Share

UNANG PAGKIKITA

PATAKBO akong pumunta court at lumapit kay Tiffany. "Ohh Anong nangyari Sayo? Bakit ganyan ang hitsura mo?"

"Ahh kasi-"

Hindi natuloy ang sasabihin ko nang may nagsalita sa stage. "Hello everyone I'm Mr. Vleen Cen Santibañez the brother of Nikkolai. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa akin. Salamat din sa mainit na pagsalubong sa akin Ms. Semphil Bermudez"seryosong wika niya.

Teka paano niya nalaman ang pangalan ko?? Nakakatunaw ang titig niya sa akin. Hindi ko naman inaakala na ang lalaking sinipa ko ay Kapatid pala ni Sir Nikkolai. Ano ba ito??

Napatingin sa akin si Tiffany pati ang ilang student na nakakakilala sa akin. "Bakit namention niya ang name mo? Magkakilala ba kayo?"tanong ni Tiffany

Napairap ako bago sumagot. "Hindi noh!"

Pinilit kong ituon ang pansin sa mga kalahok na nagstart nang mag perform. Tahimik akong nanonood dito habang ang katabi kong maharot ay todo cheer sa mga kalahok na pogi. Tsk!

Habang nanonood ay hindi sinasadyang napadako ang tingin ko kay Sir Vleen na malagkit ang tingin sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya umiwas ako ng tingin. What if Masuspend ako? or the worst is baka Expelled pa ako! Jusko Lord paano na ito??

Ano ba naman ang pinasok mo Semphil?? Ang ibang mga nakaupo sa tabi ko ay umalis para siguro bumili ng pagkain. Nagpatuloy ako sa panonood nang magulat nalang ako dahil wala akong kaalam-alam na katabi ko na pala siya.

"Hi Ms. Bermudez"

"S-sir Vleen??"

Kaagad akong nakaramdam ng kaba pero hindi ko ipinahalata. "Ahm Excuse me bibili lang ako!"

Tatayo sana ako nang magsalita pa siya. "Kung inaakala mo na nakalimutan ko na ang nangyari ay nagkakamali ka"

"Sorry pero kailangan ko na talagang umalis"wika ko pero bigla niyang hinila ang braso ko.

"Sisiguruhin kong matatanggal ka sa school na ito kapag umalis ka sa tabi ko!"

Kaagad akong umayos ng upo at hinarap siya. "Ano bang kailangan mo?"iritadong tanong ko.

"Wow Ikaw pa talaga itong may ganang mairita gayong Ikaw na itong nakapanakit??"

"You're so sarcastic Ms. Bermudez but I love it!"ang nakangising wika niya bago hinawakan ang aking kamay at hinalikan.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Teka Wala bang kahihiyan ang lalaking ito?? Malakas masyado ang loob niya na gawin iyon!! Porke ba kapatid siya ng may ari?

"Ayy grabe sir kinikilig ako sa inyong dalawa!"sabi ni Tiffany bago napatili. Napakasakit sa Tenga ng ingay niya. Napatakip siya ng bibig nang pinagtaasan ko siya ng kilay.

"And who do you think you are para gawin iyon hah Vleen?"

Hindi ito makapaniwalang tumingin sa akin Lalo na nang tawagin ko siya sa pangalan niya. Bigla itong ngumisi. "You're so harsh baby"

Gwapo siya at matipuno pero tingin ko mahilig sa trouble ang Isang ito. Kinakabahan man ay matapang ko siyang tiningnan. "Tigilan mo ako, kung babae ang hanap mo sa bar ka magpunta Mr. Santibañez!"

Tumawa ito ng mahina bago sumagot. "Hindi na kailangan! dahil mukha ka namang galing sa bar!"

Aba teka sinusubukan ata ng Isang ito ang pasensya ko. "Fuck you!"

"Yes I will fuck you later baby!"

Lalo silang nagtinginan sa amin at naririnig ko na din ang usap-usapan nila.

"Girlfriend pala ni Sir Vleen si Semphil??"

"Siguro kasi tingnan mo ang sweet nila ohh!"

Sweet? kami?? Nakakasuka!

"Taken na pala si Sir? sayang naman napakagwapo pa man din! Mas gwapo pa kay Sir Nikkolai"sabi ng isa pa.

Napatigil lang sila nang tiningnan ko Sila ng malamig.

"Don't mind them Mrs. Santibañez!"sabi pa ni Vleen.

Tiningnan ko siya ng masama bago sumagot. "Hoy Vleen huwag mo akong matawag-tawag na Mrs. Santibañez! May boyfriend ako!"ang pagsisinungaling ko

Biglang nagdilim ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "What's your problem?"

Bigla itong ngumisi.. "I don't care kung may boyfriend ka. Basta ito nalang ang masasabi ko. Mapapasaakin ka wether you like it or not!"ang madiing turan niya.

Nasisiraan ba siya??

FEW HOURS AGO

Natapos na ang program at nakauwi na ako pero napapaisip parin ako sa nangyari kanina. Ano ang nangyayari sa lalaking iyon?? Biglang lumapit si Mama.

"Ohh Bakit parang problemado ka?? nabayaran mo na ba ang kuryente natin?"

"Opo ma"

Biglang lumapit si kuya."Hoy Semphil may pera kaba?? Pahiramin mo Muna ako! Kailangan kasi ni Kiel ng panggatas!"

"Ehh diba kasasahod mo lang?? Pati ba naman iyan hihingin mo sa akin?? Hindi kita mabibigyan ngayon! pang tuition ko nalang ang natitira sa akin!"

Biglang nagdilim ang mukha ni Mama habang nakatingin sa akin."Kailangan nga ng Kuya mo ng pera diba?? Mas uunahin mo pa ba ang walang kwentang pag-aaral mo kaysa sa pamangkin mo??"

"Pero Mama diba may hanapbuhay si kuya??"

"Natalo ako sa BINGO Semphil kaya magbigay ka nalang pwede ba??"inis na Turan ni kuya.

"Hindi! pang tuition ko ito!"ang madiing sagot ko pero dinukot ni Mama ang laman ng bulsa ko at iniabot sa paborito niyang anak. "Ma ano ba?!"

"Alam mo Semphil mas mabuti kung magtrabaho ka nalang! Tigilan mo na iyang walang kwentang pag-aaral mo! Magtrabaho ka para naman makatulong ka sa pamilyang ito! Magkasilbi ka naman!"ang madiing turan ni Mama bago umalis.

Napatingin ako kay Kuya Manuel at sinamaan siya ng tingin."Hoy Semphil Anong tinitingin-tingin mo diyan??"

"Wala"

"huwag ka ngang madamot diyan!"Saad pa niya bago lumabas. Hindi ko alam kung bakit kinakailangan kong magkaroon ng ganitong klaseng pamilya. Si Papa iniwan si Mama para sa ibang babae, si Mama Wala nang trabaho napakalasinggera pa at si kuya naman may pamilya na pero sa akin din umaasa. May trabaho nga siya pero mas inuuna ang mga bisyo.

Pati pambayad sa tuition fee ko nakuha pa! Nakakainis! Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko at kinontact si Tiffany. Umaasa ako na mapapahiram niya ako.

"Hello Semphil? Bakit ka napatawag?"

"Ehh kasi Tiffany baka kasi pwedeng makahiram ng pera. Tatlong libo pambayad sa tuition fee ibabalik ko din pagsweldo ko sa chicken restaurant"

"Naku Semphil sorry hindi kita mapapahiram! Wala din akong pera!"

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Paano na ito?? Saan ako kukuha ng pambayad sa tuition fee ko??

MANUEL POV

Sa wakas, nakadelihensya din ng panggatas ng aking anak! At sobra din ito kaya tamang-tama dahil may puhunan na ako sa sugal bukas. Matapos manggaling sa tindahan ay pauwi na ako nang biglang may tumigil na magarang kotse sa harapan ko at may bumabang dalawang lalaki.

Nilapitan nila ako at nagtanong ang isa. "Ikaw ba si Manuel Bermudez? Kapatid ni Semphil?"tanong ng Isang lalaki.

"Oo ako nga. Anong kailangan ninyo?"

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, gusto ng boss namin Ang kapatid mo! Gusto niyang makuha siya"

Napaisip ako. May nagkakagusto kay Semphil? Totoo ba?? "Ano naman ang mapupurat ko kapag nakipagtulungan ako?"

"Handang magbigay si Boss ng magarang bahay para sa inyo at bukod diyan ay bibigyan ka din niya ng Twenty Million. Gaganda ang buhay ninyo kapalit ng kapatid mo"

Bahagya akong natahimik sa narinig. Talaga bang yayaman kami? "Sino ang boss mo? Ano ang pangalan niya?"

"Makikilala mo din siya, pero sa tamang panahon."

Nakapag desisyon ka na ba Mr. Bermudez??"

"Hayaan ninyong kausapin ko Muna si Mama. Bigyan nyo ako ng calling card para matawagan ko kayo agad in case na pumayag siya!"

May dinukot ang Isang lalaki sa bulsa ng coat niya at iniabot sa akin ang isang calling card. "Ayan ang calling card at sandali lang dahil may iaabot pa kami"

May kinuhang puting sobre ang Isang lalaki sa bag na dala niya at iniabot sa akin. "Teka pera?? Para saan ito??"

"Para iyan sa pakikipag-usap mo sa Amin. Ora sna mapapayag mo ang iyong Ina ay magbibigay muli kami ng pera Sayo bilang pabuya at kapag nakuha na ni boss ang kapatid mo ay doon lamang niya ibibigay ang bahay at lupa maging ang Sampung milyong Piso bilang kabayaran"

Grabe parang gusto kong tumalon sa sobrang saya. May pera na ako at hindi lang iyon, yayaman kami kapag napapayag ko si Mama!

"Inaasahan namin na mapapapayag mo ang inyong Ina Mr Bermudez"

"Huwag kayong mag-alala dahil tiyak na papayag siya!"

Sorry Semphil pero kailangan mong magsakripisyo!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status