Share

Chapter 9

YARELI'S POV

Kaarawan ngayon ni Kuya Yasewah kaya busy kaming dalawa ni Inay na magluto ng mga simpleng handa niya katulad ng pancit bihon, biko, inihaw na bangus, adobong manok at sinigang na isda. Kahit hindi gaanong marami ang mga handa namin ay pinag-ipunan at talagang pinaghandaan namin ito ni Inay para kay kuya.

Ngayong araw ay 24 na taong gulang na si Kuya Yasewah. Pansamantala muna siyang nagleave ng isang araw sa trabaho niya bilang isang mekaniko sa bayan ng San Felicidad para sa kanyang kaarawan.

Wala pa itong nagiging girlfriend kahit sa pagkakaalam ko ay may mga babae namang nagkakagusto sa kanya. Hindi na rin ako magtataka kung bakit single pa rin hanggang ngayon si Kuya Yasewah dahil talagang workaholic ito at wala na rin oras para sa buhay pag-ibig niya. Masyado itong responsable para sa aming pamilya at ang kapakanan lang namin palagi ang iniisip niya.

Kaya mas lalo akong nagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral dahil si Kuya Yasewah ang nagpapaaral sa akin. Undergra
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status