Share

Sold to a Mafia Boss
Sold to a Mafia Boss
Author: Lunoxlovesyou

PROLOGUE

Naglalakad kami ni Tiffany sa corridor ng university papuntang court. May program kasi ngayon. "Semphil alam mo ba na papunta daw dito ang may ari ng university at ang kapatid niya? Ang Balita ko napakagwapo daw nila at macho"

Ang gaga kinikilig habang nagsasalita akala mo naman mabibingwit niya ang lalaking iyon "Hoy Tiffany langit iyon at lupa ka kaya how wag kang mag-assume"

"Ito naman! Bakit masama bang mangarap??"

Wala namang masama sa mangarap. Ang maurap ay yung umasa ka sa Wala. "Alam mo ikaw ang bitter mo talaga!"angal pa niya.

Kahit kailan talaga napakaassuming ng babaing ito."Alam mo hindi ka pa kasi nakakaranas magkaroon ng boyfriend!"Saad pa niya.

"Alam kung bakit? dahil walang puwang sa puso ko ang pag-ibig. Pag-aaral at pagtatrabaho lang ang nasa isip ko. Bigla naming narinig na may nagkaingay sa malapit sa court.

"Halika na Semphil! Andon na siguro sila at tiyak na magsisimula na ang program!"sabi ni Tiffany bago ako hinila papuntang court.

Nakita namin sa unahan ni Mr. Nikolai Jansen na may-ari ng school. "Akala ko ba Kasama si Sir Vleen?"tanong ng Isang babaing student sa harapan namin.

"Baka malelate"sagot ng katabi niya.

"Tingnan mo Semphil napakagwapo talaga ni Sir Nikolai"tila ba kinikilig pang wika niya. Hmp! Talandi!

Pumunta sa unahan si Sir Harley na nagsisilbing host ng Program"Okay ladies and gentlemen let's start the program! Magsisimula tayo sa dancing competition!"

Sumalang na sa stage ang unang kalahok. Magagaling naman Sila pero aaminin ko na nabobored ako. "Tiffany sa bibili lang ako ng juice at burger sa cafeteria"

"Sige"

Hindi ko na siya inakit na sumama sa akin dahil alam ko naman na hindi siya sasama dahil ayaw niyang maalis sa paningin niya si Sir Nikkolai. Habang naglalakad sa corridor papuntang cafeteria ay nagring bigla ang phone ko. Nagtext si Mama sa akin. "Semphil ang Ikaw na magbayad ng bill ng kuryente mamaya! Bigyan mo din ako ng pambiling bigas mamaya!"

Napabuntong hininga ako dahil sa gastusin. Matagal na Mula nang Iwan kami ni Papa, si Mama naman sugarol kung hindi nga lang siguro ako naging working student ay malamang na napatigil na ako sa pag-aaral. Nagulat nalang Ako nang may nakabanggaan akong lalaki habang naglalakad dahilan para tumilapon ang phone ko.

Dahil sa galit ay nasigawan ko siya "Hoy bulag kaba?? Bakit hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo??" Dali-dali kong kinuha ang phone ko na basag na.

"Wow Ms. coming from you??"

Galit na galit ko siyang binalingan "Ang kapal mo din ehh ano? sa halip na magsorry ka dahil nabangga mo ako at nasira ang phone ko may gana ka pang magsalita ng ganyan??"

Bigla siyang ngumisi sa akin bago nagsalita. "Huwag mong isisi sa akin ang katangahan mo Ms."

Aba teka ang kapal ng mukha nito ahh ako ba naman ang sinabihan ng tanga?? Dahil sa sobrang galit ay sinipa ko ang kayamanan niya.

"Aww!"d***g niya habang nakahawak sa pagkalalaki niya matapos akong mag-ala Jet Li sa pagsipa sa kanya.

"Alam mo iyan ang dapat sa katulad mong mayabang! sisiguruhin ko na sa ginawa ko Sayo ay hindi ka na makakapagpalahi pa!"

"Teka Anong nangyayari dito? Sir bakit ka namimilipit sa sakit??"tanong ni Sir Falcon.

Bigla akong dinuro ng lalaki"Itong bastos na babaing ito sinipa ako!"

Nagdilim bigla ang mukha ni Sir Falcon bago napatingin sa akin."Ms. Bermudez bakit mo iyon ginawa?? alam mo ba kung sino ang kaharap mo?? siya si Mr. Vleen Cen Santibañez"

"Wala akong pakialam kahit sino pa siy- t-teka Vleen Cen Santibañez? K-kapatid ka ni Sir Nikkolai??"

Hindi ako ngayon makagalaw sa kinatatayuan ko at paulit-ulit Kong naririnig sa aking isip ang sinabi ni Sir Falcon.

"Siya si Mr. Vleen Cen Santibañez"

"Sorry sa nagawa niya Sir Vleen! Don't worry we will punish her! Siguradong masususpend siya sa ginawa niya!"

Bigla muling ngumisi ang lalaki. Hindi ba siya nabgangalay sa kakangisi niya?"Hindi ninyo na siya kailangan pang gawin. Ako na Ang bahala sa kanya. Sige na Mr. Falcon Guevarra Mauna kana sa court!"

Kaya umalis na si Sir Falcon. Ako ay hindi parin makakibo sa ngayon habang patuloy siyang napatitig sa akin.

"Alam mo hindi naman mapipigilan ng sipa mo ang pagkakalat ko ng lahi. Gusto mo bang subukan ko sayo? Malay mo maka Isang dosena tayo?"

Aba teka malakas ang loob ng lalaking ito!! Matalas ang tabas ng dila! Dahil sa hindi ko na malaman ang gagawin ay nanakbo nalang ako papuntang court!

VLEEN POV

Nanakbo siya papuntang court pero hindi niya napansin na nahulog pala ang wallet niya kaya kinuha ko. Nakita ko na may kasamang ID Semphil Bermudez ang pangalan niya.

Kinuha ko agad ang phone ko at itinext si Henry na butler ko na nasa labas ng university. Pinapapasok ko siya dito sa loob. Ilang minuto pa ay nakalapit na siya.

"Boss may kailangan kaba?"tanong niya.

"Aalamin mo ang lahat tungkol sa babaing ito na nasa ID"utos ko sa kanya.

"Pero para saan boss??"

"I want her to be my wife!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status