“Hindi ko akalain na marami ka pa lang kasama, Mr. Montemayor.” Ngumiti si Terrence sa sinabi ng matandang negosyante na kaharap namin ngayon.
“I always bring my assistants sa tuwing may client meeting. Mas gusto ko na alam nila ang mga bagay bagay para hindi sila natutulog sa pansitan kapag kinakausap ko sila.”
“Marami kang assistant,” puna ng matanda na kung makatingin sa akin ay akala mo may nais ipahiwatig na hindi ko nagustuhan.
“Warren has been with me ng simulan ko ang Nylerret, while Evelyn started today so don't scare her, ayaw ko ng papalit-palit ng staff o magkaroon ng kahit na anong hindi magandang relasyon sa aming kliyente.” Seryoso ang mukha ng hambog at kahit na di hamak na napakabata niya kumpara sa kaharap ay napansin ko ang pangingilag ng matanda matapos siyang magsalita.
Pero teka, anong hindi magandang relasyon ang sinasabi niya? Iniisip ba niya na pwede akong lumandi sa matandang ito?
O baka naman napansin din niya ang tingin na pinupukol sa akin ng kliyente kaya niya nasabi iyon para warning-an ito?
Naputol na ang pag-iisip ko dahil nagpatuloy na sa pagsasalita ang hambog.
“Kakarating ko lang mula sa ibang bansa at ikaw ang kauna-unahang kliyente na hinarap ko. Let's not waste time and discuss what needs to be discussed, Mr. Sanchez.”
Nagsimula ng magkausap ang mga ito tungkol sa gustong mangyari ni Mr. Sanchez sa accounting database ng kanyang kumpanya.
Sa totoo lang, nagulat ako sa paraan ng pakikipag-usap ni Terrence dahil ang software engineer niya dapat ang gumagawa ng ginagawa niya.
Magaling siyang magpaliwanag at detalyado na kahit ang isang kagaya ko na walang idea sa technology na yon ay nagkaroon ng munting kaalaman.
Ngayon ko na naisip kung bakit naging bigla na lang ang paglitaw ng Nylerret IT Corp.
“Warren will send you the contract when it's ready,” sabi ni Terrence na mukhang kinataka ni Mr. Sanchez.
“Him? Not her?” tanong ng matanda. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya kasunod ang pagkuyom ng aking kamao na nasa ilalim ng mesa. Grabe ba ang pagtitimpi ko sa matandang ‘to at konting-konti na lang ay bibingo na siya.
“I don't send female staff to male clients. Ayaw kong bigyan ng kahit na anong bahid ng malisya ang kontrata ko. I hope you understand this, Mr. Sanchez.”
“Of course,” nakangiting sagot ng matanda. Wala na siyang nagawa dahil sa itsura pa lang ni Terrence ay talagang maiilang na ang kahit na sino.
Nagpatuloy ang aming pagkain. Hanggang matapos ay ni hindi na ako tinignan man lang ni Mr. Sanchez. Mukhang nakuha na niya agad ang ibig sabihin ng hambog kong amo.
Ayaw ko man ay hindi ko napigilan na hangaan din si Terrence kahit papaano. Mukhang aware siya sa mga negosyanteng kagaya ni Mr. Sanchez at pinangangalagaan niya ang kanyang mga empleyado. Ganon pa man, he’s still the hambog Terrence Montemayor I know.
Natapos ang meeting pati na ang lunch at umalis na rin ang matanda. Kating-kati na akong kunin ang cellphone na kanina ko pa nararamdaman ang pag-vibrate ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil alam ko naman na si Casey lang din ang tumatawag.
Unang tumayo si Terrence kaya sumunod na rin ako. Sa totoo lang, hindi ko malaman kung bakit ako sinama dito sa meeting na ‘to eh wala naman akong kinalaman talaga. Although may natutunan nga ako kahit papaano, pero parang irrelevant ang presensya ko.
Sa loob ng sasakyan ay katabi ko na naman si Terrence kagaya ng papunta kami sa resto. Si Warren ang nasa passenger seat katabi ang driver na tinawag nilang Mang Oscar kanina.
Hindi na ako nagsalita habang nagbibiyahe at sumandal na lang tsaka pumikit para ma-relax ang kalamnan ko gawa ng naninigas ang buo kong katawan lalo at pakiramdam ko ay tinitignan ako ng hambog.
“Nandito na po tayo, Sir Terrence.” Agad akong nagdilat ng mata ng marinig ko ang tinig ni Mang Oscar. Napatingin ako sa labas at napansin kong nasa harap kami ng isang building pero hindi ng kumpanya.
“Where are we?” curious kong tanong pero mabilis na bumaba si Terrence tapos ay si Warren. “Mang Oscar, nasaan po tayo?” baling ko na lang sa driver.
“Sa condo po ni Sir. Sige na po Ma'am at hinihintay po nila kayo.”
Paglingon ko sa labas ay nakatingin sa akin si Warren. Mabilis na akong bumaba ng sasakyan at lumapit sa EA.
“Ako na lang ba ang babalik sa office?” tanong ko ng makalapit na ako.
“Hindi, sasama tayo kay Sir Terrence sa taas.” Hindi ko na nagawa pang magtanong dahil bumukas na ang elevator.
“Lika na,” sabi ni Warren sabay sunod sa aming boss kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay na rin.
Naunang lumabas ng elevator si Warren ng bumukas iyon, sumunod ako at huli ang hambog. Wala pa rin akong imik dahil naisip ko na baka nagtrip lang ang amo namin.
Pagpasok sa unit ay dumiretso sa kung saan mang silid si Terrence na ikinataka ko. Wala man lang kahit na anong sinabi kaya mabilis kong naiikot ang aking mga mata.
“Evelyn halika at ituturo ko sayo ang iyong silid.”
Wait- What?
Ano daw?
Silid ko?
Anong ibig niyang sabihin don?
“Excuse me, come again?” taas ang kilay na sabi ko. “Para kasing mali ang narinig ko.”
“You will be staying here with Sir Terrence.” Lalong tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
“Parang hindi ako na-inform na magsasama na pala kami ng amo natin?” mataray kong tugon.
Ngumiti ang lalaki na tila hindi apektado ng sinabi ko.
“Siguro naman, alam mo na babae ako at lalaki si Sir. Its inappropriate na tumira kami sa iisang bahay lalo na sa uri ng relasyon namin.”
“I remember telling you about this matter during the interview, Evelyn. Hindi ako pwedeng magkamali at sinabi mo sa akin na okay lang dahil medyo malayo din naman ang tirahan mo sa office.”
“Ang sabi mo ay kailangan kong maging malapit sa CEO palagi. Kailangan ay mabilis akong makapunta kapag kailangan niya ako.” Namimilog ang mga mata kong sabihin ko yon pero sinikap ko na maging normal lang ang tono ng aking boses kahit na kating-kati na akong bulyawan siya.
“Yes, kaya nga dito ka titira eh. Remember, you need to take care of his food, clothing, everything.”
“Imbalido ba ang amo natin?” Hindi na ako nagtimpi pa dahil hanggang 7th heaven na ang galit ko.
“Whats going on?” Sabay kaming tumingin ni Warren sa pinanggalingan ng tinig at heto na nga ang hambog.
“Bakit kailangan kong tumira dito?” galit kong tanong pero hindi naman ako sinagot bagkus ay binaling ang tingin niya kay Warren na tila nanghihingi ng paliwanag.
“I'm really sorry about this, Sir. Ang akala ko ay malinaw niyang naintindihan ang sinabi ko since sa lahat ng applicant ay siya ang may pinakamataas na IQ.” Yumuko pa ang EA na akala mo ay napakalaking pagkakamali ang nagawa.
At pinakamataas ang IQ? Anong akala nila, madadaan ako sa pambobola?
“Then find me a new PA. Sikapin mo na lalaki na makuha mo dahil ayaw ko ng maarte.”
“Sandali nga!” angil ko sa sinabi niya dahil tatalikuran na naman niya kami. Muli naman niya akong tinignan kaya nagpatuloy na ako.
“Sinasabi mo na nag-aarte lang ako? Saan ka nakakita ng lalaki at babae na magkasama sa iisang bubong pero hindi magkaano-ano?”
“Hindi ko alam na lalaki na pala ang tingin mo sa akin.” Ngumisi siya pagkasabi non.
“Hindi ganon ang ibig kong sabihin!” mabilis kong bawi. Damn, nakaka-frustrate talaga.
“Kung ganon ano ang problema? Kung ayaw mo eh di ‘wag. Hindi ako namimilit. Talk to Warren para makuha mo ang sahod mo for today.” At tinalikuran na nga ako ng hambog.
“Bwisiiitt!!” nagtitimpi kong tili sabay pikit habang nakakuyom ang mga kamay. Tapos ay huminga ako ng malalim, mga one million times bago naniningkit ang mga mata kong humarap kay Warren na nagkakamot na ngayon ng ulo.
Damn, ang hirap maging mahirap. Hindi pwedeng maging choosy.
Mahirap po talaga ang maging mahirap, pero enjoy lang po natin ang buhay at magsumikap. Sa tulong ng Panginooon ay magiging maayos din ang lahat. Salamat sa pagbasa.
Dahil sa nalaman ko, nagdesisyon akong lakasan ang loob ko. Hindi naman pwedeng siya na lang lagi ang nagbibigay. Kahit nahihiya ako, kailangan ko ring gampanan ang duties and responsibilities ko bilang asawa ni Terrence. This time, gusto kong maramdaman niyang kaya ko rin.Nagsimula akong magplano ng mga gagawin ko. Kahit na nakakadama ako ng hiya ay sinikap ko na kitlin 'yon.Mas maaga kaysa normal kaming umuwi. Naisip ko, tamang tama sa plano ko. Pero pagdating sa condo, trabaho pa rin agad ang inatupag ni Terrence. Napairap ako nang bahagya, sabay inikot ang mga mata ko sa kanya. Parang hindi man lang napagod.“What’s wrong? Anong kinagagalit mo?” tanong niya, clueless talaga. Seriously, how can he be so dense?“Kakarating lang natin mula sa office. Ni hindi ka pa nga nakapagpalit ng damit, trabaho na naman?” may halong inis at tampo kong sabi.Hinubad lang niya ang coat, sinipa sa gilid ang sapatos, at isinunod pa ang medyas bago umupo sa sofa. Agad niyang inayos ang laptop sa ce
“Good morning, baby…” nakangiting bati sa akin ni Terrence pagdating niya sa dining area, bitbit pa ang bango ng bagong ligo at amoy ng cologne niya na parang sinadya talagang manggulo ng umaga ko. Ngumiti ako, pilit man, at bumati rin sabay iwas ng tingin.“Good morning, baby.”Nilapag ko ang niluto kong bacon, ham, at egg sa mesa. Kumpleto na sana ang almusal namin, siya na lang talaga ang kulang. Umupo ako at nag-ayos ng upuan, pero napansin kong hindi pa rin siya kumikilos.Paglingon ko, nakatitig siya sa akin. Diretso. Parang may gusto siyang basahin sa mukha ko.“What’s wrong?” tanong ko, nagtataka pero medyo kinakabahan.“You.”Napakunot ang noo ko. “Why? What did I do?”“Not do. Say.”“Ah…” Pinilit kong ngumiti. “What about it?”“You just called me baby.”Tumaas ang kilay ko, nagkunwaring chill kahit medyo nag-init ang pisngi ko. “Ayaw mo? Okay, fine.”“No!” mabilis niyang sagot, halos sabay pa sa pagtawa. “Gusto ko. Gustong-gusto, actually. Nagulat lang ako dahil—”“Wala nama
Hindi ko akalain na sobrang dami ng pamimili namin. At mas lalong hindi ko akalaing puro para sa akin pala iyon. Napanganga na lang ako habang isa-isa niyang ipinapasa sa saleslady ang mga napupusuan niya. Parang wala na akong karapatan pang tumanggi. Bawat “Ay, bagay ‘to sa’yo, hija” niya ay may kasunod agad na “Bill it.”Ang ending? Ako ‘yung parang mannequin na sinusubukan ng lahat ng best finds ni Donya Teresita. Literal na shopping spree na parang ako ang project of the day.“Maraming salamat, hija,” sabi niya habang inaayos ang suot niyang pearl earrings, very classy pa rin kahit pagod na. “Alam kong naiilang ka pa sa ngayon dahil bago pa lang kayo mag-asawa ni Terrence. Pero wala kang dapat alalahanin dahil seryoso sayo ang anak ko.”Halos mabilaukan ako sa sinabi niya.Totoo lang ha… seryoso? Siya? ‘Yung hambog na ‘yon?Nasa dulo na ng dila ko ang “Yun ang tingin niyo,” pero syempre, hindi ko magagawang isaboses. Hindi rin naman niya alam ang tungkol sa kontrata namin. At kahi
“What’s going on?” tanong ko, medyo mataas ang boses. Sabay pa silang napatingin sa akin. Sabay talaga, as in synchronized swimming level. Lalo lang akong naghinala. Para silang mga batang nahuli na may ginawang kalokohan sa likod ng school building. 'Yon ang pakiramdam ko.“Terrence!” this time mas malakas na ang pagtawag ko sa pangalan niya. Ramdam ko yung init na umakyat sa pisngi ko hindi dahil nahihiya ako, kundi dahil naiinis ako sa kanya at sa partner in crime niyang si Warren.“Relax, Baby. Wala pa ngang sinasabi si Warren oh,” sagot niya sabay ngisi. Normally, ang cute niya kapag ganon, yung tipong nakakatunaw ng matigas na puso. Pero ngayon? Hindi ko makita yung ka-cute-an na sinasabi ng universe. Ang nakikita ko lang ay isang lalaking may tinatago at proud pa kaya nangingibabaw sa akin ang inis.“Wag mo akong ma-‘baby baby’ d’yan, Terrence. Kahit anong pagtatago mo, sigurado akong meron something.” Sinabayan ko pa ng matalim na tingin na parang sinasabi, subukan mo pa akong
“Anong nangyayari dito?”Bigla akong natigilan sa aking kinatatayuan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang baritonong boses na hindi ko inaasahan.“S-Sir…” halos sabay-sabay na tugon ng mga kasamahan ko. Nagtunguhan silang lahat, mabilis na nagsitayo, halatang hindi alam kung saan ilalagay ang sarili.“I’m asking, anong nangyayari dito?” Ulit ni Terrence, this time mas mababa ang tono, mas nakaka-pressure. Ramdam kong kumakabog ang dibdib ng lahat, pati na rin ako.“Wala po, Sir.” Nakakabilib din si Carmie. Dire-diretso niyang tinitigan si Terrence na para bang wala siyang ibinato kanina lang. Para siyang actress sa teleserye, kalma sa labas pero siguradong nagpa-panic na sa loob.“Hindi ko gusto na nagkakaroon ng kahit anong tsismisan sa loob ng opisina,” madiin na sabi ni Terrence, dry and straight. “Sinasahuran kayo para magtrabaho, hindi para pag-usapan ang inyong colleague.”“Y-Yes, Sir,” halos sabay-sabay na sagot ng mga secretary, parang mga estudyanteng
Maayos ang naging takbo ng trabaho namin ni Terrence. May mga usap-usapan akong naririnig tungkol sa lalaki at sa mga babaeng nauugnay dito, puro bulung-bulungan na sigurado akong nagmula pa sa mga empleyado ng MHI. Wala namang chika noong nakahiwalay pa ang Nylerret, kaya obvious na sa opisina ng family business nila nagsimula ‘yang mga yan.Pinagkibit-balikat ko na lang. Pinanghawakan ko pa rin ang salita ni Terrence; alam kong hindi niya ako lolokohin. May weird na kapanatagan sa dibdib ko tuwing naiisip ko ’yun, parang may maliit na apoy sa ilalim ng paniniwala na hindi basta-basta mawawala dahil sinabi naman niya sa akin na hindi niya ako lolokohin.“Ang pogi talaga ni Sir, ang swerte ni Miss Evelyn dahil magkasama sila sa office…” usal ng isa sa mga secretary habang kumakain sa pantry. Si Terrence, yeah. Hindi naman pangkaraniwan, pero hindi rin ako nahuhulog sa tipo niyang popularidad. Still, nakakapanibago.“Ano bang swerte?” mataray na sabat ni Carmie, bakas sa tinig niya ang