Share

Kabanata 3

Author: Aera Brill
last update Last Updated: 2025-07-30 18:27:31

ALYANA

Ang problema niya ngayon ay kung bakit meron siyang sarili niyang opisina! May secretary office, connecting room sa opisina ng boss at para sakaniya ay hindi ito maganda para sa misyon niya, kailangan niyang maging malapit sa boss niya!

Kasalukuyan siya ngayon nasa opisina ng secretary habang kasama niya si Ms. Nica na siyang akala niya ay masama ang ugali pero mabait naman pala, wala lang talaga itong ekspresyon sa mukha at matalim palagi ang tingin. Kasama niya ito sa table nitong malaki at katabi ito habang tinuturan siya paano kalikutan ang mga files sa computer nito.

Wala siya sa focus, ang naiisip niya ay kung paano makapasok sa opisina ng boss. Ang dami pala ng trabaho bilang sekretarya, hindi lang nagsasangkap ng kape at alalay sa boss, ang dami niyang kailangan matutunan!

Panay ang sulyap niya sa marmol na dingding na alam niyang nagiging transparent sa kagustuhan ng boss. Hindi pa niya ito nakikita simula kahapon na natanggap siya at naging asawa nito ng biglaan! Sa hapon kasi ay umalis ito at may business meeting raw habang siya naman ay inilibot sa buong kumpanya.

Marami siyang nakuhang impormasyon sa paglilibot ni Ms.Nica sakaniya kahapon, na-aral niya ang layout ng building at nakita niya ang mga fire exits at ibang mga opisina ng bawat departamento.

Ang pinaka-layunin niya ang mag espiya ng mga galaw ng Boss niya, mga deals at partnership na gagawin nito at kung meron itong nakaambang malaking proyektong gagawin, pero paano niya iyong makukuha at malalaman kung may sarili siyang opisina? May dingding na namamagitan sakanila.

Hindi pa rin niya alam ang layunin ng boss niya kung bakit siya biglang inayang magpakasal pero ang hinala niya ay gagamitin lang ito bilang facade o may kung ano itong iniiwasan. Hindi na iyon ang concern niya, ang kailangan niyang alamin ay kung paano mapalapit rito.

Nakatitig siya sa dingding na marmol na parang baliw nang bigla itong maging transparent na ikinagulat niya. Sakto naman ang tingin niyang tumama sa direksyon ng boss niya. Napaayos siya ng upo nang magtama ang tingin nila.

Ngumiti siya rito kahit na bahagyang siyang nawala sa karakter dahil sa gulat.

Gamit ang hintuturong daliri ay para siyang aso na sinenyasang puntahan ito. Tumingin siya kay Ms.Nica na nakatingin rin pala sakaniya at nang tanguan siya nito ay mabilis siyang tumayo.

"Yes Hubby?" Ngiting-abot tenga ang ipinakita niya rito nang makalapit sa harapan ng mesa nito, naiwan namang nakawang ng bahagya ang labi nito dahil hindi natuloy sa pagsasalita, maaring dahil sa tinawag niya itong 'Hubby'.

Nanatili itong nakatingin sakaniya ng ilang saglit at hindi nagsasalita, siguro ay nagulat ito at hindi sanay sa tawag niya rito. Ginalaw niya ang dalawang kilay bilang sinyales na naghihintay siya sa gustong sabihin nito.

Sa gilid ng mata niya ay hinahagilap niyang muli ang mga cctv at naghahanap rin siya ng safe box kung meron man, pero bukod sa kakaunting minimalist display at napakaraming libro sa mataas na bookshelf ay wala pa siyang namamantaang safe box.

Tumikhim ito. "Get ready, I'll have board meeting in 10 minutes. You will be the one to accompany me, not Nica. She already prepared the document I will be using later, get it from her and have her brief you with the usual work she does during board meetings." Seryosong sabi nito.

Mamimeet na niya ang ibang importanteng tao sa kumpanya?

Nanatili ang ngiti niya, "Okay Hubby, copy--

"Can you limit on calling me that Hubby thing?" Kunot-noong salansan nito sakaniya.

Hindi siya natinag at umiling, "No? Para masanay ka." Pag-alma niya.

Nanatili itong nakatitig sakaniya at matalim ang tingin.

"Sinasabi ko sa'yo, huwag kang mawili sa mga ganiyang bagay, asawa lang kita sa papel, I barely even know you, I just met you yesterday and now you're so comfortable calling me with such an endearment. I just need you as a facade." May pagkairita at pagbabanta sa boses nito, may pagturo pa.

Tumango siya, "That's why ipinapakita ko sainyo kung gaano kagaling ang napili niyo. Trabaho lang ito at hindi ko kasalanan na magaling ako sa lahat ng bagay. Don't take it to heart." Kinindatan niya ito.

Napapikit naman ito at bumuntong-hininga.

"Why did I even choose you?" Tila may pagsisising sambit nito at tinuon ang atensyon sa mga papel na nasa harapan.

Nanatili siyang nakatayo pero dahil hindi na ito nakatingin sakaniya ay umikot ang tingin niya sa paligid. May namataan siyang isa pang cctv sa sulok ng kisame sa kaliwa, maliit lamang ito at hindi madaling mapansin. 2 down.

Iniisip rin niya kung may sarili ba itong storage ng mga importanteng dokumento rito sa opisina dahil sigurado siyang meron.

Hindi niya napansin na namayani na ang katahimikan at nawili siya sa pag-ikot ng tingin sa paligid at nawala sa isipan niyang nasa harapan pala niya ang boss.

"What are you still standing there?"

Nanlaki ang mata niya nang sitahin siya nito pero pinilit niyang maging normal at ngumiti ulit.

"Wala bos- Hubby! Nothing really.., balik na ako doon." Sagot niya at nagmadaling tumalikod.

"By the way," nang bigla muling nagsalita si Jeffrey kaya naman napaharap siyang muli rito.

Nakatingin na ito ngayon ng mataman na tila kinakabisa siya. Ano ba Alyana! Ikalawang araw mo palang, mabibisto ka na ba agad?!

Napalunok siya at hinihintay ang susunod nitong sasabihin.

"Y-Yes?" Mahinang tanong niya at sinundan ang pagbuka ng bibig nito, kinakabahan sa susunod na sasabihin.

"I will also introduce you to them as my wife." Sabi nito na nakapagpahinga sakaniya ng maluwag.

Kaagad siyang malapad na ngumiti at tumango.

"Noted Hubby! Hindi ka mapapahiya, I will be ready!" Sabi niya at ipinakita rito ang kamao na pawang handa siyang lumaban sa kahit na sino.

Nanatili itong nakatingin sakaniya at tila nagtagal ang titig nito nang bigla itong natawa ng mahina at umiwas ng tingin at napailing.

Maging siya ay natawa rin dahil sa biglang pagtawa nito.

Marunong naman pala itong tumawa. Parang kanina lang ay nagsisisi na itong siya ang pinili sa trabaho at extra-contract as a wife.

Hinanda niya ang mga dapat ihanda para sa meeting. NAgpaturo siya kay Nica at ang secretary pala ang magsasalita sa mic sa introduction sa board. Wow, bagong-bago palang ay isinasama na siya sa board meeting, ibig sabihin ay maririnig niya ang mga pag-uusapan ng mga ito kahit na sinabi ni Ms.Nica na puro mga updates lang saka iyong current project sa metropolis.

Susubukan niyang makakuha ng impormsyon doon.

After 10 minutes na hindi siya sigurado kung kabisado niya ang mga tinuro ni Ms.Nica ay tinawag na siya ni Jeffrey at umalis na sila. Ipagpapasadiyos nalang niya ang mga suusnod na mangyayari, fake it til you make it ika nga nila.

Nakasunod lang siya sa likod ni Jeffrey. Matangkad talaga ito at ang hahaba ng hakbang kumpara sakaniya na payat na sakto lang ang tangkad, mabuti nalang at nakaheels siya, nakadagdag nga sa height niya pero nakabawas sa bilis niya pero pinilt niyang bilisan ang lakad.

Hindi niya inasahan ang mga taong nagsitayuan nang pumasok sila sa boardroom. Mga taong nakabusiness-suit at magara ang kasuotan, nagsusumigaw ng kapangyarihan at bahagyang nababalot ng tensyon ang buong paligid.

Mging ang boardroom ay nakaglass wall kaya't kita ang siyudad mula rito. Malaking mesa ang nasa gitna at napalaibutan ito ng mga tao. Sa sentro umupo ang boss niya kung saan nakatalikod ito mula sa glass wall at sa opposite direction mulasa glasswall naman ang projector.

Inilapag niya ang mga dokumento sa harapan ng boss at dumiretso na sa may podium sa tabi ng projector. May nakaflash na sa screen at siya ang unang magsasalita.

Kita niya ang sulyap ng mga tao sakaniya malamang ay nagtatakha ang mga ito kung sino siya pero hindi niya initindi ang mga ito.

Tiningnan niya ang pambisig na orasan at tumingin sa direksoyn ni Jeffrey, mataman itong nakatingin sakaniya kaya tiningnan niya ito na tila nagtatanong kung start na. Ngumiti siya sa paligid nang tumango ito at sumenyas na magsimula na.

"Goodmorning. Thank you all for being present here, although one of the executive can't make it here today for a business trip reason in Singapore, he was sent personally by the CEO himself." Pag-umpisa niya at bahagya siyang tumigil.

Muling dumako ang tingin niya kay Jeffry, mataman ang titig nito sakaniya na tila kakaiba. She swallowed and smiled professionally with her head high.

"Today's agenda is about quarterly preformance, financial reports, and partnership proposals. Concerning documents were distributed in advance, please refer to them as we proceed with the meeting." Pagpapatuloy niya.

"By the way, I'm Alyana Lopez, I am newly hired by Mr.Anderson himself as his executive assistant. Nice meeting you all."

Yumuko siya at nakahinga siya ng maluwag nang makita niya ang mga pagtango at pang-ngiti ng mga tao sakaniya.

"The CEO, Mr. Anderson will procced with the meeting." Sabi niya at tiningnan si Jeffrey. Tumayo ito at naglakad na papalapit sakaniya.

She handed the mic over to him and she was about to leave when he suddenly held her hand that startled her. Suddenly, there was a notable silence in the boardroom. Bilang napatitig siya sa mga mata ni Jeffrey na nakatingin sakaniya ng makahulugan.

What baffled her next was Jeffrey entertwining their hands before facing the audience while his other hand held the mic to his mouth.

"Why did you forgot the most important part?" Sabi nito sa mic at tiningnan siya ng nakangiti, tila kakaibang bersyon ng Jeffrey Anderson ang nasa harapan niya.

May nakalimutan siya?

"I know it's not significant right now but I hold this matter an important knowledge to everyone, this lady here is not just my executive assistant but also my wife. She's Alyana Lopez-Anderson."

She was left with no word. Bigla sa mga minutong iyon at napatitig siya kay Jeffrey. Noong una ay wala man halaga sakaniya ang katotohanang nagpapanggap siyang asawa niya, na nagpirmahan sila kahapon, pero iba na pala ngayong inanunsiyo na ito sa harap ng maraming tao. Tila nakaramdam siya ng kakaiba ngunit kaagad niya iyong winaglit sa isipan.

Mabilis siyang umiwas ng tingin sa lalaking ngayon lang niya napagtantong asawa niya sa papel kahit na hindi naman talaga niya ito lubusang kilala.

Hindi siya pwedeng makaisip ng kahit na anong kalokohan. Isa lang itong misyon para sakaniya.

Huminga siya ng malalim at narinig naman niya ang palakpak ng iilan pero napatingin siya sa ibang mga taong tila hindi natutuwang nakatingin sakanila.

"Don't ever remove this ring again, okay? I know you're a bit shy to present yourself as my wife within your first day of work, but you should get used to it." Sabi pa ni Jeffrey at itinaas ang magkahawak nilang kamay at hindi niya alam kung saan nito galing ang singsing na biglang pinasuot sa palasingsingan niya. Napatitig siya sa gold ring na may kumikintab na bato na alam niyang nagkakahalaga ng milyones.

Tila bumigat ang paghinga niya. Hindi niya nagustuhan ang rekasyon niya sa mga sandaling iyon sa harapan ng lalaking nakangiti ngayon sakaniya ng matamis habang hawak ang kamay niyang kakasuot lang nito ng singsing. Gamit ang pares ng mga mata nitong tila hinihipnotismo siya.

Ano ba 'tong pinasok mo, Alyana!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Spying my Billionaire Husband   Kabanata 41

    NGUMITI si Alyana habang nakatitig sa Ina ni Jeffrey na nagsasandok ng pagkain mula sa mga kaserola at inlalagay ito sa mga pinggan. Jeffrey's mother looks really excited and happy. Manubig-nubig pa ang mga mata nito habang abala sa ginagawa, habang siya naman ay inaayos ang hapagkainan tulad ng sinabi nitong maaaring niyang gawin. "Sakto at ganitong oras kayo napunta rito dahil magtatanghalian na." Masayang sabi ng Nanay ni Jeffrey. Ngumiti siya at tumango tapos ay napasulyap sa direksyon ng sala kahit na pa hindi naman niya makita sina Jeffrey at ang Tatay nito. They can't even hear any conversation from the kitchen and she can't help but to worry.Mukhang napansin iyon ng Nanay ni Jeffrey nang hindi niya naramdaman ang pagtayo nito sa tabi niya at ang masuyong paglapat ng kamay nito sa itaas ng kamay niyang nakapatong sa mesa. Nagsalubong ang tingin nila ng ginang at gulat niya itong tiningnan. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano kausapin si Jeffrey kaya't iniwan ko nalang s

  • Spying my Billionaire Husband   Kabanata 40

    "JO! JO!" May pagmamadali at aligagang tawag ng Nanay ni Jeffrey habang naglalakad sila patungo sa bahay. Hindi mawari ni Alyana kung excuted lang ba ito o natataranta. Gayunpaman at napangiti siya nang higitin niya si Jeffrey na naiiwan sa lakad at nasa likod lang niya. Walang emosyon ang mukha nito pero hinala niya ay kinakabahan lang ito. Ikinawit niya ang braso niya sa braso nito para masiguradong sumusunod ito sa lakad nila, nauuna naman ang Nanay nito habang si Jeffrey ay iniikot nito ang tingin sa paligid. The wind is blowing a little strong than usual. The sound of dry leaves rustling whenever the wind blows brings the feeling of warmth, peace, and soothing province life. The sound of the leaves of the two mango trees blows a little louder but to her, it felt like home. It's so therapeutic. Napahinga siya ng malalim habang nakangiti. Kung sa estado ng buhay ni Jeffrey ay makikitang mahirap ang buhay na ganito kumpara sa marangyang buhay na kinagisnan nito, but for Alyana who

  • Spying my Billionaire Husband   Kabanata 39

    NAPALUNOK si Alyana habang dinudungaw ang bahay sa loob ng gate na may kalumaan pero hindi naman kalawangan. Ang disenyo nito ay gaya ng old-fashioned grills na gates na purong bakal. Nakapintura ito pero kita na ang kalumaan. Kaya't sa kabila ng mga grills ay makikita ang loob ng gate. Isa itong malawak na espasyo na sa tingin niya ay kakasya ang apat na bungalow house, pero tanging iisa lang ang bahay sa loob ng malawak na lupa tapos ay dalawang punong malaki at malawak na lupa at ang ilang bahagi ay may damo.It's a normal and typical house and lot on such small town. Tiningnan niya si Jeffrey na diretso lang ang tayo habang nakapamulsa at tabi niya at nakatingin lang ito sa loob, pero hindi katulad niya ay seryoso ang mukha nito at ni hindi ito nakurap. Siniko niya ito kaya't napalingon na ito sakaniya at sa emosyon nito ngayon sa mukha ay pawang hindi na nito magawang ngumiti. "Walang doorbell, tatawag ba tayo?" Tanong niya. Jeffrey just looked away. "It's up to you, ikaw ang

  • Spying my Billionaire Husband   Kabanata 38

    NAPALAYO ang tingin ni Alyana nang alalahanin niya ang minsan niyang naging pangarap para sa sarili. Pero ang batang siya noon ay alam na ang reyalidad na imposibleng makamit iyon. "Dati..." Mahinang sambit niya at napahinga ng malalim, "..gusto kong maging dentista." Pagtuloy niya ngunit halos pabulong lang.Malungkot siyang ngumiti at tumingin kay Jeffrey na nakatitig lang sakaniya."I see. Why not pursue it, then?" Tanong pa nito. Umiwas na siya ng tingin at umiling, "Hindi na iyon ang priority ko ngayon. Dati pa 'yon, ngayon nagbago na ang lahat. Siguro ay hindi lang talaga para saakin iyon." Wind blew and it touched their skin. Her hair followed the rythm briefly until the wind has calmed down just like how her heart has accepted the bitter truth of her past and dreams. "Bata ka pa, pwede pa iyon. I will help you-"No." Pigil niya sa sinabi ni Jeffrey. Ngumit siya ng tipid ng may iling. Tiningnan siya ni Jeffrey pero hindi na ito nakaangal. Maaaring na-realize nito na wala p

  • Spying my Billionaire Husband   Kabanata 37

    KUMABOG ang puso ni Alyana nang tingnan siya ni Jeffrey ng nakakunot ang noo at tila hindi nasiyahan sa kaniyang nabanggit. Ngumiti lang siya ng tipid rito at napaiwas ng tingin. "Nanay ko? My mom? What did you just say?" Pag-ulit pa nito na mahihimigan ang talim sa tono.Nakaramdam siya ng kaba. She feels like she suddenly went out of line. But she feels like she needs to tell him and this is the perfect time.Tumikhim siya, "Last week there was a call. Hindi ako sure noon kung maling tawag lang iyon, but after the confrontation with your grandfather, I have learned that you don't have healthy relationship with your parents. That explains the woman's longing voice and sentiments. She called you Austin." Paliwanag niya. Upon hearing the name Austin, Jeffrey was convinced immediately.Muli siyang lumingon kay Jeffrey at nakita niyang nakatitig ito sakaniya. Napatitig rin siya sa mga mata nito nang makakita siya ng kakaibang emosyon sa mata nito. Lungkot at pangungulila. Lumamlam a

  • Spying my Billionaire Husband   Kabanata 36

    TAHIMIK lang si Alyana habang lulan sila ng sasakyan. Nakatingin siya sa labas at hindi niya matingnan si Jeffrey na tahimik ring nagmamaneho. Hindi nga niya alam kung bakit ito pa ang nagmaneho kahit pa pwede naman nitong utusan si Charlie. Tinintingnan niya lamang ito kapag nagtatanong ito ng daan at kung liliko na ba. Tanging ang music lang ang nagbibigay buhay sa byahe nila. "Iniiwasan mo ba ako?" May himig na inis sa boses nitong biglang nagsalita kaya't gulat siyang napalingon rito. Mabilis itong sumulyap sakaniya matapos ay muling tinuon ang atensyon sa daan. Saglit siyang ngumiti nang makita niya ang kunot nitong noo. "Bakit naman kita iiwasan?" Nagmamangan na tanong niya at palihim na napahinga ng malalim dahil bumilis ang sikdo ng dibdib niya. Jeffrey smirked but a smug one, "Bakit nga ba?" Walang tingin na tugon nito. "Busy ka at marami tayong ginagawa. Normal lang iyon, hindi ba? Secretary mo ako, boss kita." Paglilinaw niya. Sumulyap muli sakaniya si Jeffrey ng kun

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status