Home / Romance / Step Daddy, I'm Wet... Punish me / Chapter 2 – Step Father

Share

Chapter 2 – Step Father

Author: Heln
last update publish date: 2025-12-09 10:45:28

Cassandra

One Year Ago…

Magkasama kami ni mama na tumatakbo papunta sa hospital dahil kasama raw si papa sa mga dinalang pasyente mula sa isang malaking car accident sa Edsa.

Nang makarating kami ay sa morgue na kami ng hospital pinatuloy kaya alam na namin wala na ito.

“Luis!” sigaw ni mama habang niyayakap ang wala ng buhay na katawan ni papa.

Ako naman ay halos matumba sa sahig dahil sa manghihina. Tinulungan pa ako ng ilang nurse at mga ibang tao na naroon rin at nag-iiyakan.

Napuno ng hagulgulan ang buong morgue ng mga kapamilya ng mga nasawi, nasa isang dosena rin siguro ang bangkay na naroon.

Hindi ko na alintanan na mabahiran ng dugo ang puti kong uniform habang nakakapit sa ulo ni papa na halos hindi na makilala.

Dumating naman ang mga pulis at nagbigay ng statement, “Nahuli na ang lasing na driver ng Van pero…”

“Pero ano?” tanong ng isa na naroon.

Napailing ang pulis saka muling nagsalita, “Kaso ay nakapag piyansa dahil anak pala ni congressman.”

Napalitan ng galit ang kanina ay iyakan. Ano ba ang laban namin sa anak ng isang mayaman na pulitiko? Lalo na at nasa bansa kaming talo ng mayaman ang mahirap pagdating sa hustisya.

“Ano ngayon? Papalayin ninyo nalang? Paano naman kaming mga namatayan?” umiiyak kong sigaw.

Nasa last year na ako sa kurso kong Physical Theraphy at sigurado ko na my posibilidad na mahinto ako sa pag-aaral dahil si papa lang naman ang nagtatrabaho sa amin.

Bago pa makasagot ang pulis ay may dumating na abogado at ilan pang mga pulis. Mayroon pang bodyguard na ng tignan ko ay nakauniform na may tatak ng congressman.

“Ako si Attorney Julius Samonte, ang abogado ni Carl Ledesma, kinakalungkot namin ang balitang nangyari pero sinisiguro ni Congressman Arthur Ledesma na bibigyan tulong pinasyal ang lahat ng naapektuhan. Sasagutin ang pagpapalibing at magbibigay ng cash benefits na 100,000 bawat pamilya. Si Carl po ay menor de edad, 16 palang siya kaya hindi siya makakasuhan. Siya po ay dadalhin na sa amerika upang doon ipagamot dahil na trauma rin ang bata.”

Galit akong tumakbo sa harap kaya agad humarang ang mga body guard at ilang pulis pero hindi ako nagpadaig.

“100,000? Iyon lang ba ang halaga ng papa ko? Nawalan ako ng ama, yung iba dito nawalan ng ina! Nang anak! Nang asawa! Nang kapatid! Tapos sasabihin ninyo ay dinala na sa amerika ang demonyong pumatay sa mga mahal namin dahil na trauma? Kami? Anong palagay ninyo sa amin? Habambuhay rin naming itong dadalgin!” sigaw ko na pinilit pinipigilan ang luha pero bigo ako at parang bukal na patuloy sa pag-agos.

Napatango naman ang abogado saka muling nagsalita, “Naiintindihan ko pero sabi ko nga ay hindi naman tumakas sa anumang responsibilidad ang pamilya ni Congressman. Dapat ay magpasalamat pa nga kayo dahil wala na kayong gastos sa pagpapalibing, Yung 100,000 naman na pera ay gamitin ninyo sa pagsisimula ng negosyo. Hindi na ‘yun masama.”

Gusto ko pa sana sumagot pero umalis na ito kasama ng iba pang pulis at body guard, bumalik ako sa tabi ni mama na tulala pa rin.

Isang araw lang ay sabay sabay inilibing ang mga bangkay sa isang pampublikong sementeryo, at ibinigay ang pera kasama ang isang kasunduan papel na pinapirmahan na hindi na kami magrereklamo o mag sasampa ng kaso.

Wala na kaming nagawa dahil parang sapilitan ang ginawa pagpirma saka kami pinakawalan ng mga pulis.

Pag-uwi sa inuupahang apartment ay nagulat kami na naroon ang mayaman pero sakim na kasera namin na si Madam Ruiz, “Nabalitaan ko na namatay na si Luis, ang ibig lang sabihin ay hindi na kayo makakabayad pa. Kaya may isang buwan kayo para maghanap ng malilipatan.”

Parang sumabog naman na si mama siguro ay dala ng galit at lungkot sa mga nangyayari ay dinuro nito si Madam Ruiz at sinigawan, “Sobrang gahaman mo naman! Ni minsan ay hindi naman kami nahuli sa bayad! Maski wala na si Luis ay magtatrabaho ako! Napaka ganid mo sa perang matanda ka!”

Hindi naman nagpatalo si Madam Ruiz dahil napahiya sa mga tao kaya agad nitong kinuha ang susi, “Gahaman pala! Pwes! Lumayas na kayo ngayon rin!”

Pinigil ko na si mama dahil baka magkasakitan pa at makulong siya, may asawang pulis si Madam Ruiz kaya mayabang ito. Akala mo ay hawak ang batas.

Sa isang mumurahing motel kami tumuloy habang wala pang nakukuhang bagong apartment na matitirhan.

Mabilis naubos ang 100,000 kaya nagsimula kami parehong maghanap ng trabaho. Huminto muna ako sa pag-aaral para maging cashier sa isang convenience store habang janitor naman si mama sa isang restaurant.

Pero dahil sa maliit ang sahod ay kulang ito para sa amin. Sa halos pitong buwan namin na pagtatrabaho ay wala pa rin ipon at hindi sapat sa araw-araw na gastusin kaya ipinasya ni mama na mag abroad para maging domestic helper.

Ayoko sanang maiwan mag-isa pero dahil ito lang ang paraan para makapag-aral akong muli ay wala akong nagawa.

“Anak, mag-iipon lang tayo, isang taon lang. Kapag nakatapos ka ng nursing ay uuwi na ako.”

Iyong ang huling sinabi ni mama bago kami nagkahiwalay. Sobrang alala ko dahil isang buwan na ang lumipas ay wala itong tawag o text man lang. Wala itong padala na pera kaya hindi pa rin ako nakapag patuloy sa pag-aaral at nagtatiyaga sa kinikita sa pagca-cashier.

Halos kalampagin ko ang agency para alamin kung buhay pa ba ang mama ko. Puro sinasabi naman na nasa maayos ito pero hindi ako naniniwala.

Nang paglipas ng 3 buwan ay bigla umuwi si mama, maayos ang damit nito at nagmukhang mayaman pero ang ikinagulat ko ay ng may kasama itong matandang lalake. Naka wheelchair at mukhang mahina.

“Anak, sorry at hindi ako nakatawag man lang sa iyo. Inabuso kasi ako nung nauna kong employer. Sinasaktan at hindi ako pinapakain. Mabuti at nailigtas ako kaso ay hindi ko na nabalikan ang gamit ko. Maski cellphone kaya hindi ako nakatawag. Siya nga pala si si Don George Elizalde, siya ang kumupkop sa akin… Siya rin ang fiancé ko. Siya ang magiging step father mo.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Step Daddy, I'm Wet... Punish me   Chapter 36 – Starting All Over Again

    ElenaPagpasok ko sa maliit at mumurahing motel na nakuha ko, parang biglang bumagsak lahat ng pagod sa katawan ko. Mabaho ng konti ang kwarto, may amoy na halo ng sigarilyo at lumang tela, at yung ilaw sa kisame parang mahina na rin. Hindi ito yung nakasanayan kong lugar, hindi ito yung buhay na gusto ko… pero wala na akong choice.Ibinagsak ko ang bag ko sa kama at umupo ako sa gilid. Tahimik. Sobrang tahimik. Wala si Mark, wala ang ingay ng casino, wala ang luho na nakasanayan ko nitong mga nakaraang linggo. Ako lang… at ang mga maling desisyon ko.Napahawak ako sa noo ko at napapikit. “Paano ba ako napunta dito…” bulong ko sa sarili ko.Unti-unti, pumasok sa isip ko si George.Bigla akong natahimik.Bakit nga ba?Bakit ko pa siya niloko?Kung iisipin ko, nasa kanya na lahat. May pera, may respeto, maayos ang buhay, at higit sa lahat… binigyan niya ako ng pagkakataon. Hindi naman ako pinabayaan. Hindi naman niya ako sinaktan.At ako?Niloko ko siya. Ninakawan ko pa.Napatawa ako ng

  • Step Daddy, I'm Wet... Punish me   Chapter 35 – How about us?

    CASSANDRAPagdating ko sa mansion ay napahinga ako ng maluwag nang malaman ko na wala roon sina Madam Sonya, Gigi, at Gabriel. Sabi ng isa sa mga katulong, sinamahan daw nila si Gigi sa check up. Para akong nabunutan ng tinik dahil kahit papaano, may konting katahimikan sa loob ng bahay. Hindi ko muna kailangan harapin ang mga mata nilang puno ng duda at galit.Agad akong dumiretso sa loob at hinanap si Don George. Nakita ko siya sa sala, may hawak na tablet at mukhang may binabasa pero halata sa mukha niya na hindi siya ganun ka-focus. Parang may iniisip din.“Don George…” tawag ko.Napatingin siya sa akin at agad nagbago ang expression niya. “Cassandra, you’re back.”Tumango ako at medyo nag-alangan bago nagsalita ulit. “Pwede ba tayo mag usap tayo?”Hindi na siya nagtanong pa. Tumayo siya agad at tumango. “Let’s go to my room.”Habang naglalakad kami papunta sa kwarto niya, mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan yung sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung h

  • Step Daddy, I'm Wet... Punish me   Chapter 34 – Legal Wife

    CASSANDRAHindi pa man ako nakakabawi sa sinabi niya, bigla na lang tumulo ang luha ni Mama. Parang pagod na pagod na siya sa lahat, parang gusto na niyang sumuko pero wala siyang choice.“Anak…” mahina niyang sabi habang hawak ang kamay ko. “Nagsisisi na ko… gusto ko nang balikan si George.”Para akong nabingi sa narinig ko. Hindi ako agad nakasagot. Nakatingin lang ako sa kanya habang pilit iniintindi yung sinabi niya. Sa dami ng nangyari, sa lahat ng ginawa niya… ganun lang? Gusto niya bumalik?Napayuko ako at napahinga ng malalim. Hindi ko alam kung anong uunahin ko—yung galit ko o yung awa ko sa kanya. Kasi kahit anong mangyari… nanay ko pa rin siya.“Ma…” mahina kong sabi, pilit kinakalma ang sarili ko. “Hindi ganun kadali yun.”Tumingin siya sa akin, “Bakit hindi? Asawa niya pa rin ako, anak. May karapatan ako bumalik.”Wala siyang idea kung gaano na kagulo ang sitwasyon sa mansion. Kung gaano ka-komplikado ang lahat, lalo na… kaming dalawa ni Don George.“Ma, listen… Nandun ng

  • Step Daddy, I'm Wet... Punish me   Chapter 33 – Trapped

    CASSANDRAGulat akong napatingin kay Gigi nang bigla siyang sumigaw at umiyak sa harap ko, parang takot na takot na naman siya sa akin.“Cassandra! Huwag mo akong saktan!” sigaw niya habang nanginginig ang boses.Napaatras ako dahil sa lakas ng boses niya, pero bago pa ako makapagsalita, saglit na nagtagpo ang mata namin… at doon ko nakita.Ngumisi siya.Sandali lang mga isang segundo pero sapat na para maintindihan ko ang lahat. Nanlambot ang tuhod ko habang nakatayo ako sa hallway.Alam ko na ngayon. Lahat ng ginagawa niya… sinasadya niya. Lahat ng iyak, lahat ng takot, lahat ng drama ayhindi totoo.Pero anong laban ko? Anak siya ni Don George.At ako?Ano nga ba ako?Anak ng bagong asawa niya… na wala naman dito. At higit sa lahat, ako yung babaeng lihim niyang niyayakap, hinawakan, hinalikan… at pinasok sa isang relasyon na alam naming pareho na bawal.Napapikit ako sandali habang naririnig ko ang iyak ni Gigi at ang boses ni Don George na nag-aalala.“Gigi, calm down,” sabi niya,

  • Step Daddy, I'm Wet... Punish me   Chapter 32 – Evil Sister

    GIGIPagdating namin sa mansion, naka-wheelchair pa rin ako kahit kaya ko naman talagang maglakad kung gugustuhin ko. Pero syempre, hindi pwedeng mawala ang drama. Kailangan tuloy-tuloy ang acting hanggang makuha namin ang gusto namin. Hinayaan kong itulak ako ni Gabriel papasok habang si Mom naman ay nasa tabi ko.Pagpasok pa lang namin sa loob, nakita ko agad si Cassandra na nasa sala. Parang nagulat siya nang makita ako, lalo na sa itsura ko na may benda pa sa kamay at paa.Huminga ako ng malalim, tapos bigla kong hinigpitan ang hawak ko sa braso ng wheelchair. Pinilit kong manginig ang katawan ko habang nakatingin sa kanya.“Don’t… don’t let her come near me…” sabi ko, nanginginig ang boses ko. Ramdam ko agad ang atensyon ng lahat na napunta sa akin.Bigla akong napaiyak, “Dad… please…” dagdag ko, sabay hawak sa kanya nang mahigpit. “Papatayin ako ni Cassandra…”Agad namang tumigas ang mukha ni Dad. Kita ko yung pag-aalala sa mata niya, pero may halo rin na pagkalito. Good. Yun an

  • Step Daddy, I'm Wet... Punish me   Chapter 31 – Deal or War

    SonyaTinitigan ko si George ramdam ko na umiinit ang ulo niya sa mga sinabi ko kanina. Pero wala na akong pakialam kung magalit siya. Hindi ako nandito para makiusap lang. Nandito ako para kunin kung ano ang dapat sa amin.“George,” sabi ko, diretso sa kanya ang tingin ko, “I will not file a case against Cassandra… as long as papaya ka sa condition namin ng mga anak mo.”Napansin kong bahagyang kumunot ang noo niya, parang nagtataka, “Ano yun?” tanong niya.Ngumiti ako, “Starting today, kami ni Gigi at Gabriel will stay permanently. Sa mansion mo.”Kitang kita ko ang gulat sa mukha niya. Para siyang natigilan saglit, parang hindi agad nag-process ang sinabi ko.“What?” sabi niya, halatang hindi makapaniwala. “Are you serious?”Hindi ako umatras. “Yes. Very serious.”Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Cassandra. Nakayuko lang siya, hindi makatingin kahit kanino. Tahimik, parang walang lakas magsalita. Pero lalo lang akong napangisi sa loob ko.Good. Ganyan ka dapat. Hindi pwedeng mag r

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status