YARELI'S POVPinapasok ko na si Juancho sa bahay namin dahil kanina pa kami nilalamig sa labas matapos tumila ng ulan. Pagkarating namin sa sala ay nagulat ako nang makita sila Inay, Itay at Kuya Yasewah na seryosong nakatingin sa aming dalawa ni Juancho."Sir Juancho, anong ginagawa mo dito? Hindi ba't ikinasal ka na ngayong araw sa anak ni Congressman Montecillo?" tanong ni Inay kay Juancho."Tumakas po ako sa kasal." nahihiya namang sabi ni Juancho kay Inay.Hindi na nagsalita pa si Inay doon at kaagad itong lumapit kay Juancho. Alam ng pamilya ko na naging nobyo ko si Juancho pero hindi sila nagsasalita tungkol doon."Baka magkaskit ka pa niyan dahil nagpaulan kayo. Maligo na kayo ni Yareli at magpahinga ka muna dito. Pagpasensyahan mo na at maliit at masikip dito sa bahay namin." Paumanhin ni Inay."Okay lang po." magalang na sagot ni Juancho.Bumaling naman sa akin si Itay. "Ikukuha siya ni Yasewah ng malinis na damit. Ikaw na ang bahalang mag-asikaso sa kanya, Yareli." sabi niy
YARELI'S POVNagising ako nang nakahiga na sa kama ko. Tumingin naman ako sa tabi ko at nakita ko si Juancho na nakasandal sa headboard ng kama ko habang ginagamit nito ang cellphone kong de keypad.Inilipat ba niya ako ng higaan? Nang tinignan ko ang sinapin kong higaan kagabi sa lapag ay wala na ito at nakaayos nang nakatupi sa gilid ng kwarto ko. Ang unan naman na ginamit ko ay nandito na rin sa kama ko. Nang makita ni Juancho na nagising na ako ay ngumiti siya sa akin."Good morning, babe." bati niya sa akin."B-Bakit mo ginagamit ang cellphone ko?" tanong ko saka bumangon at umupo sa kama ko."Ah, ito ba? I'm using your phone to see if someone is texting you and I'm right. Kailan ka pa nagkaroon ng number ni Grant?" tanong niya. Normal lang ang tono ng boses niya at hindi ko alam kung galit ba siya o hindi.Nakita niya pala ang mga messages sa akin ni Grant. Hindi ko naman mareplyan ito dahil hindi ako mahilig magpaload at hindi rin ako sanay na makipagtext. Nagtetext lang ako ka
JUANCHO'S POV"You have to be a powerful. You have to be richer and smarter. Don't be a crybaby! Kailangan mong maging kagaya ng ama mo dahil ikaw ang magiging Gobernador sa lugar na ito paglaki mo!" my Grandfather said habang pinaghahampas niya ako ng baston na gamit niya.All I did is to cry out of pain. I can't even defend myself because I am only six years old. I am weaker than him."Lolo, t-tama na po, please.. M-masakit na." I begged because my head was already bleeding."No! Kailangan mong magtandang bata ka. Sinabi ko na sa'yong araw-araw tayong may training at lessons pero ang ginawa mo? Nagkulong ka lang sa loob ng kwarto mo! Gayahin mo ang mga kapatid mong si Arthuro. He is always top in everything even in class samantalang ikaw? Palaging pangalawa? Steffano ka ba talaga? Bakit napakahina at tanga mo?" my Grandfather mocked me again that wounded my heart and mind.He is always like this. Comparing me to my older brother. Wala akong kwenta para sa kanya. He's torturing and h
YARELI'S POV"Why do you need to work here in this cheap Cafe Shop? I can give you a money basta 'wag ka lang magtrabaho dito." nakasimangot na reklamo ni Juancho nang makarating na kami sa Cafe Shop na pinagtatrabauhan ko.Ang mga staff at empleyado sa Cafe Shop ay nakatingin lahat sa amin kasama na doon si Mayet na tila hindi makapaniwala na kasama ko ngayon si Juancho at nagkabalikan na kami.Alam lahat ng mga tao dito sa San Felicidad na ikakasal na dapat si Juancho sa anak ni Congressman Montecillo kaya hindi ko sila masisisi kung bakit gulat na gulat sila na kasama ko si Juancho."Kailangan kong magtrabaho, Juancho. Hindi ako pwedeng umasa sa'yo at gusto kong kumita ng pera na pinagpapaguran ko." sabi ko naman.Umikot ang mga mata niya sa sinabi ko. "I know there's a lot of guys coming here at ayokong makikita ka nila dito. You know that I'm a jealous guy, babe at gusto ko na sa akin lang 'yang atensyon mo." mariin niyang sabi na ikinagulat nila Mayet.Kilala si Juancho bilang p
EFRAIM'S POVI didn't expect that she's kissing me back. I groan when I explore my sinful mouth to her tasteful and sweet lips. I bit her lower lip and I took the opportunity to slid my tongue against her. My heart beats faster in an instance.This girl is driving me crazy. How can she do this to me? What magic or spell did she do to make my siblings and I fell for her in a deepest way?Natigil lang ako sa ginagawa ko nang itinulak ako ni Yareli kaya humiwalay na ang labi ko sa kanya.Tinitigan ko lang siya habang siya naman ay napayuko at nakikita ko ang pamumula ng buong mukha niya.I can't help but to smiled secretly dahil ang ibig sabihin lang nun ay may nararamdaman na rin siya para sa akin kaya niya ako hinalikan pabalik. I want to assume that is the reason and I will take this opportunity to get her from her bastard boyfriend."Get inside." I said pointing the comfort room.Kaagad naman siyang pumasok sa loob ng cr na hindi na nag-abala pang tignan ako.I smiled at bumalik na u
THIRD PERSON'S POVHalos masira na ni Juancho ang gate sa bahay ng magkakapatid na Steffano sa Maynila dahil sa lakas ng pagkalampag at paghampas niya dito. Kasama nito ngayon ang nakatatandang kapatid ni Yareli na si Yasewah na lumuwas pa Maynila kahapon kasama si Juancho at nagbabakasali itong mahanap dito ang kanyang kapatid.Kahapon pa ng umaga nawawala si Yareli at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila mahanap kung nasaan ito. Sakto pang bigla nalang rin nawala na parang bula ang limang magkakapatid kaya naghinala na kaagad si Juancho na baka dinukot ng mga ito ang kanyang kasintahan.Alam niyang may pagtingin ang magkakapatid kay Yareli dahil inamin naman ng mga ito iyon sa kanya at base sa sinabi ng mga ito ay determinado ang mga ito makuha lang sa kanya si Yareli."Lumabas kayo dyan mga hayup kayo! Ibalik niyo sa akin ang girlfriend ko!" nanggagalaiting sigaw ni Juancho habang patuloy pa rin ito sa pagkalampag ng malakas sa gate sa bahay ng Steffano Brothers.Si Yasewah naman a
YARELI'S POVNagising ako nang may nakayakap sa tabi ko. Sina Grant at Amir ito. Si Grant ay walang suot na pang-itaas at naka boxer shorts lang ito habang si Amir naman ay nakasuot ng puting sando at shorts. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa mga mukha nila na mahimbing na natutulog. Ang gwapo na sana kaso ay mga kidnapper rin pala.Sa kagwapuhan ng magkakapatid na ito ay imposibleng walang babaeng nagkakagusto sa kanila. Mga babaeng taga Maynila na mas magaganda, mayayaman, elegante at sopistikada hindi katulad ko na mahirap na nga at wala pang maipagmamalaki.Ano ba ang nakain nila at ako pa ang nagustuhan nila? Bukod sa mahirap na nga ako, simple lang, hindi marunong mag-ayos at wala pang maipagmamalaki sa buhay ay bakit ako pa ang natipuhan nila? Ano ba ang mayroon sa akin para magawa nila ang bagay na ito?Pilit kong tinatanggal ang mga braso nina Grant at Amir na nakayakap sa bewang at mga braso ko. Sa laki ng mga katawan nila at sobrang matatangkad pa sila ay para silang mg
YARELI'S POVAlas dose na ng gabi at hindi pa rin ako makatulog. Simula nang lumabas kanina dito sa loob ng kwarto sina Grant at Amir ay hindi pa rin sila bumabalik hanggang ngayon. Mas mabuti na iyon dahil ayoko na munang makita sila.Pinipilit kong magpakatatag para sa pamilya ko. Hindi pupwedeng magpakita ako ng kahinaan sa sitwasyon ko dahil baka aakalain ng Steffano Brothers na hindi ko sila kayang kalabanin.Sana matigil na ang kahibangan nila sa akin dahil may nobyo na ako at pinsan pa nila. Ayoko na rin maramdaman pa itong kakaibang nararamdaman ko para sa kanila kaya hangga't maaga pa ay kakalimutan at pipigilan ko na ito.Bigla ay bumukas ang pintuan ng kwarto kung nasaan ako at pumasok doon si River na may nakasabit na itim na bag sa kanyang balikat. Nakasuot ito ng grey v-neck shirt at pantalon habang magulo naman ang kanyang buhok.Nang makita niya ako ay ngumiti siya saka lumapit sa akin at akmang hahalikan na sana ako sa pisngi nang umiwas ako. Nawala ang ngiti niya at