*****RAIN*****
"HAVE A PLEASANT DAY, DOC!"Kung ang ma-iitim na titig ay puweding humawa sa kahit na anong bagay, baka singkulay na ng kape ang puting tasang nasa harapan ni Rain ngayon na kasalukuyang hinahanda ni Jackie sa may counter. Naiinis na siya sa mga ipinagagawa ng dalaga sa kaniya para lang sa plano nitong hindi nga alam ni Rain kung bakit niya pinayagan... All that she knows is she's too exhausted from the drama in their family that she ended up letting this witch help her.
So far, the first step went well. Nagawa niyang kausapin ang Sevilla na iyon noong huli itong dumalaw sa cafe. Aaminin niyang kinailangan pa niyang balikan ang mga masasakit na pangyayari sa lumipas na araw para lang magkaroon ng lakas ng loob na lapitan ito, at hindi naman siya nabigo dahil pinansin siya ng binata. Hindi nga lang sila matagal na nakapag-usap.
But Jackie still commended her for that, kaya inulit-ulit pa nila sa tuwing nasa cafe ang kanilang target. Hindi sila pumalya sa notes at sa pagpapa-cute niya rito, kahit pa isa-isang sumasabog ang nerves ni Rain dala ng labis na iritasyon. Galit nga siya sa ginagawa ng mama niya, hindi ba? Tapos heto siya't inaakit din ang isa pang Sevilla!
Ano kaibahan niya sa kaniyang mama ngayon?
"The major major difference is that you, my beloved best friend is doing this to fix your family. Unlike your mother who's doing it to ruin your family." Inayos nito ang mga order ni Doc. Art sa tray at itinulak patungo sa kaniya. "At isa pa'y hindi ka naman naghahabol ng pera o katawan sa lalaking iyon, hindi ba?"
Sabay nilang nilingon ang binatang abala naman ngayon sa kaniyang laptop, kumpara nitong mga nakaraang araw ay mas kaswal ang suot nitong itim na sweatshirt at dark grey na jeans. His comb-over hair was neatly parted on the side, para sa isang lalaki ay masyado itong malinis tingnan at kahit siguro hindi ito maligo ng ilang araw ay hindi ito babaho.
"Hindi mo naman siya pinagpapantasyahan, hindi ba?" bulong ni Jack na gumising sa kaniya.
May kislap ng malisya ang ngiti nito nang harapin niya ang kaibigan, mabilis na umiling si Rain at nag-iwas ng tingin.
"Ang lalaking iyon? Never!" mariin niyang sabi at ngumiwi pa. "Naiirita ako sa kaniya at sa tatay niya, kung puwede ko lang siyang paliguan ng kape ay ginawa ko na. Kung hindi lang ako takot na makulong."
"Good, kasi lalo ka lang mawawalan ng pag-asang maayos ang pamilya ninyo kapag nakulong ka."
"I know, pero hindi kaya mawala lang din si mama dahil sa tagal ng pag-usad ng plano mo? Can't you see how busy is he with his laptop? Kung hindi lang 'yan mayaman ay iisipin kong itong wifi lang ang pinupunta niya rito't hindi ang kape. Madalas isang higop lang at hindi na niya ginagalaw ulit ang tasa." The bitterness is dripping in her voice.
"G*ga, don't lose hope!" Umirap ito't humalukipkip. "Nag-uumpisa pa lang tayo, natural na dedma pa lang 'yan ngayon!"
"Ika-sampung tasa na natin 'yan, at simpleng pangalan ko ay hindi niya maalala nang maayos. Apat na letra na nga lang at madalas ko pang isulat sa ilalim ng notes."
"Patience is a virtue, kumare! Si Lyda Magtalas nga, ilang beses tinimplahan ng kape si Sir. Miggy bago napa-amo. Si Maya Dela Rosa rin, ilang kape ang ni-serve kay Sir. Chief bago nakuha ang puso nito. Tiis lang, girl. Darating tayo riyan!"
Kay Jack naman siya umirap ngayon. Sabi na nga ba niya't hango na naman sa pelikula ang mga pinaggagagawa nito, tumindi lang tuloy ang kaba ni Rain sa kaniyang dibdib. Wala naman sila sa pelikula at lalong hindi siya si Maya o si Myda Magtalas, imposibleng sa dulo nito ay siguradong happily ever after ang kalalabasan.
"Ba't kasi hindi nalang natin sabuyan ng kape? 'yung bagong gawa at walang asukal. Para bitter revenge!"
"Haha, funny mo, 'te!" She fake her laughter, maarte nitong 'winaksi ang bangs mula sa malapad nitong paliparan, este noo! "Ano pagkatapos? Hinahabol kana ng batas dahil sa pagiging bayolente mo, papaaminin ka kung ba't mo ginawa 'yun at sasagutin mo ng 'gusto ko lang naman silang patigilin sa panggugulo sa pamilya ko. Lalo na si Mr. Sevilla, dahil ginagawa niyang kabit ang mama ko' and in the blink of an eye, charan! kayo na ang talk of the world at makakasuhan pa ang mama mo! Congrats kapag nagka-taon..." Matatalim ang mga mata nitong tumingin sa kaniya. "Gusto mo 'yun?"
It pains her to admit it, but Jack has a point. Dahil din naman sa point nitong 'yun kaya pumapayag si Rain sa plano nitong slowly but surely. Hindi siya makaka-panakit at hindi siya makakasuhan lalo na ang kaniyang mama.
Tanging pag-iling lang ang naging sagot ni Rain kalaunan.
"Iyon naman pala, e. Oh, siya. I-serve mona 'to!"
Walang buhay na binubuhat ni Rain ang tray na may mainit na kape at slice ng mocha cake nang diininan 'yun ni Jack sa kabilang dulo dahilan para mahinto siya sa pagkuha. Tinapunan niya ito ng matalas na tingin, inangat naman ng dalaga ang kaniyang index finger at iwinasiwas na tila nagbabanta.
"No violence, clear?"
Tumango lang si Rain bago hilahing muli ang tray.
"Rain!"
"Ano?" Busangot siyang lumingon.
"Smile, sweety." She even stretched her own lips to instruct her. "Smile..."
Damn plan! Saan kaya siya dadalhin nito?
Maingat ngunti may pagpapapansing inilapag ni Rain sa mesa, ilang pulgada mula sa laptop ni Doc. Art ang order nitong kape na may dilaw muling sticky note at naka-titik ang sulat kamay niya mismong mensahe roon. Libangan niya noong college ang pagca-calligraphy kaya naman effortless para sa dalaga ang gawin ito ngayon para sa kanilang plano.
Kaso lang mukhang effortless lang din para sa lalaking 'to na painitin ang kaniyang ulo sa simpleng hindi nito pagpansin sa mga ginagawa niya. Sabagay, simpleng pag-exist lang nito sa cafe ay nakakaasar na. Isama pa ang pag-exist ng tatay nitong mang-aagaw.
Rain, kalma! Pagkausap niya sa kaniyang sarili. Remember, smile!
Smile as natural as breathing!
Simple niyang inayos paharap ang note na nasa katawan ng tasa para sana mabasa ito ng binata mamaya nang bigla na lamang nitong hampasin ang mesa sa kaliwang bahagi, sa kabilang parte kung nasaan si Rain. Nanlaki ang mata niya sa gulat at halos ma-tabig niya ang tasang may mainit na kape.
Isa pa at talagang sasadyain ko na ngang itapon ang laman ng tasa. G?
"Oh! It's you again." Bakas ang gulat sa mukha nito, bahagyang lumambot ang kaniyang ekspresyon. "I'm sorry about that."
Nabinbin ang kaniyang paghinga nang muling magtama ang mga mata nila ng binata, gaya noong una ay malamig pa rin iyon at walang laman. Nonetheless, they are still enchanting to see that she can't think properly every time she's staring at those powerful green orbs. Mabuti na lang at nagawa pa niyang alalahanin ang bilin ni Jack na ngumiti sa kabila ng pagkakalunod.
"Mukhang mainit ang ulo, sir?" Mahina siyang tumawa para pawiin ang kaba pero parang puputok 'ata ang tray nang yakapin niya iyon nang mahigpit at doon ibaling ang kabang pilit nilalabanan.
Pa-simple niyang tinanaw si Jackie, nanonood pala ito sa kanila. Tumango ito para ipakitang tama ang ginagawa ni Rain.
"Dapat po pala shake ang ni-order ninyo para pampalamig," hirit pa niya. "Marami kaming flavors na pamimilian, I'm pretty sure they will cool your head down."
But his expression remained blank and deadly serious, Art Sevilla looks offended by her joke. Is there something wrong with her suggestions? Isn't it normal for her to suggest their products?
Pinagbaga ng pagkapahiya ang pisngi ni Rain. Para bang nakakarinig na siya ng mga kuliglig sa paligid, mukhang wala sa hulog ang biro niya.
"Joke lang po iyon, sir. Sorry."
Rain felt bad for herself, but more than bad for this man in front of her for he doesn't know what a joke is. Such a bummer!
"No, no. It's okay, miss. Just having a bad day." Mariin nitong hinilot ang kaniyang sentido. "Just don't mind me."
"Mukhang stress na stress ka, sir? Mabigat ba masyado 'yung problema mo?"
"Sort of... some family matters." He shrugged.
The problem is mutual then.
"Oh, I see. Mabigat nga po iyan at mukhang hindi kita matutulungan."
Sumilip ang maliit na ngiti sa mapula nitong labi. "It's okay, thou."
"But there's one thing I can help you with," she said in a seductive voice.
Bahagyang umangat ang mga kilay nito. "Really— ohhh! Are you serious about this?"
"It's my pleasure to help, doc. So, you better relax on your seat and I'll do the rest."
Ngumisi si Rain nang maramdaman niya ang paninigas ng binata nang palitan niya ang mga daliri nito sa sentido, tamang pressure lang ang inilagay niya habang hinahagod ang sumasakit nitong ulo. Dahan-dahang kumalma si Doc. Art, alam niyang nagugustuhan nito ang kaniyang pagmamasahe... Thanks to her papa who trained her, now she'd found its sense.
"If you need someone to talk, Doc. Art. Nandito lang ako." Ibinaba niya nang kaunti ang kaniyang boses at pinalambing. Napapa-irap siya mula sa likod nito, subalit wala siyang choice kun'di magpatuloy. "Not just your coffee server, your silent fan, but I can be your listener as well. Sabihin mo lang, Doc. Ilang chapters ba 'yan?"
Sa lahat ng kayabangang tinuran ni Rain ay tila na-iwan ang binata sa isang salita lang, at iyon ang naging dahilan para hulihin nito ang kamay niya bago siya harapin. Nanigas si Rain sa bolta-boltaheng kuryenteng dumaloy sa kaniyang katawan dahil kay Art, mabuti nalang at nagawa niyang bawiin ang sarili.
"A silent fan, really?"
"Yeah, that's me." Peke siyang ngumiti pagkabawi sa kaniyang kamay, hinatak niya ang upuan sa tabi nito at kahit bawal ay sinaluhan niya sa mesa ang binata para panindigan ang major major lie of her life. "Ayy, naku! Hindi mo na-itatanong, college pa lang ay stalker mo na'ko, Doc."
It's actually her cousin's story, ito talaga ang stalker ni Art since college sila. Pero dahil si Rain ang nagkukuwento, why not give the story another plot? Kung siya si Jan at totoong crush niya si Art ay baka nilalamon na siya ng lupa ngayon, but thankfully she's not.
This is just shit she has to do for their plan. So, no feelings should be involved.
"And now a stalker too?" Amusement danced on his face, para itong hindi makapaniwala. "Gaano karami ba ang role mo, Miss Andrada? You seem multi-talented, huh."
Bahagyang natigilan si Rain nang marinig ang itinawag sa kaniya ng binata. Never a chance did she mention her last name to him because she's afraid that he might figure out something from that, but how the hell did he find out?
Does that mean he knows something about her too?
It could be, but that won't stop her from fulfilling the plan... May alam man ito o wala ay aakitin pa rin niya ang binata hanggang sa bumigay ito sa kaniyang mga kamay at magamit niya ito para sa kaniyang mga plano.
"I'm jack of all trades, what can I say?" aniyang nakapagpa-tawa sa binata.
Hindi niya alam kung anong mayroon sa pagtawa nito't para siyang natutulala habang pinanonood ang makisig nitong mukha. There's something in his smile that makes her feel awfully good, like how possible that someone who possessed rough and dark features can smile like an archangel? Isn't that amazing?
"Pero ang pinaka-paborito ko'y ang pag-stalk sa'yo." She chewed on her lip, feeling suddenly ashamed. "Actually, marami kami noon. Pero ako ang presidente kaya taob silang lahat sa akin."
"Let me hear what you know, then." He tilted his head as he pierced her with cold stares, hindi niya alam kung natutuwa ito o hindi. "Are they even real?"
Well, she can't tell because what she knows were all based from Jan's stories. Masyadong naloloka ang babaeng iyon kay Doc. Art noong college sila kaya naman panay ang kuwento nito kay Rain, pero sana naman ay may katotohanan ang mga iyon dahil labis-labis na ang kahihiyang ina-abot ni Rain sa binata ngayon pa lang.
"Sa tanda ko'y nag-umpisa iyon noong naging schoolmate tayo sa Manila, tapos naging pasyente mo'ko noong nag-umpisa ka nang mag-duty sa health center..." Pinanood niya ang pagtango-tango ni Art habang naka-pilig ang ulo nito. "Medyo nalungkot ako noong lumipat ka sa states para doon tapusin ang pag-aaral mo, pero hindi rin naman kita masisisi. Mas naging matagumpay ka ngayon. Look at you, ganap na ganap ka ng Doctor. A very successful Doctor to be exact."
"Nagkaroon ng maraming problema and I was left without any choice but to leave. I valued my study so much, so in order to focus I had to abandon everything in this country for a while." Bumalik ang kadiliman sa mukha nito habang pinaglalaruan ang tinidor sa kaniyang cake.
"Must be a serious one?"
"It's a family problem," pag-amin nito.
"Ohh, I see..."
Madramang namilog ang mga mata at labi ni Rain, kunwaring nagulat sa isiniwalat nito. When the truth is there's no shocking over that matter anymore. His father is a total package after all— a good-looking man that came from a family of old money and that reason alone can make girls flock around him. Sino nga namang babae ang aayaw sa gano'ng lalaki?
Maski nga ang mama niyang mayroon namang tamang pag-iisip ay kumagat sa bitag na iyon para lang sa pera... Better job position pa raw pero ibang klaseng job description pala ang naka-tala. Damn humbug!
"Don't feel so miserable, hindi lang ikaw ang may magulong pamilya." Her tone sounds as bitter as the black coffee she served him, bigla nalang dumulas ang pagtitimpi niya't nakapagsalita ng hindi maganda. "Hindi lang ikaw ang may magulang na gusto nalang maghiwalay dahil nagloloko ang isa."
Halos umirap pa siya sa inis, subalit tinawanan lang iyon ng binata na ikinagulat naman niya. May nakaka-tawa ba sa mga problema nila? Sa napipintong pagkasira ng kani-kanilang mga pamilya?
"That's true, but how did you know about that?" Namamangha itong tumitig sa kaniya. "Are you really stalking me that much to know this part?"
Napakurapkurap si Rain nang ma-realize ang mga binitiwan niyang salita. Kung bakit ba kasi nagmarunong na naman siya, e?
"Ammm... parang gano'n na nga?" Gusto niyang kutusan ang sarili sa pagkaka-dulas. "Tsaka, sa yaman ninyo imposibleng pera ang pag-aawayan ng mga magulang mo. If it's not because of money, maybe their relationship? Gano'n naman 'ata ang mag-asawa, dalawa lang ang maaari o madalas nilang pag-awayan. I'm sure it's not money, so I concluded that it's their relationship. And since your father is a good-looking man, I guess at his age marami pa rin ang nagkakandarapa sa kaniya."
Liar talks more and more. Jusmeo, Rain!
"But I'm not saying that he's cheating, ah!" Although he really is!
Rain is wondering, alam kaya ng binata kung sino ang kabit ng daddy nito?
Most probably, yes. Kilala nga ng mga matatalino at perfect nitong mga kaibiga na halos durugin ang mama niya sa kanilang mga salita, kaya't marahil ay alam din ng binata. Pero ano kaya ang nasa isip nito ngayon?
Is he planning an act of revenge for her mother because of the disgrace she's causing them? Ki-kidnappin ba nila ang mama niya at tatakutin? O baka naman bigla na lang patayin at itapon sa liblib na bangin?
"ANG PAG-IBIG kapag tunay handang magtiis, handang magsakripisyo, handang magbigay, handang humamak gaya ng nasa mga pelikula't nobela..." "Hindi lang ito tungkol sa ngiti kapag masaya, tungkol din ito sa ngiti kung mayroong pighati. Sa luha kapag na sa'yo siya tuwing mahirap ang sitwasyon at hawak ang kamay mo hanggang sa muling pagsikat ng umaga sa mundong ginagalawan ninyo." Ngumiting pareho sina Art at Rain habang nakikinig sa kay Wind na naroon sa stage at nagpe-perfom para sa spoken poetry nila sa paaralan for their school's annual event para sa celebration ng buwan ng wika. Nagpatuloy ito roon at bawat salitang binibitiwan nito ay walang ibang sumasagi sa isip ni Art kun'di ang babaeng nasa kaniyang tabi ngayon, naka-ngiti at tutok din ang mga mata sa stage. The love story they have might look the typical one that started with unexpected friendship at first, and as they go along the way many hindrances; pain and tears attacked them which causes their almost parting. But thank
JUST A few minutes after all the lights turned on. Nagliwanag sa paligid, kasabay ng malakas na palakpakan at mga confetti na sabay-sabay na nagputukan. She knew it, hindi lang sila ang naroroon! Hindi na muna umahon si Rain sa dibdib ni Art dahil akala niya ay mga employee lang ng building ang nasa paligid. Subalit nang marinig niya ang mga kantyaw ni Jan ay agad niya itong sinilip, tumagos ang mga mata ni Rain sa mga kakilalang nasa tabi nito. Ang papa niya, kapatid, maski si Tita Tin ay maluha-luhang pumapalakpak. Their eyes were bloodshot too but thei smiles says everything. Beside them is Art's mother and his brother, Andrew. Naka-yapos ang ginang sa katawan ng anak habang maligayang nanonood sa kanila Present din si Air kasama sina Jack at Nate. Tumakbo naman si Jean sa kanilang dalawa nang magliwanag na nang tuluyan, malambing itong yumakap sa kanilang pareho ni Art at humalik din. "Congrats po, ninang ganda at..." Sinipat nito ang mukha ni Art, she smiled to him and so Art
"ART! Will you please, smile?" Nang hindi ito sumunod ay binibat ni Rain ang labi nito at hinalikan, may munting ngiti namang sumilay roon pero sadyang masama talaga ang loob nito sa kaniyang gagawin. Natatawang inayos ni Rain ang collar ng suit nitong suot, pagkatapos ay panggigigil niyang pinisil ang pisngi nito bago humalakhak. "You should be proud, come on!" Pareho nilang tiningnan ang mga noo'y kalinya nito sa pila andd realized that she was right because Art is the youngest on the line. Well, kung hindi lang naman talaga mapagbiro si Kim ay hindi talaga dapat dooon si Art. Although, hindi rin naman angkop na ihelera ang binata sa mga teenager na pinsan ni Kim at ng asawa nito. "Ikaw ang pinaka-guwapo sa lahat nang naririto..." Ngumiti siya nang may sumulyap na gulat sa mata nito. As if hindi ito aware. "...para sa akin." Dahan-dahang pumatak ang ngisi sa labi nito. "Guwapo lang?" "Hot din, syempre." Pa-simple niyang hinaplos ang abs nito sa ilalim ng suit. "Proven and tes
*****RAIN***** PAGKATAPOS ng dinner ay lumabas na nga ang dalawa sa garden para doon mag-usap at maka-pagsarilinan. Dessert lang din ang tinapos nina Jack at maski sila ay nagpaalam na ring uuwi, pareho silang pagod galing trabaho at anito ay may mga orders pa na i-dedeliver bukas ng umaga. Iniwan niya sina Art at Wind sa sala para ihatid sandali sina Jack. Dumiretso sina Rain sa gate at bago maghiwalay ay humalik pang muli sa kaniya ang inaantok na si Jean. Even Jack gave her another warm hug before settling to her seat. Ibanaba pa nito ang bintana para silipin siya't makapagbilin bago umalis. "Manghingi ka ng singsing, Rain. Para mas kapani-paniwala." Ngumiti lang si Rain at umiling. Lumingon siya sa bahay nila, buti na lang din at inabala na agad ni Wind si Art sa mga katanungan nito sa bago nitong libro. Hindi na siya sumama sa paghatid, hindi niya alam kung dapat pa nitong marinig ang mga kantyaw ni Jack na ganito. "You have to update the world." "We wanted to be private, Ja
*****RAIN***** SA BAHAY, pagkatapos ma-discharge ni Rain sa hospital ay tsaka pa lang naka-dalaw sina Jack at Nate. Both of them have been really busy attending the cafe's different branches, wala si Rain kaya't si Jack ang namahala sa mga orders at ilang deliveries na na-iwan niya bago naganap ang insidente. Nagkaroon din nang kaunting imbestigasyon sa nangyaring pamamaril ni Jane sa cafe, they helped Art with that and that's why it explains their absence for the following days. Both of them were very sorry, yet bawing-bawi naman lalo't pagkarating ng mga ito ay kasama nila ang napaka-cute na si Jean. She's with a fresh bouquet of flowers and she immediately hand it to her before she showered her with sweet kisses. Ngumiti lang si Rain at mahigpit itong niyakap, humalakhak siya nang hindi iyon matapos-tapos. She started asking her a bit questions about her wounds, she also asked about the bad girl who caused it. "Nasa proper place na po ba siya, ninang?" Nilingon niya si Jack sa
*****RAIN***** "I WON'T LEAVE, unless you will promise me that you will go with me and not leave me again. Could that be? Art, could that be?" Gumapang ang isang kamay niya sa long sleeve ni Art dahilan para lingunin siya nito. Rain shook her head to stop him from doing it, she doesn't want him to make a bad decision... Jane with her mental illness is a really a bad thing, but Jane with a gun is a different story. "Jane, please open your eyes. Talo na tayong dalawa sa laro, our plans fell down." Si Ma'am Ja muli mula sa kaniyang puwesto. "Let Art have his freedom here and now. You should start accepting that he's not the one—" "No! Hindi pa'ko talo, tita. I still have my gun, I still have my power. Hawak ko nga ang mga buhay ninyo, can't you see?" Humalakhak ito, ang luhaan nitong mata ay paikot-ikot sa kanilang tatlo nina Art. "Nasa akin pa rin ang desisyon at kung gustuhin kong patayin kayo ay magagawa ko. Nasa akin ang desisyon!" "Yeah, but I know you won't hurt us. Hindi ka ga