“‘Wag mo akong tingnan ng ganyan,” sabi ko kay Casey habang isa-isa kong nilalagay ang aking mga damit sa maleta. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto ng Terrence Montemayor na ‘yon.
“Nag-aalala lang naman ako sayo,” mahina niyang tugon. “Pero naiintindihan ko dahil nakakalula talaga ang sweldo mo kaya ang hirap pakawalan lalo at sinisingil ka na rin ng hospital. Kaya lang Bestie, sure ka ba na kakayanin mo? Paano kung pahirapan ka ng Terrence na yon?”
Huminga ako ng malalim at tsaka nag-isip. ‘Yan din ang inaalala ko, pero kahapon maghapon ay hindi ko naramdaman na pinersonal niya ako.
“Hindi naman ako papayag sa hindi makatwirang pagtrato and I'm sure alam nya rin ‘yon.”
“Sabagay, mapagpatol ka pa naman. Nang magsabog yata ng pasensya ang Diyos ay nagpayong ka na, nagkapote ka pa. Ayan hindi ka man lang naambunan at kahit konti ay wala kang nasalo.”
Tinawanan ko na lang ang sinabi niya dahil may katotohanan naman din. Kaya kung iniisip ng hambog na ‘yon na maalipusta niya ako, nagkakamali siya.
Sa ngayon talaga ay kailangan kong lunukin ang pride ko pero gagawin ko pa rin ang best sa aking trabaho. Hinding-hindi ko bibigyan ng pagkakataon ang Terrence na yon na makitaan ako ng hindi maganda, ang bilis pa naman niyang mangsisante. Imagine, pinahahanap niya agad ng ibang PA si Warren kahapon imbis na magpaliwanag sa akin!
“Balitaan mo ako araw-araw. Sabihin mo sa akin ang mga nangyayari sayo para naman kung isinako ka na pala ng Terrence na ‘yon at tinapon sa Pacific Ocean ay maipahanap kita agad.”
Natawa ako sa sinabing iyon ni Casey, kahit kailan talaga ay napaka-OA ng bruhang ito. Sabagay, kaya nga kami mag-bestfriends ay dahil sa ugali niyang iyon. Sa mga pinagdaanan ko ay siya ang isa sa naging dahilan para kahit papaano ay maging magaan ang pakiramdam ko.
“So, doon ka na sa condo ni Terrence uuwi ngayon? Talagang binigay niya sayo ang buong araw na ito para lang makapaglipat? Wow! Hindi kaya may tama lang sayo ‘yon?”
“Alam mo naman na matagal ng may tama sa utak ang hambog na ‘yon. Ang sabihin mo, gusto lang niya na alipinin ako. Isipin mo, pagkain, damit, lahat daw ng pangangailangan niya!”
“Sa tingin mo ba pati pangangailangan sa kama ay–”
“Hoy!” agad kong awat sa sasabihin niya sabay takip sa aking dibdib. Medyo malusog pa naman ‘yon.
“Hindi ba dapat yang kepyas mo ang takpan mo dahil kahit ilang milyong beses niyang susuhin yan eh walang mangyayari, masasarapan ka lang. Pero kapag yang pukelya mo ang nadali, siguradong may little Evelyn ka kung hindi man ay little Terrence.”
Mabilis kong nailipat ang dalawang kamay ko sa pagitan ng aking mga hita na tinawanan naman ng malakas ng bruha kong bestfriend. Inirapan ko siya at nagpatuloy na lang sa pag-e-empake.
“Nakakainis ka! Kung anuman ang pinaggagagawa niyo ni Orion ay ‘wag mo na akong idamay. Sa igi-igi at wala akong muwang sa mundo eh…”
“Pero alam mo, napaka-timely rin ng nangyari.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at kita ko ang kaseryosohan sa kanyang mukha. “Hindi ko alam kung paano ko sasabihin dahil next week ay darating na ang dalawa kong kapatid. And I don’t think magkakasya pa tayo dito kung sakali.”
Bakas sa kanyang mukha na nahihiya siyang sabihin iyon sa akin. Natigilan ako dahil sa tuwing mag-uusap kami, lalo na nitong nakaraang araw lang ay hindi ko man lang siya kababakasan ng ganitong isipin niya.
Ngumiti ako at inabot ang kamay niyang may hawak ng aking t-shirt. “Thank you so much, for taking care of me sa nakaraang mga taon. Hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon kung hindi dahil sayo.”
“Ano ka ba, kaibigan kita kaya hindi ko naman syempre hahayaan na may mangyari sayong hindi maganda.. Isa pa, alam ko na kung sakali at mangyari sa akin ang nangyari sayo ay hindi mo rin ako pababayaan.”
Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at lumapit sa kanya. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha dahil sa totoo lang, siya ang naging sandalan ko after mawala ni Dad at ma-comatose naman si Mommy.
Mabilis ko siyang kinulong sa aking mga bisig at sabay pa kaming umiyak ng malakas pagkatapos na akala mo ay mga batang paslit.
“Mamimiss kita!! Wala ng magtitiklop ng mga damit ko!!’ Doon ako natawa ulit. Kahit kailan talaga ang babaeng ito, panira ng moment. Nagdadrama na kami ay nakuha pang magbiro.
Siguro nga ay maigi na nga ang nangyari. Sa dalawang taon na pagtira ko kay Casey ay nakakahiya na rin. Tapos wala man lang akong regular na maibigay sa kanya kahit na lagi naman akong may trabaho dahil sa hospital nakalaan ang lahat ng kita ko.
Bahay, tubig at kuryente. Isama mo pa ang pagkain na madalas din niyang nililibre sa akin.
“Casey…” tawag ko sa kanya habang bumalik na kami sa pagtitiklop.
“Hmm?” tugon niya.
“Time will come, may magagawa din ako para sayo.” Nag-angat siya ng tingin sa akin at nakangiti na tumango. Alam ko ng hindi siya naghihintay ng kapalit sa lahat ng naitulong niya sa akin. Ngunit gusto ko pa rin na suklian ang kabutihan niya.
Sa apat na maleta nagkasya ang mga damit ko. Pero lahat lahat na ‘yon. Ang ibang mga mamahalin kong gamit ay binenta ko isang linggo pa lang nao-ospital ang Mommy. Bago ‘yon ay kinuha na ng kung sino-sino ang mga laman ng bahay namin para bayad sa nadispalko daw ng aking ama at wala kaming nagawang mag-ina kung hindi panoorin sila habang nililimas lahat ng meron kami.
Literal na pambahay at pamasok na damit lang ang meron ako ngayon lalo at wala naman akong extra na pambili ng kahit na anong hindi ko kailangan at hindi importante.
“Ma’am, nandito na po ako sa tapat ng apartment niyo,” basa ko sa text mula kay Mang Oscar.
“Sige po, lalabas na ako.” Pinindot ko ang send button bago tumingin sa aking kaibigan na mangiyak-ngiyak na naman. Tumayo ako sa kama at inayos na ang aking mga maleta.
“Tulungan na kita,” sabi niya sabay hila sa dalawang luggage. Hinayaan ko na kasi hindi ko rin naman kayang hilahin ng isahan ang mga ‘yon. Nauna na siyang lumabas ng silid at sumunod akong hila ang dalawa pang maleta.
Sa labas ng apartment ay naroon at nakatayo si Mang Oscar na agad na lumapit at siya ng naglagay sa sasakyan ng mga dalahin ko. Kinuha ko naman ang pagkakataon upang muling magpasalamat sa aking kaibigan.
“Basta ‘wag mong kakalimutan na magtext araw-araw, okay? Kung hindi ay mag-aalala ako ng husto.” Nakalabi pa siya, kaya parang batang lungkot na lungkot ang peg niya.
“Oo na, kaya magre-reply ka rin.” Tango lang ang tinugon niya sa akin bago kami naghiwalay. Sumakay na ako sa sasakyan dahil nakakahiya rin namang magpahintay kay Mang Oscar na akala mo ay personal driver ko siya.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang bumibiyahe. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatagalan si Terrence. Pero para kay Mommy, handa akong lunukin ang pride ko. Kung ang hambog na ‘yon ang makakatulong sa akin, so be it.
“You can do this, Evelyn,” bulong ko sa aking sarili, literal na pinapalakas ang aking loob.
Dahil sa nalaman ko, nagdesisyon akong lakasan ang loob ko. Hindi naman pwedeng siya na lang lagi ang nagbibigay. Kahit nahihiya ako, kailangan ko ring gampanan ang duties and responsibilities ko bilang asawa ni Terrence. This time, gusto kong maramdaman niyang kaya ko rin.Nagsimula akong magplano ng mga gagawin ko. Kahit na nakakadama ako ng hiya ay sinikap ko na kitlin 'yon.Mas maaga kaysa normal kaming umuwi. Naisip ko, tamang tama sa plano ko. Pero pagdating sa condo, trabaho pa rin agad ang inatupag ni Terrence. Napairap ako nang bahagya, sabay inikot ang mga mata ko sa kanya. Parang hindi man lang napagod.“What’s wrong? Anong kinagagalit mo?” tanong niya, clueless talaga. Seriously, how can he be so dense?“Kakarating lang natin mula sa office. Ni hindi ka pa nga nakapagpalit ng damit, trabaho na naman?” may halong inis at tampo kong sabi.Hinubad lang niya ang coat, sinipa sa gilid ang sapatos, at isinunod pa ang medyas bago umupo sa sofa. Agad niyang inayos ang laptop sa ce
“Good morning, baby…” nakangiting bati sa akin ni Terrence pagdating niya sa dining area, bitbit pa ang bango ng bagong ligo at amoy ng cologne niya na parang sinadya talagang manggulo ng umaga ko. Ngumiti ako, pilit man, at bumati rin sabay iwas ng tingin.“Good morning, baby.”Nilapag ko ang niluto kong bacon, ham, at egg sa mesa. Kumpleto na sana ang almusal namin, siya na lang talaga ang kulang. Umupo ako at nag-ayos ng upuan, pero napansin kong hindi pa rin siya kumikilos.Paglingon ko, nakatitig siya sa akin. Diretso. Parang may gusto siyang basahin sa mukha ko.“What’s wrong?” tanong ko, nagtataka pero medyo kinakabahan.“You.”Napakunot ang noo ko. “Why? What did I do?”“Not do. Say.”“Ah…” Pinilit kong ngumiti. “What about it?”“You just called me baby.”Tumaas ang kilay ko, nagkunwaring chill kahit medyo nag-init ang pisngi ko. “Ayaw mo? Okay, fine.”“No!” mabilis niyang sagot, halos sabay pa sa pagtawa. “Gusto ko. Gustong-gusto, actually. Nagulat lang ako dahil—”“Wala nama
Hindi ko akalain na sobrang dami ng pamimili namin. At mas lalong hindi ko akalaing puro para sa akin pala iyon. Napanganga na lang ako habang isa-isa niyang ipinapasa sa saleslady ang mga napupusuan niya. Parang wala na akong karapatan pang tumanggi. Bawat “Ay, bagay ‘to sa’yo, hija” niya ay may kasunod agad na “Bill it.”Ang ending? Ako ‘yung parang mannequin na sinusubukan ng lahat ng best finds ni Donya Teresita. Literal na shopping spree na parang ako ang project of the day.“Maraming salamat, hija,” sabi niya habang inaayos ang suot niyang pearl earrings, very classy pa rin kahit pagod na. “Alam kong naiilang ka pa sa ngayon dahil bago pa lang kayo mag-asawa ni Terrence. Pero wala kang dapat alalahanin dahil seryoso sayo ang anak ko.”Halos mabilaukan ako sa sinabi niya.Totoo lang ha… seryoso? Siya? ‘Yung hambog na ‘yon?Nasa dulo na ng dila ko ang “Yun ang tingin niyo,” pero syempre, hindi ko magagawang isaboses. Hindi rin naman niya alam ang tungkol sa kontrata namin. At kahi
“What’s going on?” tanong ko, medyo mataas ang boses. Sabay pa silang napatingin sa akin. Sabay talaga, as in synchronized swimming level. Lalo lang akong naghinala. Para silang mga batang nahuli na may ginawang kalokohan sa likod ng school building. 'Yon ang pakiramdam ko.“Terrence!” this time mas malakas na ang pagtawag ko sa pangalan niya. Ramdam ko yung init na umakyat sa pisngi ko hindi dahil nahihiya ako, kundi dahil naiinis ako sa kanya at sa partner in crime niyang si Warren.“Relax, Baby. Wala pa ngang sinasabi si Warren oh,” sagot niya sabay ngisi. Normally, ang cute niya kapag ganon, yung tipong nakakatunaw ng matigas na puso. Pero ngayon? Hindi ko makita yung ka-cute-an na sinasabi ng universe. Ang nakikita ko lang ay isang lalaking may tinatago at proud pa kaya nangingibabaw sa akin ang inis.“Wag mo akong ma-‘baby baby’ d’yan, Terrence. Kahit anong pagtatago mo, sigurado akong meron something.” Sinabayan ko pa ng matalim na tingin na parang sinasabi, subukan mo pa akong
“Anong nangyayari dito?”Bigla akong natigilan sa aking kinatatayuan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang baritonong boses na hindi ko inaasahan.“S-Sir…” halos sabay-sabay na tugon ng mga kasamahan ko. Nagtunguhan silang lahat, mabilis na nagsitayo, halatang hindi alam kung saan ilalagay ang sarili.“I’m asking, anong nangyayari dito?” Ulit ni Terrence, this time mas mababa ang tono, mas nakaka-pressure. Ramdam kong kumakabog ang dibdib ng lahat, pati na rin ako.“Wala po, Sir.” Nakakabilib din si Carmie. Dire-diretso niyang tinitigan si Terrence na para bang wala siyang ibinato kanina lang. Para siyang actress sa teleserye, kalma sa labas pero siguradong nagpa-panic na sa loob.“Hindi ko gusto na nagkakaroon ng kahit anong tsismisan sa loob ng opisina,” madiin na sabi ni Terrence, dry and straight. “Sinasahuran kayo para magtrabaho, hindi para pag-usapan ang inyong colleague.”“Y-Yes, Sir,” halos sabay-sabay na sagot ng mga secretary, parang mga estudyanteng
Maayos ang naging takbo ng trabaho namin ni Terrence. May mga usap-usapan akong naririnig tungkol sa lalaki at sa mga babaeng nauugnay dito, puro bulung-bulungan na sigurado akong nagmula pa sa mga empleyado ng MHI. Wala namang chika noong nakahiwalay pa ang Nylerret, kaya obvious na sa opisina ng family business nila nagsimula ‘yang mga yan.Pinagkibit-balikat ko na lang. Pinanghawakan ko pa rin ang salita ni Terrence; alam kong hindi niya ako lolokohin. May weird na kapanatagan sa dibdib ko tuwing naiisip ko ’yun, parang may maliit na apoy sa ilalim ng paniniwala na hindi basta-basta mawawala dahil sinabi naman niya sa akin na hindi niya ako lolokohin.“Ang pogi talaga ni Sir, ang swerte ni Miss Evelyn dahil magkasama sila sa office…” usal ng isa sa mga secretary habang kumakain sa pantry. Si Terrence, yeah. Hindi naman pangkaraniwan, pero hindi rin ako nahuhulog sa tipo niyang popularidad. Still, nakakapanibago.“Ano bang swerte?” mataray na sabat ni Carmie, bakas sa tinig niya ang