FAZER LOGINAuthor’s POV Excited na nang makauwi sina Vanessa dahil na-miss na nila ang mga anak nila, pero hindi alam ni Van kung kikiligin ba siya sa inaasta ni Vince o kung ano. Nakayakap lang siya sa kaniya magdamag sa buong byahe. Nakarating sila nang matiwasay sa kanilang mansion. “Mommy!” sigaw ng mga anak nilang papalapit sa kanila. Yumakap ang mga bata kay Vanessa, pero si Vaughn lang ang hindi. “Mommy!” umiiyak si Vance. “Ang baby Vance ko! Na-miss kayo ni Mommy!” umiiyak din si Vanessa. “Mom? Aalis ka po ba ulit?” tanong ni Vincent. “Hindi na, Kuya. Dito lang si Mommy. Aalagaan ko na ulit kayo,” hinalikan ni Van ang panganay niya. “Ate, kamusta?” “Na-miss kita, Mommy. Pati na rin po si Daddy,” malambing na sabi ng prinsesa niya, at niyakap siya. “My Princess, halika kay Daddy,” sabi ni Vince at lumapit sa prinsesa. “Na-miss ni Daddy ang prinsesa.” “How about me, Dad?” paglalambing ni Vance. “Come to Daddy, Baby Vance,” lumapit si Vince at yumakap sa anak. Bumulong si Vin
Author’s POV Nakaupo silang lahat sa mataas na bahagi ng burol, tanaw ang lugar na minsang naging bangungot sa kanilang pagkabata. Tahimik. Pero ang katahimikang iyon ay puno ng alaala—takot, sakit… at milagro ng pagkakaligtas. Huminga nang malalim si Vanessa habang nakatingin sa lumang gusali. “Honey, ikaw ba yung batang singkit?” tanong niya. Tumango si Vanessa. Nakaawang na ang bibig ni Vince. “Yeah, siya yun, Van! At ikaw pala yung batang crush niya noon na palagi niyang tinitingnan kung nasa labas na ng gate!” paliwanag ni Nilo. “Kilala mo ako?” tanong ni Vanessa. “Oo naman, Van,” singit ni Diego kaya hindi na nakapagsalita si Vince. “Kaso shy type si Vince noon, kaya hindi ka niya malapitan. Dalawang beses pa ngang tumawag siya ng pulis dahil sayo eh!” natatawang kuwento nito. “A-nong pulis?” kunot ni Van. “Tumawag kami nila Vince nung inaapi ka nung mga bata,” sagot ni Lucas. “Sobrang takot si Vince na masaktan ka ng mga batang yun kaya tumawag kami
Author’s POV " Hindi na namin siya nakita s-simula nun." Umiiyak na sabi ni Vanessa. "N-nalaman namin ang totoong sinapit niya nang nagsimula na kaming pumasok nila Young sa mga illegal transactions. " Lumapit si Vanessa kay Jonas. "S-sorry sa nangyari sayo. Kung alam ko lang sana ako na lang!" Niyakap ni Vanessa ang lalaki. "Sorry din na nakalimutan kita sa mahabang panahon. Sorry. H-hayaan mo babawi ako babawi ako sayo." "Van wala kang kasalanan sa kaniya o kahit kanino pa!" Sigaw ni Zandro kay Van. "P-pero ako ang dahilan Zandro! Ako dapat ang sisihin dito, ako! Sakin nagmula kung bakit siya naging ganiyan!" Humahagulgol si Van dahil sa sinisisi niya ang kaniyang sarili. Hindi niya mapatawad ang sarili na may isang tao na pinagdamutan ng kamusmusan noon. "Pero hindi mo siya pinilit at kung talagang may halaga ka sa kaniya, Bakit ka niya nagawang saktan?!" Sigaw naman ni Brent na hindi na kinakaya ang ppangyayari. "Wala kang inutos sa kaniyang gawin yun o gawin sa
( Flashback pa din.) Nakarating sila sa isang lugar na sa labas ay tila luma at halos abandonado—kupas ang pintura at tahimik ang paligid. Ngunit pagpasok nila… Parang ibang mundo. Makukulay ang dingding, may mga drawing ng bituin, ulap, at mga hayop. May mga stuffed toys na maayos na nakaayos sa gilid at malinis ang sahig. Para itong isang playroom—isang lugar na dapat ay puno ng tawanan. Pero walang tumatawa. May mga batang nakaupo sa sulok—tahimik, nakatungo, o kaya’y nakatitig lang sa kawalan. Para silang… nawalan ng buhay. Napalunok si Van. Hindi ito tama. Habang naglalakad sila paloob, may isang batang babae ang biglang lumapit kay Van. Marumi ang laylayan ng damit nito, pero maayos ang suot—parang inaalagaan, pero hindi masaya. “Huwag kang iiyak…” bulong nito. Nagulat si Van. “A-ano?” Ngumiti ang bata… pero hindi umabot sa mata ang ngiti niya. “Mas gusto nila ‘yung umiiyak.” Nanlamig si Van. Bago pa siya makapagtanong, agad na hinila palayo a
Author’s POV " Umalis na kayo dito, please… hayaan niyo na lang ako dito." Hinawakan siya ni Vince at mahigpit na niyakap. Ngunit hindi siya gumanti ng yakap. "Honey, what’s wrong with you? Nandito na ako! Ililigtas kita, kukunin kita dito!" sabi ni Vince, halatang naiirita at naguguluhan sa mga kilos niya. Marahang bumitiw si Vanessa sa yakap nito kahit ayaw ng puso niya. "Hinihintay tayo ng mga anak natin. Ipinagpapalit mo ba kami sa lalaking ’yan, Van? Hindi mo na ba kami mahal?" desperadong tanong ni Vince. "A-alam mo kung gaano ko kayo kamahal, Vince. Higit pa sa buhay ko," umiiyak na sagot ni Vanessa. "’Yon naman pala eh! Ano na naman ba ang ibig sabihin nito?! May alam ka ba na hindi ko na naman alam? May nanakot na naman ba sa’yo kaya sinasakripisyo mo na naman ang sarili mo? " " Tell me, Honey! Tell me please!" Naluluha na si Vince habang nakahawak sa mga balikat niya. "Mahal na mahal kita, Honey. Mahal na mahal kita din nang mas higit pa sa buhay ko! Alam mong
Author’s POV Nakapasok na ang grupo nila Vince sa loob ng kampo ng kalaban. Bawat lalaking sumasalubong sa kanila ay walang alinlangang pinapabagsak nila. Ayaw man nilang pumatay, wala silang pagpipilian—dahil kapag nag-alinlangan sila, sila ang mauunang mawala. Pagdating nila sa pinakagitna ng kampo, mga lubid na lamang ang naiwan doon. Wala si Vanessa. “D.S., where’s my wife?!” galit na sigaw ni Vince. “I—I don’t know, Sir. Diyan ko lang siya iniwan,” sagot ni D.S., halatang kinakabahan. “Baka nasa paligid lang, Bro. Kalma,” ani Diego. Bigla silang nagkatinginan nang may umugong na boses mula sa speakers. “Mr. Lee… huwag kang masyadong excited. O huwag na pala—dahil hindi ko rin naman ilalabas ang asawa mo!” sabay halakhak ng lalaki na kinaiinis nila dahil sa tinis mg boses nito. “Damn you! Harapin mo ako kung may lakas ka talaga ng loob! O baka duwag ka at natatakot ka lang sakin?!” sigaw ni Vince, gigil na gigil. “Pikon ka pa din talaga, singkit!” pang-aasar ng boses







