Share

BIRTHDAY PARTY

Nagising ako nang nag-alarm ang phone ko. Teka Wala nga pala akong pasok bakit ako nag-alarm? Sabado naman... ayy naku ngayon nga pala ang birthday ni Sir Nikkolai! Dali-dali akong bumangon, pagtingin ko sa phone ko ay nabasa ko ang text ni Tiffany.

"Semphil pupunta ako sa inyo, sabay na tayong pumunta sa bahay ni Sir"

Kaagad akong bumaba at doon ko lang napansin na walang tao sa bahay. May nakalagay na notes sa may ref.

"Semphil may pupuntahan lang ako. Ang kuya mo naman ay pumasok na sa trabaho habang ang pamangkin mo ay iniwan ko kay Aling Lita. Mag-iingat ka sa lakad mo anak"

Nagtataka ako sa ikinikilos nila dahil parang ang bait ata nila. Anong nakain nila?

Pumunta ako sa kusina para kumain. Tamang-tama dahil may lutong ulam na at kanin. Luto siguro ni Mama.

Matapos kumain ay nag toothbrush ako at dumeretso sa CR para maligo. Pagkatapos maligo ay umakyat ako sa kwarto para magbihis. Kinuha ko ang red dress ko at isinuot iyon. Nag-ayos din ako ng sarili, kaunting lipstick at make-up. Isinuot ko din. ang sandals ko. Biglang may kumatok sa pinto. Malamang na andyan na si Tiffany kaya binuksan ko agad.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Nakasexy dress siya at ang kapal ng make up at lipstick!

"Hi Semphil parang napaka haba naman ng dress mo! Hindi makikita ang kaseksihan mo niyan!"sabi niya.

"Hoy Gaga okay na ito kaysa naman sayo na parang kinakapos sa tela ang suot! Ang kapal pa ng make-up mo!"iritadong turan ko.

"Aba syempre kailangan kong maging maganda para kay Nikkolai my loves!"Saad niya.

Ayy nako heto na naman siya sa kalandian niya. Talagang lahat ay gagawin niya mapansin lang siya ni Sir Nikkolai.

"Tara na baka mahuli na tayo!"sabi ko pero palabas palang kami ay may sasakyang tumigil sa harapan namin. Bumaba ang driver ng kotse.

"Mga Ma'am driver po ako ni Sir Nikkolai! Inutusan po niya ako na sunduin kayo"Sabi niya.

"Paano niya nalaman kung saan ako nakatira?*tanong ko

"Hindi ko din po alam Ma'am"kibit balikat na tugon niya.

Pinagbuksan na niya kami ng pinto at sabay kaming sumakay ni Tiffany. Paano nalaman ni Sir ang bahay namin?

Katahimikan ang namayani sa loob ng kotse at ilang minuto pa ay nakarating na kami.

Pagbaba namin ay kaagad kaming namangha. Ganito pala ka Ganda ang bahay ayy mali mansion pala ni Sir Nikkolai. Ang mga bisita ay halata na Mula sa first class dahil sa mga magagarbo nilang kasuotan.

Patakbong lumapit si Tiffany kay Sir Nikkolai nang makita namin siya kaya sumunod ako. Grabe talaga ang babaing ito!

"Hi Sir Nikkolai Happy Birthday! Grabe Lalo kang gumwapo sa suot mo!"kinikilig na turan ni Tiffany.

"Happy birthday po Sir!"ang pagbati ko.

"Salamat sa pagdating ninyo. Sana ay mag-enjoy kayo"sabi niya bago napatingin sa wrist watch niya. Inilagay namin sa table na lalagyan ng regalo ang gift namin para sa kanya.

"Tayo na sa loob magsisimula na Ang party!"sabi pa niya.

Maganda na din kahit dito ginanap. Ang ganda ng view Pumasok na din kami sa loob.

"Hello everyone nagpapasalamat ako sa pagdalo sa isa pinaka importanteng Araw sa buhay ko! Mag enjoy lang kayong lahat"sabi ni Sir Nikkolai

"Alam mo ba Semphil palagay ko gandang-ganda siya sakin. Tingnan mo ang lagkit ng tingin niya sakin oh!"kinikilig pang Turan niya.

"Naiilang kamo!"sagot. Assumera talaga ang Isang ito kahit kailan.

"Alam mo hindi ko alam kung kaibigan ang Turing mo sa akin! Lagi mo nalang akong binabara ehh!"inis pang Turan niya.

"Alam mo ayaw ko lang namang umasa ka. Sandali lang kukuha ako ng wine!"sabi ko.

Tumayo na ako at iniwan siya sa upuan. Kumuha ako ng baso at magsasalin na sana nang may unang dumampot ng bote at sinalinan niya ang baso ko.

"S-sir Vleen?"gulat na Turan ko.

Napangisi siya.

"How are you sweetie?"tanong niya bago iniabot sakin ang baso ko na may wine.

"Ahm ayos lang! Salamat!"wika ko bago kinuha ang baso at tatalikod na sana nang magsalita siya.

"Iniiwasan mo ba Ako sweetie?"

Hindi pa ba halatang umiiwas ako sa kanya? At sweetie hah? Hindi pa ba siya nadala nang sipain ko ang harap niya??

Hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin at bumalik nalang ako sa inuupuan ko pero doon ko napansin na Wala na pala si Tiffany sa upuan niya kaya inilibot ko ang aking paningin at nakita ko siya na kasama ni Sir Nikkolai at nagkukwentuhan.

"Alam mo Semphil kahit na Anong iwas ko sakin ay Wala ka nang magagawa pa!"biglang Turan ni Sir Vleen na hindi ko namamalayang katabi ko na pala.

"Hindi ka pa ba nadadala sa ginawa ko sayo nung nasipa kita? Gusto mong bang maulot pa?"inis na Turan ko.

"Alam mo kaya nga Ako nagkakaroon ng interes Sayo Lalo ehh"

Aba ang tigas naman talaga ng mukha niya!

"Gusto mo ba talagang dumating sa point na Hindi kana makakapagkalat pa ng lahi mo??"inis na inis nang Turan ko.

Napatawa siya ng mahina..

"Hindi iyon mangyayari Semphil dahil pupunlaan pa kita ng magiging lahi ko!"natatawa pang turan niya kaya hindi na ako nakapagtimpi pa. Ibinuhos ko sa kanya ang natitirang lamang wine ng aking baso.

"Ma'am bakit mo binuhusan si Sir??" tanong ng lalaking nakapolo.

"It's okay Apollo. Samahan mo nalang ako sa loob at magpapalit ako ng damit"Sabi niya. Tatalikod na sana siya nang magsalita siyang muli.

"You're mine Semphil!"ang madiing turan niya bago naglakad palayo. Paano naman ako mapapasakanya ganong hindi tipo ng lalaki na katulad niya ang gugustuhin ko?

Mayamaya pa ay lumapit sa akin si Tiffany Kasama si Sir Nikkolai.

"Nakita ko na nag-uusap kayo ng kapatid ko kanina. Asan na siya?"tanong ni Sir.

"Ahh Sir kasi po pumasok si Sir Vleen sa loob!"sagot ko.

"Ahh Ganon ba? Alam ninyo ba nirequest talaga niya sakin na iimbitahan kayo at siya din ang nagsabi na ipasundo ko kayo Kay Mang Paolo!"sabi pa niya.

Ang lalaking iyon pala ang may dahilan kung bakit kamo inimbitahan?!

"Paano po ninyo nalaman kung saan ang bahay ko?"

"Actually hindi ko din alam kasi si Vleen lang naman ang nagsabi kung saan ka nakatira"

"Sandali lang hah aasikasuhin ko lang din ang ibang mga bisita. Mauna na ako!"sabi ni Sir Nikkolai.

Paano nalaman ni Vleen kung saan ako nakatira?? Hindi kaya iniistalk niya ako??

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status