Olivia"Do you really think they can handle my business without any training, Oliver? Sa tingin mo ba, sapat na ang nalalaman nila para hayaan natin silang i-ran ang isang negosyong hindi pa sila pamilyar?"I was passing by at Daddy Richard's office when I heard their conversation. Alam kong si Daddy Richard ang nagsalita no'n. Mali ang makinig sa usapan ng matatanda ngunit hindi ko napigilan ang sarili ko. Huminto ako malapit sa pintuan ng opisina ni Daddy Richard at saka tahimik na nakinig."Paano natin malalaman na kaya nila kung hindi natin sila susubukan? Kahit tayo noon, nagsimula rin naman tayo sa wala, hindi ba? Nagsikap lang tayo't pinag-aralan ang dapat pag-aralan." Narinig kong wika ni Daddy."Nando'n na tayo sa puwedeng matutunan pero ang pinupunto ko, sa tingin mo ba'y kakayanin nila 'yon sa maikling panahon lang? Ang pressure, ang kompetensiya?""Matalino ang anak ko, Richard. Don't underestimate her knowledge and ability.""Gano'n din si Matthew dahil mas matured pa siy
Olivia"May dugo!" mahinang sambit ko matapos hawakan ang ulo ni Matthew at mapansin ang dugo niya sa kamay ko. Pagkatapos no'n ay nagsisigaw na ako ng tulong. Dali-dali namang lumapit sa akin si Daddy Richard habang kasunod si Daddy. Marahang binuhat ni Daddy Richard ang walang malay niyang anak palabas ng bahay. Noong una'y pinigilan pa ako ni Daddy na sumunod at sumama kay Daddy Richard papunta ng ospital ngunit nagpumilit ako. Hindi ko siya tinantanan hangga't hindi siya pumapayag. Nang hayaan niya ako sa gusto kong mangyari'y napalingon akong sandali kay Lloyd na walang emosyong nakatingin lang sa akin. Hindi ko mawari kung nakokonsensiya ba siya sa ginawa niya. Hindi ko siya mabasa. Tanging buntong hininga na lang ang nagawa ko bago ako pumasok sa kotse upang dalhin si Matthew sa ospital. I found myself holding Matthew's right hand habang nasa biyahe kami. Wala pa rin siyang malay. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-alala and at the same time, magalit. Feeling ko kasi a
LloydI was slowly walking away from the mess that I've made. Hindi ko naman ginustong umabot sa ganito. Hindi ko naman alam na napalakas pala ang suntok ko sa lalaking 'yon.Kung hindi naman kasi niya ako ginalit, hindi sana aabot sa gano'n. Kung tutuusin, karma niya 'to, 'eh. Karma niya 'to for messing up with me. Lahat na lang gusto niyang agawin. Ang pamilya kong buo pa sana hanggang ngayon. Naging kaagaw ko pa siya sa yaman at ngayon, sa atensiyon naman ni Olivia.Siya na lang palagi ang bida. At ito, nagte-take advantage na naman siya kay Daddy at kay Olivia. Anong kasunod nito? Ire-request niya kay Daddy na ipawalang bisa ang kontrata't kasal namin? For what?Dahil sa labis na pag-iisip ay hindi ko na namalayang narating ko na pala ang parking lot. Napagtanto ko na lamang na nandito na ako no'ng kausapin ako ni Zander."Sir Lloyd!" Sigaw niya. May apat na kotse rin ang pagitan ng parking space namin kaya't hindi ko kaagad siya natagpuan. Buti na lamang at kinawayan niya ako ba
Lloyd"Hindi ko rin in-expect na magagawa ko 'yon kay Matthew! Hindi ko naman sinasadyang paliparin siya't gustuhing umabot sa gano'n, ano! May konsensiya naman ako kahit papaano!" Paliwanag ko kay Alex habang ang tingin ko ay nasa mga bituin pa rin. "Ano ba kasing nangyari? Bakit umabot sa gano'ng sitwasyon?" pang-uusyosong tanong niya. "I saw him and Olivia! Sobrang dikit nila sa isa't isa. Alam mo 'yong parang romantic view sa mga romance movie kapag malapit na ang ending? Gano'n sila ka-close. Konti na nga lang at magkakapalit na sila ng mukha, 'eh!" Seryoso naman ang pagkakasabi ko't hindi rin naman ako nagbibiro ngunit laking gulat ko nang biglang humagalpak ng tawa si Alex, dahilan para lingonin ko siya."Ano namang nakakatawa sa sinabi ko, ha?!" magkasalubong ang dalawang kilay na tayong ko sa kaniya."Kunwari ka pang nabigla ka sa ginawa mo kay Matthew! Bakit kasi ayaw mo pang aminin na affected ka dahil nagseselos ka!" nakabungisngis na sambit niya habang napapailing pa.
Chapter 62OliviaTahimik akong nakaupo sa sulok habang pinagmamasdan si Matthew na hindi pa rin nagigising hanggang ngayon. Sabi ng doktor, dahil na raw ito sa gamot na ininom niya kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dumidilat.Habang nakatingin ako kay Matthew ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kanina. Hindi ko kasi lubos akalain na maaapektuhan si Lloyd kapag nakita niya kami ni Matthew na magkasama. Hindi ko alam kung nagselos ba siya, o sadyang sira na talaga ang ulo niya kaya niya ginawa 'yon.Habang nag-iisip ako'y bigla akong sinenyasan ni Daddy Richard. Itinuro niya ang labas na sa pakiwari ko'y sinasabi niyang lumabas na muna ako para makapag-usap kami.Kagaya ng sinabi niya'y lumabas nga ako at makalipas lamang ang ilang sandali ay sumunod na rin siya sa akin. Pagkalabas niya'y naupo siya sa upuan na malapit lamang sa pintuan ng kwarto ni Matthew at tsaka naupo doon."Tapatin mo nga ako, Olivia! Ano ba talagang nangyari sa anak ko?! Bakit umabot sa gano'n?" ser
OliviaNaalimpungatan ako nang bumukas ang pintuan at pagtingin ko'y pumasok mula roon si Lloyd. I was so surprised when I saw him holding a basket of fresh fruits. Nakita kong inilapag niya iyon sa lamesa at tsaka naghila ng upuan at inilagay sa sulok.Hindi ko siya tiningnan nang matagal pero tumatakbo siya sa isip ko noong mga oras na 'yon. Bringing fruits for his brother made me realize na hindi naman pala siya ganoon ka-sama na kapatid knowing na nasa kalagitnaan na ng gabi at halos lahat ng supermarket ay sarado na rin.Tahimik ang paligid namin noong mga oras na 'yon hanggang sa basagin niya ang katahimikan nang magsalita siya."Puwede ka nang umuwi para makapagpahinga ka, Olivia! Ako nang bahala kay Matthew." Aniya.Tahimik ang paligid kaya't umalingawngaw ang boses niya sa buong kwarto kahit na hindi naman kalakasan ang pagkakasabi niya.Hindi ko siya sinagot. Nanatili ako sa kinauupuan ko hanggang sa magsalita siyang muli."Kung iniisip mong may gagawin akong masama kay Matt
Olivia"Buti naman at makakalabas na rin ako sa wakas! Sumakit ang katawan ko dahil sa ilang araw na paghiga ko." Sambit ni Matthew habang iginagalaw ang kaniyang balakang, saka siya umupo sa wheelchair.Kaya naman niyang maglakad. Sa katunayan nga'y malakas na siya. Para ngang walang nangyari, 'eh, pero bilin kasi ni Daddy Richard na ganito ang gawin kay Matthew. Siguro'y dahil na rin sa pag-aalala kaya ganoon na lang ang pag-aalala niya kahit na sinabi na ni Matthew na maayos na siya.Habang tulak-tulak no'ng nurse ang wheelchair kung saan nakaupo si Matthew, si Zander naman ay dala-dala ang lahat ng gamit ni Matthew habang ako naman ay naglalakad lamang sa likod nila. Tahimik lamang akong pinakikiramdaman sila hanggang sa mapansin kong pinigilan ni Matthew ang nurse kaya't napahinto ito."Olivia," aniya sabay hawak sa kanang kamay ko.Tiningnan ko lamang siya't hinintay ang kaniyang sasabihin. Hanggang sa ilang sandali pa'y nagsalita na rin siya. "Puwede bang huwag na akong mag-wh
Chapter 65OliviaPaakyat na sana ako sa kwarto upang magpahinga nang marinig kong tawagin ni Daddy Richard ang pangalan ko. Nang lingonin ko siya'y natagpuan ko siya sa bandang pintuan ng opisina niya sa first floor.Pagpasok ko ay pinaupo niya ako kaagad. Ewan ko ba pero ang bigat nang pakiramdam ko ngayon. Maging ang kabog sa dibdib ko ay napakabilis rin. Hindi ko maintindihan kung ano bang nararamdaman ko ngayon."I'll be honest with you, Olivia! Alam mong higit kanino man, ang mga anak ko ang pinaka importanteng bagay para sa akin." Aniya at pagkatapos ay malalim na nagbuntong hininga. Pinilit kong tumingin ng deretso sa kaniya noong mga oras na 'yon kahit na medyo naiilang na ako."Hindi ko pa 'to nababanggit sa daddy mo pero siguro naman, sasang-ayon siya sa gusto kong mangyari!" dagdag niya pa. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" magkasalubong ang dalawang kilay na tanong ko. "I want you and Lloyd to live on your own. Alam kong malaki naman 'tong mansiyon ko pero masyado na 't