Share

SOLD

SEMPHIL POV

Walang pasok ngayon kaya nandito lang ako sa kwarto at nagbabasa ng ebooks nang biglang may kumatok kaya binuksan ko ang pinto ng aking kwarto at tumambad sa harapan ko si Mama.

"Ma bakit po?"tanong ko.

"Anak may pupuntahan kasi tayo. Heto isuot mo"Sabi niya at iniabot sa akin ang isang gown na maiksi.

"Ma alam mo naman na hindi ako sanay magsuot ng mga ganitong damit"angal ko.

Napataas naman ang kilay ni Mama. "Pwede ba Semphil huwag nang matigas ang ulo mo?? Isuot mo iyan at mag-ayos ka ng sarili mo!!"inis na wika ni Mama bago ako tinalikuran kaya Wala na akong nagawa pa kundi ang sundin ang gusto niya. Isinara ko ang pinto at isinuot ang gown na gusto niyang ipasuot sa akin. Naglagay din ako ng kaunting make up at lipstick.

Paglabas ko ng pinto at pagbaba ng hagdan ay ganon nalang ang gulat ko nang biglang lumapit sa akin Sina Mama at kuya na may hawak na lubid at igonapos ako. Sinubukan Kong lumaban pero Wala akong nagawa dahil mag-isa lang ako.

"Ma ano ba ito??"

"Ayokong gawin ito pero ito lamang ang magagawa ko para makabayad sa utang! Anak ayokong makulong!"

Napakunot naman ang noo ko sa sinasabi niya.

"Ano ang ibig mong sabihin ma??"

"May lalaking handang magbayad ng Malaki para lang makuha ka. Iyon lang ang paraan para makabayad ng utang si Mama at ito lang din ang paraan para makaahon tayo sa hirap!"sagot ni kuya.

"Pwede ba huwag ninyo akong pinaglololoko! Pakawalan ninyo ako!"galit na Turan ko pero hindi nila ako pinansin.

Nagring ang phone ni Mama kaya pansamantala siyang lumabas.

"Kuya ano ba?? Pakawalan mo ako dito! kundi masasapak kita!!"

"Iyan ay kung makakawala ka"

Ano ba itong nangyayari sa buhay ko?? Oo hindi Ako ang paboritong anak ni Mama pero hindi ko inakala na magagawa niya akong ipagbili ng dahil lang sa utang niya na hindi mabayaran.

Nakakapanlumo ang mga nangyari sa buhay ko. Matapos umalis ni Papa ay naging working student na ako para masuportahan Ang pag-aaral ko. Pilit kong kinaya ang lahat kahit na ganitong klase na pamilya ang mayroon ako.

Pumasok si Mama sa bahay. "Umayos ka Semphil!"

"Ganito ba talaga ninyo ako tratuhin hah? Ano bang kasalanan ko sa inyo?? ni Hindi ninyo na nga Ako masuportahan sa pag-aaral ko at sa mga pangarap ko gaganituhin ninyo pa ako??"

"Patawarin mo ako kung nagkulang ako sa iyo bilang Semphil. Labag din ito sa loob ko pero totoo ang sinasabi ng kuya mo kanina. Kailangan kung makabayad ng utang. Binataan ako ni Glenda na idedemanda at ipakukulong niya ako kapag hindi Ako nakabayad at isa pa kailangan ko din ng maintenance para sa diabetes ko"

Napatingin ako sa kanya dahil Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. "Magkano ang utang nyo kay Aling Glenda? at totoo bang may sakit ka mama??"

"30k ang utang ko kay Glenda at oo may sakit ako. Dalawang buwan na ang nakalipas magmula nang magpacheck up ako"seryosong wika niya

"Totoo ang sinasabi ni Mama. Hindi lang niya masabi Sayo noong una kasi ayaw niya na mamroblema kapa sa kanya. Yung mga kinikita ko sa trabaho na akala mong ipinangsusgal ko iyon ang iponambibili ng gamot ni Mama. Sorry Semphil hindi namin gustong gawin ito"

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Kung Ganon ay Wala na akong magagawa pa. Pumapayag na ako sa gusto ninyo. Ranggalin ninyo na Ang pagkakatali sa akin"

Kaagad nila akong kinalagan. "Kilala ba ninyo kung sino ang lalaking gustong bumili sakin?"ang kinakabahang tanong ko.

"Hindi pa namin siya nakikita ng personal anak, ngayon palang"sagot ni Mama.

Ano na kaya ang magiging kapalaran ko pagkatapos nito? Hindi kaya gawin lang akong maid ng lalaking iyon? or the worst is baka naman balak niya akong gawing sex slave!!

Nakakaramdam na ako ng kaba nang biglang may kumatok sa pinto ng bahay. Binuksan ni kuya ang pinto at may tumambad na apat na lalaki sa harapan namin. May dala silang tig-iisang suitcase.

"Good Evening kami Ang mga tauhan ni Mr. Santibañez. Andito kami dahil handa na kami sa payment"sabi ng isa sa kanila.

Santibañez?? Parang pamilyar sakin ang apilyedong iyon ahh?? Tama! Kaapilyedo ni Sir Nikkolai na owner ng school na pinapasukan ko!

"Hindi ninyo ba Kasama ang boss ninyo?? Gusto namin siyang makita! Gusto naming makilala ng personal ang lalaking bumibili sa akin!"ang matatag na wika ko.

Ganon nalang ang pagkagulat ko nang may pamilyar na boses na nagsalita sa may pintuan.

"It's me Semphil!"

"Vleen??"

"Teka Semphil Kilala mo siya?"tanong ni kuya.

"Oo kuya. Kapatid siya ng owner ng university na pinapasukan ko!"

"Kung Ganon ay magkakilala na pala talaga kayo. Mainam"Turan ni Mama. Talagang desidido na Sila na ipagbili ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko?? Bukod sa ayokong makulong si Mama ay ayoko din namang lumala ang sakit niya.

Inilapag nila ang apat na suitcase sa sahig. "Ten million ang halaga ng lahat ng iyan. At heto pa, binibigyan ko din kayo ng bahay at lupa na matitirhan"sabi ni Vleen at may iniabot na susi at envelope kay Mama.

"Ten Million Pesos?! Tapos may Kasama pang bahay at lupa?! Nagsasayang ka ata ng pera Vleen!"

Napangisi siya bago bumaling sa akin." Hindi ba sinabi ko sayo na akin ka lang? Ngayon heto na!"

Maluha-luha si Mama ngayon, siguro ay dahil sa saya? or dahil siguro sa kukunin na ako ni Vleen.

Pagkatapos noon ay may inilabas silang papel at pinapirmahan kay Mama. Ayon sa kasunduan ay pwede akong patayin oras na magtangka akong tumakas or pagtangkaan ko ang buhay ng lalaking ito. Matapos ang pirmahan ay lumabas na ako ng bahay Kasama sila. Bago makalayo ay lumingon ako at sinulyapan sina Kuya at Mama. Bakas sa mukha nila ang lungkot. Parang gusto kong umatras pero Wala na akong magagawa.

"Ms. Bermudez tayo na po. Nauna na si Boss"sabi ng Isang lalaki na Kasama namin kaya dumeretso na ako palabas at Nakita si Vleen na nag-aabang sa may pintuan ng kotse. Kinuha niya ang coat niya at inilagay sa aking balikat.

Kaagad akong nakaramdam ng inis kaya kinuha ko ito at ibinato sa kanya pabalik!" Hindi ko kailangan iyan!"

Kaagad na sumakay ng kotse si Vleen at may kasunod din itong kotse.

"Ma'am doon po tayo sa kabilang kotse sasakay"sabi ng isa kaya doon kami sumakay. Bale tatlo kami dito. Yung isa nagdadrive habang yung isa naman ay naupo sa tabi ko.

"Ma'am huwag po kayong mag-alala mabait si Sir Vleen"sabi ng katabi ko na medyo may edad na. Hindi pag-aalala ang nararamdaman ko kundi galit.

"Ma'am Ako nga po pala si Butler George at si Bernard naman ang nagdadrive. Anak ko siya"ang pagpapakilala niya.

"Ikinagagalak ko kayong makilala. Ahm siya nga pala saan tayo sunod na pupunta?"tanong ko.

"Sa mansion po Ma'am. Uuwi na po"sagot ni Butler George.

Ano kaya ang kapalaran na naghihintay sa akin?? Magiging langit kaya ang buhay ko o pahihirapan ang Ako ni Vleen?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status