LOGINAlyana Lopez, isang raketerang babae, ulila at layunin ay makaipon ng maraming pera, mga sampung milyon para makapamuhay ng komportable sa buong buhay niya, kaya naman tinatanggap niya ang kahit na anong trabaho o raket na inaalok sakaniya. Nilapitan siya ng isang kaibigan na isa ring raketera at inalok siyang maging spy sa isang kilalang bilyonaryo na si Jeffrey Anderson, kailangan niyang malaman ang mga susunod nitong hakbang sa loob ng anim na buwan tungkol sa mga investments, deals, at negotations ng korporasyon nito. Inaral ni Alyana ang lahat ng detalye tungkol rito at namasukan siya bilang sekretarya at personal assistant nito. Hindi inasahan ni Alyana ang karismang taglay ni Jeffrey, at ang inaakalang puro trabaho lang ang gagawin niya sa pagpapangap bilang sekretarya ay nagulat siya nang alukin siya nitong maging asawa lang sa papel. Mula sa pagiging spy, pagpapanggap bilang sekretarya, hanggang sa pagiging asawa sa papel, mapasubo kaya si Alyana sa pinapasukang raket para makaipon ng sampung milyon? O hahayaan niya ang lahat ng pinaghirapan kapalit ng konsensya niya at ang namumuong damdamin para kay Jeffrey?
View MoreALYANA
Sampung milyon kapalit ng pag-eespiya sa opisina ng isang kilalang bilyonaryo. Bakit siya? Dahil wala siyang alam sa papasukan niya, hindi siya madaling pagbintangan, ang goal lang niya ay makuha ang mga impormasyon na naglalaman ng susunod na hakbang ng kumpanya sa loob ng anim na buwan, pagkatapos niyang mag-espiya at makakuha ng sapat na impormasyon, okay na, may sampung milyon na siya. Para sakaniya, hindi lang iyon simpleng sampung milyon, para sakaniya hindi lang iyon kayamanan, para sakaniya na nagmula sa kahirapan ng buhay, lahat ng pagsubok at pagkabigo sa buhay ay naranasan niya, para sakaniya ang sampung milyong iyon ay katumbas ng kalayaan. Kalayaan mula sa nakaraan, mga panahong wala siyang malapitan, wala siyang mahingan ng tulong sa kabila ng pag-aagaw buhay ng Nanay niya hanggang sa namatay ito. Para sakaniya, ang sampung milyong iyon ay magiging tulay sa kalayaan niya mula sa masalimuot na kahirapang naranasan niya. Sapat iyon para makaalis sa lugar kung saan siya lumaki at nagmakaawa sa iba't-ibang tao, sapat iyon para makabili ng lupa sa ibang lugar at makapamuhay ng hindi nag-aalala sa kinabukasan. Napahinga siya ng malalim habang nakatitig sa mataas na building sa harapan niya. Suot ang maiksing palda at hapit sa katawan na blazer na kulay itim ay ilang beses siyang napahinga ng malalim habang hawak ang envelope na naglalaman ng pekeng impormasyon tungkol sakaniya, Sa oras na pumasok siya sa building ay hindi na siya makakaatras pero hindi siya natatakot, desidido siya para sa sampung milyon at wala siyang aatrasan. Pumasok na siya at kinapkapan ng guard, mabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba pero pinanatili niyang kalmado ang kaniyang mukha. Sinabing magtungo siya sa fifth floor. Pagdaitng niya, isang lobby na may receptionist ang bumungad sakniya. Nakatingin ito habang papalapit siya rito. Receptionist palang mukhang nang mamahalin, high-class tingnan, ang boss pa kaya? Ngumiti siya ng matamis pero hindi mawala sa tingin niya ang dalawang pintuan at tig-isang lalaki ang naktayo sa harapan na mas lalong nakadagdag sa tensyon niya. "Applicant?" Tanong ng receptionist. Tumango siya at nailibot ang tingin sa paligid. Puro marmol at may malaking logo ng mga letra na dinisenyo ang nasa dingding na may ilaw para makalikha ng ilusyon na lumuluntang ito. AH at Anderson Holdings ang nakasulat sa ibaba. May tinawagan ang receptionist at nang ibaba ito ay napatingin siya rito. "Sige pasok kana sa unang pintuan." Sabi nito kaya tumango siya at sa bawat hakbang niya ay dumadagdag ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya mawari kung natatakot ba siya dahil malaking tao ang babanggain niya, o kinakabahan siya dahil baka mablangko siya sa harapan ng boss ng buong building na ito. Pumasok na siya sa loob. Simpleng design ang bumungad sakaniya na opisina`. Malawak ang espasyo, malaki ang glasswall na nagbibigay ng liwanag sa buong opisina at matatanaw mula rito ang buong siyudad. Malinis at nagsusumigaw ng kapangyarihan ang bawat sulok. Ang mga sulok ng mata niya at naghahanap ng mga cctv, bilang isa siyang espiyang ipinadala rito, kailangan niyang kaagad malaman ang mga blind spot ng opisina, pero wala siyang mahagilap ng cctv. Napalunok siya habang marahan ang lakad niyang nagtungo sa harapan ng table kung saan nakaupo ang isang lalaking nakayuko at may binabasa sa isang folder. Target on sight. Huminga siya ng malalim nang mag-angat na ito ng tingin. Inasahan niyang bata palang si Jeffrey Anderson dahil sikat ito bilang pinakabatang bilyonaryo na nagmana ng malaking kumpanya ng pamilya nila, pero ang hindi inasahan ni Alyana ay ang mga mata nitong may kislap na asul, naakbighani ang mga ito at hindi niya maiwasang hindi mapatitig. Ito ang kauna-unahang beses na nakakita siya ng ganitong pares ng mga mata na tila hinuhukay ang kaluluwa niya. Nawala siya sandali sa pokus pero kaagad iyong nawaglit at bumalik siya sa reyalidad nang tumikhim ito. Ngayon niya lang napansin ang seryosong mukha nito at ang matalim nitong tingin ay nagppaahiwatig ng pagkastrikto nito. "Done star- "Sorry Sir, ang ganda ng mga mata niyo 'e, hindi ko naiwasang tumitig." Hingi niya ng paumanhin, syempre kailangan magpa-goodshot, kailangan makuha ang loob para pagkatiwalaan ng mga importateng impormasyon. "Hindi mo man lang ide-deny?" Tanong nito na hindi niya inasahan. Sinalubong niya ang tingin nito ng may pagtatakha, "Deny? Ang alin sir?" Bigla itong umiling at tumayo. Muli ay nabighani siya sa katangkaran at kakisigan nito. Bigla siyang napaisip kung may asawa na ba ito. Mayaman, gwapo, matangkad, all-in-one, at swerte ng asawa nito kung gano'n. "Anyway, start by telling your name, age, and why should I hire you of out of all the dozen candidate that I just rejected before you. Precise, exact, brief, short answers only." Seryosong sabi nito ng may accent. Pati boses ay maganda rito. Ngumit siya, "Alyana Lopez, 26, matalino, masipag, maunawain, madiskarte, makatao, makakalikasan, at makabansa." Proud na sagot niya at inilapag ang resume sa table nito. Akala niya ay hindi ito natuwa sa sagot niya dahil sa magkasalubong na kilay nito nang bigla itong ngumisi ay napahinga siya ng maluwag at napangiti rin. "Okay, if I hire you, you will be my secretary, we'll be working closely everytime, what are your expectations of me?" Tanong pa nito. Napatitig siya sa mukha ni Jeffrey Anderson. Sa totoo lang ay wala naman talaga siyang ineexpect rito, ang nasa isipan niya ay kung paano niya mapagtatagumpayan ang trabahong ito na tinanggap niya kapalit ang sampung milyon. Ngumiti siyang muli, "Hmm, wala." Pagtatapat niya. Kita niya ang pagkatigil ng lalaki. Tumitig ito sa mukha niya ng ilang saglit hanggang sa napahinga ito. "Bakit wala?" Tanong pa nito. Nagkibit-balikat siya, "Kapag nag-expect ako parang nililimitahan ko 'yung kakayahan niyo. Syempre doon kong susukatin sa expectation ko ang bawat pakikisama sa'yo which is ayoko. Naniniwala ako sa kasabihang, 'Ipakita mo kung sino ka'." Sagot niya at sa pagkakataong ito ay hindi na ngumiti pa ang lalaki. "Sabi mo ay wala kang expectations, but you sounds more like looking forward to us working together, why is that?" Matalino nga ito at nakuha pa nitong busisihin ang mga isinasagot niya, pero hindi siya nagpatinag at muling ngumiti ng abot tenga. "That's the point Sir kaya nandito ako. Nilo-lookfroward ko ang trabahong ibibigay mo saakin pero hindi ikaw." Sagot niya. Nagp-playsafe lang siya pero hindi niya inasahan ang mga personal na tanong nito. Napatango naman ito sakaniya nang bigla itong umalis sa kinatatayuan at lumapit sakaniya. Naparahap siya rito at para siyang hinihigop ng mga mata nitong asul at idagdag pa ang katangkaran nito. "What is your reason for working? What is your ultimate goal?" Tanong pa nito sa harapan niya. "Money." Walang pakundangang sagot niya at sa pagkakataong ito at tinitigan niya ng diretso ang mata nito ng walang takot at pangamba. Gusto niya ng pera at nandito siya para pera. nakatayo siya ngayon sa harapan nito bilang espiya kapalit ng pera. Napatango ang lalaki. "Good. Last question, would you do anything for money?" "Yes. Gladly, with a heartbeat." Sagot niya ng mabilis sakto palang na naititikom nito ang bibig mula sa pagtatanong. Bigla nitong hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa at napatango bago bumalik sa mata niya ang tingin nito. "Good. You're hired, and my first task for you is..." Nagulat siya sa sinabi nito at napataas ang dalawang kilay habang hinihintay ang salita nitong nabitin sa ere. "...to be my wife."JEFFREY stayed inside the jail. Alam niyang maraming reporter ang mga nagkakagulo sa labas upang kuhanan siya ng panayam but he forbids the police to let anyone enter nor even see him and take any pictures of him inside the cell. Nakapikit lamang siya habang hinihintay ang pagdating ni Charlie dahil sa oras na makarating ito ay makakalabas na siya sa kulungan. For the time being, he doesn’t mind staying here, pero hindi niya maiwasang mag-aalala para kay Alyana.For sure, the news has reached her, and he wonders what her reaction could be. Maniniwala kaya ito sakaniya? O magagalit? O kamumuhian? Maniniwala kaya ito na masamang tao siya?Napahinga siya ng malalim dahil bumigat ang kaniyang dibdib sa isipang titingnan siya ni Alyana ng may pagkamuhi at pagkauyam.Hindi niya masisiguro kung makakaya niya ba iyon.Alyana’s his only hope. She’s the only person that makes him wants to continue what he started, lalo pa ngayon.Alam niyang hindi pa ganoon kaayos ang relasyon nil ani Alyana a
ALYANA panicked. Mas lalo siyang nag-alala nang hindi sumasagot sa tawag niya si Jeffrey pero nagriring ang phone nito. There’s no way that he’s in jail right now, right? Ito ba iyong sinasabi nitong emergency kaninang biglang itong umalis?But how come this has happened?Did Jeffrey really embezzled money and bribed public official for his own gain?Hindi niya maiwasang hindi mag overthink. Is Jeffrey really that kind of person? Ang yaman nito at tila walang hanggan ang pera at ari-arian ng pamilya nito, paano naman ito kukuha ng perang hindi sakaniya?Is Jeffrey really that kind of person?Lukot ang mukha ni Alyana pero ito ay dahil lamang sa dahil nap ag-aalala kay Jeffrey. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang sinusubukan itong tawagan nang maalala niya ang naging pag-uusap nila kanina.They promised each other that they will believe one another no matter what happens, and here she is, already doubting him in his mind.Hindi lang niya maiwasang mag-isip ng kung ano ano lalo na nang
ALYANA was about to go out of the bedroom when she was done crying minutes after Jeffrey left so abruptly, but upon standing up from her seat on the edge of the bed, the door opened again and she was hopeful the it was Jeffrey and he decided to come back and apologize to her and tell her that he’s willing to hear what she has to say, but to her disappointment, it was not him.It was his mother.Pinilit niyang ngumiti nang magtama ang tingin nila ng Nanay ni Jeffrey at mabilis siyang napaiwas ng tingin upang itago ang kaniyang mata na galing lang sa kakaiyak.“Nagmamadaling umalis si Austin. May problema ba anak?” Tanong nito nang makalapit ito ng tuluyan sakaniya.Mabilis siyang muling lumingon rito at ngumiti.“Wala naman po kaming problema at nakapag usap na rin po kami kanina bago siya umalis, nagkaroon lang po talaga ng emergency sa kumpanya at kahit Sunday at kinailangan siya roon.” Mabilis na paliwanag niya at upang hindi na rin mag-alala pa ang Nanay nito.Jeffrey’s mother jus
AT FIRST, it was such a small and ragged land. Hindi pa developed iyong resettlement, and there is no reason for business tycoons like Jeffrey’s grandfather to be interested in such land, but greed took over him.He wanted to acquire the land for some reason, and he acquired it when he killed the lawyer who is rightfully the owner of the land. Since then, no one knows who owns the place, it became a thriving community, and the surrounding area and agricultural lands of it were developed.It is now considered a commercial road towards the city. It has now great value but to the year when Jeffrey found out about it, it remains a secret that the land’s ownership is with his grandfather.He figured everything out due to his investigation. He found the secrets and sometimes he secretly infiltrates his grandfather’s study to find some evidence of the murder and anything that makes him connected to the land. He was able to find some documents, but there were not enough.Simula noon ay pinag






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews