Share

Sold to Ninong Hugo
Sold to Ninong Hugo
Author: Queen Amore

Chapter 1

Author: Queen Amore
last update Huling Na-update: 2025-07-14 08:00:49

"FUCK!"

Hindi napigilan ni Hugo Bustamante ang mapamura pagkatapos sabihin sa kanya ng secretary na naunahan siya ng ibang kompanya na makuha ang matagal na niyang pinupuntiryang investor. Ang Acuzar Group of Companies.

Maraming malalaking kompanya na gustong makuha na investor ang Acuzar Group of Companies, dahil pagdating sa businesworld ay toplist din ito. At pagdating din sa business world ay isa din ang kompanya ni Draco Atlas Acuzar na kinatatakutan. Well, hindi naman magpapahuli ang Bustamante Corp, ang kompanyang pagmamay-ari niya. Hindi din sa pagmamayabang pero nahahanay din ang kompanya sa listahan ng mga nangungunang kompanya sa Pilipinas.

And that's because of sweat and his butter. Hindi din naging biro ang pinagdaanan ni Hugo para mapabilang siya sa listahan. Marami siyang pinagdaanang pagsubok. Pero dahil sa sikap at dedikasyon niya ay naging worth it din lahat ng naging paghihirap.

And Bustamante Corp is one of the top businesses in the Philippines.

And Hugo Bustamante, a 36-year-old, is one of the top businessmen in the Philippines

Sa totoo lang ay hindi naman kawalan kung hindi man niya nakuha ang Acuzar Group of Companies. Pero nasasayangan pa din siya.

"At sinong kompanya ang nakakuha sa kanila?" mayamaya ay tanong ni Hugo, gustong niyang malaman kung sino ang kompanyang nakauna sa kanya.

Saglit na hindi sumagot ang secretary niya. Pero nang magsalita ito ay hindi niya napigilan ang magsalubong ang mga kilay, hindi din niya napigilan ang mapakuyom ng kamao ng malaman kung sino.

"K-kompanya po ni Sir Garrie, Sir," sagot nito sa kanya.

Kilala ni Hugo si Garrie, stepbrother niya ito. Anak ito ng pangalawang asawa ng ama niya. Isang taon matapos mamatay ang ina sa isang sakit, dinala ng ama niya si Gina sa mansion, kasama nito ang anak na si Garrie. They were both fifteen back then.

At nang dalhin ng ama ang mag-ina ay doon din nalaman ni Hugo na pinakasalan na din pala ng ama si Gina. At hindi lang iyon, in-adopt pa nito si Garrie. Legally, dahil pati apilyido nito ay pinalitan din ng ama.

At simula noong dumating ang mag-ina sa buhay nila ay wala nang ibang magaling para sa ama niya kundi si Garrie. Walang ibang nakikita ang ama kundi ang stepson nito.

At habang tumatagal na magkasama sila sa iisang bubong ay napansin niya ang tunay na ugali ng mag-ina. Nalaman kasi niyang lihim siyang sinisiraan ni Gina sa ama at ang ama naman niya ay paniwalang-paniwala. Doon din nagsimula ang pakikipag-kompetensiya ni Garrie sa kanya. Dahil kapag alam nitong may achievements siya ay ginagawa din nito ang lahat para lagpasan siya. Kahit na sa maling paraan pa iyon.

At nang hindi makayanan ni Hugo ang makasama ang dalawa, naisip niyang umalis ng mansion at maging independent. Nagalit nga sa kanya ang ama at sinabing kapag umalis siya ay wala na siyang babalikan pa.

Hindi siya natakot sa banta ng ama, sa halip ay pinagpatuloy niya ang pag-alis. Pinutol nga nito ang allowance niya, pati mga card niya. Pero hindi iyon hadlang kay Hugo para hindi magpatuloy sa buhay. Nagsikap siya, nag-trabaho at nag-aral ng mabuti para matupad lahat ng pangarap niya.

Hindi siya humingi ng tulong sa sariling ama. At gaya ng sinabi niya, lahat ng paghihirap niya ay napagtagumpayan niya. Nakapagpatayo siya ng sariling kompanya, nabalitaan nga din niya na si Garrie ang ginawang CEO ng ama sa kompanya nito.

At mukhang kahit na umalis na siya sa buhay ng mga ito ay nakikipag-kompetensiya pa sa kanya si Garrie. Mukhang may gusto itong patunayan sa kanya. At sa tingin ba nito ay magba-back out siya.

If he wants war, I'll give him war. And I won't back down.

Ibinaba naman na ni Hugo ang intercom. At sa halip na ibalik ang atensiyon sa harap ng computer ay isinandal niya ang likod sa swivel chair at ipinikit niya ang mata.

Nasa ganoong posisyon siya ng tumunog ang ringtone ng cellphone. Nagmulat siya ng mga mata at saka niya dinampot ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng executive table.

At nagsalubong muli ang mga kilay ni Hugo nang makita kung sino ang tumatawag.

Si Garrie.

Saglit siyang napatitig doon hanggang sa sagutin niya. "What?"

Narinig naman ni Hugo ang pagtawa ni Garrie mula sa kabilang linya. "Narinig mo ba ang balita?" tanong nito sa kanya. At hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito sa kanya. "I've landed an investor for Acuzar Group of Companies," pagmamalaki nito.

"And?"

"Hmm...wala lang. Gusto ko lang ipakita sa 'yo na mas magaling ako," wika nito. At kahit na wala siya sa harap nito ay alam niyang nakangisi ito.

"Nakuha mo lang ang Acuzar Group of Companies, nagmamayabang ka na? Yabangan mo na lang ako kapag nasa top list na ang kompanya na minana mo lang sa ama ko, yabangan mo ako kapag nasa top list businessman ka na," hindi niya napigilan na sabihin. "At kapag nagawa mo iyon ay doon mo lang ako tawagan."

Hindi na nga din hinintay ni Hugo na magsalita ito dahil ibinaba na niya ang tawag. Hindi sumakit ang ulo niya nang malaman niya na naunahan siya nito sa Acuzar Group of Companies, pero nang marinig niya ang boses nito ay doon lang sumakit ang ulo niya.

Garrie is getting to his nerves.

And right now, he wants to take a break. He wants to unwind. Kaya tinawagan niya ang kaibigan niyang si Ryan para samahan siya nito na mag-unwind.

Tatlong ring bago nito sinagot ang tawat niya. "Magyaya kang mag-inom, no?" bungad agad ni Ryan ng sagutin nito ang tawag niya. "Pinainit na naman ni Garrie ang ulo mo?"

Kilala na talaga siya ni Garrie. "Yes. Are you free?"

"Yes," mabilis naman na sagot nito.

"Okay. Let's meet at Serenade Bar," wika niya.

"Let's change the venue," wika nito mayamaya.

"Where."

"Somewhere fun and hot," wika nito.

Nagsalubong naman ang kilay niya. "And where the fuck is that?"

"The Gentleman's Club," sagot ni Ryan sa kanya. "A place where stress and headaches disappear. But a different kind of headache will give you trouble."

"What?" Halos mag-isang linya lang ang kilay niya.

"Just trust me, Hugo. You'll enjoy the place, and I'm sure you'll come back for more."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Sold to Ninong Hugo   Chapter 4

    SINUBUKAN ni Naya na ilibot ang tingin sa paligid nang tumugtog ang nakakaakit na musika sa bulwagan ng The Gebtleman's Club. Hinahanap kasi ni Naya ang lalaking may maiitim na mga mata. Pero nalibot na niya ang tingin sa palogid, kahit na iyong dati nitong pwesto pero hindi pa din niya natatagpuan. Mukhang wala ang lalaki ng gabing iyon para manuod. At hindi maipaliwanag ni Naya ang nararamdaman ng sandaling iyon. Nakaramdam kasi siya ng paghihinayang. Paghihinayang? wika naman ng bahagi ng isipan niya. At bakit siya naghihinayang na hindi niya nakita ang lalaki ngayong gabi? At bakit niya hinahanap ang mga matang iyon? Umaasa ba siyang muli niyang makikita ito? Ipinilig na lang naman ni Naya ang ulo para alisin sa isip niya ang lalaki, lalo na ang paghihinayang na nararamdaman niya. Ito na ang huling gabing sasayaw siya sa The Gentleman's Club kung papalarin siyang makakuha ng malaking tip mula sa mga VIP customer. Dahil kapag nabigyan siya ng malaking tip ay mababayaran na niya

  • Sold to Ninong Hugo   Chapter 3

    SA halos dalawang oras na pagta-trabaho ni Naya sa The Gentleman's Club, hindi siya makapaniwala na kikita siya nang malaking halaga. Hindi siya makapaniwala na kikita siya ng bente mill sa loob lang ng ilang oras. Tama nga ang sinabi sa kanya ni Madam Miranda at Abegail na malaki ang magbigay ng tip ang mga guest ng nasabing Club. Ang sabi ni Abegail sa kanya hindi daw basta-basta ang mga guest ng nasabing club doon. Mga milyonaryo at bilyonaryo ang mga miyembro doon. Mayayamang negosyante, kilalang pangalan sa showbiz at malalaking opisyal na gobyerno. Kaya pala ang ilan sa mga guest na naroon sa bulwagan ng The Gentleman's Club ay may suot na mask para hindi maitago ang pagkakakilanlan ng mga ito. At bago nga din siya pumasok sa The Gentleman's Club ay pinagpirma siya ni Madam Miranda ng Non-disclosure agreement. Kapag may nakilala siyang pumasok doon ay hindi niya iyon pwede i-kwento sa labas. At ganoon din ang mga guest na miyembro ng nasabing club. Pinapahalagan ang privacy ng

  • Sold to Ninong Hugo   Chapter 2

    NAPAKURAP-kurap ng mga mata si Naya nang i-abot sa kanya ni Abegail--pangalan ng babaeng tinawag ni Madam Miranda para ibigay ang costume na isusuot niya ng sandaling iyon. "I-ito ang isusuot ko?" Hindi nakapaniwalang tanong niya sabay taas ng hawak. "Oo. Kaya magbihis ka na dahil mamaya ay masisidatingan na ang mga customer," sagot nito sa kanya. Kinagat naman ni Naya ang ibabang labi. Tumango na din siya mayamaya. Pagkatapos ay pumasok siya sa isang pinto na itinuro nito sa kanya.Itinaas niya ang hawak na skimpi na bikini, na may fishnet pa na stocking. Iyon kasi ang gustong ipasuot sa kanya sa unang trabaho niya sa The Gentleman's Club--isang high end bar. Kinakailangan kasi ni Naya ng pera dahil kung hindi siya makakabayad ng upa sa apartment nila ay sa kalsada sila pupulutin ng kapatid at ina. Tatlong buwan na kasi silang hindi nakakapagbayad ng upa dahil kapos sila. May pambayad na sana sila kaso bigla namang na-ospital ang Mama dahil sa pagtaas ng blood sugar nito. Ayaw p

  • Sold to Ninong Hugo   Chapter 1

    "FUCK!" Hindi napigilan ni Hugo Bustamante ang mapamura pagkatapos sabihin sa kanya ng secretary na naunahan siya ng ibang kompanya na makuha ang matagal na niyang pinupuntiryang investor. Ang Acuzar Group of Companies. Maraming malalaking kompanya na gustong makuha na investor ang Acuzar Group of Companies, dahil pagdating sa businesworld ay toplist din ito. At pagdating din sa business world ay isa din ang kompanya ni Draco Atlas Acuzar na kinatatakutan. Well, hindi naman magpapahuli ang Bustamante Corp, ang kompanyang pagmamay-ari niya. Hindi din sa pagmamayabang pero nahahanay din ang kompanya sa listahan ng mga nangungunang kompanya sa Pilipinas. And that's because of sweat and his butter. Hindi din naging biro ang pinagdaanan ni Hugo para mapabilang siya sa listahan. Marami siyang pinagdaanang pagsubok. Pero dahil sa sikap at dedikasyon niya ay naging worth it din lahat ng naging paghihirap.And Bustamante Corp is one of the top businesses in the Philippines.And Hugo Bustama

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status