ALYANA
Kumurap-kurap siya habang nakatingin sa itim na may pagka-asul nitong mata. Trenta anyos na ito sa pagkakaalam niya, hindi naman siguro ito nakukulangan sa babae at lalo na sa estado nito sa buhay.
Napatawa ng bahagya si Alyana pagkatapos ng mahabang katahimikan. Habang si Jeffrey Anderson ay nanatiling seryoso ang mukha na siyang lihim na nakapagpakabog ng puso niya dahil sa isipang baka hindi ito nagbibiro.
"Palabiro pala kayo Sir 'no?" Kaswal na sambit niya.
Umiling ito at napamulsa.
"I'm serious. Be my contract wife, just in name, I'll give you 10 million."
Napanganga siya.
10 million? Anong meron sa sampung milyon na 'yan at iyan kaagad ang offer sakaniya ng lahat? Pero tila naghugis PESO ang mata niya nang icompute niya sa utak niya ang matatanggap niya kung tatanggapin niya ang offer ni Jeffrey Anderson. 10 plus 10 equals 20 million!
Napangiti siya.
"Okay, I'm in." Sagot niya. Basta pera, wala siyang uurungan, at isa pa, mas tataaas ang tyansa niyang makalapit rito kung magpapanggap silang mag-asawa, mas makakapag-espiya siya rito, mas mapapaaga ang pagkumpleto niya sa task na ibinigay sakaniya.
Ngumisi ito sakaniya.
"Hindi mo man lang ako tatanungin kung bakit? Basta pera ano? Hindi mo kaya ako pagtraydorin kapalit ng pera?"
Nanliit ang mata nito.
Iyan ang dahilan bakit ako nandito.
Pero wala siyang pakialam sa sinabi nito. Focus lang siya sa goal, pera lang ang habol niya at sino siya para tanggihan ang perang inaalok rin nito para sa isa pang trabaho? Pareho lang rin naman silang makikinabang kahit na hindi niya alam kung bakit gusto nitong magpanggap siyang asawa niya.
Ngumiti siya ng walang bahid ng pag-aalinlangan. Matalas rin pala ito sa mga tao.
"Bilyonaryo ka Sir, hindi ba? May makatatapat ba sa pera mo kung nagkataon?" Tila paghamon niya rito pero ang layunin niya ang mabalik rito ang usapan at hindi sakaniya.
Bigla itong napataas ng kilay at napatango.
"Make sense." Sagot nito.
"Alright. You see that woman there?"
Bigla itong may inabot na remote, at ang kaninang kulay itim na dingding sa may kalayuan ay biglang naging transparent at nakita niya ang loob ng kabilang kwarto. Dumako ang tingin niya sa isang table sa sentro nito at ang babaeng nakaupo roon at ngayon ay nakatingin na sakanila.
Sa isipan ni Alyana ay high-tech talaga ang building, kailangan niyang maging mapagmasid pa para sakaniyang misyon.
"Yes, Sir, mukha siyang nananabunot." Kaswal na sagot niya.
Matalim kasi ang tingin ng babae na kulay itim ang buhok na diretso at plantsadong-plantsado.
"That's my soon-to-be ex-secretary. Siya magrerender at magtuturo sa'yo sa lahat ng kailangan mong matutunan at sa loob lamang ng isang linggo ay mapapasayo na ang opisinang 'yan." Sabi nito at muling bumalik sa pagkakaupo sa swivel chair.
Namangha siya, may sarili pa pala siyang opisina.
"At hindi siya nananabunot, but I think she know how to make people suffer." Dagdag pa nito.
Doon naman siya napalunok dahil sa klase ng titig ng babae mula sa hindi kalayuan.
"Punta na ba ako doon Sir?" Tanong niya at itinuro ang kabilang opisina.
Umiling ito at muling pinindot ang remote na siyang nagbalik sa kulay itim na dingding kanina na mukhang normal na marmol.
"Sign." Sabi nito at pabalik lang inatsa ang ballpen sa itaas ng papel na inilapag rin bago ito sumandal sa upuan at tiningnan siya ng mataman.
Kaagad niyang pinulot ang papel at binasa ito.
Marriage Contract!
May gulat na napasulyap siya kay Jeffrey Anderson na ngayon ay pawang kinakabisado ang kabuuan niya sa titig nito sakaniya.
"Ang bilis naman Sir? Prepared?" May halong pagbibiro ang boses niya pero sa totoo ay hindi niya inashan ito. Ang bilin kasi sakaniya ay huwag siyang basta-basta pipirma sa kahit na ano, pero dahil maituturing lang naman itong side-hustle at hindi niya ipapaalam ang magiging kasunduan nila ni Jeffrey ay hindi niya kailangan alalahanin iyon.
Binasa niya ang mga rules.
1. No skin contact,
2. Don't ask personal questions.
3. Never use Anderson name for personal gain.
4. Don't fall inlove.
Bahagyang nalukot ang mukha niyang sinulyapan ito nang mabasa niya ang mga pinaka-importateng nilalaman ng kontrata.
"Asa ka naman Sir." Walang pakundangang sabi niya at piniramahan ang papel, saka naman siya nakarinig ng mahinang tawa.
Fall in love? As if! Bilyonaryo ito, habang siya ay dukha na nagmula sa kahirapan, never in her wildest dream would she dare to fall for someone like him!
"Keep that attitude, I like it." Sabi nito habang pinupulot ang papel na pinirmahan niya.
"Nandito ako para magtrabaho hindi para magkagusto sa kahit na sinong lalaki." Sabi niya at inikot ang paningin sa paligid. Sa pagkakataong ito ay naramdaman niyang hindi na siya nitong paghihinalaan. Patuloy pa rin siyang naghahanap ng cctv sa buong opisina. May nakita siyang isa sa pinakasentro na maliit na itim na hindi masyadong mahahalata kung hindi talaga susuriin.
1 down.
"Kahit sinong lalaki is sucha big word." Sabi nito.
"Okay, you can now go to the next room. You cna use that door, it's a connecting room." Sabi nito at itinuro nag isang pintuan sa sulok.
Napatango siya.
"Okay sir, so tanggap na talaga ako?" Paninigurado niya.
Tumango ito habang nakatingala sakanya dahil nakaupo ito at siya ay nanatiling nakatayo sa harapan.
"At asawa na kita."
Napahinga siya ng malalim habang nakatitig sa mukha nito.
Asawa.
Hindi niya ito inasahan pero gagamitin niya itong paraan para mas lalong mapabilis ang pagkumpleto niya ng kaniyang misyon.
Ngumiti siya ng matamis. Hindi niya pwedeng ipakita rito ang kahit na anong bahid ng totoo niyang pagkatao, hindi ito pwedeng maghinala sakaniya, kailangan niya itong sakyan sa lahat ng gustong gawin simula ngayon sa natural na paraan.
"Anong itatawag ko sa'yo Sir? Darling? Sweetie pie? Mahal? Langga? or Hubby?" May panunukso ang boses niya.
"Are you flirting with me? If you are, you're fired." May pagka-masungit sa boses nito.
Tinaasan niya lang ito ng kilay, "Anong flirting pinagsasabi mo diyan, e' hindi ba? Magpapanggap tayong mag-asawa, at isa sa mga clause sa kontrata ay meet the parents! Paano mo sila makukumbinsi kung ang tawag ko sayo ay Sir, tapos biglang shift to Hubby? Hindi natural." Pag-explain niya.
Muling tumitig sakaniya ang lalaki, "You actually have a point." Sabi nito at tila nag-isip habang nakatitig sakaniya.
Kailangan niyang magpanggap na effective siya sa trabahong ibinigay nito sakaniya, invested siya at interesado, para hindi nito paghinalaan ang totoong motibo niya.
"Fine. Call me whatever you like, just not in the office."
Muli siyang umiling at sa pagkakataong ito ay tila nakitaan niya ang pagkairita sa mukha nito.
"Ito nga ang training ground natin Sir, tapos just not in the office? Mali 'yon! Ako ang bahala diyan Sir, 'yung hindi OA, magtiwala ka sa'kin, pwede kitang tawaging Hubby rito." Sabi niya at nagthumbs-up pa.
Nakasimangot na ito ngayon sakaniya.
"You do make sense but I'm starting to regret choosing you." Sabi nito.
Umiling siya at naghanda nang iwan ito sa opisina at bahagyang kumaway na may panunudyong ngiti.
"Bye for now Sir, lipat nako sa kabila." Paalam niya.
Napabuntong-hininga ito na tila nagsisisi na sa desisyong ginawa bago ito sumenyas gamit ang kamay na tila pinapalayas siya.
"Go." Sabi nito kaya tumalikod na siya at nag-umpisang maglakad nang bigla siyang makaisip ng kaunting kalokohan kaya muli niya itong hinarap at nakita niyang nakasunod ito ng tingin sakaniya. Muli siyang kumaway rito.
"See you later, Hubby!"
NGUMITI si Alyana habang nakatitig sa Ina ni Jeffrey na nagsasandok ng pagkain mula sa mga kaserola at inlalagay ito sa mga pinggan. Jeffrey's mother looks really excited and happy. Manubig-nubig pa ang mga mata nito habang abala sa ginagawa, habang siya naman ay inaayos ang hapagkainan tulad ng sinabi nitong maaaring niyang gawin. "Sakto at ganitong oras kayo napunta rito dahil magtatanghalian na." Masayang sabi ng Nanay ni Jeffrey. Ngumiti siya at tumango tapos ay napasulyap sa direksyon ng sala kahit na pa hindi naman niya makita sina Jeffrey at ang Tatay nito. They can't even hear any conversation from the kitchen and she can't help but to worry.Mukhang napansin iyon ng Nanay ni Jeffrey nang hindi niya naramdaman ang pagtayo nito sa tabi niya at ang masuyong paglapat ng kamay nito sa itaas ng kamay niyang nakapatong sa mesa. Nagsalubong ang tingin nila ng ginang at gulat niya itong tiningnan. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano kausapin si Jeffrey kaya't iniwan ko nalang s
"JO! JO!" May pagmamadali at aligagang tawag ng Nanay ni Jeffrey habang naglalakad sila patungo sa bahay. Hindi mawari ni Alyana kung excuted lang ba ito o natataranta. Gayunpaman at napangiti siya nang higitin niya si Jeffrey na naiiwan sa lakad at nasa likod lang niya. Walang emosyon ang mukha nito pero hinala niya ay kinakabahan lang ito. Ikinawit niya ang braso niya sa braso nito para masiguradong sumusunod ito sa lakad nila, nauuna naman ang Nanay nito habang si Jeffrey ay iniikot nito ang tingin sa paligid. The wind is blowing a little strong than usual. The sound of dry leaves rustling whenever the wind blows brings the feeling of warmth, peace, and soothing province life. The sound of the leaves of the two mango trees blows a little louder but to her, it felt like home. It's so therapeutic. Napahinga siya ng malalim habang nakangiti. Kung sa estado ng buhay ni Jeffrey ay makikitang mahirap ang buhay na ganito kumpara sa marangyang buhay na kinagisnan nito, but for Alyana who
NAPALUNOK si Alyana habang dinudungaw ang bahay sa loob ng gate na may kalumaan pero hindi naman kalawangan. Ang disenyo nito ay gaya ng old-fashioned grills na gates na purong bakal. Nakapintura ito pero kita na ang kalumaan. Kaya't sa kabila ng mga grills ay makikita ang loob ng gate. Isa itong malawak na espasyo na sa tingin niya ay kakasya ang apat na bungalow house, pero tanging iisa lang ang bahay sa loob ng malawak na lupa tapos ay dalawang punong malaki at malawak na lupa at ang ilang bahagi ay may damo.It's a normal and typical house and lot on such small town. Tiningnan niya si Jeffrey na diretso lang ang tayo habang nakapamulsa at tabi niya at nakatingin lang ito sa loob, pero hindi katulad niya ay seryoso ang mukha nito at ni hindi ito nakurap. Siniko niya ito kaya't napalingon na ito sakaniya at sa emosyon nito ngayon sa mukha ay pawang hindi na nito magawang ngumiti. "Walang doorbell, tatawag ba tayo?" Tanong niya. Jeffrey just looked away. "It's up to you, ikaw ang
NAPALAYO ang tingin ni Alyana nang alalahanin niya ang minsan niyang naging pangarap para sa sarili. Pero ang batang siya noon ay alam na ang reyalidad na imposibleng makamit iyon. "Dati..." Mahinang sambit niya at napahinga ng malalim, "..gusto kong maging dentista." Pagtuloy niya ngunit halos pabulong lang.Malungkot siyang ngumiti at tumingin kay Jeffrey na nakatitig lang sakaniya."I see. Why not pursue it, then?" Tanong pa nito. Umiwas na siya ng tingin at umiling, "Hindi na iyon ang priority ko ngayon. Dati pa 'yon, ngayon nagbago na ang lahat. Siguro ay hindi lang talaga para saakin iyon." Wind blew and it touched their skin. Her hair followed the rythm briefly until the wind has calmed down just like how her heart has accepted the bitter truth of her past and dreams. "Bata ka pa, pwede pa iyon. I will help you-"No." Pigil niya sa sinabi ni Jeffrey. Ngumit siya ng tipid ng may iling. Tiningnan siya ni Jeffrey pero hindi na ito nakaangal. Maaaring na-realize nito na wala p
KUMABOG ang puso ni Alyana nang tingnan siya ni Jeffrey ng nakakunot ang noo at tila hindi nasiyahan sa kaniyang nabanggit. Ngumiti lang siya ng tipid rito at napaiwas ng tingin. "Nanay ko? My mom? What did you just say?" Pag-ulit pa nito na mahihimigan ang talim sa tono.Nakaramdam siya ng kaba. She feels like she suddenly went out of line. But she feels like she needs to tell him and this is the perfect time.Tumikhim siya, "Last week there was a call. Hindi ako sure noon kung maling tawag lang iyon, but after the confrontation with your grandfather, I have learned that you don't have healthy relationship with your parents. That explains the woman's longing voice and sentiments. She called you Austin." Paliwanag niya. Upon hearing the name Austin, Jeffrey was convinced immediately.Muli siyang lumingon kay Jeffrey at nakita niyang nakatitig ito sakaniya. Napatitig rin siya sa mga mata nito nang makakita siya ng kakaibang emosyon sa mata nito. Lungkot at pangungulila. Lumamlam a
TAHIMIK lang si Alyana habang lulan sila ng sasakyan. Nakatingin siya sa labas at hindi niya matingnan si Jeffrey na tahimik ring nagmamaneho. Hindi nga niya alam kung bakit ito pa ang nagmaneho kahit pa pwede naman nitong utusan si Charlie. Tinintingnan niya lamang ito kapag nagtatanong ito ng daan at kung liliko na ba. Tanging ang music lang ang nagbibigay buhay sa byahe nila. "Iniiwasan mo ba ako?" May himig na inis sa boses nitong biglang nagsalita kaya't gulat siyang napalingon rito. Mabilis itong sumulyap sakaniya matapos ay muling tinuon ang atensyon sa daan. Saglit siyang ngumiti nang makita niya ang kunot nitong noo. "Bakit naman kita iiwasan?" Nagmamangan na tanong niya at palihim na napahinga ng malalim dahil bumilis ang sikdo ng dibdib niya. Jeffrey smirked but a smug one, "Bakit nga ba?" Walang tingin na tugon nito. "Busy ka at marami tayong ginagawa. Normal lang iyon, hindi ba? Secretary mo ako, boss kita." Paglilinaw niya. Sumulyap muli sakaniya si Jeffrey ng kun