Compartilhar

Chapter 48

last update Data de publicação: 2026-09-17 14:17:18

THE LONG THAW

Orion’s POV

Ang bawat kumpas ng oras sa loob ng Celestial Sanctuary ay tila bumabagal, kasing bagal ng pagpatak ng tunaw na yelo sa gitna ng pinakamalamig na taglamig. Dalawang taon na ang lumipas. Dalawang taon na mula nang maging anino ang liwanag na nagligtas sa akin mula sa sarili kong kadiliman. Ngunit para sa akin, tila kahapon lang nung huli kong narinig ang mahinhing yabag ng kanyang mga paa sa pasilyong ito.

Nakatitig ako sa kawalan habang nakaupo sa gilid ng bintana. Sa
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 54

    THE UNFILTERED TRUTHOrion’s POVAng atmospera sa loob ng villa ay biglang nagbago. Mula sa amoy ng masarap na almusal, ang hangin ay naging malapot sa tensyon. Nakatitig kaming lahat sa tablet ni Archer. Ang post ni Jessica Garrett ay parang lason na mabilis na kumakalat sa bawat sulok ng internet. Ang mga komento ng Stellars ay naghahati—may mga nagtatanggol, pero mas marami ang nagagalit at tinatawag si Spring na user at ambisyosang house aid.Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ni Spring sa ilalim ng mesa. Ang kanyang mukha ay nawalan ng kulay, tila bumabalik siya sa pagiging takot na babaeng tumakas sa Paris dalawang taon na ang nakalilipas."Orion, baka tama sila..." bulong ni Spring, ang boses ay basag na. "Baka mas mabuting umalis na lang ulit ako bago pa masira ang lahat.""Hindi, Spring. Hinding-hindi ka na aalis," madiin kong sabi. Tumingin ako kay Sirius, kay Archer, at sa buong banda. "Tapos na ang panahon ng pagtatago. Kung gusto nila ng balita, ibibigay natin ang buo

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 53

    THE AFTERGLOW AND THE AMBUSHSpring’s POVDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang banayad na haplos ng sikat ng araw sa aking mukha. Ang bintana ng villa sa Batangas ay bahagyang nakabukas, hinahayaan ang amoy ng maalat na dagat na pumasok at humalo sa pamilyar at nakakalasing na amoy ng pabango na nanatili sa aking mga unan—ang amoy ni Orion.Sa loob ng ilang segundo, nanatili akong nakatitig sa kisame, hinahayaan ang katahimikan na balutin ako. Ngunit sa isang iglap, tila isang mabilis na pelikulang nagbalik sa isip ko ang lahat ng kaganapan kagabi. Ang bawat haplos na tila nanggagaling sa isang nagbabagang apoy, ang bawat mapusok na halik na sumasamo ng kapatawaran, at ang init ng katawan ni Orion na tila gustong bawiin, sa loob lang ng isang gabi, ang dalawang taon naming pagkakalayo.Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng aking mga pisngi, isang init na tila ayaw nang humupa. Napahawak ako sa aking dibdib, pilit na pinapakalma ang pintig ng puso ko.

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 52

    THE SYMPHONY OF THE NIGHTOrion’s POVPagbalik namin ni Spring sa loob ng villa mula sa mahaba at madamdaming pag-uusap sa dalampasigan, sinalubong kami ng amoy ng nasusunog na barbekyu at ang pamilyar na tunog ng mga basong nag-uumpugan. Sa gitna ng malawak na sala, nakapalibot ang aking mga kabanda sa isang maliit na bilog sa sahig. May hawak silang mga bote ng beer habang si Zoe Bree at Keziah ay abala sa pagpapapak ng pulutan at pagtatawanan. Sina Sirius at Haven naman ay nakasandal sa isa’t isa sa sofa, ang kanilang mga balikat ay magkadikit, habang ang kambal ay mahimbing nang natutulog sa kanilang mga crib sa gilid—isang bihirang imahe ng kapayapaan para sa mga taong sanay sa gulo."O, hayan na pala ang mga lost stars natin! Akala ko nag-swimming na kayo nang tuluyan!" bulyaw ni Neptune nang makita kaming pumasok na magkahawak-kamay. Ang kanyang mga mata ay nagniningning sa ilalim ng dim lights ng villa.Ngumiti ako at mas hinigpitan pa ang kapit sa kamay ni Spring. Ramdam ko a

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 51

    THE CELESTIAL REUNIONOrion’s POVNagising ako sa mahinang tunog ng mga alon na humahalik sa mga bato sa ibaba ng cliffside at sa init ng sikat ng araw na dahan-dahang tumatagos sa malalaking bintana ng Vargas Seaside Sanctuary. Sa loob ng dalawang taon, ito ang unang umaga na hindi ako gumising na may bigat sa dibdib. Pagdilat ko, hindi ang All-Access Pass ang una kong hinanap, kundi ang babaeng nagmamay-ari nito.Natagpuan ko si Spring sa deck, nakatayo malapit sa railings at nakatingin sa asul na dagat ng Nasugbu. Ang kanyang suot na puting silk robe ay nililipad ng hangin, tila ba isa siyang diwata na kakatapos lang lumabas mula sa mga alon. Bagaman may bakas pa ng pagod at puyat sa kanyang mga mata, mas payapa na siya ngayon kumpara sa gulo at takot na nakita ko sa Makati kagabi."Ang ganda rito, Orion," mahina niyang sabi nang maramdaman ang paglapit ko. Lumingon siya nang bahagya, at ang sikat ng araw ay nagbigay ng gintong kislap sa kanyang balat."Mas maganda dahil nahanap na

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 50

    THE RADIANCE OF THE SHADOWSpring's POV Lumipas ang ilang oras at lumalalim na ang gabi. Humihingal ako habang nakatayo sa gitna ng entablado ng "The Abyss." Katatapos ko lang isayaw ang huling bersyon ng koreograpiyang matagal ko nang binubuo—ang sayaw na puno ng galit at pangungulila para sa taong nasa Paris noon.Ngunit sa gitna ng katahimikan, naramdaman ko ang isang kakaibang presensya. Isang titig na tila sumusunog sa aking balat mula sa madilim na sulok ng studio. Nanigas ako. Alam ko ang pakiramdam na ito. Amoy ng pamilyar na pabango na hinaluan ng lamig ng gabi ang dahan-dahang pumasok sa aking pang-amoy."Mali ang transition mo sa huling bahagi," isang pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan. "Dapat ay dahan-dahan ang pagbitiw, gaya ng itinuro ko sa 'yo noon sa Sanctuary."Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang boses na iyon... ang boses na pilit kong kinalimutan sa bawat gabi ko sa Iloilo. Dahan-dahan akong lumingon, ang puso ko ay parang gustong kumawala sa ak

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 49

    The Return of SpringSpring’s POVSa loob ng isang sikat na underground dance studio, hindi ang malamyos na tunog ng gitara ang maririnig. Sa halip, ang bawat sulok ay nanginginig sa bigat ng bass at sa ritmo ng musikang yayanig sa iyong dibdib. Dito, ang hangin ay amoy pawis at determinasyon. Dito, wala na ang mahiyain at takot na si Spring Salvejo. Dito, ang tanging kilala nila ay si Vera.​"Isa pa! Five, six, seven, eight!" sigaw ko sa gitna ng kanta.​Sa harap ng malaking salamin, pinagmasdan ko ang aking sariling repleksyon. Ang aking pangangatawan ay mas lalong naging toned at maliksi. Ang bawat galaw ko ay tila isang talim na humahati sa hangin—mabilis, matapang, at puno ng awtoridad. Ang pagsasayaw ang naging paraan ko para makahinga. Sa bawat padyak ng aking sapatos sa sahig, tila tinatapak-tapakan ko ang lahat ng sakit ng nakaraan—ang mga pasa mula kay Mang Carlo, ang madidilim na gabi sa club ni Mr. Chua, at ang matinding pangungulila sa lalaking iniwan ko.​"Break muna, gu

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status