Share

Seven

Natapos na ang pinapanood naming movie. Tawa ako ng tawa dahil iyak ng iyak si Dianne. Halos hindi ko na napanood ang movie dahil sa kanya na lang nakafocus ang mata ko.

"Antok ka na?" tanong ni Dianne habang nagpupunas pa ng luha.

"Hindi pa." Sagot ko.

There's too much on my mind. Madaming tanong at hindi ko alam kung saan ko makukuha ang sagot. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari kay Joshua, pero natatako ako. Naungkat na naman kasi ang tungkol doon dahil nakita at nabasa ni Dianne ang journal ko. Idagdag mo pa ang stress na nararamdaman ko sa pagpasok ko sa Anderson Group of Companies. Kinakabahan talaga ako.

"Gusto mo ng tea?" pag-aaya ni Dianne. "Gawa tayo Anna, please." Pagmamakaawa niya.

“Nagkape ka na kanina, di ba?”

“Kanina pa naman 'yun. Kape kanina, tea ngayon. Please. Magkaiba naman sila, e.”

Hindi na bago sa akin ang pagiging tea lover ni Dianne. Bata pa lang kami ay gustong-gusto na niya ang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status