Share

CHAPTER 4: HE CAME FIRST BEFORE MY FATHER

*****RAIN*****

"SILA BAGO ang papa mo, Rain. Naging malupit lang ang tadhana dahil 'pinanganak na mahirap ang mama mo habang noong panahon pang 'yun ay kalat na ang negosyo ng mga Sevilla... Common reason, ayaw ng mga magulang ni Alex sa mama mo. They tried to fight for their fate, but they didn't win. Pinagkasundo sa anak ng isa sa mga mayayamang pamilya rito sa'tin si Alexis knowing that he'll finally stop seeing Reina..." Tita Tin bit her lower lip as she shook her head. "... pero hindi pa rin pala. Kaya naman sapilitang ipinadala sa abroad si Alex at ang pamilya nito, kung saan hindi na siya masusundan ng mama mo. Eventually, she fell in love with your papa, then you and Wind came."

Simple lang ang pagkakalahad ng kaniyang Tita Tin sa kuwento, subalit ilang minuto pang natulala si Rain at hindi halos ma-proseso ang mga nalamang impormasyon... Alexis Sevilla came first before her father. He's her mother's first love and with what's happening right now, probably, he's her mother's true love as well. That someone that got away.

Rain can't relate to their story, but she understands it pretty well... Kung hindi siguro nawala sa landas ng kaniyang ina si Mr. Sevilla noon ay marahil hindi nangyari ang kanilang pamilya.

"Mayroon ng sariling pamilya si Alexis nang bumalik siya rito sa bansa, at gano'n din ang mama mo. So, when he extend his apology to your mother for the way Dona Czarina treated Reina, kampante na kaming payagan siyang tanggapin ang alok nitong trabaho sa kompaniya nila. He's the boss and he promised a better job position for your mother. 'Yun nga lang... "

Gumuhit pang muli ang kabiguan sa mukha nito, para bang kay sakit sa kaniya ng sasabihin.

"Hindi namin inasahang pagiging kabit pala ang 'better position' na tinutukoy nito noon. I didn't know this would come. Masyadong matalino si Reina para hayaan itong mangyari."

"Pero, tita, wala pa naman pong sinasabi si mama, hindi ba?" The strand of hope she's holding on to is wearing thinner and thinner, but Rain's fighting for it. "Hindi pa naman siya umaamin. So, puweding hindi iyon totoo."

"Sana nga, hija..." Humigpit ang pagkaka-pisil nito sa kaniyang kamay. "Sana hindi patunay roon ang mga nababalitaan ng papa mo at ang nakita niya noong isang gabi."

That brought her world to a standstill. "A-ano po ba ang nakita ni p-apa noong isang g-gabi?"

Gamit ang namumulang mga mata ay tinitigan lang siya ng kaniyang Tita Tin, tinitimbang kung magsasabi paba ito o mas mabuting kimkimin na lang dahil baka hindi kayanin ni Rain. But she can't take any mistery anymore, her patience was streched beyond its limit already. Therefore, she never let her Tita Tin leave her without spilling the beans. Hindi na baling masaktan siya o lalong madurog, gusto niyang malaman ang totoo.

At ang inamin nga nito ay lalo pang nagkulong kay Rain sa mas matinding trauma, buong linggo siyang umiyak sa kaniyang silid at kinalimutan na niya ang pagkain para hindi makita ng kaniyang pamilya ang namumugto niyang mga mata... Nang sumapit ang lunes ay sinikap niyang ihanda ang sarili para sa kaniyang mga trabaho, una ay ang ipaghanda ng agahan si Wind at maghanda rin para sa cafe.

Nakakabingi pa rin ang katahimikan sa paligid sa araw na iyon, as usual her mother wasn't around to attend to them while her papa's in Manila for some important meeting. At dahil siya lang ang naroon ay siya na rin ang naghanda kay Wind para sa pagpasok nito sa paaralan. Habang pinanonood niyang kumakain ang nakaka-batang kapatid ay hindi niya ma-iwasang maging emosyonal na naman, nag-uumpisang manubig ang kaniyang mga mata nang dumating si Nate.

Thank God, he saves the day!

The positivity he exudes everywhere infects her a bit, causing Rain to adopt some strenght for the day. Naki-sabay siya sa tawanan ng dalawa kalaunan habang nag-aagahan ang mga ito, pagkatapos ay ihinanda naman niya ang mga niluto niyang snack at ibinigay iyon sa binata. Laking-gulat ni Rain nang imbes na tanggapin ay sinunggaban siya ng yakap ni Nate, isang mahigpit na yakap. Subalit imbes na ang mga buto niya ang madurog ay ang puso niya itong na-pipiga.

"What's with the puffy eyes again, huh?" bulong nito sa kaniyang tainga. "You cried the whole night again. Ang sabi ko ay tawagan mo'ko kapag kailangan mo ng kausap, hindi ba?"

Pa-simpleng pinunasaan ni Rain ang kaniyang mga luha. "But you are busy too—"

"Do you think I care when it's you?" Marahan nitong iginiya ang kaniyang ulo paharap at gamit ang kaniyang mga hinlalaki ay tinuyo ni Nate ang luha sa sulok ng mga mata ni Rain. "Damn it! Lalo tuloy ayokong umalis nito."

Nahihiyang ngumiti si Rain. "Pero kailangan ka ng lolo at lola mo, Nate."

"At kailangan mo rin ako." Ilang segundo pa itong tumitig sa kaniya bago siya nito ibinalik sa kaniyang dibdib. "Haaay, Rain. You'll make me overthink again..."

Sa ilang minutong nag-ayos si Wind sa silid nito ay iyon lang din ang oras na nagkaroon ng kalayaan ang dalawang yakapin ang isa't isa, and it's surprising to see how he lessen her burdens a bit just by his hugs and sweet nothings... At bago sila maghiwa-hiwalay ay binilinan siya ni Nate na huwag nang maglalakad sa ulap dahil baka kung mapa-ano pa siya.

Pero hindi nito ipinagbawal ang paglalakad sa rainbow, kaya naman kahit papaano ay gumanda pa rin ang araw ni Rain. Positibo niya itong sinimulan habang nagtatrabaho, hanggang sa bumukas ang double doors at pumasok doon ang taong muling nagpa-alala sa kaniya ng lahat...

*****ART*****

"What can I do to help you, then?" he asked after their short catch up. "Aside from you medications."

Art held so many cases since the day he started his training as a residential nurse until the very moment he was finally able to wear the doctors' lab coat. There were mild and severe cases, something impossible to cure, yet he never felt his chest like breaking. Until he saw how the woman he treated as his second mother struggle with her current condition. The glow in her pretty face was now gone, and so is the sparkle in her eyes. The sweetest smile he can never forget is turning dull as well.

Hindi niya matagalang titigan ang ginang, it tears his heart into pieces...

Why it has to happen to a great woman like her?

"Just include me in your prayers, Art." Ngumiti ito para ipakitang magiging maayos ang lahat. "That would help me big time."

"You're always included in my prayers. . .mama." Calling her that way made his heart leap so high. It's been such a long time since the last time he called her that way, pretty nostalgic!

"Kaya pala hanggang ngayon ay buhay pa ako," she playfully said and smiled more.

"At mabubuhay pa po kayo nang matagal na matagal. Hindi tayo susuko sa sakit na ito. We'll do everything."

He will do everything for her, just like what she did for him back when he's just a hopeless kid. He will help her for as much as he can, he will conduct a thorough research regarding her case and also contact all the great doctors he met from his previous universities to seek help.

Determinado si Art sa kaniyang mga plano, subalit mukhang hindi gano'n ang ginang. Naagaw nito ang kaniyang atensyon nang pumatong sa kamay niya ang manipis at mainit nitong kamay, tumalon ang mga mata niya rito pabalik at lalo lang siyang nanghina sa kalungkutang nagniningas doon.

"Can I have a dying wish, hijo?" she asked in a hoarse and tired voice.

"But you're not dying," he insisted. "Lalaban pa po tayo."

"Let's not kid ourselves, Art. You know my curiosity over things. I've already asked my doctor about everything and it's painful as it sounds, we both know that my case is hopeless already."

He knew.

However, there were reported cases of patients with same condition who survived and lived back at their healthy selves after proper medication. And Art wants to fix his eyes on that more than the bigger precentage of patients who didn't make it... Ayaw niyang bigyan ng false hope ang ginang, pero ayaw niya ring sumuko nang gano'n lang.

"Please, help us fulfill the show we started. Alam kong maling-mali ito, pero mas gugustuhin kong galitin sila bago ako mawala. Sa gano'ng paraan ay hindi na sila masasaktan nang sobra."

"Forgive me for this, but don't you think that's crazy?"

"I know, hijo." Malakas itong humalakhak, subalit mas halata ang lungkot sa kaniyang mukha.. "Your father said the same thing, but it's the only way I know how to leave them without dying in pain. Ayokong maramdaman nila ang naramdaman ko noong nawala ang mga magulang ko noon... kaya please, ibigay mo na sa akin ito."

Darn that request! It's really crazy, but he still has to follow the doctor-patient's protocol. And aside from that, the woman who asked for it takes a vital part inside his heart and to disappoint her is the last thing he wants to do. Ito ang tumayong ikalawang ina sa kaniya noong musmos pa siya't nangangailangan ng atensyon at pagmamahal, at iyon ang nais niyang ibigay pabalik dito ngayon.

It's just that he's not comfortable over her decision this time, for a smart woman like her, this is a bad decision. Subalit wala naman siyang magagawa, she already bid her dying wish and for his beloved patient, Art will submit. Simple lang naman ang hiling nito, pero tiyak na bomba ang magiging pagsabog nito balang araw... And speaking of bomba, bahagyang napa-talon si Art nang bigla nalang may pumalo sa mesa niya.

Napapakurapkurap siyang tumuwid sa pagkaka-upo.

"Sorry, doc, ah," anang isang napaka-lambing na boses. "Iyong coffee po kasi ninyo lumalamig na. Hindi na po iyan masarap kapag malamig na, wala ng sense."

"Oh..."

It took him a while to speak because seeing the woman he's been spying for so long now is shocking for him. Sa ilang beses niyang nagkakape roon ay ngayon lang ito nakipag-usap sa kaniya, madalas kasi ay iba ang nagdadala ng kape niya at kapag ang dalaga nama'y madalas itong naka-busangot na para bang hindi ito natutuwang naroon siya...Well, that's possible.

"Thanks for reminding me," simple niyang saad.

Matamis naman itong ngumiti. "Gusto po ninyo initin ko na lang para mas dama iyong kape?"

"No need, thank you." He tried to smile a little, but he's certain that his resting douche face melts it. Kaya naman uminom nalang siya sa kaniyang tasa, hindi na nga iyon masyadong mainit. "It's still fine, miss—"

"Rain," anito bago ilahad ang kaniyang kamay. "Rainzel po, but Rain would do."

Art knows her whole name, actually a lot about her because he's been spying her since he came back from the states and find out that her mother is his father's new b*tch, according to their employees in the company. Marami siyang alam sa dalaga, subalit ang ipinagtataka niya ay ang biglaan nitong paglapit sa kaniya.

"Arthur—"

"Sevilla," pagtatapos nito at lalo pang ngumiti. "I knew a lot about you, Doc."

Well, her smile looks harmless but the way she said that makes him feel that there's a threat hiding behind those words or was it him overthinking things?

"Lahat naman yata rito sa atin ay kilala ka, lahat fan mo. Well, sinong hindi? Bukod sa guwapo ay mabait pa at magaling na doctor, sinong hindi hahanga at— oppps! Me and my big pretty mouth." Rain slapped her mouth when she realized that she's talking too much already, nahihiya itong ngumiti. "I'm so sorry about that, Doc. Art. Na-startstruck lang ako kaya ako ganito. Pacensiya na talaga."

"That's okay..." Natatawa niya itong tiningnan. "But I'm not a star."

"I know..." Patango-tango itong tumitig sa kaniya, her smile reminds him of someone. "... kasi mas guwapo ka po sa stars."

"What?"

"Sabi ko po ay lumalamig na ang kape ninyo," anito at tumalilis na ng takbo palayo sa kaniya.

Para bang nataranta itong bigla, subalit nahagip pa ng mga mata ni Art ang pamumula ng mukha nito. Is she blushing? For a smooth talker like her, she's adorable... just like a woman he used to know.

The sudden thought of that woman brings him a bit of chest pain again, haiiiis! Kakambal na 'ata ng ala-ala nito ang kalungkutan at pighati. Ang simpleng ngiting ibinigay ni Rain sa kaniya ay mabilis ding nilipad ng hangin dahil sa biglang pumasok sa kaniyang isip.

Na-iiling niyang pinulot ang kaniyang tasa, ngunit nabitin ang kaniyang paghigop nang ma-pansin ang maliit na sticky note sa kabilang side nito. Pinitas iyon ni Art at nang mabasa ang naka-sulat ay muling gumuhit ang matipid na ngiti sa kaniyang labi.

"Have a good day, Doc! Please, work moderately..." —Rain

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status