LOGIN"MATAAS ANG CALORIES NYAN," SABI ko kay Luisa nang iabot nito ang coffee at donut na in-order nito. Nasa coffee shop kami para maglabas ako dito ng sama ng loob, "Lalo lang akong mamanas," matamlay na sabi ko. Ayoko sanang magpaapekto sa mga sinabi sa akin ni Miranda but wether I like it or not, totoo namang lumulubo na ang mukha ko, sakit lang tanggapin ang katotohanan lalo pa at parang diyosa si Miranda sa ganda."Eh buntis ka, natural lang na mamanas ka. Pero babalik rin yan pagkapanganak mo.""Yun na nga eh, pagkapanganak ko pa. Samantalang hayun si Miranda, mukhang si Mama Mary sa sobrang ganda. . .""Bakit ba palagi mo na lang kinukumpara ang sarili mo sa iba? Masyado kang insecure. Kung mahal ka ni Enrico, mahal ka." Napayuko ako, "Iyon na nga ang masakit eh. Hindi naman ako mahal ni Enrico. . ." halos paanas lang na sabi ko dito. "Naisip ko nga, pagkapanganak ko, makita ko lang na okay na si baby, hinding-hindi na ako magpapakita pa kay Enrico. Siguro makakamove on rin
NANLUMO ang pakiramdam ko nang paglabas ko ng aking kwarto ay makita si Miranda na lumabas mula sa kwarto ni Enrico. Sa kwarto ba ito ni Enrico nagpalipas ng magdamag? Ang alam ko, sa guestroom ito pinatuloy ni Enrico.Pasimple kong pinasadahan ang manipis nitong night gown, kulang na lang ay maghubad ito sa suot nitong pantulog. Alam kong nanadya na talaga ito. At sino ba naman si Enrico para hindi maakit sa kagandahang iyon ni Miranda. Mas lalo tuloy akong nainsecure. Ngumiti si Miranda sa akin, "Good morning," masiglang bati nito.Ayoko sanang makipagplastikan. Pero alam ko namang nakikipagkumpetensya ito sa akin sa atensyon ni Enrico. Gusto kong sabihin dito na mas lamang pa rin ako dahil mag-kakaanak na ako kay Enrico. Hinawakan ko ang aking tummy, sinadya kong ipangalandakan dito ang humuhulma ng tiyan ko. Parang gusto kong sabihin dito na: Look at my tummy, si Enrico ang ama nito, fyi.Pero alam ko namang hanggang sperm cell lang naman ang kayang ibigay sa akin ni Enric
NAGULAT na lang ako nang dumating si Miranda at may dalang isang malaking maleta. "I'll be staying here," anunsyo nito. Napalingon ako kay Enrico na halatang nagulat rin sa biglang pagsulpot ni Miranda, "Gusto kong ako ang mag aalaga saiyo," sabi nito kay Enrico.Nakaramdam ako ng pangigigil. Bakit kailangan nitong ipagsisiksikan ang sarili eh kaya ko naman nang alagaan si Enrico?Pero hindi ko ito bahay at si Enrico lang ang may karapatan kung sino ang gusto nitong tanggapin dito sa bahay. O gustong paalisin.Nilapitan nito si Enrico at tila nanadya pang asarin ako, "Enrico, from now on, ako nang mag aalaga saiyo. Ill monitor all your food intake. Kung gusto mo, sasamahan rin kita sa opisina mo para matiyak na healthy lahat ng kinakain mo. Don't worry, behave naman ako."Gusto ko na itong sakalin."By the way, Tiffany, wag na wag mong bibigyan ng coffee si Enrico." Inagaw nito mula kay Enrico ang ginawa kong kape para dito."Hindi naman bawal ang coffee sabi ng doctor, in fact nakaka
HINDI naman nagtagal sa ospital si Enrico. Kinabukasan rin ay lumabas ito kaagad. Kasama nito si Miranda nang umuwi.“No more alcohol for you,” dinig kong sabi ni Miranda dito, tumingin ito sa akin, “Bawal sa kanya ang alcohol and too much sugar. He got fatty liver. As much as possible bantayan nyo ang diet nya," Sabi nito sa amin ni Talia.Hindi ako umimik. Daig pa nito ang asawa kung makaasta, sa loob loob ko. Pero labis akong nag aalala para kay Enrico. Siguro nakuha nito iyon sa labis na pag inom ng alak."Kung gusto mo, dun ka na muna sa condo ko para mamonitor ko ang kondisyon mo. We'll do a keto diet together."Aba at talagang hindi na nagpapatumpik tumpik pa ang babaeng ito. Gustong samantalahin ang pagkakataon para masarili talaga si Enrico, naiinis na ako. Pero pinigilan ko ang sarili ko at baka kung ano pa ang masabi ko, ako lang ang mapahiya gaya ng nangyari kagabi. "Mabuti rin iyong nasa tabi mo ako habang nirereverse natin ang fatty liver mo. I mean, I know you. Hindi k
MASAKIT sa dibdib na sandali lang akong tumalikod, may kaholding hands na kaagad na ibang babae si Enrico. Kagat kagat ko ang aking pang ibabang labi habang naglalakad palabas ng ospital. Hah, ano namang panama ko sa babaeng iyon eh mukha itong diyosa na bumaba mula sa langit.Grabe sa ganda, parang hindi tao. Samantalang itong beauty ko, napaka ordinaryo lang. Sakit. Lalo pa at sa harapan ng babaeng iyon ay itinaboy akong pauwi ni Enrico. Meaning, ito ang gusto nitong makasama at hindi ako. Lumilipad ang isipan ko habang naglalakad kaya hindi ko napapansin ang isang madre na kasakubong ko at kanina pa titig na titig sa akin. Umatras itong pabalik at siguro ay hindi na nakatiis, kinalabit ako. “Tiffany?”Nagulat ako nang marinig kong tinawag nito ang pangalan ko. Sa umpisa ay hindi ko kaagad ito nakilala kaya makailang beses ko itong sinipat. Bigla akong na excite nang sa wakas ay mamukhaan ko na ito.“Natalia!” sabi ko, muli ko itong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa, hin
MIRANDA’S POV:SINUNDAN ko ng tingin si Tiffany habang papalabas ito sa kwartong inuukupahan ni Enrico. Alam ko, hindi man nito aminin, may pagtingin ito kay Enrico. Babae ako kaya ramdam na ramdam ko iyon. Ngunit mahal ko rin si Enrico. Matagal na akong may lihim na pagtingin dito kaya nga nagbalik ako ng Pilipinas. Nakikipagsapalaran rin ako sa feelings ko para dito lalo pa at kahit anong gawin ko, parang hanggang pagtinging kaibigan lang ang kaya nitong ibigay sa akin.Ewan ko pero bakit parang nahuhulog na ang loob nito kay Tiffany?Lumapit ako dito, nahuli ko itong nakasunod rin ng tingin kay Tiffany. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Nag aalalang tanong ko dito.“Okay naman na ako. Actually napilitan lang akong magpa confine dahil gusto nila akong imonitor 24/7 para siguraduhing walang problema at simpleng allergy lang ito. Pero the truth is normal lang naman ang pakiramdam ko.”Natawa ako, “Normal ang pakiramdam mo eh ka video call kita kanina, mukha kang alien!” Pabirong sabi ko







