo na akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman gusto!?"

Nang marinig ng ina ang sinabi ni Sunny, mabilis itong lumapit sa kaniya at tinapik ang balikat nito, para bang inaalo siya.

"Anak, makinig ka naman sa amin ng papa mo. Kaya ka nga namin pinauwi para pag-usapan ang bagay na 'to."

"Pag-usapan? Ano pa ba ang pag-uusapan, Mama? Tinanggap niyo na nga ang mga binigay na gamit sa pamamanhikan!" Galit na sabi ni Sunny habang dinuduro ang iba't ibang klaseng alahas, bulaklak, at mga pagkain sa hapag-kainan.

Hindi niya talaga maintindihan kung bakit tinanggap ng kaniyang ama ang proposal. Dahil ba gipit na sila sa pera!? Napahilamos na lamang si Sunny sa kaniyang mukha. Hindi niya matanggap ang balita, lalo na’t hindi niya kayang lunukin kung sino ang nag-alok ng kasal!

Ang binatang Morris lang naman!

Iniisip pa lang niya ay para na siyang nanghihina. Napaupo na lamang si Sunny nang maisip ang mga Morris.

Ang Morris ay kilala bilang halimaw pagdating sa negosyo! Walang panama ang ibang mga nagmamay-ari ng negosyo sa kanila! Lahat, mapa-maliit o malaki, ay dinudurog nila. Kaya paano siya makakatanggi!?

"Anak, magbihis ka na at mag-ayos dahil darating na ang mga Morris anumang oras," balita sa kaniya ng kaniyang ama. Napanganga na lamang si Sunny sa bagong hulog na impormasyon.

At talagang hindi man lang siya binigyan ng oras para makapag-isip!? Walang nagawa si Sunny. Tumayo ito sa kaniyang kinauupuan at tulalang umakyat sa kaniyang kwarto upang palitan ang uniporme.

Ano na ang kaniyang gagawin ngayon? Alam niya ang mangyayari sa pamilya nila kung sakaling tumanggi siya sa kasal na inalok ng mga Morris.

Nakagat ni Sunny ang kaniyang labi at nahulog sa malalim na pag-iisip nang mapatingin siya sa kanang bahagi ng kaniyang kwarto. Kung hindi niya kayang tumanggi, siya na lamang ang gagawa ng paraan upang tumanggi ang mga Morris sa kaniya.

Napangisi si Sunny sa kaniyang naisip. Isinagawa nito ang kaniyang plano at bumaba na ng dining room nang marinig niya ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang ina.

"Pasensya na po sa paghihintay. Magandang gabi po!" Maligayang bati ni Sunny sa mga bisita. Nagmano pa ito kay Mr. Morris, ang matandang business tycoon sa bansa.

Inikot ni Sunny ang paningin sa dining room. Hindi nito mapigilang huminga nang malalim sa kaginhawaan nang makitang wala ang lalaking ipapakasal sa kaniya. Ang tanging nandoon lamang ay si Mr. Morris at ang pangatlong asawa nito na si Mrs. Morris.

Mula sa pakikipagkuwentuhan ni Mr. Morris sa mga magulang ni Sunny, inangat nito ang kaniyang paningin sa kaniya. Hindi napigilan ni Mr. Morris na mapatitig kay Sunny, hindi ito makapaniwala sa nakikita. Isinuot pa nito ang itinanggal kaninang salamin upang kumpirmahin ang kaniyang nakikita.

Paano ba naman, ang suot na damit ng dalaga ay sampung magkakapatong na T-shirt at isang malaking kulay itim na jacket upang magmukha itong mataba. Pinakapalan niya rin ang kaniyang kilay, nilagyan ng pulang marka ang mga pisngi upang magmukhang tigyawat, kumain ng tsokolate upang magkunwaring sira ang kaniyang ngipin, at ginuhitan ng lip liner ang kaniyang manipis na labi upang palakihin ito. Kung sino man ang tatanungin, siguradong mapapangitan ang lahat sa kaniyang anyo ngayon.

Taliwas sa totoong itsura niya na manipis na kilay, mapula at manipis na labi, makinis at maliit na mukha, at balingkinitang katawan.

Sigurado si Sunny na aayaw na ang mga Morris na ipakasal ang anak nila dito. Sino nga bang may gusto ng pangit na manugang?

Wala!

"Ito ba ang anak mo, Armando? Bakit ibang-iba sa litrato?" Tanong ni Mr. Morris sa mag-asawang Fajardo.

Hindi mapigilang mapatingin ni Armando sa anak na ngayon ay patagong nakangisi at kasalukuyang nakaupo na sa upuan at nagsasandok ng makakain.

"Diyos ko, Armando! Akala ko ba naman ay tunay mang tao! Isa ka palang manggagantso!" bulalas ni Mrs. Morris.

"Manahimik ka, Evelyn," galit na suway ni Mr. Morris sa asawa.

Hilaw na ngumiti si Armando kay Mr. Morris. "Pasensya na at niloko namin kayo sa litrato ng aking anak. Kung gusto niyo ay maaari pa naman nating kanselahin ang kasal. Ibabalik na lamang namin ang mga ginastos niyo sa pamamanhikan."

Napaisip si Armando sa ginawa ng anak, parang may kung anong ginhawa ang dumaloy sa kaniya. Sa totoo lang, ayaw ni Armando ipakasal si Sunny sa mga Morris, ngunit wala siyang magagawa dahil alam niya kung gaano makapangyarihan ang mga ito. Takot siyang kalabanin ang mga Morris dahil alam niya kung gaano na karami ang mga nadurog na negosyo ng mga ito.

Nagpapasalamat siya na matalino ang kaniyang anak at nagmana sa kaniya. Hindi niya akalain na magagawa ni Sunny ang ganitong diskarte, na kahit sa kaniyang posisyon ay hindi niya naisip. Gusto man niyang umalma noon, tila napigilan siya ng takot, ngunit ngayon ay tila nabigyan siya ng pagkakataon para umatras sa maayos na paraan.

Sunod-sunod na tumango si Sunny, sumasang-ayon sa gusto ng amang ibalik na lamang ang mga nagastos sa pamamanhikan ng mga Morris.

"Huwag po kayong mag-alala, Mr. Morris, hindi po kami magtatanim ng galit sa inyo kung sakaling ikakansela niyo ang kasal," madramang sabi ni Sunny. Bahagya pa itong yumuko na tila'y nalulungkot sa mga pangyayari, ngunit sa isip-isip nito ay parang baliw siyang tumatawa sa kaniyang ginawa.

Sigurado siyang tatanggi na sa kaniya ang pamilyang Morris dahil sa kaniyang anyo.

Iyon ang inaakala niya.

"Hindi, huwag na kayong mag-abalang ibalik ang mga nagastos dahil tanggap ko ang anak niyo. Tuloy ang kasal," nakangiting usal ni Mr. Morris.

Nahulog ang panga ni Sunny sa pagkabigla. May problema ba sa mata ng matandang ito? Hindi nito napigilan at napatayo sa kaniyang kinauupuan. Lahat tuloy ay napatingin sa kaniya.

"Ano!?"

Expandir
Próximo capítulo
Baixar

Último capítulo

Mais capítulos

Para os leitores

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Sem comentários
20 Capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status