River's POV
NAGMAMANEHO ako papuntang San Felicidad kasama ang mga kapatid kong sila Efraim, Irvin, Grant, at ang bunsong si Amir. We need to go in San Felicidad sa utos ni Dad para dumalo sa fiesta na ginaganap roon. My Dad's brother Vicente Steffano is a Governor in that province. Ayaw man naming magpunta ay napilit pa rin kami ni Dad dahil hindi siya makaka-attend sa fiesta ng San Felicidad. He has a lot of business trips lately kasama si Mom kaya wala na kaming nagawa kundi ang sundin ang pabor nila. Ang pinsan naming si Juancho ang susundo sa amin pero ang kumag ay hindi namin macontact. Mabuti na lang at kahit papaano ay alam ko ang daan papunta sa mansyon nila dahil nakapunta na kami ni Mom ng isang beses sa San Felicidad a year ago. Dahil mahina ang signal sa probinsya na ito ay gusto ko na lang matawa kung gaano kalukot ang mukha ni Amir na mukhang busy sa paglalaro ng online games sa phone niya. "What kind of place is this? I've already lost my game because of the stupid signal here. Damn!" he cursed na ikinatawa ng katabi niya sa backseat na si Irvin. "Please be a nice human being for only one day, bro. We're doing this for our devoted parents at miss na miss na raw tayo nina Tito Vicente at Tita Josefina kaya gusto nila tayong makita," pang-aasar ni Irvin na mas lalo pang ikinalukot ng mukha ni Amir. "Hindi na tayo mga bata para ma-miss nila. I'm already 18 while you're already 21. Everything's changed at naiinis lang ako kapag nakikita ko ang pagmumukha ng mayabang na Juancho na 'yon!" Amir rolled his eyes and crossed his arms. Ka-close naming magkakapatid si Juancho puwera nga lang kay Amir. Dahil na rin siguro sa magkaedad lang sila at magkasalungat ang gusto nila sa isa't-isa ay may hindi sila pagkakaunawaan. Kapag pumupunta sila Juancho, ang mga kapatid niyang sina Vivienne at Arthuro, at sina Tito Vicente at Tita Josefina sa Maynila para dalawin sina Mom at Dad sa bahay namin ay aalis o hindi kaya ay magkukulong sa loob ng kwarto si Amir para lang iwasan si Juancho. Lumakas ang tawa nina Irvin at Grant sa reklamo ni Amir tungkol kay Juancho. "Pinsan mo pa rin 'yon kaya dapat maging mabait ka sa kanya." sabi ni Grant na pigil ang pagtawa. "Fuck you, Grant!" galit nang sabi ni Amir at walang ibang nagawa sina Grant at Irvin kundi manahimik na lang but they are still laughing silently. Napailing ako at tiningnan ang katabi ko sa front seat na si Efraim. As usual, he's still sleeping. Palagi namang inaantok ang gagong 'to at dahil summer ngayon ay wala na siyang ibang ginawa sa bahay kundi ang matulog. Nang nasa kalagitnaan na kami ng daan sa San Felicidad ay biglang huminto ang minamaneho kong kotse. Nang inistart ko ulit ang engine ay ayaw nang umandar nito. I frustratedly comb my hair dahil mukhang nasiraan pa kami. "Anyare, bro?" tanong ni Grant na busy sa paggamit ng phone niya. "Nasiraan yata tayo ng kotse. Kailangan natin ng mekaniko para maayos 'to," I sighed. "Ang hina na nga ng signal dito tapos ang malas pa natin. Nagsisisi talaga akong sumama sa inyo papunta sa probinsya na 'to!" sabi ni Amir na naiinis at napalakas ang boses kaya nagising sa pagkakatulog si Efraim dahil sa ingay niya. "What's with your rant, Amir? Can you please just be quiet for a while?! You're such an annoying brat." seryosong banta ni Efraim na ikinatahimik ni Amir. Sa aming magkakapatid ay si Efraim ang pinakaseryoso at pinakatahimik. Nakakatakot nga lang ito kapag nagalit kaya iniiwasan iyon nila Amir, Grant at Irvin. Dahil ayaw pa ring umandar ng kotse ko ay lumabas na kaming magkakapatid sa loob ng kotse at magbabakasaling makahanap ng mechanic shop para ipaayos ang kotse. Mukhang wala kaming mahahanap na mechanic shop dahil puro malawak na bukirin at iilang sari-sari store lang ang nakikita namin sa paligid. Tiningnan ko ulit ang phone ko at sinubukang tawagan si Juancho pero wala man lang bar ng signal ang phone ko kaya hindi ko siya matawagan. Napamura na ako sa sobrang inis. "What a great day for us!" nakangising sabi ni Grant at itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko lang siya sa mga pulis. Tarantado talaga! May nakita kaming isang babae at isang lalake na naglalakad malapit sa pwesto namin. Nang malapit na sila ay halos mapatulala ako nang makita ko nang malapitan ang babae. May ganito pa pala kagandang babae sa isang probinsya? She's simple yet she's very attractive. She's holding a red basket na bayong yata ang tawag at napatulala rin ito nang makita niya kaming magkakapatid. Damn! This girl is the most beautiful girl I've ever seen in my life. Walang-wala ang mga magagandang babae sa Maynila sa angking kagandahan niya. She is white as snow, matangkad siya, at may maamong mukha. Her hazelnut brown eyes, brownish hair, pointed nose, reddish lips, and perfectly shaped eyebrows and eyelashes. Damn! I can't believe she exists in this remote province. Ang mga kapatid kong sila Irvin, Grant at Amir ay natulala rin nang makita siya. I see the amusement in their eyes when they see this beautiful girl. Si Efraim ay hindi halos makatingin sa magandang babae but I saw how his cheeks blushed. "Ano pong nangyari? Nasiraan po ba kayo ng sasakyan, sir?" Nawala lang ang atensyon ko sa magandang babae nang lumapit sa amin ang lalakeng kasama niya na kamukha niya. They are good looking people. "Ah, yes. Saan ba may malapit na mechanic shop dito para mapaayos namin ang kotse ko?" tanong ko. "Ako na lang po ang mag-aayos ng kotse ninyo. Dala ko naman po ang tool kit ko dahil nagpunta rin ako sa mechanic shop kanina kasama 'tong kapatid ko." nakangiti niyang sabi at itinuro ang kapatid niyang lumapit sa puwesto namin. "Magandang araw po sa inyo," bati ng magandang babae sa aming magkakapatid at yumuko para magbow sa amin. Geez! Her voice is so soothing to hear. "Hi, I'm Grant. Nice to meet you!" Kumaway si Grant sa magandang babae at ang babae naman ay nginitian siya. "Nice to meet you rin," sabi ng babae. Siniko naman si Grant ng katabi niyang si Amir at pinandilatan ito ng mga mata. "Umaandar na naman 'yang pagka flirt mo, Grant!" singhal ni Amir. Sinapak siya ng malakas ni Grant sa braso niya na ikinasigaw ni Amir sa sakit. "You dick head! Why you hit my arm?" Amir said at akmang papatulan rin nito si Grant nang napigilan sila ni Irvin. "Huwag nga kayong mag-away! Nakakahiya naman kay Miss Ganda at nakikita niyang ganyan ang attitude niyo. Ano nga pa lang pangalan mo, miss?" sermon ni Irvin sa dalawa at saka nito nginitian ang magandang babae. "Yareli po." sagot ng babae. Yareli? That's nice and unique name. "Oh. Hi Yareli! This is my brother Efraim, Grant, Amir, River and I'm Irvin." Isa-isang pagpapakilala ni Irvin sa aming magkakapatid. Tumango si Yareli at ngumiti ulit dahilan para mabighani na naman sa ganda niya ang mga kapatid ko. This girl is something. Tinulungan kami ni Yasewah na kapatid ni Yareli para ayusin ang makina ng kotse ko. Mabilis ang kilos nito at ilang minuto lang matapos niyang ayusin ang kotse gamit ang dala niyang tool kit ay tinesting niya na ang makina at umandar na ito. Sa tuwa ko dahil naayos niya ang kotse ko ay kumuha ako ng three thousand pesos sa wallet ko at ibibigay na sana ito sa kanya nang tinanggihan niya ito. "Hindi n'yo na po ako kailangang bayaran, sir. Ang mahalaga lang po ang ay ang makatulong ako sa inyo." sabi ni Yasewah. This guy is well mannered like Yareli at ngayon lang ako nakaencounter ng tao na tinanggihan ang pera. I know that this guy and his sister are not very wealthy dahil sa simpleng mga suot nito but they are not greedy for money at mas humanga pa ako sa kanila. Ako na mismo ang naglagay ng three thousand pesos sa kamay ni Yasewah at isinara ang palad niya. "Just keep that. Pantulong mo na rin 'yan sa pamilya ninyo." I said. "Pero, Sir--" "Sige na. Kunin mo na 'yan." I smiled at him and to Yareli. Bago pa ako matulala ulit sa ganda ni Yareli ay mabilis akong bumaling sa kapatid niya. "Sige na nga po at tatanggapin ko na ito. Salamat at malaking tulong na ito sa pamilya namin." sabi ni Yasewah nang nakangiti. Lumapit si Grant sa kanya at inakbayan siya. "No problem brad, pero dapat ay ipakilala mo kami diyan sa maganda mong kapatid." sabi nito. Kaagad piningot ni Amir ang tenga ni Grant at nagsimula na naman silang magtalo. "Arayyy! P*cha, Amir! Bakit mo 'ko piningot? Hihiwalay tenga ko sa'yo, e!" reklamo ni Grant habang hinihimas ang tenga niyang piningot ni Amir. "Nilalandi mo na kasi si Yareli. Mahiya ka nga, playboy!" sabi ni Amir at pinaikutan ng mata si Grant. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Yareli at nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay bigla siyang huminto sa pagtawa at namula ang buong mukha niya. She's so cute when she's shy. How adorable. "Maraming salamat po ulit dito sa perang ibinigay ninyo sa akin, sir." pasasalamat ni Yasewah sa akin. "Huwag mo na akong i-po at tawaging sir, Yasewah. Mukhang magkaedad lang tayo. Tawagin mo nalang akong River." sabi ko at nginitian siya. "Sige, River." nahihiya niyang sabi. "River!" Napalingon kami sa nagsalita at nakita namin si Juancho na nakadungaw sa bintana ng sports car niya habang nagmamaneho papalapit sa amin. Nang huminto siya sa tapat namin ay kaagad na siyang bumaba mula sa sports car niya. Nang mapansin niya si Yareli ay nagulat siya nang makita ito. Si Yasewah naman ay biglang sumama ang tingin kay Juancho at kaagad hinila sa braso ng kapatid niya. "Aalis na kami, River. Paalam sa inyo." Yasewah said. Tumango ako hanggang sa naglakad na sila papaalis habang hila-hila si Yareli na parang biglang natuliro nang makita si Juancho. "Y-You know them?" Juancho asked me at napansin ko na para siyang kabado. "Tinulungan lang nila kami na ayusin 'tong kotse ko. Hindi kita macontact since ang hina ng signal dito sa probinsya n'yo." sabi ko at tinitigan siya ng mariin. Si Amir ay kaagad nang pumasok sa loob ng kotse nang makita si Juancho, samantalang si Efraim ay nakaupo na sa gilid ng kalsada habang naninigarilyo. Sina Grant at Irvin naman ay parehong inakbayan si Juancho. "Sorry about that. Magpapatayo na si Dad ng cellular site next month kaya lalakas na rin ang signal dito sa San Felicidad." sabi ni Juancho. "Insan, kilala mo ba 'yong magandang babae kanina na si Yareli? No offense pero mas maganda pa 'yon kaysa sa bagong girlfriend mo na nakikita kong pinopost mo sa F******k." sabi ni Grant na ikinatawa rin ni Irvin. Kumunot ang noo ni Juancho sa kanila. "May gano'n pa pa lang kagandang babae na nabubuhay sa mundong 'to? At dito lang pala namin siya makikita sa San Felicidad," sabi ni Irvin nang nakangisi. "I-I don't know her, and what are you guys saying? That girl is poor and old-fashioned!" tumawa nang sarkastiko si Juancho matapos sabihin iyon. I didn't like what he said to Yareli, which is why I glared at him. "Don't insult Yareli again. Maybe she and her family are poor, but they are kind-hearted people. Sa oras na insultuhin mo pa ulit siya, kahit pinsan pa kita ay masasaktan kita." mariin kong sabi na ikinabigla ni Juancho. "Wait, River? Are you defending her than me na pinsan mo? Hindi siya nababagay sa inyo dahil mahirap lang sila ng pamilya niya-" "No wonder why you can't find a good and decent woman, Juancho. You always seem to want a cheap, wealthy woman here in this province." Umiiling na sabi ni Efraim at tinapakan ang upos ng sigarilyo niya sa sahig. Tumayo ito sa pagkakaupo sa kalsada at pumasok na sa loob ng kotse ko. Tinapik naman pareho nina Grant at Irvin ang balikat ni Juancho at pagkatapos ay pumasok na rin sila sa loob ng kotse. "We need to go," sabi ko. Juancho nodded at nauna na akong maglakad papasok sa loob ng kotse ko. Pumasok na rin si Juancho sa sports car niya at sinundan na lang namin ang direksyon niya nang umandar na ito. While I'm driving ay hindi ko mapigilan kanina ang inis ko sa mga sinabi ni Juancho tungkol kay Yareli. Hindi ko alam pero ayaw ko nang iniinsulto niya si Yareli dahil lang sa estado ng buhay nito. Mabuti na lang at napigilan ko lang kaninang hindi suntukin sa mukha ang lalakeng 'yon. Shit! "I think we're all mesmerized by Yareli," biglang sabi ni Irvin. "You're right. Hindi ko na yata malilimutan ang magandang mukha niya hanggang sa pagtulog ko." nakangiting sabi ni Grant at sumandal sa inuupuan niya. "Okay. I admit she's pretty," kibit-balikat na sabi ni Amir. "Tsk!" tanging sinabi ni Efraim. Yareli, what did you do to us? Bakit bigla na lang kaming naging interesado sa'yo?Yareli's POV After 2 years... "CAN I sit here?" Tumigin ako sa biglang umupo sa bakanteng table sa harapan kung saan ako nakaupo. Si Craig Villaforta ito, ang kaklase ko sa iilang major subjects namin at ang Campus Heartthrob na kinahuhumalingan at kinababaliwan ng mga babaeng estudyante sa university namin. Tumango ako sa sinabi ni Craig dahil paano pa ako makakatanggi sa kanya e, umupo na siya? Nag-aaral ako sa St. Joseph University sa Ermita, Manila at muli kong ipinagpatuloy ang kurso kong Bachelor of Secondary Education. Matapos kong manganak sa anak kong lalaki na si baby Hezekiah na anak namin ni Efraim at maikasal kay Efraim dalawang taon na ang lumipas ay pinagpatuloy ko na ang pag-aaral ko. Alam na siguro ng mga estudyante dito na may asawa't anak na ako. Hatid sundo ba naman ako parati ni River bago siya pumasok at umuwi mula sa trabaho niya at dahil kapansin-pansin ang mamahalin niyang kotse ay palagi kaming nakaw atensyon sa labas ng Campus sa tuwing nakikita kami. K
Juancho's POV "THANKS for coming," I smiled at Ronnie na dumating dito sa bar na pagmamay-ari ng kababata at kaibigan kong si Michael. Mukhang hindi sanay si Ronnie na magpunta sa ganitong klaseng lugar and what do I expect from him? He was like a girl version of Yareli, inosente sa lahat ng bagay at sobrang bait sa mga taong nasa paligid nila kahit hindi na nila alam na niloloko at pinapaikot na pala sila. Pinaupo ko si Ronnie sa stool katabi ko at nag-aalangan ito bago tumabi sa akin. Inabutan ko siya ng drinks na in-order ko para sa kanya pero umiling siya at sinabing hindi siya iinom. "Don't be a killjoy, Ronnie. Samahan mo akong mag-inom!" I said, smiling. He sighed dahil mapilit ako at sumimsim ng kaunti sa binigay kong drinks sa kanya. "Hanggang kailan mo ba gagawin 'to, Juancho?" Ronnie said seriously dahilan para mapahinto ako. I chuckled. "Ang alin? I'm just having fun because I'm single. Bawal na ba akong uminom at magsaya?" Tiningnan niya ako mariin. "Kasal na si Ya
Third Person's POV WALA nang ibang mahihiling si Grant sa buhay niya dahil kasama niya ang pinakamamahal na babae sa iisang bubong at nalaman niyang may nararamdaman din ito para sa kanya. Wala siyang maramdamang inggit at selos kung may apat pang minamahal si Yareli dahil kapatid naman niya ang mga lalaking karibal niya sa puso nito at talagang malalapit sila sa isa't-isa simula noong mga bata pa lang sila. Kung may minsan man silang pagtatalo ay mababaw na dahilan lang iyon. Sa kabila ng ginawa nila noon kay Yareli ay pinatawad pa rin sila nito sa huli at binigyan ng pangalawang pagkakataon para makabawi sila sa mga naging kasalanan at pagkukulang nila rito maging pati na kay Hershe na anak ng kanyang panganay na kapatid na si River. Sa pinaplanong pagpapakasal ni Efraim kay Yareli sa susunod na taon kahit hindi na ito legal katulad nang kay River dahil bawal ang polygamous marriage sa Pilipinas ay nasasabik na si Grant sa oras na siya naman ang maikasal sa babaeng mahal. Sa buong
Yareli's POV MAKALIPAS ang dalawang linggo na pagtuloy namin sa San Felicidad matapos ang kasal namin ni River ay bumalik na kami sa bahay namin sa Maynila. Noong araw din ng kasal ko ay may hindi magandang nangyari sa akin na kagagawan ng kababata kong si Jestin. Matapos ang pangyayaring iyon ay nabalitaan ko na ang hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin si Jestin at nagpapagamot ito dahil sa mga natamo niyang sugat at pasa sa katawan na kagagawan ng apat na magkakapatid na Steffano. Sa hindi ko inaasahan ay biglang sumulpot sa bahay namin ang asawa ni Jestin at dala nito ang anak nilang lalaki na isang taong gulang na katulad ni baby Hershe. Humihingi ito ng tawad nang dahil sa ginawa ni Jestin sa akin. Lumuhod sa harapan ko ang asawa ni Jestin at sinabing huwag ko nang ipakulong ang asawa niya dahil wala na raw bubuhay sa anak nila kapag nangyari iyon. Itinakwil na rin daw si Jestin ng mga magulang nito dahil sa gulo at problemang dinadala nito sa pamilya nila kaya siya na lang a
Yareli's POV After 1 month... SA hiling ko ay sa San Felicidad church kami ikinasal ni River. Sa church na kung saan ay iyon na ang kinalakihan kong simbahan at dahil miyembro si Inay ng choir roon ay kilala namin ang mga pari, sakristan, madre, at ibang mga miyembro sa simbahan. Talagang pinaghandaan ng pamilya ni River ang kasal namin at sa tulong na rin nila Inay, Itay, at Kuya Yasewah. Simple lang ito at hindi magarbo. Hindi ko na maidetalye kung ano ang nangyari sa kasal namin ni River pero sa huli ay nagpalitan kami ng "I do's" at pagkatapos ay hinalikan namin ang isa't-isa sa harap ng altar. Sa dami ng pagsubok, problema, sakit, at hirap na naranasan ko ay posible pa pala na sumaya ako nang ganito. Tama nga ang naging desisyon ko na bigyan ang Steffano brothers ng pagkakataon para makabawi sa lahat ng kasalanan nila akin at maalagaan at masuportahan si baby Hershe. Ang reception ng kasal ay ginanap na lang sa bahay. Mabilis na napa-renovate ni Efraim ang bahay at mas lalo i
Yareli's POV NANDITO kami ngayon ni baby Hershe at Daddies niya sa Graduation day ni Amir. Proud na proud ako kay Amir dahil nakagraduate na siya ng kolehiyo. Pagkaakyat ni Amir sa stage para tanggapin ang diploma niya ay kaagad niya kaming tinawag ng mga kapatid niya para mag-picture taking kami. Ramdam ko na habang nasa stage kami ay halos lahat ng tao at estudyanteng grumaduate ay nakatutok sa amin. Hindi na ako magtataka dahil bukod sa may kasama akong mga naggaguwapuhan at matitipunong lalaki ay kasama pa ako at si baby Hershe. Hindi na lang namin pinansin iyon at pagkatapos magpicture taking ay bumaba na kami mula sa stage at bumalik sa puwesto namin. Kinarga ni Amir si baby Hershe na pilit inaabot ang suot niyang itim na toga. Binigay naman ito ni Amir. May mga iilang kaklase ni Amir ang bumabati sa kanya at tinatanong kung sino ang batang karga niya, sinasabi ni Amir na anak niya ito kaya nagulat doon ang mga kaklase niya at hindi raw nila akalain na may anak na ito. Napang