ALYANA
Sampung milyon kapalit ng pag-eespiya sa opisina ng isang kilalang bilyonaryo. Bakit siya? Dahil wala siyang alam sa papasukan niya, hindi siya madaling pagbintangan, ang goal lang niya ay makuha ang mga impormasyon na naglalaman ng susunod na hakbang ng kumpanya sa loob ng anim na buwan, pagkatapos niyang mag-espiya at makakuha ng sapat na impormasyon, okay na, may sampung milyon na siya. Para sakaniya, hindi lang iyon simpleng sampung milyon, para sakaniya hindi lang iyon kayamanan, para sakaniya na nagmula sa kahirapan ng buhay, lahat ng pagsubok at pagkabigo sa buhay ay naranasan niya, para sakaniya ang sampung milyong iyon ay katumbas ng kalayaan. Kalayaan mula sa nakaraan, mga panahong wala siyang malapitan, wala siyang mahingan ng tulong sa kabila ng pag-aagaw buhay ng Nanay niya hanggang sa namatay ito. Para sakaniya, ang sampung milyong iyon ay magiging tulay sa kalayaan niya mula sa masalimuot na kahirapang naranasan niya. Sapat iyon para makaalis sa lugar kung saan siya lumaki at nagmakaawa sa iba't-ibang tao, sapat iyon para makabili ng lupa sa ibang lugar at makapamuhay ng hindi nag-aalala sa kinabukasan. Napahinga siya ng malalim habang nakatitig sa mataas na building sa harapan niya. Suot ang maiksing palda at hapit sa katawan na blazer na kulay itim ay ilang beses siyang napahinga ng malalim habang hawak ang envelope na naglalaman ng pekeng impormasyon tungkol sakaniya, Sa oras na pumasok siya sa building ay hindi na siya makakaatras pero hindi siya natatakot, desidido siya para sa sampung milyon at wala siyang aatrasan. Pumasok na siya at kinapkapan ng guard, mabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba pero pinanatili niyang kalmado ang kaniyang mukha. Sinabing magtungo siya sa fifth floor. Pagdaitng niya, isang lobby na may receptionist ang bumungad sakniya. Nakatingin ito habang papalapit siya rito. Receptionist palang mukhang nang mamahalin, high-class tingnan, ang boss pa kaya? Ngumiti siya ng matamis pero hindi mawala sa tingin niya ang dalawang pintuan at tig-isang lalaki ang naktayo sa harapan na mas lalong nakadagdag sa tensyon niya. "Applicant?" Tanong ng receptionist. Tumango siya at nailibot ang tingin sa paligid. Puro marmol at may malaking logo ng mga letra na dinisenyo ang nasa dingding na may ilaw para makalikha ng ilusyon na lumuluntang ito. AH at Anderson Holdings ang nakasulat sa ibaba. May tinawagan ang receptionist at nang ibaba ito ay napatingin siya rito. "Sige pasok kana sa unang pintuan." Sabi nito kaya tumango siya at sa bawat hakbang niya ay dumadagdag ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya mawari kung natatakot ba siya dahil malaking tao ang babanggain niya, o kinakabahan siya dahil baka mablangko siya sa harapan ng boss ng buong building na ito. Pumasok na siya sa loob. Simpleng design ang bumungad sakaniya na opisina`. Malawak ang espasyo, malaki ang glasswall na nagbibigay ng liwanag sa buong opisina at matatanaw mula rito ang buong siyudad. Malinis at nagsusumigaw ng kapangyarihan ang bawat sulok. Ang mga sulok ng mata niya at naghahanap ng mga cctv, bilang isa siyang espiyang ipinadala rito, kailangan niyang kaagad malaman ang mga blind spot ng opisina, pero wala siyang mahagilap ng cctv. Napalunok siya habang marahan ang lakad niyang nagtungo sa harapan ng table kung saan nakaupo ang isang lalaking nakayuko at may binabasa sa isang folder. Target on sight. Huminga siya ng malalim nang mag-angat na ito ng tingin. Inasahan niyang bata palang si Jeffrey Anderson dahil sikat ito bilang pinakabatang bilyonaryo na nagmana ng malaking kumpanya ng pamilya nila, pero ang hindi inasahan ni Alyana ay ang mga mata nitong may kislap na asul, naakbighani ang mga ito at hindi niya maiwasang hindi mapatitig. Ito ang kauna-unahang beses na nakakita siya ng ganitong pares ng mga mata na tila hinuhukay ang kaluluwa niya. Nawala siya sandali sa pokus pero kaagad iyong nawaglit at bumalik siya sa reyalidad nang tumikhim ito. Ngayon niya lang napansin ang seryosong mukha nito at ang matalim nitong tingin ay nagppaahiwatig ng pagkastrikto nito. "Done star- "Sorry Sir, ang ganda ng mga mata niyo 'e, hindi ko naiwasang tumitig." Hingi niya ng paumanhin, syempre kailangan magpa-goodshot, kailangan makuha ang loob para pagkatiwalaan ng mga importateng impormasyon. "Hindi mo man lang ide-deny?" Tanong nito na hindi niya inasahan. Sinalubong niya ang tingin nito ng may pagtatakha, "Deny? Ang alin sir?" Bigla itong umiling at tumayo. Muli ay nabighani siya sa katangkaran at kakisigan nito. Bigla siyang napaisip kung may asawa na ba ito. Mayaman, gwapo, matangkad, all-in-one, at swerte ng asawa nito kung gano'n. "Anyway, start by telling your name, age, and why should I hire you of out of all the dozen candidate that I just rejected before you. Precise, exact, brief, short answers only." Seryosong sabi nito ng may accent. Pati boses ay maganda rito. Ngumit siya, "Alyana Lopez, 26, matalino, masipag, maunawain, madiskarte, makatao, makakalikasan, at makabansa." Proud na sagot niya at inilapag ang resume sa table nito. Akala niya ay hindi ito natuwa sa sagot niya dahil sa magkasalubong na kilay nito nang bigla itong ngumisi ay napahinga siya ng maluwag at napangiti rin. "Okay, if I hire you, you will be my secretary, we'll be working closely everytime, what are your expectations of me?" Tanong pa nito. Napatitig siya sa mukha ni Jeffrey Anderson. Sa totoo lang ay wala naman talaga siyang ineexpect rito, ang nasa isipan niya ay kung paano niya mapagtatagumpayan ang trabahong ito na tinanggap niya kapalit ang sampung milyon. Ngumiti siyang muli, "Hmm, wala." Pagtatapat niya. Kita niya ang pagkatigil ng lalaki. Tumitig ito sa mukha niya ng ilang saglit hanggang sa napahinga ito. "Bakit wala?" Tanong pa nito. Nagkibit-balikat siya, "Kapag nag-expect ako parang nililimitahan ko 'yung kakayahan niyo. Syempre doon kong susukatin sa expectation ko ang bawat pakikisama sa'yo which is ayoko. Naniniwala ako sa kasabihang, 'Ipakita mo kung sino ka'." Sagot niya at sa pagkakataong ito ay hindi na ngumiti pa ang lalaki. "Sabi mo ay wala kang expectations, but you sounds more like looking forward to us working together, why is that?" Matalino nga ito at nakuha pa nitong busisihin ang mga isinasagot niya, pero hindi siya nagpatinag at muling ngumiti ng abot tenga. "That's the point Sir kaya nandito ako. Nilo-lookfroward ko ang trabahong ibibigay mo saakin pero hindi ikaw." Sagot niya. Nagp-playsafe lang siya pero hindi niya inasahan ang mga personal na tanong nito. Napatango naman ito sakaniya nang bigla itong umalis sa kinatatayuan at lumapit sakaniya. Naparahap siya rito at para siyang hinihigop ng mga mata nitong asul at idagdag pa ang katangkaran nito. "What is your reason for working? What is your ultimate goal?" Tanong pa nito sa harapan niya. "Money." Walang pakundangang sagot niya at sa pagkakataong ito at tinitigan niya ng diretso ang mata nito ng walang takot at pangamba. Gusto niya ng pera at nandito siya para pera. nakatayo siya ngayon sa harapan nito bilang espiya kapalit ng pera. Napatango ang lalaki. "Good. Last question, would you do anything for money?" "Yes. Gladly, with a heartbeat." Sagot niya ng mabilis sakto palang na naititikom nito ang bibig mula sa pagtatanong. Bigla nitong hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa at napatango bago bumalik sa mata niya ang tingin nito. "Good. You're hired, and my first task for you is..." Nagulat siya sa sinabi nito at napataas ang dalawang kilay habang hinihintay ang salita nitong nabitin sa ere. "...to be my wife."ALYANANakatulala siya ngayon habang nakahiga at nakatulala sa lampshade sa gilid ng kama niya. Nakatira siya sa isang simpleng apartment at ngayon ay hindi siya makatulog, hindi pa rin mawala sa isipan niya iyong nangyari sa meeting kanina. Nakatitig siya sa singsing na nasa daliri niya. Ano ba itong pinasok niya? Iyan ang ulit-ulit niyang iniisip. Bakit ba gano'n ang naging reaksyon ng katawan niya kanina? Napahinga siya ng marahas at umiling-uling bago muling nagmulat. No, Alyana! Nagulat ka lang sa ipinakita niya sa unang beses ng kasunduan niyo para sa pagpapanggap niyo bilang mag-asawa! Asahan mong may kasunod pa iyon at marami pa ang maari niyang ipakita sa harapan mo! Hindi ka pwedeng madala! Remember the rules, remember the contract! Para sa 20 milyon! Focus sa misyon, focus sa kontrata!Bumangon siya at nagsend siya ng text sa taong nagbigay sakaniya ng trabaho bilang espiya. Sinabi niya ang lahat ng detalyeng nakuha niya kanina sa meeting, project proposal and partnershi
ALYANAAng problema niya ngayon ay kung bakit meron siyang sarili niyang opisina! May secretary office, connecting room sa opisina ng boss at para sakaniya ay hindi ito maganda para sa misyon niya, kailangan niyang maging malapit sa boss niya!Kasalukuyan siya ngayon nasa opisina ng secretary habang kasama niya si Ms. Nica na siyang akala niya ay masama ang ugali pero mabait naman pala, wala lang talaga itong ekspresyon sa mukha at matalim palagi ang tingin. Kasama niya ito sa table nitong malaki at katabi ito habang tinuturan siya paano kalikutan ang mga files sa computer nito. Wala siya sa focus, ang naiisip niya ay kung paano makapasok sa opisina ng boss. Ang dami pala ng trabaho bilang sekretarya, hindi lang nagsasangkap ng kape at alalay sa boss, ang dami niyang kailangan matutunan! Panay ang sulyap niya sa marmol na dingding na alam niyang nagiging transparent sa kagustuhan ng boss. Hindi pa niya ito nakikita simula kahapon na natanggap siya at naging asawa nito ng biglaan! Sa
ALYANAKumurap-kurap siya habang nakatingin sa itim na may pagka-asul nitong mata. Trenta anyos na ito sa pagkakaalam niya, hindi naman siguro ito nakukulangan sa babae at lalo na sa estado nito sa buhay. Napatawa ng bahagya si Alyana pagkatapos ng mahabang katahimikan. Habang si Jeffrey Anderson ay nanatiling seryoso ang mukha na siyang lihim na nakapagpakabog ng puso niya dahil sa isipang baka hindi ito nagbibiro."Palabiro pala kayo Sir 'no?" Kaswal na sambit niya. Umiling ito at napamulsa. "I'm serious. Be my contract wife, just in name, I'll give you 10 million." Napanganga siya. 10 million? Anong meron sa sampung milyon na 'yan at iyan kaagad ang offer sakaniya ng lahat? Pero tila naghugis PESO ang mata niya nang icompute niya sa utak niya ang matatanggap niya kung tatanggapin niya ang offer ni Jeffrey Anderson. 10 plus 10 equals 20 million! Napangiti siya. "Okay, I'm in." Sagot niya. Basta pera, wala siyang uurungan, at isa pa, mas tataaas ang tyansa niyang makalapit rit
ALYANASampung milyon kapalit ng pag-eespiya sa opisina ng isang kilalang bilyonaryo. Bakit siya? Dahil wala siyang alam sa papasukan niya, hindi siya madaling pagbintangan, ang goal lang niya ay makuha ang mga impormasyon na naglalaman ng susunod na hakbang ng kumpanya sa loob ng anim na buwan, pagkatapos niyang mag-espiya at makakuha ng sapat na impormasyon, okay na, may sampung milyon na siya. Para sakaniya, hindi lang iyon simpleng sampung milyon, para sakaniya hindi lang iyon kayamanan, para sakaniya na nagmula sa kahirapan ng buhay, lahat ng pagsubok at pagkabigo sa buhay ay naranasan niya, para sakaniya ang sampung milyong iyon ay katumbas ng kalayaan. Kalayaan mula sa nakaraan, mga panahong wala siyang malapitan, wala siyang mahingan ng tulong sa kabila ng pag-aagaw buhay ng Nanay niya hanggang sa namatay ito. Para sakaniya, ang sampung milyong iyon ay magiging tulay sa kalayaan niya mula sa masalimuot na kahirapang naranasan niya. Sapat iyon para makaalis sa lugar kung saan