Share

Six

"Sure. Tara sa baba?" pag-aaya ko kay Dianne.

"Sige. Gusto ko ng hawaiian pizza, madaming pineapple."

Kung hindi ko siya kilala, I might think na nababaliw siya. Kanina umiiyak, tapos ngayon parang bata na nagrerequest sa mama niya kung ano ang gusto niya for dinner. But I know her, alam ko may tinatago siya. It's her way of keeping her thoughts inside her head.

"Anna?" tawag niya sa akin after ko tumawag sa pizza shop.

"Hmm?"

"Are you sure you're okay?" she asked me.

"Oo naman. Bakit?"

"Wala lang. Just making sure na okay ka."

Dianne hugged me so tight. I know she's really worried. I couldn't blame her. I know she can see it in my eyes. Sabi nga nila, 'eyes are the window to the soul'.

Ding dong!

Dumating na ang pizza na inorder namin. Just as Dianne wanted, maraming pineapple. Tuwang tuwa naman ang bruha dahil halos di na makita ang crust dahil sa dami ng pineapple. Tahimik kaming kumain, parang ang awkward tuloy. Then finally...

"Tell me about your boyfriend Dianne." Di ko na napigilan magsalita.

"Boyfriend ko? Wag na. Wala namang kwenta yun eh." ang cold ng sagot ni Dianne.

"Ang harsh mo naman sa kanya." natatawa kong sagot.

"Seryoso, wala siyang kwenta. Feeling ko nga niloloko niya lang ako. Pero syempre, dahil mahal ko siya, di ko siya iiwan."

"Hoy lakas makahugot ah? May dala ka bang baul galing Spain?" I said just to make the conversation lighter.

Natawa na din lang siya sa kakornihan ko.

"Pero tama naman di ba? Kapag mahal mo, willing ka magtake ng risk para sa kanya. Kaya mong i-tolerate yung mga kalokohan niya sa buhay. At hindi ka mapapagod intindihin siya."

"Tama." maikling sagot ko. “Pero lahat naman may hangganan di ba?”

“Malayo pa ako sa hangganan. Kaya hindi ko pa iniisip ‘yun.”

“Tampuhan lang ito. Hindi naman big deal ang pag-aaway namin.”

"Pero anong balak mo? Mahal mo pero nasasaktan ka. Sure ka ba na mahal ka din niya?"

"Anong klaseng tanong ba yan Anna? Syempre mahal ako nun." ngumiti siya pero bakas pa din ang pait ng kanyang itinatago.

"Wala lang, naisip ko lang itanong." bawi ko naman.

"Kumain na nga lang tayo Anna."

Halos hindi kami nag-uusap ni Dianne.

--

“Ano nga pala ang balak mong gawin dito?” tanong ko ulit kay Dianne.

“Bakasyon lang.”

“Bakasyon? Sa trabaho? Super nakakastress ba ang work mo?”

“No. Bakasyon sa bakasyon.”

“What?”

“Wala naman kasi akong trabaho sa Spain.”

“Wow! Big time ka pala dun?”

“No. Hindi ako yung big time, yung boyfriend ko ang big time.”

“Really? Anong trabaho n’ya? May sariling company? Business?”

“Family company yata. I’m not sure.”

“Not sure? Paano kung sindikato pala?”

“Hindi naman siguro. Mukhang malinis naman.”

“Sus! Yung boss ko nga mukhang matino pero parang palaging nakatambay sa gentleman’s club.”

“Alam mo, I want to meet that Gabriel Anderson.”

“Naku! Wag na!”

“Bakit naman?” nagpout si Dianne.

“You wouldn’t like him. Masyadong maangas.”

“Sus! Ayaw mo lang yata maagawan.”

“Wala namang aagawin. He’s just my boss.”

“Really? Not from where I stand.”

“What do you mean?”

“You exactly know what I mean Anna banana."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status