Share

CHAPTER 20

THEY'RE SILENT while on their way home. Magkatabi sila ni Nike sa likod habang minamaneho ng driver nila ang kotse. Kasunod nila sina May at Johann. Nagpresentang ihatid ng lalaki ang kapatid niya. Hindi na tumanggi pa si Nike dahil sa pagkakaalam nito ay magkasintahan ang dalawa.

Hindi man nangingialam si Nike sa buhay ng kapatid niya, nagpapaalam pa rin si May dito tanda ng pagrespeto.

Kung kanina ay panay ang hawak ni Nike sa kanya, ngayon naman ay tila may malaking pader na nakaharang sa kanila. Sobrang tahimik at animong malalim ang iniisip. Parang nasobrahan naman yata ang sweetness nito sa kanya kanina. 'Yon ang ipinagtataka niya. Hindi naman sa nagde-demand siya ng atensyon nito, it's just that she's confused of what he was doing.

Sumandal siya at inalala ang mga pangyayari kanina sa party. Ang mga pasaring na tingin ni Johann sa kanya, sa kanila ni Nike. Ang madilim nitong mukha sa tuwing hahawakan at hahaplosin siya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status