Mag-log inSa mga oras na ito ay binabalot na ako ng takot habang kaharap si Tristan."Binasa mo ang kontrata, ‘di ba?"May banta ang boses nito kaya agad akong napatango."At naaalala mo ang mga nakasaad doon?"Tumango ako ng taasan niya ako ng kilay."Kung gano'n..." Bahagya siyang huminto. "Sundin mo.”Napayuko ako."Hindi ko naman intensiyong makialam.""Hindi iyon ang punto.""May narinig akong sumisigaw,”“At gusto mong malaman kung bakit." Hindi iyon tanong… isang statement ng bagay na gusto kong malaman.Gusto kong malaman ang totoo.Bakit may sumisigaw?Bakit parang walang nagulat?Bakit walang kahit isang kasambahay ang lumabas?At bakit siya… Parang sanay na sanay na rito?Akala ko, magsasalita na siya. Akala ko, kahit kaunting ipapaliwanag niya… pero mali na naman ako."Tandaan mo, Kaia." Bahagya siyang tumigil."Hindi kita asawa. Nandito ka pang dahil pambayad utang ka ng tatay mo at gusto mong ipagamot ang kapatid mo.” Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay tila unti-unting dum
Kaia's POVKalahating oras na ang lumipas simula ng marinig ko ang sigaw na iyon.nSimula ng marinig ko ang sigaw na iyon ay umalingawngaw na rin iyon sa utak ko. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling pero nilalamon ako kaba. Mahigpit pa din ang pagkakakapit ko sa kumot. Saka huminga ako nang malalim at pilit na pinakiramdaman ang paligid. May parte din sa akin na nagsasabi na baka sanhi lang ng pagod kaya ko narinig iyon o stress dahil sa nangyayari sa buhay ko.Napatingin ako sa pintuan ng silid ko. May parte sa sarili ko na nagsasabi na manatili lang ako dito, ipikit ang mga mata ko at magkunwaring wala talaga akong narinig. Pero hindi ako mapakali, eh!Paano kung hindi lang dahil sa pagod o stress iyon? Paano kung kailangan ng tulong ng taong sumigaw na iyon? Paano kung kung…Napailing ako at agad na tumayo. Hindi ko masasagot lahat ng tanong sa utak ko kung hindi ko aalamin. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at agad na nagpunta sa pintuan. Huminga ako ng malalim saka sinuo
“Tristan Sarmiento at Kaia Wynter, naparito kayo nang may malayang kalooban at nang mapatibay ang inyong pag-ibig sa harap ng Simbahan at ng sambayanang ito. Kaya’t hinihiling ko na buong katapatan ninyong sagutin ang aking mga itatanong.” Napatingin ang pari kay Tristan ng sabihin niya iyon.“Tristan, bukal ba sa inyong loob ang inyong pagparito upang pakasalan si Kaia na iyong kaharap ngayon?“Opo, Padre.” Diretsong sagot nito pero walang emosiyon.Nang humarap sa akin ang pari ay pakiramdam ko ay biglang nanuyo ang lalamunan ko.“Kaia, bukal ba sa inyong loob ang inyong pagparito…” Hindi po pero wala akong choice dahil gusto kong gumaling ang kapatid ko.Gusto kong isagot iyon sa pari!“Upang pakasalan si Tristan na iyong kaharap ngayon?”Binuka ko ang bibig ko ngunit walang lumbas na boses. Napatingin ako sa lalaking katabi ko parang wala siyang pakialam kung ano
Noong bata pa ako, madalas kong isipin kung ano ang magiging hitsura ng araw ng kasal ko. Hindi dahil pangarap kong magsuot ng mamahaling bestida o magkaroon ng engrandeng selebrasyon. Kundi dahil naniniwala akong iyon ang magiging pinakamasayang araw ng buhay ko.Iniisip kong ihahatid ako ni Tatay sa altar habang hindi mapigilan ang pagluha niya. Samantalang si Luna naman ang magiging flower girl ko, at masayang magtatapon ng mga talulot ng bulaklak habang tawa nang tawa.Nasa unang hanay ang pamilya at mga kaibigan namin. May mga umiiyak, mga nakangiti, at sa dulo ng altar… naghihintay sa akin ang lalaking mahal ko.Isang lalaking titingin sa akin na para bang ako lang ang babaeng nakikita niya sa buong mundo. Napapangiti ako noon sa tuwing naiisip ko iyon.Hindi ko akalaing darating ang araw na kabaligtaran pala ang mangyayari. Nasira ang pinapangarap kong kasal dahil lang sa simpleng kontrata.-Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Tumambad agad sa akin ang puting kisame ng sili
Kaia's POVTahimik ang buong kapaligiran at tanging tunog lang ng lumang orasan ang naririnig. Bawat segundo ay tila kasabay ng mas mabilis na pagtibok ng puso ko. Napabuntong-hininga ako bago muling ibinaba ang tingin sa unang pahina.CONTRACTIsang salita sa ordinaryong tinta sa puting papel. Ngunit nakasalalay ang buong buhay ko. Pakiramdam ko, mas mabigat pa ito kaysa sa anumang bagay na nahawakan ko sa buong buhay ko. Dahan-dahan kong inabot ang dokumento. Hindi ko napigilan ang bahagyang panginginig ng mga daliri ko.Hindi ko alam kung dahil ba sa takot… O dahil alam kong kapag binuksan ko ito, wala nang paraan para ibalik ang dati kong buhay. Kahit wala siya dito pakiramdam ko'y alam niya ang bawat kilos ko. Parang hinihintay lang niya ang susunod kong gagawin.Huminga ako nang malalim bago ko tuluyang binuksan ang unang pahina. Akala ko, makikita ko roon ang detalye ng kasal o mga legal na dokumentong kailangan lang pirmahan.Ngunit nagkamali ako. Sa pinakataas ng pahina, iis
"Nandito ka na pala." Saad niya sa malalim na boses."A-Ah! O-Opo..." Tanging nasagot ko.Bahagya siyang tumango bago ibinaling ang tingin sa mga kasambahay.Teka? Bakit ba ako nauutal?"Lumabas muna kayong lahat." Sabay-sabay na yumuko ang mga ito."Masusunod po.” Sabay-sabay nilang saad.Isa-isang nagsilabasan ang mga kasambahay, maging si Mrs. Alvarez at Adrian. Sa loob lamang ng ilang segundo, kaming dalawa na lang ang naiwan sa napakalawak na sala. Lalong akong kinabahan ng maiwan kaming dalawa. Pakiramdam ko, kahit ang sarili kong paghinga ay masyadong malakas.Lumapit siya sa akin. Bawat hakbang niya ay mabagal ngunit tiyak. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang umiwas ng tingin. Mula sa aparador sa gilid niya ay kinuha niya ang itim na leather folder. Marahan niya iyong binuksan at kinuha ang dokumento saka inilapag sa mesa."Basahin mo." Sambit niya at napatingin ako doon."Binasa ko na ang kontratang ipinadala ninyo." Buong tapang kong saad."Iba ito sa nabasa m







