Share

Chapter 2

Author: Queen Amore
last update Last Updated: 2025-07-14 08:01:29

NAPAKURAP-kurap ng mga mata si Naya nang i-abot sa kanya ni Abegail--pangalan ng babaeng tinawag ni Madam Miranda para ibigay ang costume na isusuot niya ng sandaling iyon.

"I-ito ang isusuot ko?" Hindi nakapaniwalang tanong niya sabay taas ng hawak.

"Oo. Kaya magbihis ka na dahil mamaya ay masisidatingan na ang mga customer," sagot nito sa kanya.

Kinagat naman ni Naya ang ibabang labi. Tumango na din siya mayamaya. Pagkatapos ay pumasok siya sa isang pinto na itinuro nito sa kanya.

Itinaas niya ang hawak na skimpi na bikini, na may fishnet pa na stocking. Iyon kasi ang gustong ipasuot sa kanya sa unang trabaho niya sa The Gentleman's Club--isang high end bar.

Kinakailangan kasi ni Naya ng pera dahil kung hindi siya makakabayad ng upa sa apartment nila ay sa kalsada sila pupulutin ng kapatid at ina. Tatlong buwan na kasi silang hindi nakakapagbayad ng upa dahil kapos sila. May pambayad na sana sila kaso bigla namang na-ospital ang Mama dahil sa pagtaas ng blood sugar nito.

Ayaw pa sana nitong dalhin nila ito sa ospital dahil nag-aalala ito sa ipambabayad nila sa ospital. Pero pinilit niya ito dahil hindi niya kayang makita ang Mama niya na nahihirapan.

Mayro'n naman siyang naipon na pera mula sa pagta-trabaho niya sa isang coff*e shop. Iniipon niya iyon para sa tuition f*e ng kapatid iyang si Nicholas. Gusto kasing mag-aral ng kapatid niya. Ga-graduate na kasi ito sa senior high ngayong taon at gusto niya itong pag-aralin.

Para sana sa kanyang pag-aaral ang iniipon ni Naya. Gusto din kasi niyang makapagtapos ng pag-aaral. Hindi na din kasi kaya ng Mama na pag-aralin siya dahil nga wala na itong trabaho dahil sa sakit nito. Mag-isa lang kasi sila nitong itinataguyod dahil wala na din ang Papa nila. Namatay ito dalawang taon na ang nakakaraan dahil sa sakit sa puso.

At dahil nga sa sakit ng Mama ay pinatigil na niya ito sa pagta-trabaho. Labandera kasi ang Mama niya at hindi na kaya ng katawan nito ang ganoong klaseng trabaho. Ayaw sana ng Mama niya pero pinilit niya ito. At sinabing siya na lang ang bahala sa mga gastusin sa bahay.

Kaya iyong pangarap ni Naya na makapag-aral muli ay kinalimutan na niya. Kung magpapatuloy kasi siya sa pag-aaral ay kailangan niyang tumigil sa pagta-trabaho. At kung titigil siya ay saan sila kukuha ng gastusin sa bahay? Pambili pa nila ng mga gamot ng Mama niya. Eh, kailangan na nito ng maintenance.

Naisip niyang ang kapatid na lang na si Nicholas ang magpapatuloy sa pangarap niya. Saka na lang siya siguro kapag nakaluwag-luwag na sila. Twenty one pa lang naman ni Naya at wala namang pinipiling edad ang pag-aaral.

Binigyan sila ng palugit ni Aling Merla ng dalawang araw. At kung hindi sila makakabayad ng upa ng apartment ay magbalot-balot na daw sila. Kinse mil ang sinisingil ni Aling Merla na upa sa tatlong buwan. Dapat at sampung libo lang iyon pero dinagdagan nito dahil daw sa puwersiyo nila.

Wala namang ganoong pera si Naya, sinubukan nga niyang umutang sa kakilala pero walang gustong magpautang sa kanila. Hanggang sa pinuntahan niya si Madam Miranda para mangutang ng pera. Kilala si Madam Miranda sa kanila, isa itong recruiter ng mga kababaihan sa isang bar. Pero hindi naman ito basta-basta nagre-recruit. Mapili din daw kasi ito sa babaeng inaalok nito ng trabaho. Mga pasok lang sa taste nito ang pinipili.

Hindi naman nahirapan si Naya na mangutang ng pera kay Madam Miranda. Pero bago siya umalis ay tinanong siya nito kung gusto niyang mag-trabaho sa pinapasukan nito.

Agad naman siyang tumanggi dahil hindi kaya ng sikmura ang naririnig niyang trabaho sa isang bar. Pero sinabihan naman siya ni Madam Mirandan na kung magbago ang isip niya ay tawagan niya ito.

Madali lang daw kumita ng pera doon. Hindi naman daw niya kailangan mag-benta ng aliw. Magsasayaw lang daw siya sa harap ng bigating customer. At malaki din daw magbigay ng tip ang mga customer kapag nagustuhan ang performance niya. Ang kinse mil ay kikitain lang daw ng isang gabi. Tempting ang offer, lalo na ang kikitain pero tumanggi siya.

Pero mukhang naka-destiny si Naya na tanggapin ang trabahong inaalok ni Madam Miranda dahil may dumating na namamg problema sa buhay nila. Na-food poison kasi ang mga customer ng kapatid sa benebenta nitong kakanin. At nagde-demand ang mga ito na sila ang magbayad ng ospital bills ng mga ito. At kung hindi ay ide-demanda daw ng mga ito si Nicholas.

At ang kinse mil na ipambabayad sana sa upa? Napunta sa ospital bills na mga na-food poison. At no choice siya kundi tanggapin ang trabahong inaalok ni Madam Miranda sa kanya.

Humugot naman siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay tinanggal niya ang suot na damit para ma-i-suot niya ang skimpi bikini. At parang ayaw na niyang lumabas doon nang makita ang sariling hitsura.

Damn. Parang lalabas na ang kaluluwa niya sa suot!

Well, she had to admit, her body's beautiful shape was evident. She had the right curves in the right places.

Pero hindi niya kayang makita iyong ng iba. Dapat ang magiging asawa lang niya ang pwedeng makakita niyon!

Nang sandaling iyon ay gusto na ni Naya na mag-back out. Pero kung magba-back out siya ay paniguradong bukas ay sa kalsada na sila matutulog.

"Kaya mo ito, Naya," pagpapalakas loob na lang ni Naya sa sarili. "Isang gabi lang. Kapag kumita ka ng malaki, hindi ka na babalik dito."

Lumabas na din siya sa kinaroroonan. Nadatnan niya si Abegail doon, gaya niya ang bihis na din.

"Gusto mong magsuot ng maskara para hindi ka makilala?"

"Pwede ba?"

"Oo. May choice tayo na magsuot ng maskara para walang makakakilala sa atin," wika nito. "Pili ka na kung ano ang gusto mong maskara."

Namili naman siya ng maskara na isusuot. At nang nakapili ay agad niya iyong sinuot sa mukha niya. Mabuti na nga lang at sinabi ni Abegail na pwede silang magsuot ng maskara. Mas okay iyon sa kanya para maitago niya ang identity niya. Mamaya kasi ay may makakilala pa sa kanya.

"Tara," yakag nito sa kanya. "Mag-ready na daw tayo dahil dumating na ang mga bigating guest."

Mas lalo siyang kinabahan ng marinig iyon. Sumunod siya dito nang lumabas ito ng dressing room.

Agad naman niyang nakita si Madam Miranda. Kinakausap ang kasama nilang sasayaw ng sandaling iyon. Isang pole dance iyon. Isang araw lang siyang nakapag-practice kaya medyo kinakabahan siya. Marunong naman siyang sumayaw pero baka magkamali siya dahil sa kaba.

"Galingan mo, Naya. Marami tayong bigatin ngayon. Baka magustuhan nila ang performance mo at bigyan ka nila ng malaking tip."

"O-opo," sagot na lang naman niya.

Sinabihan naman na sila na lumabas na ng backstage. Madilim sa paligid, tanging ang ilaw lang sa pole ang nakikita niya kaya madali lang siyang naka-pwesto sa pole na gagamitin siya sa pagsasayaw.

She took a deep breath again. At kasabay ng pag-switch ng dimlight ay ang pagpainlalang sa kantang The Hills ng The Weeknd sa buong bulwagan hudyat para mag-umpisa na silang sumayaw.

Hindi nga din napigilan ni Naya ang napalunok nang makita ang mga VIP guest sa loob ng kwarto. Mahigit sampu ang mga ito. Mangilan-ngilan ang nakasuot ng mask, pero ang iba ay walang suot. Mukhang walang balak na itago ang identity. At lahat ng walang suot na mask ay puro matatanda. Gaya ng naisip ni Naya na mga customer. Matanda, napapanuot at malaki ang tiyan.

At sa paraan ng pagtitig ng iba ay parang hinuhubadan na sila.

Humugot muli siya ng malalim na buntong-hininga bago siya nag-umpisang sumayaw.

Mapang-akit siyang humawak sa pole at mapang-akit din siyang nagpaikot-ikot doon. Kailangan niyang galingan ang performance para malaki ang ibigay na tip ng mga ito.

Ang sabi ay huwag daw siyang makipag-eye contact sa mga guest. Ang importante ay maakit niya ang mga ito sa sayaw niya.

She danced seductively at the pole she was holding. At habang nagsasayaw ay parang may malakas na enerhiya na nagtutulak sa kanya para mapatingin sa pinakasulok ng bulwagan. Hanggang sa magtama ang mga mata nila ng isang lalaking matiim na nakatitig sa kanya. May suot itong maskara at tanging itim lang na mga mata nito ang nakikita niya.

Nakasuot nga din ang lalaki ng itim na long-sleeves. She was told not to make eye contact, but at the moment, she can't take her eyes off him. Para kasing may magnetiko ang naghihila kay Naya na makipagtitigan sa lalaki dahil kahit na iiwas niya ang tingin dito ay babalik at babalik ulit ang titig niya.

At halos hindi din nito maalis ang titig sa kanya. Apat silang sumasayaw pero ang titig ng lalaki ay nakatuon lang sa kanya na para bang siya lang ang nakikita nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sold to Ninong Hugo   Chapter 4

    SINUBUKAN ni Naya na ilibot ang tingin sa paligid nang tumugtog ang nakakaakit na musika sa bulwagan ng The Gebtleman's Club. Hinahanap kasi ni Naya ang lalaking may maiitim na mga mata. Pero nalibot na niya ang tingin sa palogid, kahit na iyong dati nitong pwesto pero hindi pa din niya natatagpuan. Mukhang wala ang lalaki ng gabing iyon para manuod. At hindi maipaliwanag ni Naya ang nararamdaman ng sandaling iyon. Nakaramdam kasi siya ng paghihinayang. Paghihinayang? wika naman ng bahagi ng isipan niya. At bakit siya naghihinayang na hindi niya nakita ang lalaki ngayong gabi? At bakit niya hinahanap ang mga matang iyon? Umaasa ba siyang muli niyang makikita ito? Ipinilig na lang naman ni Naya ang ulo para alisin sa isip niya ang lalaki, lalo na ang paghihinayang na nararamdaman niya. Ito na ang huling gabing sasayaw siya sa The Gentleman's Club kung papalarin siyang makakuha ng malaking tip mula sa mga VIP customer. Dahil kapag nabigyan siya ng malaking tip ay mababayaran na niya

  • Sold to Ninong Hugo   Chapter 3

    SA halos dalawang oras na pagta-trabaho ni Naya sa The Gentleman's Club, hindi siya makapaniwala na kikita siya nang malaking halaga. Hindi siya makapaniwala na kikita siya ng bente mill sa loob lang ng ilang oras. Tama nga ang sinabi sa kanya ni Madam Miranda at Abegail na malaki ang magbigay ng tip ang mga guest ng nasabing Club. Ang sabi ni Abegail sa kanya hindi daw basta-basta ang mga guest ng nasabing club doon. Mga milyonaryo at bilyonaryo ang mga miyembro doon. Mayayamang negosyante, kilalang pangalan sa showbiz at malalaking opisyal na gobyerno. Kaya pala ang ilan sa mga guest na naroon sa bulwagan ng The Gentleman's Club ay may suot na mask para hindi maitago ang pagkakakilanlan ng mga ito. At bago nga din siya pumasok sa The Gentleman's Club ay pinagpirma siya ni Madam Miranda ng Non-disclosure agreement. Kapag may nakilala siyang pumasok doon ay hindi niya iyon pwede i-kwento sa labas. At ganoon din ang mga guest na miyembro ng nasabing club. Pinapahalagan ang privacy ng

  • Sold to Ninong Hugo   Chapter 2

    NAPAKURAP-kurap ng mga mata si Naya nang i-abot sa kanya ni Abegail--pangalan ng babaeng tinawag ni Madam Miranda para ibigay ang costume na isusuot niya ng sandaling iyon. "I-ito ang isusuot ko?" Hindi nakapaniwalang tanong niya sabay taas ng hawak. "Oo. Kaya magbihis ka na dahil mamaya ay masisidatingan na ang mga customer," sagot nito sa kanya. Kinagat naman ni Naya ang ibabang labi. Tumango na din siya mayamaya. Pagkatapos ay pumasok siya sa isang pinto na itinuro nito sa kanya.Itinaas niya ang hawak na skimpi na bikini, na may fishnet pa na stocking. Iyon kasi ang gustong ipasuot sa kanya sa unang trabaho niya sa The Gentleman's Club--isang high end bar. Kinakailangan kasi ni Naya ng pera dahil kung hindi siya makakabayad ng upa sa apartment nila ay sa kalsada sila pupulutin ng kapatid at ina. Tatlong buwan na kasi silang hindi nakakapagbayad ng upa dahil kapos sila. May pambayad na sana sila kaso bigla namang na-ospital ang Mama dahil sa pagtaas ng blood sugar nito. Ayaw p

  • Sold to Ninong Hugo   Chapter 1

    "FUCK!" Hindi napigilan ni Hugo Bustamante ang mapamura pagkatapos sabihin sa kanya ng secretary na naunahan siya ng ibang kompanya na makuha ang matagal na niyang pinupuntiryang investor. Ang Acuzar Group of Companies. Maraming malalaking kompanya na gustong makuha na investor ang Acuzar Group of Companies, dahil pagdating sa businesworld ay toplist din ito. At pagdating din sa business world ay isa din ang kompanya ni Draco Atlas Acuzar na kinatatakutan. Well, hindi naman magpapahuli ang Bustamante Corp, ang kompanyang pagmamay-ari niya. Hindi din sa pagmamayabang pero nahahanay din ang kompanya sa listahan ng mga nangungunang kompanya sa Pilipinas. And that's because of sweat and his butter. Hindi din naging biro ang pinagdaanan ni Hugo para mapabilang siya sa listahan. Marami siyang pinagdaanang pagsubok. Pero dahil sa sikap at dedikasyon niya ay naging worth it din lahat ng naging paghihirap.And Bustamante Corp is one of the top businesses in the Philippines.And Hugo Bustama

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status