MasukNasa maingay at mataong cafeteria sa Manila si Alyssa. Apat na taon na ang lumipas may kumpiyansa na sya sa sarili at hindi na katuad noon, ngunit hindi pa rin lubusang nakalaya mula sa nakaraan. Kasama niya ang kanyang anak na si Ethan isang batang lalaki na may apat na taong gulang.Habang naghahanap siya ng isang mesa, dumapo ang kanyang paningin sa isang pamilyar na mukha ni Aiden. Ang lalaking minsan niyang minahal, ang ama ng kanyang anak, ang kanyang puso ay nagsimulang kumabog sa kanyang dibdib.Hindi alam ni Aiden ang kanilang presensya, abala sa pag-inom ng kanyang kape. Nakasuot siya ng isang puti na suit, na nagpapahiwatig ng kanyang posisyon bilang isang CEO.Hindi alam ni Alyssa kung paano kikilos, kung dapat ba siyang lumapit o manatili sa kanyang kinatatayuan.Si Ethan, na walang malay sa tensyon na namamagitan sa kanyang mga magulang, ay masayang pinatugtog ang kanyang mga daliri sa mesa, ang kanyang mga mata ay nakatuon kay Aiden na may isang mausisang pagtingin. Tu
Madilim pa pero mabilis na tinapos ni Alyssa ang pag-iimpake at isinulat ang kanyang huling gustong sabihin kay Aiden. Ito ang sandali na pinili niyang umalis… para sa kaligtasan ng kanyang anak at para sa kanyang peace of mind.Nakasuot si Alyssa ng simple at maitim na damit, ang kanyang buhok ay nakatali sa isang masikip na bun. Dahan - dahan siyang kumikilos nang palihim tulad ng isang taong ilang linggo nang nagplano ng mga oras na 'yon. Namamaga pa ang mga mata at may pasa dahil sa hindi mabilang na mga gabing walang tulog habang tahimik na umiiyak.Maingat niyang inilagay ang huling set ng mga damit ni baby Ethan na maliliit, kulay pastel na mga damit na nilagay sa bag. Yakap niya ang anak na mahigpit, na parang kaya niyang protektahan mula sa mundo gamit ang lakas ng kanyang yakap. Ang maliit na katawan nito ay mainit at sobrang malambot.Langhap niya ang kanyang amoy, isang pinaghalong baby powder at may halong lavender perfume. Nanginginig ang mga kamay niya habang naglalagay
Isang matinding katahimikan ang bumalot kay Alyssa naglalakad ito sa pinakamataas na palapag, ang kanyang mga yabag ay natatakpan ng makapal na karpet. Mahigpit niyang hinawakan ang isang brown envelope, kumpidensyal na dokumento na iniwan ni Aiden sa bahay, mga dokumentong inutos na dapat kunin ng kanyang assistant.Hindi siya sigurado kung bakit niya ito ginagawa, marahil ay umaasa siyang makapag-usap sa pagitan nila ni Aiden para makapag ayos sila. O marahil, umaasa parin siya na mayroon pa rin siyang halaga sa mga mata nito. Ang kanilang nawasak na relasyon ay maaaring mailigtas kahit papaano. Bumukas nang mahina ang pinto ng elevator, at lumabas siya sa may reception area ng opisina ni Aiden.Huminga nang malalim para pakalmahin ang kanyang kaba, inabot ni Alyssa ang doorknob, dahan-dahang pinihit ito nang tahimik. Itinulak niya ang pinto, umaasang makikita si Aiden na abala sa mga papeles o sa isang business call, napakunot ang noo nito sa nakita.Sa loob ng maluwang na opisina
Pagkatapos ng panganganak at ilang araw na pahinga sa hospital ay napag desisyon na ni Aiden na dumiretso sila sa guest house.Dala ni Alyssa ang kanyang bagong silang na anak na si Ethan na nakahiga sa isang baby carrier, habang nahihirapang hawakan ang isang maliit at lumang maleta. "Dito ka muna sa guest room," wika ni Aiden ang kanyang boses ay naririnig na nag e echo sa malawak na espasyo ng bahay. Itinuro niya ang isang silid sa ground floor. Ang kanyang mga galaw ay parang nahihiya. "Mas madali para sa'yo at hindi mo na kailangang umakyat."Tumango lang si Alyssa, iniiwasan ang kanyang tingin. Hindi niya magawang tumingin nang diretso sa kanya, para harapin ang masalimuot na emosyon na nararamdaman niya. Maraming tanong ang humihingi ng kasagutan, mga tanong na ilang buwan na niyang pinipigilan, mga tanong na nagbibigay sa kanya ng kahinaan na pilit niyang itinatago. Bakit ngayon, pagkatapos ng lahat ng matagal na panahon, bigla na lang siyang sumulpot at gustong bumawi? Bak
Pagkalipas ng ilang buwan, nag iba na ang pakikitungo ni Aiden simula ng magka ayos sila ng kanyang ama at nanatili siyang CEO ng mga Monteverde.Nakahiga si Alyssa sa kama na manipis lang ang kumot. Ang kanyang mukha ay basang-basa ng pawis, ang kanyang maitim na buhok ay nakadikit na sa kanyang noo, na nakatakip sa kanyang mga mata na may halong sakit at takot. Hingal na hingal at bawat pagbuga ay nagbibigay ng ginhawa sa kanyang katawan.Hinawakan niya ang mga kumot hanggang ang tela ay na gusot sa tindi ng pagkakahawak niya, pilit na pinipigilan ang mga sinaunang sigaw na nagbabantang lumabas mula sa kaibuturan ng kanyang lalamunan."Ma’am, konting push pa. Nasa crowning na po tayo," sabi ng nurse.Pinikit ni Alyssa ang kanyang mga mata, itinuon ang bawat minuto ng kanyang natitirang lakas. Walang pamilyar na kamay na hahawakan, walang nakakaaliw na boses na bumubulong ng mga salitang pampalakas ng loob niya. "Ahh—!" sigaw ni Alyssa ng malakas. "Ahhh ahhh ahhh." paulit ulit na
Nag-viral ang video sa loob ng isang oras.Habang nasa kusina pinapanood ko ang pagtaas ng bilang ng mga manonood mula libo hanggang umabot ng milyon. Kalmado parin si Alyssa sa kabila ng takot na alam kong nararamdaman niya. Naka-off pa rin ang telepono ko, pero nagte-text sa akin si David kada ilang minuto—mga screenshot ng mga headline, mga update mula sa board, mga mensahe mula sa mga kliyenteng nag cancel ng kanilang mga account.“Gusto kang kausapin ng board meeting. Pinag-uusapan nila ang pagtanggal sa iyo bilang CEO. Inilapag ni Alyssa ang isang tasa ng gatas sa harapan ko. “Dapat mong buksan ang telepono mo. Kailangan mong ayusin ito.”“Wala akong pakialam sa kumpanya ngayon,” sabi ko sa sarili habang hinihila siya paupo sa aking kandungan. “Ikaw at si baby ang mahalaga sa akin."Gumawa siya ng bilog sa aking dibdib. “Pero buong buhay mo ay nagta trabaho ka para sa kompanyang iyon. Ang tatay mo ang nagtayo nito, pero isa ka sa dahilan kaya naging mas matagumpay ito."Humali







