Yareli's POV
HABANG nagwawalis ako sa bakuran ng bahay namin ay laking gulat ko nang makita sa labas sila Grant at Irvin at kinawayan nila ako. Binitawan ko muna ang hawak kong walis tingting at lumapit sa kanila. "Kayo pala, anong ginagawa ninyo rito? At saka paano n'yo nalaman na dito ako nakatira?" tanong ko. "Nagtanong-tanong lang kami sa mga tauhan sa bukid kung may kilala ba silang Yareli. Famous ka pala dito e, kilala ka nila." nakangiting sabi ni Grant. Ang guwapo talaga nilang magkakapatid. Lahat sila ay mga gwapo, may magandang pangangatawan, at matatangkad. Hindi na nakakapagtaka kung marami mang babae ang nahuhumaling sa kanila. "Hindi naman," nahihiyang sabi ko. "Kaya pala kami nagpunta dito dahil gusto ka naming iinvite sa mansyon." sabi ni Irvin. Nagulat ako sa sinabi niya. "Pero bakit? Hindi ako nababagay na magpunta sa mansyon nila Governor Vicente at Madam Josefina. Hindi ba't doon muna kayo pansamantalang nakikituloy? Mahirap lang ako at saka--" Hindi ko maituloy ang mga susunod ko pang sasabihin. Ayokong makita si Juancho doon. Hanggang sa makakaya ko ay iiwasan ko siya. Hindi ko rin alam na pinsan niya pala sina Grant at Irvin. Kung hindi pa naikuwento sa akin nina Inay at Itay na may limang anak na lalaki ang kapatid ni Governor Vicente na nasa Maynila nakatira ay hindi ko pa malalaman iyon. "Kakain lang naman tayo ng breakfast sa mansyon e, at saka gusto kang pasalamatan nina Tito Vicente at Tita Josefina dahil sa pagtulong ninyo sa amin ng kapatid mong si Yasewah na ayusin ang kotse ni River. Sige na please?" pakiusap ni Grant. "Gano'n ba? Wala si Kuya Yasewah dito dahil maaga siyang nagpunta sa mechanic shop sa bayan para magtrabaho." sabi ko. "Then ikaw na lang ang sumama sa amin. Please, Yareli. Nagugutom na rin ako at gusto ko nang kumain." sabi ni Irvin at hinimas nito ang tiyan niya. Napabuntonghininga ako at saka tumango. Wala naman sigurong masama kung sumama ako. Kakain lang naman daw kami ng breakfast at pagkatapos ay uuwi na ako. Napangiti sila Grant at Irvin dahil sa pagpayag kong sumama sa kanila sa mansyon ng mga Steffano. Nagpaalam muna ako kay Inay na may pupuntahan at sandali lang iyon. Pumayag naman siya, hindi ko na siya inabala pa dahil busy ito sa pagpapaligo kay Jingjing sa loob ng cr namin. Alas-otso na ng umaga at kapag ganitong oras ay pinapaliguan na niya si Jingjing. Hindi na rin ako nag-abala pang magpalit ng damit. Nakasuot lang ako ng isang kulay red na t-shirt at dolphin shorts naman na iniregalo pa sa akin ni Mayet nung nakaraang pasko. Itinali ko pataas ang buhok kong mahaba at nagpulbo. Nang makalabas ako ng bahay ay sumama na ako kina Grant at Irvin papunta sa mansyon ng mga Steffano. Malapit lang naman iyon at mga ilang minuto lang ay makakarating na rin kami. Ang tatangkad nilang magkakapatid at kailangan ko pa silang tingalain para lang makita ko sila. Sa taas kong 5'6 ay sigurado akong nasa mga 6 feet pataas ang tangkad nila. Ramdam na ramdam ko ang pagtitig sa akin nina Grant at Irvin habang nasa likuran ko sila at naglalakad kami. Kahit naiilang ako dahil sa kanila ay hindi ko na lang iyon pinansin. "Yareli, can I ask you something?" biglang tanong ni Irvin dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Sige. Ano 'yon?" tanong ko. "How old are you? Alam kong mas matanda kami nila Grant kaysa sa'yo but I just want to know your age." sabi niya at saka lumapit sa akin at sinabayan ako sa paglalakad. "Ah, 18 years old na ako." sabi ko at nginitian siya. "Oh, really? Kaedad mo lang pala si Amir. By the way, I'm already 21 and Grant is 20 years old." sabi niya. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita. Nang makarating kami sa mansyon ng mga Steffano ay namangha ako sa lawak at laki nito. Sa totoo lang ay ngayon lang ako makakapasok sa loob ng mansyon. Palagi ko lang kasing nakikita ito sa labas ng hacienda. Pagkapasok namin sa loob ay sinundan ko lang sila Grant at Irvin hanggang sa makarating kami sa isang malaking dining room na may mga nakahain nang iba't-ibang klase ng pagkain at inumin sa pahabang lamesa. May mga katulong rin na nasa sulok. Nagulat ako nang makita doon si Juancho kasama ang mga magulang niya. Nasa kabilang upuan naman sila River, Efraim, at Amir na sabay na napatingin sa direksyon namin nang makita kami. Nang makalapit kami sa kanila ay pinaupo ako ni Grant sa bakanteng upuan na malapit kay Amir. Umupo naman ako at nagpasalamat. Umupo rin si Grant sa isang bakanteng upuan na nasa tabi ko, at si Irvin ay tumabi kay River na nakatingin pa rin sa akin. Iniiwasan kong tingnan si Juancho. Palagi na lang kaming nagkikita at hindi ko talaga maiwasang mailang sa kanya dahil naging boyfriend ko siya at kakahiwalay lang namin. Hindi ito ang tamang panahon para isipin pa iyon at kailangan ko nang makaalis pagkatapos ng breakfast na ito. "You're Yareli, right? 'Yong anak ni Emilio at kapatid ni Yasewah?" nakangiting tanong sa akin ni Madam Josefina. "Opo," magalang kong sagot. "Parehong masisipag 'yang tatay at kapatid mo sa bukirin ko. Pakisabi pala kay Yasewah na salamat at tinulungan niyang maayos ang kotse ng pamangkin kong si River." sabi naman ni Governor Vicente at nag-umpisa nang kumain. "Sige po, makakaasa po kayo, Governor." sabi ko. Tumango ito. "Kumain ka na, Yareli," nakangiting sabi ni Grant at nag-umpisa na siyang maglagay ng kanin at mga ulam sa plato ko. Sinalinan naman ako ni Irvin ng gatas sa baso ko. Hiyang-hiya akong nagpasalamat sa ginawa nila at nang mapatingin ako kay Juancho ay nakita ko na nakatiim-bagang ito at may galit na ekspresyon. Ano bang problema niya? Galit ba siya dahil nandito ako sa mansyon nila kasama ang mga pinsan at mga magulang niya? Nag-umpisa na kaming kumain at todo asikaso pa rin sa akin sina Grant at Irvin. Nakita ko pa ngang natatawa na si Amir dahil sa ginagawa nila. "Hinay-hinay lang mga boys. Iisa lang si Yareli," sabi ni Governor Vicente nang nakangisi. "I've never see them before being like that to a girl," sabi ni Madam Josefina na may mapaglaro na ngiti. "Excuse me, I'm done," Napatingin kaming lahat kay Juancho na biglang tumayo at umalis sa dining room. "What happened to your son?" rinig kong tanong ni Madam Josefina kay Governor Vicente. "I don't know." sabi ni Governor Vicente at nagkibit-balikat. Ano kayang problema ni Juancho? Nagpatuloy na lang ulit kami sa pagkain at nang matapos kami ay nagpasalamat muna ako kina Governor Vicente at Madam Josefina sa pag-imbita nila sa aking kumain ng breakfast kasama sila bago umalis ng mansyon. Hindi ko alam na mas mabait pa pala sila kaysa sa inaasahan ko. Nakaka-intimidate kasi silang mag-asawa at sobrang layo pa ng estado ng buhay nila kumpara sa amin ng pamilya ko. Hindi sila mapangmaliit at pantay-pantay ang turing nila sa aming mahirap ang estado sa buhay. Bigla akong hinila nila Grant at Irvin papunta sa isang Gazeebo sa loob ng mansyon. Sumunod rin pala sa amin sina River at Amir. Si Efraim ay hindi ko na nakita. "You look good today." sabi ni Amir habang seryosong nakatingin sa akin. "Ah, salamat." sabi ko na lang at hindi maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa sinabi niya. "Kumusta na pala si Yasewah? Bakit hindi mo siya kasama ngayon?" tanong ni River. "Nasa bayan ngayon si Kuya Yasewah. Nagtatrabaho siya sa isang mechanic shop doon at baka mamayang alas-tres pa siya ng hapon makauwi." sagot ko. "Ah, gano'n ba? Yareli, if you don't mind, puwede bang i-tour mo kami mamayang hapon sa bukid nila Tito Vicente? Pamilyar ka naman siguro sa lugar dito, hindi ba?" tanong ni River at nginitian ako. "Puwede naman." sabi ko at nginitian rin siya. "Then that's good." sabi niya. Napatigil ako nang bigla akong akbayan ni Grant. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kasama ko ngayon ang mga guwapong pinsan ni Juancho dito pa mismo sa mansyon nila. "Puwede ka na ba namin maging friends, Yareli?" tanong ni Irvin. "Puwede rin," sagot ko. Mukha naman silang mababait na magkakapatid at alam kong wala silang gagawing masama sa akin kaya wala sigurong masama kung maging kaibigan ko sila. "Ayun! May bago na kaming kaibigan sa San Felicidad na maganda at mabait pa." pambobola ni Grant sa akin. "Tapos liligawan mo agad?" nakataas na kilay na saad ni Amir kay Grant. "A-Ano'ng ligaw ang pinagsasabi mo diyan?" sagot ni Grant at kaagad umiwas ng tingin kay Amir. Napailing si Amir at napahinto naman ako nang hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo sa isang wooden bench. Tumabi si Amir sa akin at hinalikan ang kamay ko na ikinagulat ko. "I'm glad to be your new friend, Yareli. I hope we can be more closer..." seryoso niyang sabi. Akmang magsasalita na sana ako nang bigla akong hinalikan ni Grant sa pisngi at ngumiti sa akin. "Me too, Yareli. Sana maging mas close pa tayo." seryoso niyang sabi. Kanina pa ako namumula nang dahil sa ginagawa at sinasabi nila sa akin. "Naiilang na si Yareli sa inyo, oh." nakangising sabi ni Irvin na ikinatawa ng mahina ni River. Mas dumoble pa ang pamumula ng mukha ko dahil sa sinabi ni Irvin. "May foreign blood ka ba, Yareli? I'm just curious dahil hindi ka naman mukhang filipina unlike sa itsura ng mga tao dito sa San Felicidad. You look like your brother." tanong ni Grant. "May lahing Spanish at Russian ang Inay ko samantalang pure Filipino talaga si Itay." sagot ko. Ang lolo kong si Manuel Santibañez na ama ni Inay ay may lahing Spanish/Russian samantalang ang lola ko namang si Lydia Santibañez ay purong filipina. Maganda si Inay at marami itong mga naging manliligaw noong kabataan niya pero tanging kay Itay lang tumibok ang puso niya. "That's why you have a fair complexion and you're beautiful. I really like your brown eyes too." nakatitig na sabi ni Irvin. "S-Saan pala ang cr dito? Puwede bang makibanyo muna ako?" natataranta kong tanong. "Pumasok ka sa mansyon then kumaliwa ka lang sa isang pahabang daan malapit sa kusina. Makikita mo na kaagad ang cr doon." sagot ni River na ikinatango ko. Nagmadali akong pumasok ulit sa mansyon at kumaliwa sa nakita kong pahabang daan na malapit sa kusina. Hindi naman ako nabigo nang makita ko ang cr at kaagad na pumasok. Malaki at malawak ang cr na may salamin. Parang cr sa mall. Naghilamos ako sa cubicle at nagpunas ng mukha sa dala kong panyo, at pagkatapos ay tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Pulang-pula pa rin ang mukha ko dahil sa paghalik at sinasabi sa akin ng magkakapatid na iyon! Akmang lalabas na sana ako ng cr nang may pumasok sa loob at nilock ito. Nagulat ako nang makita si Juancho na seryosong nakatingin sa akin. "Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko sa gulat. "Masama ba na nandito ako? Nandito ka sa mansyon namin." mariin niyang sabi. "Ah, oo nga pala, sige at lalabas na ako." Aalis na sana ako nang hinarangan niya ang pintuan ng cr. "Akala mo ba hindi ko alam ang ginagawa mo, Yareli? Gusto mong mapalapit sa mga pinsan ko dahil mayaman sila, right? You know they are interested in you kaya 'yon ang paraan mo para makuha ang tiwala nila." madiin niyang sabi na ikinagulat ko. "Ano bang pinagsasabi mo, Juancho? Wala akong alam diyan sa mga sinasabi mo!" sagot ko na naguguluhan. Tumawa siya ng mapang-asar at mas lalong lumapit sa akin. "I know what you're doing, Yareli. Paiibigin mo sila then kapag may nakuha ka sa isa sa mga pinsan ko ay ayon ang magiging paraan mo para umahon kayo sa hirap ng pamilya mo. Ayon naman talaga ang plano mo sa akin, hindi ba? Kaya ka nga pumayag kaagad na maging girlfriend ko dahil mayaman ako at gusto mong--" Hindi ko na napigilang sampalin si Juancho na ikinagulat niya. Awtomatiko nang tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. "Sa tingin mo ba yaman mo lang talaga ang gusto ko kaya pumayag akong maging girlfriend mo? Mahal kita, Juancho at kaya ako pumayag sa gusto mo dahil umaasa akong mamahalin mo rin ako!" sigaw ko na ikinahinto niya pero di kalaunan ay ngumisi ulit siya at umiling na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Mahal mo ako? Really? I don't believe you, Yareli. I know you only want my money kaya gusto mong mapalapit sa akin. Pero hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit tinanggihan mo ako." Tumiim-bagang siya at tinitigan ako ng mariin. Bakit ba nagkita na naman kasi kami? Paano ba ako makakapag move-on nito kung palagi ko na lang siyang nakikita? Hindi rin siya naniniwala na mahal ko siya dahil ang akala niya ay yaman lang niya ang gusto ko sa kanya. Mahal ko si Juancho pero iba ang tingin niya sa akin. Huminga ako najg malalim. "Patawad pero hindi ko pa kayang ibigay ang sarili ko sa'yo dahil marami akong pangarap sa buhay. Totoong mahal kita, Juancho p-pero may bago ka na pa lang girlfriend. Congrats sa inyong dalawa." Pinunasan ko ang mga luhang patuloy pa ring dumadaloy sa pisngi ko at pilit pinapatatag ang boses ko. "Thanks. She's better, richer and not a gold digger like you." sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin at nakatiim-bagang. Hindi na ako sumagot at kaagad nang umalis sa loob ng cr. Sobrang bigat ng dibdib ko at gusto ko nang makauwi at ibuhos sa loob ng kuwarto ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hanggang kailan ba ako masasaktan ng ganito dahil kay Juancho? Nang makita ako ni Efraim sa kusina ay kaagad siyang lumapit sa akin. "Why are you crying?" nag-aalala niyang sabi. Umiling ako at lalampasan na sana siya nang kaagad niya akong niyakap at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Mas lalo akong napaiyak at niyakap na lang siya pabalik. "Don't cry. I'm here…"Yareli's POV After 2 years... "CAN I sit here?" Tumigin ako sa biglang umupo sa bakanteng table sa harapan kung saan ako nakaupo. Si Craig Villaforta ito, ang kaklase ko sa iilang major subjects namin at ang Campus Heartthrob na kinahuhumalingan at kinababaliwan ng mga babaeng estudyante sa university namin. Tumango ako sa sinabi ni Craig dahil paano pa ako makakatanggi sa kanya e, umupo na siya? Nag-aaral ako sa St. Joseph University sa Ermita, Manila at muli kong ipinagpatuloy ang kurso kong Bachelor of Secondary Education. Matapos kong manganak sa anak kong lalaki na si baby Hezekiah na anak namin ni Efraim at maikasal kay Efraim dalawang taon na ang lumipas ay pinagpatuloy ko na ang pag-aaral ko. Alam na siguro ng mga estudyante dito na may asawa't anak na ako. Hatid sundo ba naman ako parati ni River bago siya pumasok at umuwi mula sa trabaho niya at dahil kapansin-pansin ang mamahalin niyang kotse ay palagi kaming nakaw atensyon sa labas ng Campus sa tuwing nakikita kami. K
Juancho's POV "THANKS for coming," I smiled at Ronnie na dumating dito sa bar na pagmamay-ari ng kababata at kaibigan kong si Michael. Mukhang hindi sanay si Ronnie na magpunta sa ganitong klaseng lugar and what do I expect from him? He was like a girl version of Yareli, inosente sa lahat ng bagay at sobrang bait sa mga taong nasa paligid nila kahit hindi na nila alam na niloloko at pinapaikot na pala sila. Pinaupo ko si Ronnie sa stool katabi ko at nag-aalangan ito bago tumabi sa akin. Inabutan ko siya ng drinks na in-order ko para sa kanya pero umiling siya at sinabing hindi siya iinom. "Don't be a killjoy, Ronnie. Samahan mo akong mag-inom!" I said, smiling. He sighed dahil mapilit ako at sumimsim ng kaunti sa binigay kong drinks sa kanya. "Hanggang kailan mo ba gagawin 'to, Juancho?" Ronnie said seriously dahilan para mapahinto ako. I chuckled. "Ang alin? I'm just having fun because I'm single. Bawal na ba akong uminom at magsaya?" Tiningnan niya ako mariin. "Kasal na si Ya
Third Person's POV WALA nang ibang mahihiling si Grant sa buhay niya dahil kasama niya ang pinakamamahal na babae sa iisang bubong at nalaman niyang may nararamdaman din ito para sa kanya. Wala siyang maramdamang inggit at selos kung may apat pang minamahal si Yareli dahil kapatid naman niya ang mga lalaking karibal niya sa puso nito at talagang malalapit sila sa isa't-isa simula noong mga bata pa lang sila. Kung may minsan man silang pagtatalo ay mababaw na dahilan lang iyon. Sa kabila ng ginawa nila noon kay Yareli ay pinatawad pa rin sila nito sa huli at binigyan ng pangalawang pagkakataon para makabawi sila sa mga naging kasalanan at pagkukulang nila rito maging pati na kay Hershe na anak ng kanyang panganay na kapatid na si River. Sa pinaplanong pagpapakasal ni Efraim kay Yareli sa susunod na taon kahit hindi na ito legal katulad nang kay River dahil bawal ang polygamous marriage sa Pilipinas ay nasasabik na si Grant sa oras na siya naman ang maikasal sa babaeng mahal. Sa buong
Yareli's POV MAKALIPAS ang dalawang linggo na pagtuloy namin sa San Felicidad matapos ang kasal namin ni River ay bumalik na kami sa bahay namin sa Maynila. Noong araw din ng kasal ko ay may hindi magandang nangyari sa akin na kagagawan ng kababata kong si Jestin. Matapos ang pangyayaring iyon ay nabalitaan ko na ang hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin si Jestin at nagpapagamot ito dahil sa mga natamo niyang sugat at pasa sa katawan na kagagawan ng apat na magkakapatid na Steffano. Sa hindi ko inaasahan ay biglang sumulpot sa bahay namin ang asawa ni Jestin at dala nito ang anak nilang lalaki na isang taong gulang na katulad ni baby Hershe. Humihingi ito ng tawad nang dahil sa ginawa ni Jestin sa akin. Lumuhod sa harapan ko ang asawa ni Jestin at sinabing huwag ko nang ipakulong ang asawa niya dahil wala na raw bubuhay sa anak nila kapag nangyari iyon. Itinakwil na rin daw si Jestin ng mga magulang nito dahil sa gulo at problemang dinadala nito sa pamilya nila kaya siya na lang a
Yareli's POV After 1 month... SA hiling ko ay sa San Felicidad church kami ikinasal ni River. Sa church na kung saan ay iyon na ang kinalakihan kong simbahan at dahil miyembro si Inay ng choir roon ay kilala namin ang mga pari, sakristan, madre, at ibang mga miyembro sa simbahan. Talagang pinaghandaan ng pamilya ni River ang kasal namin at sa tulong na rin nila Inay, Itay, at Kuya Yasewah. Simple lang ito at hindi magarbo. Hindi ko na maidetalye kung ano ang nangyari sa kasal namin ni River pero sa huli ay nagpalitan kami ng "I do's" at pagkatapos ay hinalikan namin ang isa't-isa sa harap ng altar. Sa dami ng pagsubok, problema, sakit, at hirap na naranasan ko ay posible pa pala na sumaya ako nang ganito. Tama nga ang naging desisyon ko na bigyan ang Steffano brothers ng pagkakataon para makabawi sa lahat ng kasalanan nila akin at maalagaan at masuportahan si baby Hershe. Ang reception ng kasal ay ginanap na lang sa bahay. Mabilis na napa-renovate ni Efraim ang bahay at mas lalo i
Yareli's POV NANDITO kami ngayon ni baby Hershe at Daddies niya sa Graduation day ni Amir. Proud na proud ako kay Amir dahil nakagraduate na siya ng kolehiyo. Pagkaakyat ni Amir sa stage para tanggapin ang diploma niya ay kaagad niya kaming tinawag ng mga kapatid niya para mag-picture taking kami. Ramdam ko na habang nasa stage kami ay halos lahat ng tao at estudyanteng grumaduate ay nakatutok sa amin. Hindi na ako magtataka dahil bukod sa may kasama akong mga naggaguwapuhan at matitipunong lalaki ay kasama pa ako at si baby Hershe. Hindi na lang namin pinansin iyon at pagkatapos magpicture taking ay bumaba na kami mula sa stage at bumalik sa puwesto namin. Kinarga ni Amir si baby Hershe na pilit inaabot ang suot niyang itim na toga. Binigay naman ito ni Amir. May mga iilang kaklase ni Amir ang bumabati sa kanya at tinatanong kung sino ang batang karga niya, sinasabi ni Amir na anak niya ito kaya nagulat doon ang mga kaklase niya at hindi raw nila akalain na may anak na ito. Napang