Share

IKALAWANG KABANATA

SEMPHIL POV

Maaga akong gumising at kumain agad, maaga pa kasi ang pasok ko. Pagbaba ay nakaamoy ako agad ng mabangong pagkain kaya dumeretso agad ako sa kusina. Nakita ko sina Mama at kuya na naghahanda ng breakfast.

May nakahaing kanin, adobo at lechong paksiw?? Saan sila kumuha ng pambili??

"Teka saan galing ang mga iyan??"tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ahh anak nagluto kaming kuya mo ng masarap na almusal anak! Kain na tayo?"sagot ni Mama.

Aba himala ata!

"Sagutin ninyo kung saan galing ang ipinambili nito!"seryosong turan ko.

Hindi sila makaimik pansamantala pero nakasagot din si kuya. "Nakadelihensya ako ng pera!"sagot nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Kuya?? Huwag mong sabihing nagnakaw ka na naman!"inis na turan ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin.

"Pwede ba huwag kang mamintang Semphil! Sumahod na ako! Ngayon kumain ka kung gusto mo huwag kung ayaw mo!"galit na sabi niya.

"Semphil maupo kana! Agang aga pinagbibintangan mo kuya mo"sabi ni Mama kaya wala na akong choice kundi ang maupo at kumain.

Katahimikan ang namayani sa aming tatlo habang kumakain sa kusina. Hanggang sa natapos ako ay nag toothbrush ako at naligo sa CR. Pagkatapos ay dumeretso ako sa kwarto ko para magbihis nang marinig kong nag-uusap sina Kuya at Mama.

"Ma yayaman tayo kapag pumayag ka!"

"Hindi ako pumapayag sa gusto mo Manuel! Tigilan mo ako!"inis na sabi ni Mama kay kuya bago lumabas ng bahay.

Ano kaya ang pinag-usapan nila?? Hayyst bakit ko pa nga ba nila pag-iisipan iyon ehh malelate na ako! Dumeretso ako sa kwarto para magbihis. Pagkatapos magbihis at mag-ayos ng sarili ay umalis na ako at nagcommute.

Pagkarating sa university ay patakbo akong dumeretso sa classroom dahil five minute nalang ay magsisimula na ang first subject namin. Pagpasok sa classroom ay kaagad akong umupo sa arm chair ko.

"Semphil totoo ba ang chismis? Kayo na ni Sir Vleen hah? Ikaw hah naglilihim kapa sa akin!"sabi ni Tiffany.

"Hindi ko siya boyfriend Tiffany! Tumigil ka nga!"iritadong sagot ko.

"Sus kunwari kapa!"sabi pa niya. Magsasalita sana ako nang biglang pumasok si Sir Falcon! Napatingin ito sa akin kaya napaiwas naman ako dahil sa matinding kahihiyan. Alam niya ang mga ginawa ko kay Vleen! Mabuti na nga lang at hindi ako naexpelled.

"Good morning class"ang pagbati niya.

"Good morning Sir!"

"Bago tayo magsimula ay may gusto lang akong sabihin"pansamantala siyang tumigil sa pagsasalita at muling tumingin sa akin. Oh Lupa lamunin mo ako!

"Kayo ay nag-aaral para matuto hindi lang ng academic kundi pati ng mabuting asal! sana naman ay I apply ninyo sa sarili ninyo ang mga magagandang asal na natutunan ninyo Maliwanag ba class??"

"Opo Sir"sagot namin kaya nagsimula na siyang magdiscuss.

Marami akong iniisip. Una saan nakakuha ng pera si kuya eh ang liit lang naman ng sahod niya? Pangalawa ano ang pinag-uusapan nilang dalawa ni Mama kanina? May ginagawa ba Sila na hindi ko alam?

Thirty minutes pa ang lumipas ay natapos na siya sa pagdidiscuss. "Wala na ba kayong tanong?"

"Wala na po Sir"sabi namin kaya lumabas na siya ng classroom dala ang mga libro niya.

"Hoy Semphil kanina pa kita napapansin na tulala. May problema ba?"tanong ni Tiffany.

"Sina Mama at kuya kasi hindi ko na naman alam kung saan kumuha ng pera!"sagot ko kaya napahilot siya sa sintido niya.

"So pinoproblema mo na naman ang Mama at Kuya mo na walang idinulot na maganda sayo"sagot niya.

"Tiffany ano ba? Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Pamilya ko parin Sila!"inis na Turan ko.

"Pero matanong lang kita. Paano kapag bumalik ang Papa mo at humingi ng tawad sa inyo?? Patawarin mo ba?"tanong pa niya.

Sa tuwing naaalala ko siya ay nasisira ang Araw ko. Hindi sana magkakaganito ang buhay namin kung hindi niya kami iniwan para sa ibang babae. "Pwede ba Tiffany, huwag mo na siyang ipaalala sa akin! Matagal ko na siyang kinalimutan!"

"Alam mo mabuti pa kumain nalang tayo sa cafeteria. Naiinis ako ehh kapag napag-uusapan ang taong yon!"iritadong turan ko.

Papunta na kami sa cafeteria para bumili ng pagkain nang masalubong namin si Sir Nikkolai at syempre kagaya ng dati kilig na kilig na naman itong kasama ko.

"Good morning Sir!"pormal na pagbati ko.

"Hi sir good morning ang pogi mo talaga!"kinikilig na turan ni Tiffany. Hindi talaga marunong mahiya ang Isang ito.

"Good morning din!"ang pagbati niya at lalampasan na sana niya kami nang magsalita siya.

"Ikaw si Ms. Semphil Bermudez right?"tanong niya. Teka paano niya nalaman ang pangalan ko??

"Opo sir!"sagot ko.

"Birthday ko sa sabado. Imbitado ka. Isama mo na din iyang kasama mo"sabi niya at iniabot ang invitation card.

"Talaga po bang pati ako imbitado?"masayang turan ni Tiffany.

"Oo. Aasahan ko ang pagdalo ninyo"sabi pa niya.

Magsasalita pa sana si Tiffany nang unahan ko siya. Mahirap na at baka mahalata pa ang kalandian ng Isang ito. "Salamat po sa pag-invite sa amin Sir. Makakaasa ka po na darating kami!"

Ngumiti ito. "Good"

Tumalikod na siya at naglakad palayo nang natigilan ako dahil bigla kong naalala si Vleen! Paano na iyon?? Baka magkita kami??

MANUEL POV

Ayaw talaga ni Mama na pumayag sa gusto ko. Paano na ito?? Ano na ang gagawin ko?? Sawang-sawa na ako sa mahirap na pamumuhay namin at gusto kong makaahon kami sa hirap! Umalis si Mama papuntang palengke kanina pa. Pinapatulog ko ang aking anak nang biglang may kumatok sa pinto. Nakauwi na siguro si Mama.

"Sandali lang!"sabi ko at dali-daling binuksan ang pinto nang tumambad sa harap ko si Aling Glenda na nagpapa 5'6.

"Aling Glenda anong sadya mo??"tanong ko.

"Nasaan ang Mama mo??"tanong niya.

"Umalis po ehh namamalengke. Bakit po?"

"Aba umutang lang naman ng 30k ang Mama mo pero Wala atang balak magbayad! tumubo na ng tumubo ang utang niya pero hindi parin nagbabayad!!"galit na Turan niya.

"Magkano na po ba ang utang niya ngayon??"

"Aba umaabot na ng 50K!!! Matagal na siyang hindi naghuhiulog! Puro pass at kung minsan ay matapang pa kapag naniningil!"Saad pa niya.

"Sasabihin ko nalang po pag-uwi niya!"

"Sabihin mo sa kanya na kapag hindi siya nagbayad idedemanda ko na siya!"galit pang Turan niya bago umalis.

Saan naman kaya ginastos ni Mama ang perang iyon?? Mayamaya pa ay may kumatok muli sa pinto. Sinilip ko muna sa bintana dahil baka maniningil na naman pero mali ako dahil si Mama pala iyon dala ang pinamili niya kaya binuksan ko ang pinto

"Ohh Manuel bakit ganyan ang hitsura mo?"tanong niya nang Makita ako.

"Ma totoo bang nangutang ka kay Aling Glenda ng 30K?"tanong ko.

"Ahh anak kasi-"

"Saan mo ginastos ang perang inutang ninyo? at bakit hindi kayo nagbabayad??"inis na tanong ko.

"Wala akong maibayad Man-"

"Bakit kayo nangutang kung Hindi din kayo makakabayad??"

"Gusto mong malaman?? Iyon lang naman ang ginamit kong pampiyansa Sayo nang makukong ka!!"sagot niya kaya nakaramdam ako ng pagkakonsensya.

"Sorry Ma diko alam. Pero Ma nagbanta siya na idedemanda ka niya at ipapakulong kapag hindi ka nagbayad!"sabi ko

"Ano ang gagawin ko anak? Ayokong makulong!"ang naiiyak na Turan niya.

"May alam akong solusyon; Si Semphil! siya ang sagot sa ating problema!"

"Pero anak ko din siya Manuel! Kapatid mo!"

"Ma isipin nalang natin na kapag nangyari ang gusto ni Mr. Santibañez ay gaganda ang buhay niya! Magbubuhay Donya si Semphil at pati tayo ay yayaman!"

"Maibibigay niya ang buhay na hindi ninyo maibigay kay Semphil!"

"Sige pero kailangan nating makasiguro na maayos ang gagawin niyang pakikitungo sa kanya Manuel! Ayokong basura ang maging trato nila sa kapatid mo!"

"Huwag kang mag alala Ma dahil hinding-hindi iyon mangyayari"sagot ko

Sa wakas makakaahon din kami sa kahirapan!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status