SINUBUKAN ni Naya na ilibot ang tingin sa paligid nang tumugtog ang nakakaakit na musika sa bulwagan ng The Gebtleman's Club. Hinahanap kasi ni Naya ang lalaking may maiitim na mga mata. Pero nalibot na niya ang tingin sa palogid, kahit na iyong dati nitong pwesto pero hindi pa din niya natatagpuan. Mukhang wala ang lalaki ng gabing iyon para manuod.
At hindi maipaliwanag ni Naya ang nararamdaman ng sandaling iyon. Nakaramdam kasi siya ng paghihinayang. Paghihinayang? wika naman ng bahagi ng isipan niya. At bakit siya naghihinayang na hindi niya nakita ang lalaki ngayong gabi? At bakit niya hinahanap ang mga matang iyon? Umaasa ba siyang muli niyang makikita ito? Ipinilig na lang naman ni Naya ang ulo para alisin sa isip niya ang lalaki, lalo na ang paghihinayang na nararamdaman niya. Ito na ang huling gabing sasayaw siya sa The Gentleman's Club kung papalarin siyang makakuha ng malaking tip mula sa mga VIP customer. Dahil kapag nabigyan siya ng malaking tip ay mababayaran na niya si Madam Miranda sa utang niya. Hindi na niya kailangan na magsayaw sa harap ng customer habang nakatitig ang mga ito sa katawan niya ng puno ng pagnanasa. Kulang na lang ay hubaran na siya ng mga ilang kalalakihan, lalo na iyong may edad na lalaki na hindi man lang magsuot ng maskara. Kulang na lang kasi ay maglaway ang mga ito sa kanila. Nang sandaling iyon ay nakasuot siya ng kulay pula na corset na may fishnet stocking, exposing again her beautiful and slender body. Kaya kailangan niyang galingan ang performance niya ngayon gabi. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay nag-umpisa na siya sa performance niya. 'I see red' ng Everybody loves an outlow ang musikang pumapainlanlang sa bulwagan. Bagay sa nakakaakit na performace nila. Hinawakan na ni Naya ang pole at saka siya dahan-dahan na pumaikot doon. Iniliyad niya ang kalahating katawan dahil iyon ang step nila. Sa sumunod na sandali ay sa pagsasayaw na naka-focus ang atensiyon nila. Kailangan niyang pagbutihin ang pagsasayaw. Malapit ng matapos ang performance nila Naya nang makita niya ang pagbukas ng pinto. Tumuon ang tingin niya doon at muntik na siyang nadulas mula sa pole nang makita kung sino ang pumasok, mabuti na lang at mabilis siyang nakakapit. Ang lalaking may itim na mga mata. He was wearing a black long-sleeved shirt, with the sleeves rolled up to his elbows. And he was wearing his mask again. His intense and piercing eyes looked intently at her. Hindi gaya ng ibang lalaki ito, hindi niya nararamdaman na para bang hinuhubaran siya sa bawat titig niyo. Iba ang nararamdaman niya. And she couldn't understand, but she felt something in her stomach as if there were butterflies playing there. Hindi na nga din ito umupo, gaya na lang ng mga VIP customer na naroon. Sa halip ay isinandal lang nito ang likod sa pader habang nakatitig sa kanya. And from there, she could feel his intense gaze, sending shivers down her spine. Hindi naman nagtagal ang pagtitinginan nila dahil tapos na ang performance nila. At bago sila lumabas ng backstage ay sinulyapan pa niya ang lalaki, he was still looking at her. At hindi niya maipaliwanag kung bakit parang may naglalaro na paro-paro sa kanyang tiyan. Inalis na lang ni Naya ang tingin at tuluyan ng lumabas ng backstage. "Good job ladies!" salubong sa kanila ng floor director. Nakangiti naman sa kanila si Madam Miranda. Dumiretso naman sila sa dressing room para magpahinga at makapagbihis na. Nanatili naman sila sa loob, hinihintay ang pagpasok ni Madam Miranda para ibigay ang kita nila. Hindi naman nagtagal ay pumasok ito, may hawak na sobre at inabot iyon sa kanila. Pagkaabot ay tiningnan niya ang laman para bilangin. Lihim siyang napangiti nang makitang 16 thousand iyon. Makakabayad na siya ng utang niya kay Madam Miranda. Hindi na niya kailangan na magsayaw. Kinuha naman niya ang isang libo sa sobre at ibinulsa. Pagkatapos ay inabot niya kay Madam Miranda ang ang kinse mil. "Iyong utang ko po, Madam Miranda," wika niya. Tinanggap naman nito iyon. "Salamat po sa pagpapautang sa akin," wika niya. Akmang kukunin niya ang bag ng mapatigil siya ng tawagin nito ang pangalan niya. "Naya." "Po?" "May isang kliyente na gusto ng isang private pole dance," imporma nito sa kanya. "And he's requesting a private dance from you." "Pwede po ba akong tumanggi?" wika naman niya. "Oo naman, Naya. Hindi ka namin pipilitin kung ayaw mo." "Salamat po, Madam Miranda. Pero tatanggi po ako sa nire-request ng customer para sa private dance," wika niya. Pagkatapos niyon au kinuha na niya muli ang bag. Pero napatigil ulit siya nang marinig niya ang sumunod na sinabi ni Madam Miranda. "Sayang din iyon, Naya. The VIP guest who is requesting you is willing to pay huge money." Napatingin muli siya kay Madam Miranda. "He is paying you 30 thousand for one performance, Naya." Napatingin si Naya sa sinabi ni Madam Miranda. Napaawang din ang labi nang marinig kung magkano ang peranh ibabayad nito sa kanya sa dalawang oras na pagsasayaw niya. At nang sandaling iyon ay gustong magbago ang isip ni Naya. Parang nahihikayat siya na tanggapin ang offer nito.HINDI napigilan ni Naya ang amuyin ang sarili ng malanghap niya sa suot na damit ang amoy ni Ninong Hugo. Hindi kasi siya nito pinayagan muli na umalis na ganoon ang hitsura. Kaya muli siya nitong pinahiram ng T-shirt nito. Nang makapagpalit ay lumabas na siya ng banyo. At ganoon na lang ang gulat ni Naya nang makita si Ninong Hugo palabas niya. Nakasandal ito sa hamba ng pinto habang ang dalawang braso ay magka-krus sa ibabaw ng dibdib nito. Nakalihis ang manggas ng suot nitong long sleeved hanggang sa siko kaya kitang-kita niya ang ugat sa mga braso nito. Nag-angat siya ng tingin at hindi na naman niya napigilan ang mapasinghap nang magtama ang mga mata ni Ninong Hugo. His eyes were darker again just like what she saw a while ago and his intense gaze make her body shiver. Umalis si Ninong Hugo mula sa pagkakasandal nito sa pader. Napansin nga din niya ang pagpasada nito ng tingin mula sa suot niyang T-shirt nito na pinahiram nito sa kanya. "My shirt is big on you, Naya,"
"SHIT!" Hindi napigilan ni Naya ang mapamura nang mabasa ang blouse na suot pagkatapos niyang maglinis ng banyo sa penthouse ni Ninong Hugo. Prohibited siyang pumasok sa kwarto nito kaya ang banyo sa labas ang nilinis niya. Iniiwasan naman ni Naya na mabasa ang damit dahil wala siyang extra pero gayunman ay hindi pa din niya maiwasan. Humugot na lang siya ng malalim na buntong-hininga. Tapos na din naman siya sa trabaho niya do'n. Nakapagluto at nakapaglinis na siya. Huli niyang ginawa ay ang paglilinis ng banyo. Pwede na nga din siyang umuwi pero balak niyang hintayin si Ninong Hugo dahil babayaran na niya ang utang niyang sampung libo dito. Medyo malaki din kasi ang tip na nakuha niya sa pagsasayaw niya sa The Gentleman's Club, idagdag pa iyong pera na binayad sa kanya no'ng nagbook sa kanya para sa solo performance. Tama nga ang sinabi ni Madam Miranda na easy money ang pagta-trabaho niya doon. Nagtungo si Naya sa living room. Kinuha niya ang tote bag niya para kunin sa lo
HINDI napigilan ni Naya ang pagkabog ng dibdib dahil sa kaba na nararamdaman. Hindi naman ito ang unang beses na sasabak muli si Naya sa pagsasayaw sa The Gentleman's Club pero pakiramdam niya ay iyon ang unang beses. Siguro dahil isang buwan na ang lumipas simula noong huling tumapak siya sa nasabing club. At hindi na isang beses na sasayaw siya do'n. Naya was now a contract dancer in the said club. "Okay. Get ready girls," mayamaya ay wika ng floor director sa kanilang limang pole dancer. Kahit papaano ay nabawasan naman ang kaba ni Naya dahil hindi lang siya ang mag-isa na magsasayaw sa harap ng mga guest. Lima sila. "Okay. Labas na kayo," mayamaya ay wika nito. Lumabas naman na sila sa backstage. At kanya-kanya na silang pwesto sa pole. Inayos naman ni Naya ang suot na mask ng sandaling iyon. Sinigurado niya na mahigpit ang pagkakatali niyon sa mukha para hindi malaglag. Ayaw ni Naya na makita ang mukha niya para naman kahit papaano ay maitago niya ang identity niya sa
"COME in," wika ni Hugo sa baritonong boses ng makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng opisina niya. Nakatutok pa din ang atensiyon sa harap ng computer ng maramdaman niya ang pagbukas ng pinto ng opisina. "Sir?" Sa pagkakataong iyon ay doon lang inalis ni Hugo ang tingin sa harap ng computer ng marinig niya ang boses na iyon ng secretary niya na si John. "Yes?" "Sir, mag-o-overtime ba tayo?" tanong nito sa kanya. Tiningnan naman niya ang wristwatch na suot para tingnan ang oras. At nakita naman niyang lagpas alas cinco na. Masyadong tutok ang atensiyon sa trabaho kaya hindi na niya namalayan ang oras, uwian na pala. Pero hindi pa siya tapos sa ginagawa kaya mananatili pa siya do'n. "You may go, John," wika naman niya. Wala naman na siyang i-iutos dito kaya hindi na niya ito kailangan doon. "Pero bago ka umalis, ipagtimpla mo muna ako ng kape," mayamaya ay utos niya dito. "Sige po, Sir," sagot nito. Muli itong lumabas ng opisina para sundin ang pinag-
NANGAKO si Naya na sarili na hindi na siya babalik muli sa The Gentleman's Club. Pero mukhang nakatadhana na sa kanya ang bumalik do'n. Because here she is now, waiting for Madam Miranda to sign the contract of The Gentleman's Club. Nakatanggap kasi siya ng text galing dito noong nakaraang araw. And she offered her again a job. Sa totoo lang ay hindi lang iyong ang unang beses na nakatanggap siya ng text message galing dito. Simula noong huling tapak niya sa The Gentleman's Club at nang sabihin niya dito na hindi na siya babalik ay nakakatanggap na siya ng text message galing dito. Nililigawan siya nito na maging contract dancer, marami daw kasing naghahanap sa kanya na VIP Guest, maraming nagtatanong kung kailan daw siya babalik, kung kailangan siya muling sasayaw. Pero iniignora ni Naya ang text message nito dahil nga ayaw na niya. At saktong nasa vulnerable estate siya noong panahong nakatanggap muli si Naya ng text message galing kay Madam Miranda kaya tinanggap na niya ang o
KUMUNOT ang noo ni Naya nang pagpasok niya sa loob ng bahay ay hindi niya nakita ang Mama Nancy niya. Nagpaalam siya kaninang umaga na may pupuntahan. Tinanong naman siya ng Mama niya kung anong oras siya babalik at sinabing baka mamayang hapon pa. Balak kasi ni Naya na maghanap ng part time job para pandagag sa kinikita niya. Para mabayadan din niya ang inutang niyang sampung libo sa Ninong Hugo niya noong nakarang linggo. Pero agad din naman umuwi si Naya sa bahay nila ng biglang sumakit ang ulo niya. Sobrang init kasi sa labas at marami na din siyang napuntahan na establishemento na Hiring pero hindi pa din siya nakahanap ng pwedeng maging part time. "Ma?" tawag niya sa pangalan ng Mama niya. Pumasok siya sa kwarto nito para tingnan ito doon pero gaya sa sala ay wala din doon ang Mama niya. At halos libutin na niya ang buong bahay pero kahit anino ng Mama niya ay hindi pa din niya makita. Lumabas ba ito? Lumabas si Naya ng bahay para hanapin kung saan nagpunta ang Mama niya