Olivia
Hindi ko na namalayan na naka-idlip na pala ako. Naalimpungatan ko na lang si Lloyd na nilalagyan ako ng kumot. Napa-bangon pa akong bigla at napa-upo sa kama nang magising ako sa ulirat at ma-realise na si Lloyd nga.
“Anong ginagawa mo?” magkasalubong ang dalawang kilay at nagtatakang tanong ko habang diretso ang tingin sa kaniya.
“Don’t worry. Wala akong gagawing masama sa iyo. Pagdating ko kasi, nakita kong natutulog ka na kaya nilagyan kita ng kumot. Baka kasi nilalamig ka.”
Kalmado ang boses niya habang sinasabi niya iyon. Nakatingin lang ako ng diretso sa kaniya noong mga oras na iyon. Kaya napansin kong nakatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kumot at pilit na tinatakpan ang katawan ko. Pagkatapos naman ng ilang sandali ay naglakad na siya palayo at naupo sa couch kung saan siya naka-pwesto.
Nakabihis pa siya ng long sleeves na polo noong mga oras na ‘yon. Naka-pants pa
Lloyd Hindi ko alam na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pagod. Sobrang dami naman kasing pinagawa sa akin ni Daddy kaya naubos talaga ang lahat ng lakas ko dahil sa tambak na gawaing binigay niya. Nagpasiya na akong bumangon upang asikasuhin ko muna ang aking sarili. Pero teka, bakit ako nakahiga sa kama? Dito ba talaga ako natulog? Nakatulalang iniisip ko ang mga sagot sa mga tanong sa isip ko. Hanggang sa natagpuan ko si Olivia na natutulog sa sofa na dapat ay pwesto ko. Ano bang nangyari kagabi? Bakit kami nagkapalit ng pwesto? Nag-away ba kami? Pero wala akong matandaan. Ang huling natatandaan ko lang ay ‘yong naupo ako sa couch at pagkatapos no’n ay wala na. Isa pang umagaw sa atensiyon ko ay ang mga nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Pagkain ba ‘yon? Nagpasiya na akong tumayo at naglakad ng dahan-dahan upang tignan kung ano iyon at tumambad sa akin ang lutong pagkaing may iba’t-ibang putahe. Muli kong nilingon si Oliv
LloydLumabas na ng kwarto si Olivia dahil tinawag na siya for breakfast. Ako naman ay hindi na bumaba dahil busog pa naman ako. Buti na lang at nasa baba siya. Malaya akong mahiga sa malambot na kama ko. Isang linggo na rin kasi yata ang nakalipas mula nang huli akong mahiga dito.Gustuhin ko man kasing mahiga dito, ayoko namang mahiga sa tabi ni Olivia, ano. Hindi naman sa nag-iinarte ako. Alam kong wala namang malisya kung magtatabi kami sa pagtulog dahil at the end of the day, mag-asawa pa rin kami. Pero feeling ko kasi, parang kasalanan ‘yon sa relasyon namin ni Francheska.Alam kong mali. Hindi rin tama na ipagpatuloy ko ang relasyon namin ni Francheska dahil mahal ko siya pero hindi ko naman talaga gustong magpakasal sa babaeng ‘yon, ‘e. Pinilit lang ako ni Daddy. Ayoko namang sirain ang pangakong binigay k okay Fancheska na bibigyan ko siya ng maayos na buhay kaya napilitan akong magpakasal kaagad.Ayoko kaya na tanggalan ako ni Daddy ng m
LloydNang makarating ako sa bahay nina Alex ay natagpuan ko siyang nakaupo sa harapan ng kaniyang bahay habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone at nakataas ang kaniyang kaliwang paa. Binusinaan ko pa siya no’n.Hindi kagaya namin, simple lang buhay na mayroon sina Alex. Noong nag-aaral pa lamang kami ay working student na siya hanggang sa maka-graduate kami ng college. Palagi kaming magkasama sa lahat ng bagay. Kahit na ganito ang estado ng buhay nina Alex, komportable ako na kasama siya at higit sa lahat, alam kong tunay siyang kaibigan.Tumayo na si Alex at naglakad palapit sa akin. Pinakbuksan ko naman siya ng pinto. Pagkatapos niyang sumakay ay sinabihan niya ako na dumretso sa supermarket hindi kalayuan sa kanilang lugar. Nang makarating kami ay ipinarada ko lang ang kotse ko at saka pumasok sa loob. Kumuha lang siya siya ng isang basket sa bungad ng supermarket. May bitbit rin siyang listahan at nakalagay kung magkano ang bawat isa no’n.
OliviaBalak ko sanang maglinis ng kwarto nang bigla akong makarinig ng kumakatok sa pinto. Kaya’t tumayo na ako upang buksan ito. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at tumambad sa akin si Daddy Richard na nakatayo sa harapan ng kwarto namin ni Lloyd.“Daddy Richard, kayo po pala. Bakit po? May problema po ba?” tanong ko habang diretso ang tingin sa kaniya.“Can I come in?” he asked. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa kaniya. Binuksan ko nang mas malaki pa ang pintuan upang papasukin si Daddy Richard. Pagpasok pa lamang niya ay priming iniikot niya ang kaniyang mata na para bang nagmamasid sa buong kwarto. Napansin din niya ang unan at kumot sa couch kaya’t nilapitan niya ito at tsaka nagtanong sa akin. “Bakit may unan at kumot dito? Hindi ba kayo nagtatabi sa pagtulog?”“To be honest po, Daddy Richard, no’ng first day lang po namin kami nagtabi pero after po no’n ay hindi na.”Bigla siyang nagsalubong ng kila
OliviaIlang minuto ko ring pinag-isipan kung dapat ko na bang puntahan si Daddy. Bigla kasi akong nakaramdam ng matinding kaba sa aking dibdib kanina. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakaintindi ko pero sabi ng mga matatanda noon, kapag nakaramdam ka daw ng sobrang kaba, maaaring may masamang mangyari, o mangyayari sa isang mahal mo sa buhay.Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano nang nangyayari kay Daddy sa mga oras na ‘to. Hanggang sa magdesisyon ako na puntahan na siya. Bahala na. Lulunukin ko na ang pride ko, masiguro ko lang na nasa maayos na kondisyon si Daddy.Nilikom ko lang ang mga nakakalat sa kwarto bago ko kunin ang tuwalya ko at maligo. Hindi rin ako nagtagal dahil may parte sa akin na gustong-gusto nang makita si Daddy kaya wala na akong inaksaya pang oras. Wala pang kalahating oras nang matapos ako sa paliligo.Binilisan ko na ang pamimili ko ng damit pati na rin ang pag-aayos ko bago ako magpasiyang iw
OliviaParang ayaw ng tadhana na makarating ako kaagad kay Daddy dahil sunod-sunod na aksidente sa daan ang nakikita namin. Lalo pa tuloy itong nakapagpadagdag sa lakas ng kabog sa aking dibdib. Idagdag pa ang napakabigat na traffic na humaharang sa amin na makarating doon kaagad.“Wala na bang ibang daan, Zander? Kailangan ko nang makita si Daddy.” Sambit ko habang sinisipat mula sa bintana ang kahabaan ng traffic. Balisa na ako noong mga oras na ‘yon. Idagdag pa ang hindi nawawalang panginginig ng mga kamay ko.“Pasensiya nap o, Ma’am Olivia pero ito na po ang pinaka mabilis na daan papunta sa opisina ng Daddy ninyo. Hindi naman po talaga nagta-traffic ditto noon. Hindi kop o alam kung bakit ganito ngayon.” Katuwiran naman niya.Wala na akong nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga. Alam kong kanina pa ako tinitignan ni Matthew ngunit maging siya ay wala ring magawa kung hindi ang maghintay
OliviaI chose to stay in my father’s office to spend more time with him. Matagal ko rin siyang natiis na iwasan at hindi kausapin kaya sa tingin ko naman ay deserve kong ubusin ang lahat ng oras na meron ako ngayon. In fact, hindi naman siguro magagalit si Daddy Richard kung pipiliin kong mag-stay muna kay Daddy dahil alam kong maiintindihan naman niya.I took a very deep sigh while staring at him. Halos dalawang linggo lang ako nawala pero ang laki ng ibinagsak ng katawan ni Daddy. Ang payat na niya lalo at kitang-kita ko iyon sa kaniyang mukha.“By the way, Daddy… nanggaling ako sa bahay bago ako pumunta dito. Sabi ni Yaya Luna hindi ka na raw kumakain doon. Totoo ba?” seryosong tanong ko habang diretso ang tingin sa kaniya.“Ah, ‘e,”Hindi siya makapagsalita at nakatitig lang sa akin.“Kung hindi ka kumakain sa bahay, ibig sabihin hindi ka rin kumakain dito sa off
LloydKagaya ng isang tipikal na birthday-an, siyempre meron ding inuman. Medyo maaga nga lang dahil tanghalian pa lang ay nagsisimula na kaming tumagay. Iilan lang naman ang bisita ng kapatid ni Alex pero mas marami ay ang mga kaibigang madalas na kasama ni Alex.Actually, hindi na bago sa akin ang ganitong bagay. Dahil ang hindi alam ni Daddy ay madalas akong laman ng inuman. Pero hindi naman ako laging taya, ha? May mga pagkakataon lang na nagdadagdag ako para makapag-ambag.Sa katunayan nga ay dito ko rin nakilala si Francheska. Isa kasi siya sa malapit na kaibigan ni Alex na naging kaibigan ko rin naman simula noong college. Ewan ko ba pero komportable ang loob ko sa kaniya. Ganoon din naman si Alex sa akin kaya hindi kami nagkaroon ng problema.Habang umiikot ang baso’y nagkakasiyahan na kami. Maririnig mo hanggang sa kapit bahay ang malalakas na halakhakan at tawanan mula sa iba pang nakaupo sa lamesa namin. Sa totoo