Shit, nakakagigil. Alas otso pa ang time pero putik, alas kwatro pa lang ay ginising na ako ng hambog. Mag-e-exercise daw siya at gusto niya na pagnatapos siya ay handa na ang agahan.
“Why don’t you eat?” tanong pa sa akin ng magsimula siyang sumubo.
“Pagkatapos mo na, SIR.”
“Masama ba ang loob mo na ginising kita ng maaga?” Nagtanong pa talaga ang hambog. Pero syempre, hindi ko pwedeng sabihin na “oo”.
“Bakit naman sasama ang loob ko eh bayad ako?” Binitawan niya kutsara at tinidor at tsaka ako tinitigan.
“Kung hindi ka kakain ay umalis ka sa harapan ko,” madiin niyang sabi. At bakit ko naman tatanggihan ‘yon? Mabilis akong tumalikod at nagpunta sa aking silid.
Dahil wala naman akong ibang gagawin ay nagdesisyon na lang akong magsimula ng gumayak para pumasok. Naligo na ako ngunit pambahay pa rin ang sinuot ko. Alas singko y medya pa lang naman kasi.
Paglabas ko ng aking silid ay binalikan ko sa dining area si Terrence at napansin kong nandoon pa rin siya.
“Anong susuotin mo, SIR?” Madiin pa rin ang pagkakasabi ko ng estado niya dahilan upang kumunot ang kanyang noo. Ang akala ko ay papatulan niya ako ngunit huminga ito ng malalim at nagsalita.
“Kung ano ang makita mo don na pwede kong maisuot.” Magkahinang ang aming mga mata and for a moment, may kung ano akong nakitang emosyon sa kanyang mukha. Hindi iyon galit or pagkainis. Pinilig ko ang aking ulo at sasagot na sana ngunit nagpatuloy pa siya.
“Make sure na maayos, yung hindi ako mapapahiya sa kahit na sinong kliyente na kaharap ko pati na sa mga empleyado. Kung galit ka sa akin, ‘wag mong ibuhos sa trabaho mo dahil hindi rin ako magdadalawang isip na sisantehin ka.”
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay sinasadya niya ng iparamdam sa akin ang mahigpit kong pangangailangan. “Alam mo, puro ka pananakot. Bakit hindi ka na nga lang maghanap ng ibang PA?” Nainis na ako, dahil pangalawang beses na ito.
“Hindi kita tinatakot. Kilala lang kita kaya ko ‘yon sinasabi. Ayaw ko ng kahit na anong aberya sa trabaho na dulot ng mga taong hindi kayang maging professional. You accepted this job knowing na ako ang boss mo kaya panindigan mo.”
Point taken, pero syempre, hindi ko aaminin ‘yon sa kanya.
“Bakit hindi mo pa diretsahin na sabihin sa akin na wala kang tiwala na magagawa ko ang trabaho ko ng maayos?” galit ko ng tanong.
“Kung wala akong tiwala eh di sana una pa lang ay pinalitan na kita. Ang aga-aga ang ingay-ingay mo, ang simple lang naman ng sinabi ko.”
“Ano ang simple don? Sinabi mo kilala mo ako, tapos ay sasabihin mo rin na ‘wag kong ibuhos sa trabaho ang galit ko sayo?”
“You know what, kumain ka na lang na at ako na ang bahala sa susuotin ko for today. But only for today, tomorrow ikaw na.” May diin sa salita niya at gusto ko pang sumagot pero hindi ko na nagawa dahil iniwan na niya ako. Hindi ko na rin maiwasan ang mapangiti dahil kahit papaano, nalaman ko na nai-stress din siya sa akin. Hindi naman pwede na ako lang ang pumutok ang butse sa tuwing nakikita ko siya!
Kumain ako at ginawa kong mabilis. Maghuhugas pa ako ng pinggan dahil ayaw kong may maiwan na marumi pagpasok namin. Ayaw ko ng may ipis kaya mahilig din akong maglinis.
Tapos na ako at lahat ay hindi pa rin lumalabas ang hambog kong amo mula sa kanyang silid kaya naman nagbihis na ako ng pamasok. Black na slacks at blazer na may white inner tops ang sinuot ko at syempre, ang pangmalakasan at nag-iisa kong black din na high heels.
Nang makuntento na ako sa aking itsura matapos kong tignan ang sarili sa salamin ay kinuha ko ang aking shoulder bag at nilagay doon ang aking cellphone tsaka naglakad na palabas ng aking silid.
Sa sala ay nakita kong nakaupo na sa sofa si Terrence, huling-huli ko pa ang pagtingin niya sa kanyang wristwatch na akala mo ay inip na sa paghihintay o kaya naman ay late na sa trabaho.
Kung hindi lang mortal enemy ko ito ay baka siya na ang naging pinakagwapong lalaking nakilala ko. Tumingkad ang gandang lalaki ng hambog sa suot niya na black suit na may panloob na light blue polo na tinernuhan ng medyo dark blue na necktie. May lapel pin na nakabit sa kwelyo ng kanyang coat. Makintab ang black din na leather shoes niya.
Sa pagkakaalam ko ay magkasing-edad lang kami, nasa 5’8 ang height, kayumanggi ang balat, curly textured crop with low skin fade ang style ng kulot at dark brown niyang buhok. Bwisit, literal na TDH ang dating ng hambog na ‘to.
Muntik na akong mapapitlag ng biglang magtama ang aming mga mata. Shit, nahuli pa yata akong tinitignan siya. Wala itong sinabi at tumingin lang ulit sa kanyang wristwatch bago muling bumaling sa akin.
“Let’s go.” Agad siyang tumalikod at nauna ng lumakad palabas ng unit. Ako naman ay mabilis ding sumunod sa kanya. Pagpasok at paglabas ng elevator ay ako na ang nauna. Typical CEO, hinahawi ang daan para sa kanya.
Pagdating namin sa harap ng building ng condo ay naroon na ang nakangiting si Mang Oscar na binuksan na rin ang pinto ng backseat. Nagpatuloy kami sa paglakad at nagulat na lang ako ng biglang huminto si Terrence.
“Get in,” sabi niya.
“Ha?” muntanga kong tanong, making him chuckle.
“Sakay na,” sabi pa niya.
“Sa harap na ako.”
“Get in, Evie.” Dahil sa kaseryosohan ng boses niya pati na ang salitan ng tingin sa amin ni Mang Oscar ay ginawa ko na ang inuutos niya. Sumakay ako at sumunod naman siya. Wala naman si Warren, bakit ba kailangang katabi ko pa siya dito?
Hanggang sa makarating kami ng kumpanya ay walang nagsalita kahit isa sa amin. Madalas kong mapansin si Mang Oscar na patingin-tingin sa rear mirror, marahil ay nagtataka kung bakit tahimik kaming dalawa sa likod.
Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan pa ako ng pintuan at kusa na akong bumaba ng sasakyan na sinabayan na rin ng hambog kong amo na nauna pa rin sa pagpasok sa loob ng building.
Sa elevator, nasa harapan ako ni Terrence at ilang segundo pa lang na nakasara ang pinto ay bigla iyong tumigil kasunod ang pagkamatay ng ilaw.
Sa gulat ko ay bigla akong napaatras at agad na yumapos kay Terrence. Wala na akong pakialam dahil sobrang takot ko sa dilim dulot ng masamang experience.
“Are you alright?” narinig kong taong ni Terrence. Hindi ko siya tinugon pero humigpit ang pagkakayapos ko sa kanya. Naramdaman ko ang bahagya niyang pagkabig din sa akin na sinundan ng marahan niyang paghagod sa aking likod na tila pinapakalma ako.
“It’s so dark…” anas ko, na may halong panginginig sa tinig.
“Here,” sabi niya kasunod ang pagkakaroon ng ilaw na nagmumula sa flashlight ng kanyang cellphone. Nakadama ako ng kapanatagan. Ang kanina ay mabilis na kabog ng aking dibdib unti-unting naglaho. Ngunit saglit lang dahil ng iangat ko ang aking mukha ay naaninag kong nakatungo pala siya sa akin at konting-konti na lang ay magdidikit na ang aming mga labi kaya dama ko ang dampi ng init ng kanyang hininga sa mukha ko.
Bigla, tila nakalimutan ko kung paano mag-exhale.
“Turn around,” sabi ni Terrence ng hindi inaalis ang tingin sa akin. Yung mata ko ay talagang tumirik at inakala kong hindi niya iyon nakita dahil nakatagilid na ako ng gawin ko ‘yon at wala din siyang sinabi.“Masyadong malalim ang pagka-backless, Claire.” Grabe naman! Hindi din ako mahilig sa revealing na dress pero sa palagay ko ay hindi naman masyado. Kalahati lang ng likod ko ang nakalitaw at alam ko yon dahil dama ko ang lamig ng aircon.“Sige, I'll let her try another one.”Pagkasabi ni Claire non ay muli niyang sinara ang kurtina ay tinulungan akong hubarin ang suot ko.Maganda sana iyon. Parang filipiniana ang dating dahil sa manggas nito. Ang neckline ay hindi rin malalim, sapat para malagyan ng accessory ang leeg ko kagaya ng kwintas o kaya naman ay choker.Hapit din iyon sa katawan ko pero dahil sa elegant design nito ay hindi malaswa ang dating kahit na nga malaki ang aking dibdib, balakang at pang-upo.Ang pinaka-skirt ay humahagod pababa. Masikip, papaluwag hanggang sa
“Sir, sa Saturday na po ang party para sa formal announcement ng pagiging CEO mo ng Montemayor Holdings. Gusto ng Daddy niyo na mailipat na rin ang office ng Nylerret sa building ng MHI para hindi ka na raw mahirapan.” Nasa receiving area kami ng office ni Terrence bandang alas diyes ng umaga. Breaktime sana, pero itong amo ko ay gustong sulitin ang binabayad sa akin kaya coffee break with meeting ang peg namin. “Ayaw ko sana doon,” tugon ng hambog. “Sa palagay ko ay mabuti kung doon na rin ang office natin, Sir. Mas madali makipag-coordinate. Sa pagkakaalam ko rin ay nasa anim na palapag pa ang bakante sa building. Baka ito na rin ang oras para sa plano mong expansion na game development.” Sa palagay ko ay may punto si Warren. Makakatipid pa si Terrence sa expenses dahil pag-aari nga nila ang building at higit sa lahat, ang pagkakaalam ko ay maganda ang facility ng building ng Montemayor Holdings kaya hindi na siguro ako makakaranas na mahintuan ng elevator dahil sa power shorta
Shit, nakakagigil. Alas otso pa ang time pero putik, alas kwatro pa lang ay ginising na ako ng hambog. Mag-e-exercise daw siya at gusto niya na pagnatapos siya ay handa na ang agahan.“Why don’t you eat?” tanong pa sa akin ng magsimula siyang sumubo.“Pagkatapos mo na, SIR.”“Masama ba ang loob mo na ginising kita ng maaga?” Nagtanong pa talaga ang hambog. Pero syempre, hindi ko pwedeng sabihin na “oo”.“Bakit naman sasama ang loob ko eh bayad ako?” Binitawan niya kutsara at tinidor at tsaka ako tinitigan.“Kung hindi ka kakain ay umalis ka sa harapan ko,” madiin niyang sabi. At bakit ko naman tatanggihan ‘yon? Mabilis akong tumalikod at nagpunta sa aking silid.Dahil wala naman akong ibang gagawin ay nagdesisyon na lang akong magsimula ng gumayak para pumasok. Naligo na ako ngunit pambahay pa rin ang sinuot ko. Alas singko y medya pa lang naman kasi.Paglabas ko ng aking silid ay binalikan ko sa dining area si Terrence at napansin kong nandoon pa rin siya.“Anong susuotin mo, SIR?” M
“‘Wag mo akong tingnan ng ganyan,” sabi ko kay Casey habang isa-isa kong nilalagay ang aking mga damit sa maleta. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto ng Terrence Montemayor na ‘yon.“Nag-aalala lang naman ako sayo,” mahina niyang tugon. “Pero naiintindihan ko dahil nakakalula talaga ang sweldo mo kaya ang hirap pakawalan lalo at sinisingil ka na rin ng hospital. Kaya lang Bestie, sure ka ba na kakayanin mo? Paano kung pahirapan ka ng Terrence na yon?”Huminga ako ng malalim at tsaka nag-isip. ‘Yan din ang inaalala ko, pero kahapon maghapon ay hindi ko naramdaman na pinersonal niya ako.“Hindi naman ako papayag sa hindi makatwirang pagtrato and I'm sure alam nya rin ‘yon.”“Sabagay, mapagpatol ka pa naman. Nang magsabog yata ng pasensya ang Diyos ay nagpayong ka na, nagkapote ka pa. Ayan hindi ka man lang naambunan at kahit konti ay wala kang nasalo.”Tinawanan ko na lang ang sinabi niya dahil may katotohanan naman din. Kaya kung iniisip ng hambog na ‘yon na maalipusta
“Hindi ko akalain na marami ka pa lang kasama, Mr. Montemayor.” Ngumiti si Terrence sa sinabi ng matandang negosyante na kaharap namin ngayon.“I always bring my assistants sa tuwing may client meeting. Mas gusto ko na alam nila ang mga bagay bagay para hindi sila natutulog sa pansitan kapag kinakausap ko sila.”“Marami kang assistant,” puna ng matanda na kung makatingin sa akin ay akala mo may nais ipahiwatig na hindi ko nagustuhan.“Warren has been with me ng simulan ko ang Nylerret, while Evelyn started today so don't scare her, ayaw ko ng papalit-palit ng staff o magkaroon ng kahit na anong hindi magandang relasyon sa aming kliyente.” Seryoso ang mukha ng hambog at kahit na di hamak na napakabata niya kumpara sa kaharap ay napansin ko ang pangingilag ng matanda matapos siyang magsalita. Pero teka, anong hindi magandang relasyon ang sinasabi niya? Iniisip ba niya na pwede akong lumandi sa matandang ito?O baka naman napansin din niya ang tingin na pinupukol sa akin ng kliyente kay
“Damn!” inis na sabi ni Terrence matapos niyang ibuga ang kape na kakahigop lang niya. Bwisit siya, ako ang nagtimpla non! “Gusto mo ba akong magkasakit ng diabetes?”“Hindi niyo naman sinabi na no sugar,” simpleng tugon ko ngunit tinitigan niya lang ako ng masama bago pumindot sa intercom. “In my office, NOW!”Maya-maya lang ay pumasok na si Warren matapos ang tatlong warning knock.“Sir,” sabi niya ng nakatayo na sa harap ng table ni Terrence.“Hindi mo ba sinabi sa kanya kung anong klase ng kape ang gusto ko?” tanong ni Terrence sa bagong dating.“I’m sorry, Sir. Ang akala ko po ay sasabihin niyo rin kay Evelyn, kagaya noong bago pa lang ako. I’ll brief her sa mga bagay na gusto niyo.”“No need!” awat ng hambog na lalaki bago nagbaling ng tingin sa akin. “Make me another cup, 1 teaspoonful of coffee. No sugar, no creamer.”“Yes, Sir.” Tapos ay dinampot ko ang tasa ng kape na una kong ginawa. Lumabas na ako ng kanyang office at nagpunta na ulit sa pantry para igawa siya ng panibago.